Mag-log in"Heaven, let me explain! Si Curt ang nang-akit sa akin… Siya ang may kasalanan, bestie!" umiiyak na sabi ni Candice.
"Inakit??? Alam mong magkaibigan tayo, Candice!... At boyfriend ko siya! I gave you everything!... Tinulungan kita sa lahat ng bagay, pero tinarantado mo ako?!" matalim ang tingin na pinukol niya sa walanghiya niyang kaibigan.
"And you, Curt! Wala ka bang delikadesa na tutuhugin mo pa kami ng best friend ko? And what did you say again? Niligawan mo lang ako dahil naawa ka sa akin? Baka hindi mo ako kilala?" taas-noong sabi niya.
Pero imbes na mahiya, si Curt ay ngumisi pa ito sa kanya. "Bakit? Sino ka ba? Wala ka namang maipagmamalaki!... Ni hindi mo nga maibigay ang gusto ko! Ano ka, gold?" asik nito na may pang-iinsultong tingin. "Binibigay ni Candice ang hindi mo kayang ibigay sa akin. You know I can get what I want, Heaven!"
Nanlilisik ang mga mata niya.
"Is that so??? Baka magsisi ka, Curt?!... Kayo ni Candice! Pagsisisihan niyo itong ginawa niyo sa akin, mga traidor kayo! Lumayas kayo sa pamamahay ko!!!" sigaw niya.
"Hahaha… Alam kong babalikan mo rin ako, Heaven. I know how much you love me. Dapat nga magpasalamat ka pa sa akin dahil tumagal tayo ng isang taon dahil pinagbigyan lang kita para may maibida ka naman na may nobyo ka! I'm rich, Heaven, at hahabulin mo rin ako dahil ako ang aahon sa'yo sa kahirapan!"
"Fuck you, Curt! I don’t need you! I don’t deserve a guy like you!"
Dahan-dahan itong lumapit sa kanya nang walang saplot. Ang pagkalalaki nito ay nakalaylay at hindi man lang nag-abalang takpan. Kahit unang beses pa lang siya makakita ng ari ng isang lalaki, alam niyang hindi kalakihan ang k*****a ni Curt.
"Is that your final answer, babe? Alam mo ang kaya kong gawin, 'di ba? Mayaman ako at kaya kitang pabagsakin?" nakangising wika nito. Naalibadbaran siya dahil malapit na ito sa kanya at ang maliit na ari nito ay nakaturo sa kanya.
"You disgust me, Curt! Huwag mo akong subukan!"
"Hahaha… Bakit? Ano ba ang kaya mong gawin? Wala, 'di ba? Baka gusto mong ipa-deport pa kita?"
"I don’t give a damn! Gawin mo ang gusto mo at lumayas na kayo dito!" sigaw niya. Ang hindi alam ng mga ito ay dual citizen siya.
"You two, get out of my house! Ipa-deport mo ako kung kaya mo. Pero tanggapin mo rin ang ganti ko, Curt.... Sa inyong dalawa ng ahas kong kaibigan."
"Heaven, bestie, maawa ka sa akin! Buntis ako at wala akong mapuntahan... Huhuhu!"
Lalo siyang nagngitngit. Kaya pala hindi na ito nagtrabaho dahil buntis pala ito. At si Curt naman, kaya pala hindi na ito umaalis sa bahay niya, para makasama si Candice! Hindi man lang nahiya na sa pamamahay pa niya bumuo ng pamilya ang dalawa!
"Wala akong pakialam sa inyong dalawa. Lumayas kayo dito!"
Dali-dali namang nagbihis ang dalawa at nag-empake ng kanilang gamit saka pinagtutulak niya palabas ng pinto.
"Babe, please… sorry na, nagkamali ako. Ikaw talaga ang mahal ko... Wala akong matirhan sa ngayon dahil hindi pa ako napadalhan ng allowance ni Mommy at Daddy. Can we stay for at least a week? Kawawa naman si Candice, buntis siya!…"
Umosok ang ilong niya sa galit.
"Ang kakapal ng mukha niyo! Niloko niyo na ako tapos hihingi pa kayo ng tulong sa akin? Mayaman ka, 'di ba? Humingi ka ng tulong sa mayaman mong mga magulang! Pwe!" sigaw niya saka pabagsak na sinara ang pinto.
"Babe, please... sorry na... 'Di ko sinasadya… Ikaw talaga ang mahal ko, babe… Nadala lang ako sa bugso ng damdamin ko..."
Narinig niyang wika ni Curt sa labas habang walang tigil sa pagkatok sa pinto.
