Share

KABANATA 5

Author: twtl_trtd
last update Last Updated: 2021-07-08 13:56:57

MIRANDA

Hindi alam ni Miranda kung saan siya nagkamali. Kung saan nag-umpisa iyon at kung paano niya iyon sana naiwasan. Siguro doon sa parteng binago niya ang unang plano at dumaan sa kaliwang bahagi ng mansyon—mas marami ang bantay ng orihinal niyang daan, wala siyang pagpipilian kundi ang libre at mas madali.

Nakalimutan niyang wala nga palang madali sa mundong ito. Kaunti man ang bantay, marami naman ang camera sa puwestong iyon. Huli na noong napansin niyang nakuha siya sa akto. Nasa ikalawang palapag na siya at binabagtas ang daan papunta sa pinakagitnang bahagi ng De Leon Jia. Ang opisina ni Josen De Leon.

Noong maisip niyang kakaunti na lang ang kaniyang oras, nagdesisyon siyang isabahala na ang ginto, alahas at pera—mas mahal sa panahong ito ang mga impormasyon. Kung sino-sino ang koneksyon ng De Leon Jia, sino ang kanilang supplier ng mga orig na armas, at sino ang sumusuporta sa kanila. Mahal pa sa isang kilong ginto ang balitang maibebenta niya sa kalabang pamilya ng mga De Leon.

Isa iyong magandang ideya sa teorya.

Iyon nga lang ay masiyado niyang minaliit ang kakayahan ng panganay na anak ni Don Franco De Leon. Mabilis ito, at napakarahas.

Nais matawa ni Miranda habang iniisip na una pa lamang ay wala na talaga siyang tiyansa upang makatakas mula rito.

Si David.

Si David. Nakaramdam ng dismaya at takot si Miranda. Sa oras na malaman ng kaniyang Maman ang nangyari ay hindi lamang siya ang mananagot kundi pati ang kaniyang pinsan. Imbes na puri ay mura ang makukuha niya sa mga magulang. Sigurado iyon.

Pumalpak siya. This time, it's too big to hide it.

Bumukas ang mabigat na pintuan ng maliit na silid. Nahigit ni Miranda ang paghinga. Tinitigan niya ang mapusyaw na ilaw sa gitna ng silid at halos mapangiwi dahil sa sakit ng kaniyang tuhod. Napalakas ang hampas ng lalaking humuli sa kaniya. Hiling ni Miranda ay mahulog sana ang matandang iyon sa ilog!

"Sino ang backer mo?" tanong ng iritadong boses ni Josen De Leon.

Alam ni Miranda ang background ng lalaki, o kahit kaunti rito ay may ideya siya. Ito ang larawan ng isang masunuring anak subalit may pagkamarahas, samantalang si Matteo ay elegante, maparaan at si Marco ang mainitin ang ulo at tahimik madalas.

Parehong masisipag ang magkakapatid. Hindi singlinis gaya ng lahat at may kaniya-kaniyang iniindang mga kakaibang ugali. Kung anu-ano ang mga iyon ay hindi na niya inalam pa kay Shanelle. Masiyado itong eksaherada kung magpaliwanag. Hindi siya makapaniwala kaysa sa ibang sinabi nito.

Sana pala ay nakinig siya.

"Walang halaga ang pananahimik." Hinila ng lalaki ang isang marupok na silya at kinaladkad papunta sa kaniyang harapan. Umupo roon si Josen. Maingay na bumalot sa silid ang tunog ng pag-igik ng upuan dahil sa bigat. "Mabubuhay ka depende sa halaga ng nalalaman mo. Alam mo na siguro `yon, Ginoo."

Mas lalong ibinaba ni Miranda ang ulo, pinipigilan ang pagsilay ng isang nanghihimok na ngisi sa kaniyang mukha. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nito alam ang kaniyang kasarian. Naghintay siyang magsalita muli ang lalaki. Ngayon ay pakikinggan niya na lamang ang lahat ng sasabihin nito. Walang halaga ang kaniyang nalalaman, katumbas noon ay kamatayan. Hindi natutuwa si Miranda sa pangyayaring ito.

