공유

CHAPTER 262

작가: dyowanabi
last update 최신 업데이트: 2025-11-04 10:57:46

THOR’S POV:

Napapatingin siya sa kanyang rearview mirror habang nagda-drive. Tulog na tulog pa rin si Crystal. Hindi nila alam kung anong klaseng gamot ang pinainom nina Asia at Ruby dito kaya hindi pa rin nagigising.

Ngayong wala na si Duncan na nakaharang sa landas niya, magiging masaya na sila ni Crystal. Ang gagawin niya lang ay ipapakita ang pagmamahal niya sa dalaga. Alam niyang magiging mahirap sa una dahil si Duncan nga ang mahal nito, pero kapag natanggap nitong patay na si Duncan at siya ang palaging naroon sa tabi nito, ay matutunan din siya nitong mahalin.

Binilisan na niya ang pagda-drive at dinala si Crystal sa kanyang condo. Doon niya itatago ang babae habang iniisip ang paraan kung paano ipapaliwanag sa lahat kung bakit nawawala si Duncan. Ang alam nina Loraine at Jessica, pati na rin ng mga pulis, ay magkasama sila.

Pagdating sa condo ay pinahiga niya si Crystal sa kama.

Umungol ito ng mahina.

“Crystal? Crystal, gising ka na?”

“N-nasaan ako?”

“Andito ka sa condo ko. D
이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
잠긴 챕터
댓글 (9)
goodnovel comment avatar
Shiela Siasat Cort
pa update naman author.
goodnovel comment avatar
Harlette Cordez
Wala pa rin update,ilang araw na dyowanabi,baka naman
goodnovel comment avatar
Teresa Degoro
update n pls...
댓글 모두 보기

최신 챕터

  • IRREPLACEABLE - MY CEO BOSS IS MY LOVER BOOK 2 (THE NEW GEN)   CHAPTER 268

    “Y-yeah. Medyo sumakit lang ang ulo ko…”“Wag mo muna pilitin na makaalala, baka makasama pa sa’yo.” nag-aalalang sabi nya saka tinulungang makahiga ng maayos si Duncan.Tumango si Duncan pero halatang may malalim na iniisip.“Babe, CR lang ako ha. Sandali lang ako,” paalam niya kay Duncan.Sila lang dalawa doon. Nagbisita na ang daddy nito kanina pero babalik daw mamaya.Pagpasok niya ng CR ay narinig niyang bumukas ang pinto sa main door at may pumasok. Iniisip niya na nurse o doctor lang para tingnan si Duncan.Mabilis niyang tinapos ang pag-ihi dahil may itatanong siya sa doctor.Paglabas niya ng banyo ay ganoon na lang ang pagkagulat niya nang makitang isang lalaking naka-damit doctor pero may hawak na kutsilyo at akmang sasaksakin si Duncan.“Sino ka???” malakas na sigaw nyaNapatingin sa kanya ang lalaki kung kaya’t natuliro ito at nabitawan ang kutsilyo.Walang malay si Duncan, na malamang pinaamoy ng panyong may gamot dahil nakita niyang may panyo sa tabi ng ulo nito.“Tulong

  • IRREPLACEABLE - MY CEO BOSS IS MY LOVER BOOK 2 (THE NEW GEN)   CHAPTER 267

    Nagdaan pa ang mga araw ay unti-unti nang lumalakas si Duncan pero hindi pa din ito nakakaalala. Andoon lang siya palagi sa tabi nito at ang nag-aalaga. Sabi naman ng doctor ay kapag makita nito palagi ang mga taong importante sa buhay nito ay madali nitong maalala ang nakaraan.“Kain ka pa, babe...” sambit niya saka ibinigay ang pinagbalatan na orange.Ngumiti si Duncan sa kanya, kahit hindi siya nito kilala, at least mabait ito sa kanya.“Hindi mo pa din ba ako naaalala?” pasimpleng tanong niya.“Hindi pa… pero kung sinasabi nila na girlfriend kita ay napakaswerte ko naman.” malanding sabi nito sabay tingin sa kanya na parang hinuhubaran siya. “Hihihi… bolero! Alam mo ba na isa kang abogado na bolero? Kaya mo ako napasagot dahil sa matamis mong dila?”Ngumisi si Duncan. “Talaga ba?”“So how’s my tongue taste like? Matamis din ba?”Namula siya sa biro ni Duncan pero sinakyan niya ang biro nito.“Hindi ko sasabihin hangga’t hindi ka maka-alala…”“Damn! Baka naman bumalik na ang alaal

