Share

KABANATA 4

Author: twtl_trtd
last update Last Updated: 2021-07-08 13:55:41

MIRANDA

"Hija! Maman doesn't understand— bakit ayaw mong nandito ang Maman habang binibihisan ka?" Malakas na hinila ng ina ni Miranda ang pangharap na bahagi ng kaniyang bestida, umaaasang may iaaangat pa ang maliit niyang dibdib. "Nako, Miranda. You should put a more happy face! `Nak, 'wag ka masiyadong sumimangot. Paano kapag natakot sa `yo ang mga anak ni Don Franco?"

Ngumiti si Miranda. Mas mainam pa nga ba mahindik ang nga ito sa kaniya at manakbo. Mas malayo, mas maganda. "Handa na po ba si David? Naayusan na po ba siya?"

"Yes, naman." Sumimangot ito. "Ayokong isipin na nanghingi ka ng isang maliit na sobre sa mababang Shanelle Boros na `yon, `nak."

"Magaling ang Boros Jia sa kapitolyo, Maman," paalala niya rito, "nangunguna sa trading industry."

"Wala pa rin sila sa listahan—"

"Parang tayo. Ngayon." Natahimik ang Maman sa kaniyang sinabi. Hindi niya nagustuhan ang pangmamaliit nito sa kaniyang kaibigan. Humugot ng hangin si Miranda. "Pasensya na, Maman."

Naging malupit ang ekspresyon ni Doña Agatha. "Well, mananatili tayong wala sa listahan kung pananatilihin mo `yang pagsimangot mo. Isa sa mga De Leon ang susi sa pagbangon natin, Miranda. You're now my last chance, hija."

Tumango si Miranda kahit pa taliwas doon ang kaniyang paniniwala. Isle Jia can start cleaning itself from the inside, tatanggalin ang mga tiwali pagkatapos ay magtatalaga ng mga bagong opisyal—alagaan ang mga tapat at mag-umpisang humanap ng koneksyon. Maganda rin ang planong naisip ng kaniyang ina. Iyon ay kung posible ito subalit hindi. Mabilis ang ganitong paraan but sadly, Miranda didn't inherit her mother's way of thinking.

"Padalhan n'yo ako ng sulat kapag nakauwi na si Karlos, Maman. Gusto ko siyang makita."

"Oh, `wag na, darling. Sa mga oras na `yon, busy ka na sa magiging asawa mo kaya hayaan mong kami na ang bahala kay Karlo." Maarte nitong hinalikan ang kaniyang pisngi. "There, magpaganda ka at mag-uwi ng premyo para sa amin, okay?"

Isa itong party ngunit tingin ng kaniyang ina ay malaking laro ng sugal. Kung hindi lang ito kadugo ni Miranda—'Sinong niloloko ko? Isa ngang sugal ang mangyayari ngayong gabi, at hindi ako makikipaglaro nang patas.' Inilahad niya ang katawan sa mga tagapagsilbing mag-aayos sa kaniya at sinabi, "Ayoko ng masyadong makapal. Iyong manipis na kolorete lang ang ilagay. Piliin ang mataas na sapatos."

"Masusunod."

Kalmadong naupo si Miranda, isinasaulo ang blueprint na ipinadala ni Karlo sa kaniya. Ang mansyon ng mga De Leon ay lubhang mas malaki kaysa sa Isle Jia pero mas kaunti ang mga palamuti nito at madilim pa sa maraming bahagi. Hindi pa man nakikita sa personal ay alam na ni Miranda na malungkot na ang tahanan ng mga De Leon.

Ang kisame ng mga Isle ay hindi nauubusan sa pailaw. Kapag gabi ay ayaw ni Miranda na magtagal sa salas sa takot na mabulag.

Ang seguridad ng De Leon Jia ay mahigpit—napakahigpit bilang ito'y nasa ikalawang puwesto sa listahan. Kakailanganin ni Miranda ang reserbang plano bilang panggulo sa mga ito. Isa pa'y ang mga patibong sa bawat korido ng tahanan ay hindi biro.

"Salamat."

Naglakad palabas ng silid si Miranda matapos siyang ayusan nang limang oras. Ang damit niyang kulay pula sa itaas at may patak-patak na disenyo ng kulay puti sa ibaba ay pinakinang ng kahel na ilaw. Tumutunog ang limang pulgadang takon sa malamig na semento habang binabagtas niya ang daan papunta sa silid ni David. Kahit sinabi niyang gawing manipis ang kolorete ay ramdam niya ang makapal na lipstick, madikit na pulbo at abubot sa kaniyang mukha.