Si Karlos ang nagturo sa kaniya ng pagnanakaw. Gawain nila ito noong mga bata pa sila. Kung kailan masiyadong busy ang kanilang mga magulang at hindi sila nahuhuli. Itinuring iyong talento ni Miranda, kahit pa si Karlo ay matagal ng tumigil dito. Nilinang niya nang nilinang ang sarili hanggang sa maging ganito ang kaniyang wakas.

"Sino ka?"

Pumikit si Miranda. Nabura sa wakas ang kaniyang ngisi. Napalitan iyon ng panginginig. Hindi niya mapigilan ang malakas na pagtambol sa kaniyang dibdib pati na rin ang pamamawis ng kaniyang buong katawan.

Minsan na siyang nahuli, dati pa. Subalit ito ang unang beses na nangyaring maaring buhay niya ang maging kapalit ng ginawang kasalanan.

Gusto niyang magsisi subalit pinalaki siya ayon sa batas ng mga Isle. Ang hukay na ikaw mismo ang gumawa, ikaw rin mismo ang siyang hihiga.

Naglabas ng isang bungisngis ang lalaki sa kaniyang harapan. Mas lalo lamang siyang kinabahan dito. May kung anong nakakailang sa pagtawang iyon.

"Kapag sinabi mo ang lahat ng `yong nalalaman, posibleng patawarin ka ng De Leon Jia," alok nito, "nakita ko ang security footage—magaling ka."

Bumungisngis itong muli. Ngayon ay mayroong halong inis, bumulong ito sa mababang tinig, "Masiyadong magaling."

Tumigil si Miranda sa paghinga ng iilang segundo bago kunwari ay umiling. 'Damn.' Napakaganda ng boses ng lalaking ito. Malas lamang at ito ang papaslang sa kaniya.

Hindi pa niya nakikita ang mukha nito sa personal ngunit nakita na niya ito sa magasin. May kwadrado itong mukha, mapagmataas na ilong at makakapal na kilay. Bumagay sa malaking bulto nito ang morenong balat. Mataas sa tangkad na 6'3 at imakulado sa kahit anong suot na damit.

Josen De Leon is a fine man. Sa ibang buhay ay baka magustuhan ito ni Miranda—gusto niya iyong kaya siyang ipagtanggol—pero alam niyang aayaw ang lalaki sa kaniya. Hindi siya tipo nito.

"Ang De Leon Jia ay tinatag ilang siglo na ang nakakaraan."

Iniangat nang bahagya ni Miranda ang tingin. Napakurap noong makita ang kaswal na hitsura ng lalaki habang nasa kisame ang tingin at nagsasalita. Nakapatong ang isa nitong paa sa kaliwa, nakatukod ang dalawang siko sa mesang nasa likuran. Ngumiti ito. Mabilis na ibinaba ni Miranda ang mga mata noong lingunin siya nito saglit.

"Maraming henerasyon ang nais bigyan ng puri ang apilyidong iyon pero itong amin lang ng ni Aman ang totoong nagwagi." Huminga ito nang malalim. "Alam mo kung bakit?"

Umiling muli si Miranda. Humalakhak ito kaunti bago nagpatuloy.

"Isinakripisyo ni Aman na pabayaan si Doña Isabelle De Leon na mag-isa sa mansyon kasama ang hindi mapagkakatiwalaang mga bantay upang puntahan ang plantasyon naming sinasalakay ng kabilang Jia. Naroon kami ng dalawa kong kapatid upang magbakasyon kasama ang aming mga Alo at Apo. Hindi inaasahang lulusubin kami nang harap-harapan."

Napamulagat si Miranda noong maintindihan ang nais nitong sabihin.