"Walanghiya ka! Sabi mo kanina ako ang mahal mo at hindi si Heaven? Pinaasa mo lang ako at binuntis! Huhuhu..." asik naman ni Candice kay Curt.
Hindi niya pinansin ang dalawa habang nag-aaway sa labas ng apartment niya. Pero kahit papaano ay naawa sya kay Candice, nag-quit na nga ito sa school, wala pang trabaho at wala ding matirhan. Sinayang nito ang tiwala nya.
Maya-maya ay narinig niyang tumahimik na rin ang dalawa. Marahil ay nahiya na rin dahil nagsilabasan na ang mga kapitbahay niya.
Pabagsak na umupo siya sa sofa. Galit na galit siya pero hindi niya makuhang umiyak. Hindi nya alam kung saan huhugutin ang galit nya.... galit na sinaktan ni Curt ang puso nya, o galit dahil nasaktan ang pride na naisahan cya ni Curt at Candice. Pero mas nanaig ang pride nya.
Pinilit nyang ibahin ang katauhan para sa isang lalaki. Pinababa na ang sarili para mabilis cyang maabot dahil kung nalaman lang nito ang tunay nyang pagkatao ay baka mahihiyang saktan sya. Pero ano? niloko lang cya!
"I don't give a damn, Curt! … You're not the kind of man who can hurt my feelings. You mean nothing to me!" mayabang na wika nya
Ganun siguro talaga kapag independent woman ka. Feeling mo you don’t need a man in your life. Mabubuhay siya nang walang lalaki dahil siya si Heaven Ferrer!
Simula sa araw na ito, babalik na siya sa dating siya... Pagod na siyang magpakumbaba dahil naaabuso ang kabaitan niya.
“Y-yeah. Medyo sumakit lang ang ulo ko…”“Wag mo muna pilitin na makaalala, baka makasama pa sa’yo.” nag-aalalang sabi nya saka tinulungang makahiga ng maayos si Duncan.Tumango si Duncan pero halatang may malalim na iniisip.“Babe, CR lang ako ha. Sandali lang ako,” paalam niya kay Duncan.Sila lang dalawa doon. Nagbisita na ang daddy nito kanina pero babalik daw mamaya.Pagpasok niya ng CR ay narinig niyang bumukas ang pinto sa main door at may pumasok. Iniisip niya na nurse o doctor lang para tingnan si Duncan.Mabilis niyang tinapos ang pag-ihi dahil may itatanong siya sa doctor.Paglabas niya ng banyo ay ganoon na lang ang pagkagulat niya nang makitang isang lalaking naka-damit doctor pero may hawak na kutsilyo at akmang sasaksakin si Duncan.“Sino ka???” malakas na sigaw nyaNapatingin sa kanya ang lalaki kung kaya’t natuliro ito at nabitawan ang kutsilyo.Walang malay si Duncan, na malamang pinaamoy ng panyong may gamot dahil nakita niyang may panyo sa tabi ng ulo nito.“Tulong
Nagdaan pa ang mga araw ay unti-unti nang lumalakas si Duncan pero hindi pa din ito nakakaalala. Andoon lang siya palagi sa tabi nito at ang nag-aalaga. Sabi naman ng doctor ay kapag makita nito palagi ang mga taong importante sa buhay nito ay madali nitong maalala ang nakaraan.“Kain ka pa, babe...” sambit niya saka ibinigay ang pinagbalatan na orange.Ngumiti si Duncan sa kanya, kahit hindi siya nito kilala, at least mabait ito sa kanya.“Hindi mo pa din ba ako naaalala?” pasimpleng tanong niya.“Hindi pa… pero kung sinasabi nila na girlfriend kita ay napakaswerte ko naman.” malanding sabi nito sabay tingin sa kanya na parang hinuhubaran siya. “Hihihi… bolero! Alam mo ba na isa kang abogado na bolero? Kaya mo ako napasagot dahil sa matamis mong dila?”Ngumisi si Duncan. “Talaga ba?”“So how’s my tongue taste like? Matamis din ba?”Namula siya sa biro ni Duncan pero sinakyan niya ang biro nito.“Hindi ko sasabihin hangga’t hindi ka maka-alala…”“Damn! Baka naman bumalik na ang alaal