Hindi nakatutulong ang mahahabang hikaw sa kaniyang tainga. Pakiramdam niya ay nauunat ang kaniyang tainga sa bigat nito. Sanay siya sa hikaw na inilalagay sa taas banda ng tainga. Pinagbawal ng kaniyang Maman ang pagsusuot noon sa okasyong ito.

Walang pasabi na binuksan ni Miranda ang pinto ng silid ni David. Bumungad sa kaniya ang kulay tsokolateng buhok na umabot na sa leeg, itim na amerikana at nagniningning na mga mata. "David!"

"Miranda..." bulong nito, maingat siyang binigyan ng yakap. Tila ba takot na masira ang kaniyang ayos. "Ang ganda mo ngayon!"

Hinawakan ni David ang buhok niya. Hindi nagtagal ay ngumiwi ito. "Wig? Bakit ka naka-wig? Gusto ba ng mga De Leon ang platinum blonde? 'Di mo bagay. Mas maganda 'yong brown hair mo."

"Mas bagay ang ganitong disenyo ng buhok sa estilo ng damit," awtomatiko niyang sagot.

Ang hindi niya masabi sa pinsan ay, 'Para sa `yo ito. Kapag natural kong buhok ang ginamit ko, paano ko maipapaliwanag ang wig sa dadalhin kong bag?' Sa lugar nila, natural lang ang pagsusuot ng wig. Mapa-babae man o lalaki. Minsan ay simbolo pa ito ng karangyaan.

"Oo nga. Bumagay siya sa damit pero sayo…" Marahang hinaplos ni David ang kaniyang mukha. Nakaramdam ng pagkakonsensya si Miranda. "Mukhang mapipili ka ngayong gabi dahil ang ganda mo, pinsan."

"Huh, malaki talaga ang kompyansa mo sa `kin, ah."

"Ayaw ni Tita na isama ako pero binigyan niya pa rin ako ng magandang damit—dahil sa `yo iyon, alam ko. Thank you, Mira."

'Huwag ka munang magpasalamat. Hindi ko pa naibibigay ang pangangailangan mo, pinsan.' Nakaramdam ng saya si Miranda. "Oras na naging maayos ang takbo ng lahat, baka maiyak ka sa pagpapasalamat!'

Kailangang mangyari ang dapat mangyari ngayong gabi.

JOSEN

     "That girl have a great family background," puri ni Matteo sa babaeng isinayaw ni Josen kanina. Umiling si Josen sa kapatid. Umirap ito. "Seriously?"

"No spark, brother," seryoso niyang saad na ikinatawa nito. Sinimangutan niya ang lalaki. "Bakit? Hindi ka naniniwala?"

"You're too picky! Dapat pala nagjowa ka nalang ng kwitis!"

'Ako pa raw.' Ang pagkinang ng mamahaling pailaw sa kisame ng bulwagan ang kumuha sa atensyon ni Josen. Ngumiti siya kaunti sa kapatid. "Doblehin mo ang bayad sa mga organizer. This is great."

"Huh." Nag-angat ng baba si Matteo. "What can you expect from Aman? Only the best, for sure."

"Maman will be thrilled, kung nandito lang siya." Marco came between them and grinned without mirth. "Bakit kayo mandito? Kanina pa tayo pinaghahahanap ng mga dalaga sa loob."

"I don't believe you're here to look for us, Marco," asik ni Matteo sa kakambal, "nandito ka rin para magtago, eh!"

"Magtago?" Ipinilig ni Marco ang ulo sa kaliwa. "Bro, I'm here to catch a glimpse of that substitute's ever glowing halo."

Mukhang hindi pa rin ito maka-move on sa katotohanang isang lalaki lamang ang hahawak ng trabaho nila sa loob ng tatlong buwan. That's too much of an insult!

Ngumisi si Josen at tinapik ito sa balikat. "That guy won't be here."

"He?" eksayted nitong sabi, "Lalaki nga!"

Tahimik na napamura si Josen. Tumikhim siya mayamaya noong makita ang kuryoso ring tingin ni Matteo. Competitive silang magkakapatid. Kahit siya ay medyo naiinsulto na kaya ng isang lalaki na gawin ang trabahong taon nilang tatlo na inensayo. Mag-isa nitong i-ha-handle ang De Leon Jia habang wala sila!

"Must be a wizard, iyong regent natin," kaswal na ani Matteo. Ngumiti ito. Hindi kaaya-aya ang ibig sabihin ng ngiting iyon. "I mean, who could possibly do our work? Isang tao, tatlong trabaho nang sabay? Hah!"