"Namatay si Doña Isabelle sa kamay ng pinagkakatiwalaang consigliere ni Aman. Naisalba ang plantasyon pero nawalan kami ng ina. Ang taunang kasiyahang ito ay hindi upang magpakita ng yaman kundi pag-alaala kay Maman. Isang taunang paghingi ng tawad dahil sa pagpapabayang maiiwasan sana kung hindi madaling nagtiwala si Aman. Ngunit kung mauulit man ang pangyayaring iyon, ganoon pa rin ang pipiliin ni Aman. Marami na ang nakakaalam nito subalit uulitin ko." Huminto saglit si Josen. "Malakas ang De Leon Jia hindi dahil magaling ang mga namamahala rito."

Magaling sila dahil hindi sila nagdadalawang-isip na isakpripisyo ang isa para sa mas marami at kapaki-pakinabang. Kinilabutan si Miranda. Sa kanilang pamilya ay hindi ganito. Sa kanila, ayos lang na masunog ang ari-arian huwag lang mawalan ng isang miyembro. Iyon ay hindi dahil mahal nila ang isa't isa kundi, ang maliit na yamang mawawala ay mabilis na mapapalitan ng taong kapalit ng kayamanang iyon oras na makaligtas ito. Ang bawat miyembro ng Isle Jia ay may iba't ibang kakayahan na kapaki-pakinabang talaga. Dati, isang suntok kay karlo ay dalawampu ang ganti ng kanilang pamilya. Noon wala pang batas ang council laban sa harap-harapang patayan ng mga Jia. Ngayon marami na.

"Naisip kong personal na parusahan ka ngunit nakita kong masyado kang mayumi para sa isang magnanakaw." Humalakhak si Josen. "Kung nagyabang ka, baka kanina pa kita binalian."

Nakaramdam ng pagkahilo si Miranda. Buong araw siyang hindi kumain para paghandaan ang kaniyang plano. Ngayon ay rumeresulta na ang kaniyang kapabayaan. Mabagal niyang iniangat ang sarili mula sa pagkakaluhod. Isang malakas na tao si Josen, hindi niya ito makukuha sa santong suntukan. Kailangan niyang ipakita ang kaniyang halaga, gaya ng sabi nito, upang makaligtas.

Siya ang tagapagmana ng Isle Jia. Kailangan siyang tubusin sa kahit anong halaga ng kaniyang pamilya.

"Mukhang nasayang ang gabi mo, Mister Josen," panimula niya sa mababa't pagod na boses. Kailangan niyang ipakita na siya'y walang kagustuhang lumaban. "Imbes na kasama mo ang iyong binibining pinili ay nandito ka para samahan itong pangahas na babae."

Pinilit ni Miranda na iusal ang tradisyunal na pananalita na kanilang kinaugalian kahit pa taliwas doon ang kaniyang nararamdaman. Hindi siya pangahas! Siya ay medyo tanga lamang!

Ramdam ni Miranda ang gulat ni Josen. Nanigas ang buo nitong katawan. Ang mga mata ay mas tumalim habang tinititigan siya sa isang mapan-insultong titig.

Bahagyang nag-angat ang kilay ni Miranda. Ang maikli niyang peluka ay nagbibigay sa kaniya ng isang mas nakakaasar na ekspresyon. "Ako ang nag-iisang anak ni Doña Agatha at Don Hernan, ang inyong lingkod, Miranda mula sa mataas na pamilya ng Isle Jia," kaniyang pagpapakilala sa mas matigas at klarong tinig.

Hindi niya nagustuhan ang sunod na sinabi ng lalaki. "Mataas? Binibini, matagal ng bumaba ang Isle Jia."

Bumukas ang bibig ni Miranda ngunit mabilis na nagsalita ang lalaki. "Hindi ikaw si Miranda Isle—si Miranda, `yong totoong anak ni Doña Agatha, ay kasama ngayon ng kapatid kong si Matteo. Siya ang napili ng kapatid kong pakasalan."