  • IRREPLACEABLE - MY CEO BOSS IS MY LOVER BOOK 2 (THE NEW GEN)   CHAPTER 266

    “S-sino ka?” tanong ni Duncan kay Thor.“Ako ‘to, si Thor... pinsan mo, Duncan... Magpinsan tayo.”Tahimik lang si Duncan, tinitigan si Thor na para bang sinusubukang alalahanin ang mukha nito. “I-ikaw... parang nakita na kita...”Nakita niya na nag-iba ang mukha ni Thor.“O-oo, matagal tayong magkasama. Magpinsan nga tayo, diba?”“T-Thor…” ulit ni Duncan sa paos na boses. “Ikaw… bakit…?”“B-bakit ano, bro?” mabilis na tanong ni Thor, pero halatang kabado.“B-bakit... ikaw ‘yung... huling nakita ko?…”“Anong ibig mong sabihin, babe?” tanong niya pero hindi ito sumagot.“Ah, b-baka dahil magkasama nga tayo bago siya na-disgrasya, diba?” mabilis na paliwanag ni Thor.“S-siguro,” pagsang-ayon niya.Hindi na nagsalita pa si Duncan at muling tumingin sa kawalan. Maya-maya ay pinikit nito ang mga mata. Nakatulog ulit si Duncan.“Let him rest. Kailangan pa niyang palakasin ang kanyang katawan. Huwag muna nating siyang biglain makaalala, Miss Crystal. Baka lalo siyang ma-stress,” paliwanag ng

  • IRREPLACEABLE - MY CEO BOSS IS MY LOVER BOOK 2 (THE NEW GEN)   CHAPTER 265

    Lumipas ang mga araw at nailipat na rin si Duncan sa private room, pero wala pa rin itong malay. Araw-araw ay binabantayan niya ang nobyo. Hindi siya umaalis kahit sabihin pa nila Jessica at Loraine na kailangan niya ring magpahinga. Paano siya makakapahinga kung ang taong mahal niya ay hindi pa nagigising? Nakapagbisita na rin ang mommy at daddy niya doon. Dinadalhan lang siya ng mga gamit niyang pamalit. Hindi naman siya mapipilit ng mga ito kung ayaw niyang umuwi. Sila lang dalawa ni Duncan sa araw na iyon. Maingat niyang hinaplos ang kamay nito. “Duncan, please... gumising ka na,” bulong niya habang pinipigilan ang luha. “Ang tagal mo nang natutulog... miss na miss na kita.” Napatingin siya sa pinto nang pumasok si Thor. “Crystal, magpahinga ka muna. Ako muna ang magbabantay,” may dala itong paper bag ng pagkain. “Hindi ka pa rin kumakain, diba?”Umiling siya. “Ayokong umalis. Baka sakaling magising siya habang wala ako.” Huminga nang malalim si Thor. “Crystal, ilang araw ka

  • IRREPLACEABLE - MY CEO BOSS IS MY LOVER BOOK 2 (THE NEW GEN)   CHAPTER 264

    CRYSTAL'S POV:Hindi niya mapigilan ang umiyak habang nakatingin kay Duncan na puno ng tubo sa katawan. Ang sabi ni Thor ay magkasama daw silang tatlo ng hinarang ng mga tauhan ni Asia at Ruby. Pero si Duncan lang ang sinaktan.Bakit ganun? May pagkakataon na ang mga tauhan na makuha siya dahil wala siyang malay nun. Ilang beses ba naman siya turukan ni Asia ng pampatulog. Sa tuwing magigising siya ay tinuturukan agad siya kaya ganoon na lang na hindi siya magising.Maya-maya ay lumapit si Thor sa kanya. Inakbayan siya nito. Inihilig niya ang kanyang ulo sa dibdib nito. Pakiramdam niya ay pagod na pagod siya.“Thanks, Thor. Thank you sa pagligtas mo sa akin.”“Its okay, Crystal. Gagawin ko ang lahat para sa’yo. Kung ano man ang mangyari kay Duncan ay andito lang ako palagi. Huwag mong kalimutan ‘yan.”Tumango siya pero pilit niyang iwinawaksi sa kanyang isip na may mangyayari kay Duncan. Walang mangyayari kay Duncan! Mabubuhay ito at magsasama sila ng matagal... magpapakasal sila at m

  • IRREPLACEABLE - MY CEO BOSS IS MY LOVER BOOK 2 (THE NEW GEN)   CHAPTER 263

    Pagdating nila sa ospital ay agad tumakbo si Crystal papasok sa loob ng emergency room. Sumunod siya, pilit pinapanatiling kalmado ang sarili kahit pakiramdam niya ay kumakabog ang dibdib niya sa kaba.Nakita nila sina Jessica, Loraine, at ang ama ni Duncan na si Tito Ricardo sa labas ng ICU. Nakaupo ito sa bangko, hawak ang ulo, halatang pagod at nag-aalala. Nang makita sila ni Crystal ay agad itong tumayo.“Crystal!” tawag ni Jessica, sabay lapit at yakap sa kanila. “Thank God you’re safe. Akala namin pati ikaw ay sinaktan nila. Napakasama talaga ni Asia at Ruby!”“Nasaan si Duncan?” putol ni Crystal, halos nanginginig ang boses habang tumutulo ang luha.“It’s okay, iha, nasa loob siya. Pero... mahina pa ang tibok ng puso niya. Kailangan nating ipagdasal na magising siya.” sabi ni Tito Ricardo.Hindi na nakapagpigil si Crystal. Agad itong lumapit sa pintuan ng ICU at doon ay sinilip si Duncan sa loob. Puno ng tubo, halos maputla na ang kulay, at may benda sa dibdib.“Duncan...” bulo

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status