"Hmn, Theo, he's not a wizard," pagtanggi ni Josen. Natigilan ang lalaki. Mabilis na nagsalita si Josen. "Hindi ko siya kilala. Hindi sinabi ni Aman ang pangalan niya pero pinagkakatiwalaan niya iyon ng buhay niya. Hindi ipapahamak ni Aman ang De Leon Jia, Theo."

Lahat ng mga inaalala ng mga kapatid niya ay kaniya ng inireklamo sa kanilang Aman. Habang naririnig ang eksplanasyon nito, mas lalo lamang  bumababa ang kaniyang tingin sa sarili.

Kung sino man ang lalaking pinupuri ng kaniyang ama, he's one lucky motherfucker.

"Oh, Marco. Look to the right—Yes, that lady in posh pink. She came from a great, wealthy clan. Why not have a try with her? You guys will be a great pair pero baka blonde lahat ng anak niyo. She looked fierce."

Bumagsak ang panga ni Marco. "Aya, that's how you complement a girl now? By her family's yearly financial statement? Tsaka ano nga ulit 'yon? Blonde!"

"Yes, that's because she's blonde. And the family background matters too. Less shady, more attractive."

"That's fucked up. Ano ka, naghahanap ng mapapangasawa o potential investment?"

'Aman, how can we find true love with this?' bulong ni Josen sa sarili. Nagsimula na ang kambal sa pagdidiskusyon sa taste ni Matteo. Kung 'taste' nga ba iyon kung matatawag. Hindi maatim ni Josen na tawaging kapatid niya ang lalaki.

"Highness!" Lumingon si Josen sa pamilyar na tinig ng kaniyang kanang kamay na si Birham. Agad siyang kinabahan noong makita ang ekspresyon nito. "Mister Josen..."

Birham was a guy who was not flustered easily. Lalo pa't mas matanda siya kay Josen ng ilang taon.

"Ano `yon?" Iminuwestra ni Josen na bumulong ito sa kaniyang tainga. Agad na sumunod ang lalaki at nagsumbong sa pautal-utal na boses.

"May nakapasok sa study room ninyo, Ginoong Josen."

Maikling pahayag ngunit sapat na upang manlamig si Josen mula ulo hanggang mga daliri sa paa. Una sa lahat, ang pinakapuso ng mansyon nila ay ang kaniyang silid aklatan. Naglalaman iyon ng mga konpidensyal impormasyon, ari-arian at minsan pa'y mga armas. Pangalawa, itinodo na niya ang higpit ng seguridad ng buong mansyon—ngunit may nakalusot pa rin!

Huminga nang malalim si Josen. "Tawagin si Sy, walang ibang aalertuhin. `Wag sabihin kay Aman ang nangyari." Kasalanan ito ng kaniyang kapabayaan kaya kailangang siya mismo ang umayos nito.

"Isang lalaki suot ay itim na amerikana ang nahuli sa mga security footage sa kaliwang bahagi ng mansion, Ginoong Josen." Nanginig si Birham. Pinigilan ni Josen ang sarili na pagbuhatan ito ng kamay.

Mabuti na lamang at nasa hulihang parte na ang kasiyahan. Personal na niyang hihimayin ang magnanakaw na iyon. Hindi ito makakaalis ng De Leon Jia nang buhay.

"Hulihin ang magnanakaw. Iharap ito sa akin nang buo—ako ang babasag sa kawatang `yon. Naiintindihan?"

Napalunok si Birham. Iniwas ni Josen ang tingin mula sa mapang-usig na titig ng kaniyang dalawang kapatid. "Enjoy the party, may aasikasuhin lang ako," pamamaalam niya sa mga ito.

Tumango kaagad si Matteo matapos ang ilang segundong pananahimik. Si Marco naman ay hinigit ang kaniyang braso. "Aya, may alam ka ba sa lalaking magiging panghalili sa atin?"

Napabuntong hininga si Josen sa lihim. Si Marco ang pinakamatigas sa kanilang kapatid. Tahimik man ito pero napapatiklop silang mga matatanda kapag nag-umpisa na itong mag-init. Ito rin ang pinakanagsikap sa kanilang magkakapatid dahil sa ito ang bunso, ito ang maraming dapat patunayan.

Natural lamang na lumaki rin ang kumpyansa nito sa sarili at pagdududa. Parte iyon ng pagtanda.

Umiling si Josen. "Galing siyang militarya. Sa loob ng tatlong linggo ay ma-di-discharge na siya at dinig ko hindi na niya balak bumalik sa gyera. Ito ang una niyang trabaho bilang pagbabalik sibilyan."