Bumagsak ang sikmura ni Miranda. Nanghihina siyang bumagsak sa sahig, hindi makapaniwala. Hindi. Ginawa niyang simple, mabilis at hindi nakakatawag pansin ang kaniyang pag-aayos kay David. Sa huli ay inamin nito na alam niya ang plano ni Miranda. Kaya naman hindi na nakonsensya si Miranda sa paghiram ng amerikana nito't sapatos.

"Oh, hindi... may sayad ba ang kapatid mo?! Hindi ba niya makita ang kaibahan ng isang totoong babae at hindi? Oh, David..." Sinapo niya ang bibig at paulit-ulit na tinawag ang pangalan ni David. 'Oh, hindi!'

"Ngayong alam mo na ang totoo, aminin mo kung sino ka. Para naman malaman ng pamilya mo kung saan ka pupulutin oras na matapos ang pagpapahirap sa `yo, binibini," atas ni Josen sa nagmamatigas na tinig. 

Namimilog ang mga matang binalingan ito ni Miranda. "Imposibleng mangyari `yong kasal nila!" sigaw niya.

"Anong imposible?" singhal ni Josen, "Papunta na sila sa isla ngayon mismo! Itigil mo na itong pagpapanggap!"

Umiling si Miranda. "Hindi si Miranda ang kasama ng kapatid mo ngayon," pagpapaliwanag niya, "ang pakakasalan niya ay si David Isle!"

"David? Iyong pinsan ni Miranda... kung nagsisinungaling ka, dapat alam mo ang kaparusahan ng pagsisinungaling."

Nakumpirma ni Miranda ang hinuha niyang baka ipina-background check nito ang Isle Jia. Hindi niya iyon inintindi at patuloy na tinitigan ang lalaki. "Nagpalit kami noong makapasok na kami dito sa mansyon. Pinsan ko ang kasama ng kapatid mo. Si David. Magnanakaw ako ngunit hindi sinungaling, Josen De Leon."

Bumagsak ang panga ni Josen. "Hindi ako naniniwala sa 'yo sa panghuling 'yon." Kumurap ng ito ng ilang beses bago isinigaw. "David... pero lalaki iyong pinsan mo!"

Sunud-sunod ang ginawang pagtango ni Miranda. Noong makita ang desperasyon sa mga mata ni Josen at dismaya, nakaramdam ng kaunting pagwawagi si Miranda. 'Mahindik ka hangga't gusto mo, Josen! Subalit ito ang totoo!"

Ibig sabihin lamang nito ay mabubuhay pa siya nang mas matagal. Masaya man kaunti, may pagkabahala pa rin sa dibdib ni Miranda na hindi mawala kahit saglit. Napagbigyan man siya ngayon ngunit hindi ibig sabihin noon ay ganoon din ang kaniyang pinsan. David is another person. Hindi rin nito alam nang buo ang posibleng nangyayari sa kaniya ngayon. 

He should be out of this mess.

Mukhang isang maling desisyon ang dalhin ito upang makipaghalubilo sa iba. Maybe her mother was right. Tama rin siguro si Signor Fazil. Hindi dapat na ilabas si David. He's not ready for everything that may happen, oras na pormal itong tanggapin bilang miyembro ng Isle.

Hindi lang ito ang unang pagkakataon na mapapahamak ito. Marami pang susunod. Hindi gustong makita ni Miranda na nasasaktan ito. Pihadong ganoon din si Karlos ng pananaw. Karlos had always warned her to not let David out of her sight. Hindi puwedeng tapak-tapakan lang ito ng mga kapamilya nila, at hindi rin ito puwedeng mapahamak.

David is their chance at salvation. Ito nalang siguro ang aakyat ng langit at hihiling sa diyos na iligas sila.

