Share

Chapter 55

Habang nakatingin sa pintuan ng bahay naisip ni Isabella ang kubo sa gitna ng bakawan. Hindi niya mabilang kung ilang ulit siya dinala ni Skye sa langit, bago nila tuluyang nilisan ang lugar. Madilim na sila nang nakauwi kahapon, at parehong hapong-hapo ang katawan. Medyo mahapdi rin ang mga marka na iniwan nito sa nakatagong parte ng katawan niya.

Nasa ganoong pag-iisip siya nang may kumatok sa pintuan ng bahay nila. Ramdam pa rin niya ang pagod kaya naman pinilit niyang tumayo, dahil wala ang tiya niya. Kapag ganoong oras, nasa puwesto ito ni Aling Berta para ibigay ang mga kukuning paninda kinabukasan.

Pagbukas niya sa pinto, ang nakapameywang na si Carl ang bumungad sa kaniya.

“Isabella, alam ko naman ang nangyayari dahil sikat ang pangalan mo sa buong isla, pero ang masolo kita ay mahirap bang gawin?”

Nakapakunot-noo siya sa sinabi ng kaibigan. Seryoso ito at mukhang galit.

“Carl, ano’ng ibig mong sabihin?” Tila naiwan talaga ang utak niya sa alapaap hanggang sa mga sandaling iyo
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status