Naging simple, walang halong pang-iinsulto ang isinagot ni Josen ngunit namutla pa rin si Marco. Naging takot ang ekspresyon nito bago napalitan ng pananabik.

Hindi iyon maintindihan ni Josen.

"Kailangan ko nang umalis. Pumili na kayo ng mapapangasawa ninyo," atas niya sa mapagmataas na boses. Malugod niyang tinanggap ang inis na pag-ungot ni Matteo. Si Marco ay umalis nang tahimik.

Binagtas ni Josen ang daan paakyat sa ikalawang palapag ng mansyon. Marami ang sumalubong sa kaniya upang makipagkilala at makipagkamay. Tiniis niya ang mga iyon habang nagngingitngit na iniiisip kung paano pipilipitin ang magnanakaw na naglakas loob nakawan ang pamilyang ikalawa sa pinakamalakas na pamilya ng Asya.

Magsisisi ang kung sino mang pangahas na iyon.

Hindi alam ni Josen kung maganda ba ang nangyaring ito o hindi—siya lamang yata ang makakaiwas sa kasalang magaganap sa susunod na tatlong buwan dahil sa magnanakaw na ito.

Gayunpaman, itinatag nila nang dugo't laman ang De Leon Jia. Hindi niya hahayaang lamangan sila ng kung sino riyan.

Inisip niya kung may naging kaalitan ba ang De Leon Jia sa buwang ito pero wala siyang maisip. Hindi dahil wala silang kagalitang pamilya ngunit, wala sa mga ito ang may kakayahang banggain sila.

Walang pamilyang inimbitahan ang may kaduda-dudang intensyon sa kanila. Maliban na lamang sa Isle Jia. Kumunot ang noo ni Josen. Walang galaw ang Isle Jia na kakaiba sa gabing ito. Alam niya dahil pinabantayan niya ang mga ito ng iilang tauhan na nagbabalat-kayo bilang bisita.

Kung ganoon, sino ang lalaking iyon?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • ISLE JIA — MONARKIYA (Tagalog)   KABANATA 16

    MIRANDAMay gustong manakit sa kanila ni Josen. Iyon ang alam ni Miranda. Dahil kung hindi, saan nanggaling ang kotseng iyon? She refused to think that there's another person out there who might be involved in the scheme at maging posibleng biktima. Sila itong papatakas.Was it Rigs? Naaalala ni Miranda, ito ang nagtawag ng taxi para kanilang masakyan. Although the idea is feasible, napaka-obvious naman kung ito iyon.But then, Rigs is a neophyte. Hindi masisisi ni Miranda ang lalaki kung iyon lang ang naisip nitong epektibong gawin upang magdispatsa ng tao. The thought made her laugh in panic. Ang baguhang iyon ay gamuntik ng magtagumpay na burahin ang mga potential heir ng Isle at De Leon.Kahanga-hanga.Josen, as the head security of the De Leon Jia, has another theory in mind. Ganoon pa man, he wouldn't tell Miranda what is it that is on his mind. Ang paulit-ulit nitong sinasabi ay ang tawagan si Karlo.

  • ISLE JIA — MONARKIYA (Tagalog)   KABANATA 15

    MIRANDAIbinaba ni Miranda ang paningin sa mabatong bahagi ng dalampasigan. Inaayos pa ng mga tauhan ang kanilang magiging pagbaba. Malamig ang hangin dito at malansa sa ilong. Huminga siya nang malalim at muling inalala ang script na kaniyang inihanda habang nasa biyahe. Sumilip siya saglit sa mukha ni Josen bago madamdaming umirap dito. "Hindi parin ako makapaniwala, Josen. You chose that useless stone over my gold body? Sinayang mo ang oras ko, De Leon! Hindi ako makapaniwala na ganito pala kayo!" sigaw niya sa buong boses. "Ano nalang ang masasabi ng Aman ko? Ng aking Aya? Naloko ako ng isang De Leon, hah!"Humalukipkip din siya at panaka-nakang pumikit upang makita ang kaniyang inis. Nagdadalawang-isip siya sa panginginig ng pang-ibabang labi. Pakiramdam niya ay sobra na iyon. Napagdesisyonan niya na mayamaya nalang iyon gawin. Tutal ay hindi nakatingin ang mga bantay sa kaniya."Ms. Charmaine, kaya hindi ako makumpirmi na