Nariyan pa ang Aman ni Miranda pero nawalan na rin siya ng pag-asang bumalik ito sa pagiging simple at mabait.

Miranda's father fell into the quagmire of Agatha's family matters. Kahit hindi sila kasado, he still thrived to make life easier for her beloved woman. Kahit pa ang maging masama para lang dito.

Miranda hated and also loved him for that.

Baka maging gaya rin nito si David.

Sa oras na ito, baka ibinibitay na ni Matteo De Leon si David Isle.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • ISLE JIA — MONARKIYA (Tagalog)   KABANATA 16

    MIRANDAMay gustong manakit sa kanila ni Josen. Iyon ang alam ni Miranda. Dahil kung hindi, saan nanggaling ang kotseng iyon? She refused to think that there's another person out there who might be involved in the scheme at maging posibleng biktima. Sila itong papatakas.Was it Rigs? Naaalala ni Miranda, ito ang nagtawag ng taxi para kanilang masakyan. Although the idea is feasible, napaka-obvious naman kung ito iyon.But then, Rigs is a neophyte. Hindi masisisi ni Miranda ang lalaki kung iyon lang ang naisip nitong epektibong gawin upang magdispatsa ng tao. The thought made her laugh in panic. Ang baguhang iyon ay gamuntik ng magtagumpay na burahin ang mga potential heir ng Isle at De Leon.Kahanga-hanga.Josen, as the head security of the De Leon Jia, has another theory in mind. Ganoon pa man, he wouldn't tell Miranda what is it that is on his mind. Ang paulit-ulit nitong sinasabi ay ang tawagan si Karlo.

  • ISLE JIA — MONARKIYA (Tagalog)   KABANATA 15

    MIRANDAIbinaba ni Miranda ang paningin sa mabatong bahagi ng dalampasigan. Inaayos pa ng mga tauhan ang kanilang magiging pagbaba. Malamig ang hangin dito at malansa sa ilong. Huminga siya nang malalim at muling inalala ang script na kaniyang inihanda habang nasa biyahe. Sumilip siya saglit sa mukha ni Josen bago madamdaming umirap dito. "Hindi parin ako makapaniwala, Josen. You chose that useless stone over my gold body? Sinayang mo ang oras ko, De Leon! Hindi ako makapaniwala na ganito pala kayo!" sigaw niya sa buong boses. "Ano nalang ang masasabi ng Aman ko? Ng aking Aya? Naloko ako ng isang De Leon, hah!"Humalukipkip din siya at panaka-nakang pumikit upang makita ang kaniyang inis. Nagdadalawang-isip siya sa panginginig ng pang-ibabang labi. Pakiramdam niya ay sobra na iyon. Napagdesisyonan niya na mayamaya nalang iyon gawin. Tutal ay hindi nakatingin ang mga bantay sa kaniya."Ms. Charmaine, kaya hindi ako makumpirmi na

  • ISLE JIA — MONARKIYA (Tagalog)   KABANATA 14

    MIRANDAMiranda doesn't want to trust Josen easily. Turns out, she made the right choice. Matapos kasi ang ilang oras noong sila ay makauwi galing sa gubat, pinababa agad siya ni Birham para kuno ay makipag-usap kay Josen. That made her begin to grow weary. Hindi talaga mapagkakatiwalaan ang Josen na ito.When she padded her way through the living room, she found Jahara's shit-eating grin immensely disturbing. Para bang napakasaya nito. Halos tumirik ang mga mata ni Miranda habang iniisip na baka umatras muli ang buntot ni Josen para sa babaeng ito. Tatanggalan niya talaga ng bayag ang lalaking 'yon. "Better say goodbye now, girl," sabi pa ni Jahara.Gusto niyang balikan ito upang bigwasan.Miranda flipped her hair and raise her middle finger as she went. Hindi inakala ng babae ang kaniyang reaksyon. Bumagsak ang panga nito. Miranda exerted an extra sway on her hips, showing her taunting skills that is rated top notch by