“S-sino ka?” tanong ni Duncan kay Thor.“Ako ‘to, si Thor... pinsan mo, Duncan... Magpinsan tayo.”Tahimik lang si Duncan, tinitigan si Thor na para bang sinusubukang alalahanin ang mukha nito. “I-ikaw... parang nakita na kita...”Nakita niya na nag-iba ang mukha ni Thor.“O-oo, matagal tayong magkasama. Magpinsan nga tayo, diba?”“T-Thor…” ulit ni Duncan sa paos na boses. “Ikaw… bakit…?”“B-bakit ano, bro?” mabilis na tanong ni Thor, pero halatang kabado.“B-bakit... ikaw ‘yung... huling nakita ko?…”“Anong ibig mong sabihin, babe?” tanong niya pero hindi ito sumagot.“Ah, b-baka dahil magkasama nga tayo bago siya na-disgrasya, diba?” mabilis na paliwanag ni Thor.“S-siguro,” pagsang-ayon niya.Hindi na nagsalita pa si Duncan at muling tumingin sa kawalan. Maya-maya ay pinikit nito ang mga mata. Nakatulog ulit si Duncan.“Let him rest. Kailangan pa niyang palakasin ang kanyang katawan. Huwag muna nating siyang biglain makaalala, Miss Crystal. Baka lalo siyang ma-stress,” paliwanag ng
Lumipas ang mga araw at nailipat na rin si Duncan sa private room, pero wala pa rin itong malay. Araw-araw ay binabantayan niya ang nobyo. Hindi siya umaalis kahit sabihin pa nila Jessica at Loraine na kailangan niya ring magpahinga. Paano siya makakapahinga kung ang taong mahal niya ay hindi pa nagigising? Nakapagbisita na rin ang mommy at daddy niya doon. Dinadalhan lang siya ng mga gamit niyang pamalit. Hindi naman siya mapipilit ng mga ito kung ayaw niyang umuwi. Sila lang dalawa ni Duncan sa araw na iyon. Maingat niyang hinaplos ang kamay nito. “Duncan, please... gumising ka na,” bulong niya habang pinipigilan ang luha. “Ang tagal mo nang natutulog... miss na miss na kita.” Napatingin siya sa pinto nang pumasok si Thor. “Crystal, magpahinga ka muna. Ako muna ang magbabantay,” may dala itong paper bag ng pagkain. “Hindi ka pa rin kumakain, diba?”Umiling siya. “Ayokong umalis. Baka sakaling magising siya habang wala ako.” Huminga nang malalim si Thor. “Crystal, ilang araw ka
CRYSTAL'S POV:Hindi niya mapigilan ang umiyak habang nakatingin kay Duncan na puno ng tubo sa katawan. Ang sabi ni Thor ay magkasama daw silang tatlo ng hinarang ng mga tauhan ni Asia at Ruby. Pero si Duncan lang ang sinaktan.Bakit ganun? May pagkakataon na ang mga tauhan na makuha siya dahil wala siyang malay nun. Ilang beses ba naman siya turukan ni Asia ng pampatulog. Sa tuwing magigising siya ay tinuturukan agad siya kaya ganoon na lang na hindi siya magising.Maya-maya ay lumapit si Thor sa kanya. Inakbayan siya nito. Inihilig niya ang kanyang ulo sa dibdib nito. Pakiramdam niya ay pagod na pagod siya.“Thanks, Thor. Thank you sa pagligtas mo sa akin.”“Its okay, Crystal. Gagawin ko ang lahat para sa’yo. Kung ano man ang mangyari kay Duncan ay andito lang ako palagi. Huwag mong kalimutan ‘yan.”Tumango siya pero pilit niyang iwinawaksi sa kanyang isip na may mangyayari kay Duncan. Walang mangyayari kay Duncan! Mabubuhay ito at magsasama sila ng matagal... magpapakasal sila at m
Pagdating nila sa ospital ay agad tumakbo si Crystal papasok sa loob ng emergency room. Sumunod siya, pilit pinapanatiling kalmado ang sarili kahit pakiramdam niya ay kumakabog ang dibdib niya sa kaba.Nakita nila sina Jessica, Loraine, at ang ama ni Duncan na si Tito Ricardo sa labas ng ICU. Nakaupo ito sa bangko, hawak ang ulo, halatang pagod at nag-aalala. Nang makita sila ni Crystal ay agad itong tumayo.“Crystal!” tawag ni Jessica, sabay lapit at yakap sa kanila. “Thank God you’re safe. Akala namin pati ikaw ay sinaktan nila. Napakasama talaga ni Asia at Ruby!”“Nasaan si Duncan?” putol ni Crystal, halos nanginginig ang boses habang tumutulo ang luha.“It’s okay, iha, nasa loob siya. Pero... mahina pa ang tibok ng puso niya. Kailangan nating ipagdasal na magising siya.” sabi ni Tito Ricardo.Hindi na nakapagpigil si Crystal. Agad itong lumapit sa pintuan ng ICU at doon ay sinilip si Duncan sa loob. Puno ng tubo, halos maputla na ang kulay, at may benda sa dibdib.“Duncan...” bulo