  • ISLE JIA — MONARKIYA (Tagalog)   KABANATA 14

    MIRANDAMiranda doesn't want to trust Josen easily. Turns out, she made the right choice. Matapos kasi ang ilang oras noong sila ay makauwi galing sa gubat, pinababa agad siya ni Birham para kuno ay makipag-usap kay Josen. That made her begin to grow weary. Hindi talaga mapagkakatiwalaan ang Josen na ito.When she padded her way through the living room, she found Jahara's shit-eating grin immensely disturbing. Para bang napakasaya nito. Halos tumirik ang mga mata ni Miranda habang iniisip na baka umatras muli ang buntot ni Josen para sa babaeng ito. Tatanggalan niya talaga ng bayag ang lalaking 'yon. "Better say goodbye now, girl," sabi pa ni Jahara.Gusto niyang balikan ito upang bigwasan.Miranda flipped her hair and raise her middle finger as she went. Hindi inakala ng babae ang kaniyang reaksyon. Bumagsak ang panga nito. Miranda exerted an extra sway on her hips, showing her taunting skills that is rated top notch by

  • ISLE JIA — MONARKIYA (Tagalog)   KABANATA 13

    JOSENIt was dark when the matter between him and Jahara had settled. Sa katunayan ay hindi naman naging maayos ang pag-uusap nila at hindi iyon naisaayos. Napuno ito ng walang katapusang sumbatan at pakapalan ng mukha. Sa huli, bigong umalis si Josen sa harap ng babae. Lalo pa noong banggitin nito ang kaniyang Aman at kung paano itong pumayag sa kagustuhan ng kaniyang ex-girlfriend.Kaya pala nalaman ni Jahara ang kaniyang kinaroroonan ngayon. Ihinatid pa pala ito mismo ng kaniyang Aman!Tinawagan ni Birham ang kaniyang Aman at nagsumbong. Ang tanging payo lang ng kaniyang ama ay, 'Huwag madaliin, pakiramdamang mabuti ang puso. Nakikita ko parang hindi kayo magkasundo ni Charmaine. This will help you both decide, okay?' Pakiramdaman? Pakiramdaman, alright! Gigil niyang tinahak ang daang sinabing pinuntahan ni Miranda.Mukhang nag-swimming ang babae ayon sa mga bantay. Sa bigat ng mga pangyayari kanina, naiiintindihan ni Josen ang kagu

  • ISLE JIA — MONARKIYA (Tagalog)   KABANATA 12

    MIRANDAHindi pa man nakapagsisimula sa nais nilang gawin ay may dumating uling panggulo sa kanilang usapan. Sa pagkakataong ito, hindi kilala ni Miranda kung sino ang babaeng nagmamataas kung umasta na pumasok sa rest house. Ang alam lamang ni Miranda, nais niyang bangasan ang babae.Nagising siya dahil sa ingay na kaniyang narinig sa tanggapan ng bahay. Manipis ang bawat dingding kung kaya madali niyang nahagilap lahat ng sinabi ng panauhin nila ni Josen sa araw na iyon. Wala siyang nagustuhan sa mga sinabi nito.Nang malaman niyang ex-girlfriend iyon ni Josen, halos mapamura siya sa taste nito. Paano nito nagustuhan ang isang eskandalosa at napakaingay na babae? Mabuti na lamang at minsan lang mag-ingay si Mira at never, never siyang naging eskandalosa. Hindi niya aaminin iyon."...you brought that bitch here? In your Aman's place? The insult, Josen! This is downright insulting me as your ex!" tili ng babae, "Alam mo ba 'yon

  • ISLE JIA — MONARKIYA (Tagalog)   KABANATA 11

    MIRANDAHindi naubusan ng posibilidad ang isip ni Miranda sa posibleng gawin ng Don sa kanila. Kitang kita na wala itong paki sa kung sinuman ang nais na pakasalan ng kaniyang mga anak. Ang importante lamang dito ay makasal ang mga ito. Hindi gaya sa kaniyang Maman na gahol sa yaman at reputasyon.Tumatanda na nga ang magkakapatid na De Leon. Hulog na sa kalendaryo si Josen, sunod naman ang kambal nitong mga kapatid. Dapat ngang maging aligaga ang Don. Baka hindi na nito maabutan ang pagkakaroon ng mga apo.Kung gayonman, sinong mamumuno sa De Leon Jia?Sa ngayon, para kay Miranda, hindi mainam si Josen. Lalo naman si Matteo. Hindi pa niya nakakasalamuha si Marco ngunit kung may pinagsamang ugali ito ng dalawang Aya, mas mabuting huwag na nga.Mas mainam kung maubos nalang ang lahi ng mga De Leon. Pagkatapos ng ilang dekada, mabubura din sila sa wakas sa listahan. Sa ganoon ay permanente.Nakaupo ang Don sa nag-ii

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status