  • ISLE JIA — MONARKIYA (Tagalog)   KABANATA 13

    JOSENIt was dark when the matter between him and Jahara had settled. Sa katunayan ay hindi naman naging maayos ang pag-uusap nila at hindi iyon naisaayos. Napuno ito ng walang katapusang sumbatan at pakapalan ng mukha. Sa huli, bigong umalis si Josen sa harap ng babae. Lalo pa noong banggitin nito ang kaniyang Aman at kung paano itong pumayag sa kagustuhan ng kaniyang ex-girlfriend.Kaya pala nalaman ni Jahara ang kaniyang kinaroroonan ngayon. Ihinatid pa pala ito mismo ng kaniyang Aman!Tinawagan ni Birham ang kaniyang Aman at nagsumbong. Ang tanging payo lang ng kaniyang ama ay, 'Huwag madaliin, pakiramdamang mabuti ang puso. Nakikita ko parang hindi kayo magkasundo ni Charmaine. This will help you both decide, okay?' Pakiramdaman? Pakiramdaman, alright! Gigil niyang tinahak ang daang sinabing pinuntahan ni Miranda.Mukhang nag-swimming ang babae ayon sa mga bantay. Sa bigat ng mga pangyayari kanina, naiiintindihan ni Josen ang kagu

  • ISLE JIA — MONARKIYA (Tagalog)   KABANATA 12

    MIRANDAHindi pa man nakapagsisimula sa nais nilang gawin ay may dumating uling panggulo sa kanilang usapan. Sa pagkakataong ito, hindi kilala ni Miranda kung sino ang babaeng nagmamataas kung umasta na pumasok sa rest house. Ang alam lamang ni Miranda, nais niyang bangasan ang babae.Nagising siya dahil sa ingay na kaniyang narinig sa tanggapan ng bahay. Manipis ang bawat dingding kung kaya madali niyang nahagilap lahat ng sinabi ng panauhin nila ni Josen sa araw na iyon. Wala siyang nagustuhan sa mga sinabi nito.Nang malaman niyang ex-girlfriend iyon ni Josen, halos mapamura siya sa taste nito. Paano nito nagustuhan ang isang eskandalosa at napakaingay na babae? Mabuti na lamang at minsan lang mag-ingay si Mira at never, never siyang naging eskandalosa. Hindi niya aaminin iyon."...you brought that bitch here? In your Aman's place? The insult, Josen! This is downright insulting me as your ex!" tili ng babae, "Alam mo ba 'yon

  • ISLE JIA — MONARKIYA (Tagalog)   KABANATA 11

    MIRANDAHindi naubusan ng posibilidad ang isip ni Miranda sa posibleng gawin ng Don sa kanila. Kitang kita na wala itong paki sa kung sinuman ang nais na pakasalan ng kaniyang mga anak. Ang importante lamang dito ay makasal ang mga ito. Hindi gaya sa kaniyang Maman na gahol sa yaman at reputasyon.Tumatanda na nga ang magkakapatid na De Leon. Hulog na sa kalendaryo si Josen, sunod naman ang kambal nitong mga kapatid. Dapat ngang maging aligaga ang Don. Baka hindi na nito maabutan ang pagkakaroon ng mga apo.Kung gayonman, sinong mamumuno sa De Leon Jia?Sa ngayon, para kay Miranda, hindi mainam si Josen. Lalo naman si Matteo. Hindi pa niya nakakasalamuha si Marco ngunit kung may pinagsamang ugali ito ng dalawang Aya, mas mabuting huwag na nga.Mas mainam kung maubos nalang ang lahi ng mga De Leon. Pagkatapos ng ilang dekada, mabubura din sila sa wakas sa listahan. Sa ganoon ay permanente.Nakaupo ang Don sa nag-ii

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status