Share

CHAPTER 4: BABY ITEMS

Author: MissLuzy
last update Last Updated: 2024-12-17 20:05:22

MATAPOS bisitahin ni Geralt ang kaniyang nakatatandang kapatid ay naisipan niyang ipasyal ang pamangkin at bilhan ng mga laruan at gamit na pambata. Para man lang makabawi siya sa ilang taong hindi nakita ang pamangkin, isa pa ay nasasabik rin siyang makita at makasama ang bata. Kaya gusto niyang lubusin ang pagkakataon na makasama si Genesis.

Nasa loob siya ng bilihan ng mga items at laruan para sa bata sa mga sandaling iyon. Namimili ng mga gamit para kay Genesis, isinama niya rin ang kaniyang Ate na namimili rin ng mga gamit sa bata.

Nasa kalagitnaan siya ng pamimili ng gamit nang may mamataan siyang babae, pamilyar ito sa kaniya na para bang nakita na niya somewhere. Namimili rin ito ng mga gamit para sa bata. Syempre, wala ito doon kung hindi. Tinitigan niya ito nang mabuti hanggang sa mapagtanto niyang iyon ang babaeng nakabunggo kay Shaii sa restaurant nito. Nakasuot lang ito ng simpleng damit at pantalon ngunit nababakat pa rin ang hubog ng katawan nito.

Kasalukuyan niyang hawak ang kamay ng kaniyang pamangkin noong oras na iyon. Ilang saglit lang ay nakita niya ang isang babae na may dalang batang lalaki na natutukoy niyang nasa edad isa o dalawang gulang na.

"Ikaw naman sa kaniya , nangawit na ang kamay ko." Agad naman nitong kinarga ang bata.

She already has a kid. Hindi niya alam ang naramdaman noong mga oras na iyon, para bang nagkaroon siya ng panghihinayang. Aliw na aliw itong kausap ang bata habang namimili ng mga gamit, kahit hindi naman nakikinig sa kaniya ang bata.

Noon niya lang naisipang lingunin ang bata. Pogi ang bata, medyo matangos ang ilong at may blonde na buhok. Doon niya nakita ang sariling repleksyon habang nakatitig sa bata. Nakakapagtaka at nakakahanga lang na may pagkakahawig sila ng batang hawak ng babae. Medyo matangkad ang babae. Hindi niya lang alam ngunit naaaliw siyang titigan ang mukha ng babae ngayon sa harap niya, hindi niya mapigilang magandahan rito.

"Tara na, baby. Marami-rami naman na tayong nabili. Nagugutom na rin ako eh. Ikaw ba baby gutom ka na?"

Nataranta siya nang makitang papaalis na ang babae. Gusto niya pa iyong titigan. Sakto ring lumapit sa kaniya ang ate niya.

"Oh, may napili na ba kayong laruan ni—"

Sa pagmamadali ay may hinablot siya sa mga nakahanay na bagay at binigay na kaagad iyon sa ate niya.

"Uyy, ano to—"

"Pakihawak muna nitong si Genesis."

Walang pasabing inabot niya rito ang pamangkin at naglakad siya palabas sa toy store at nagmamadaling sinundan ang babae. Narinig pa niyang sumigaw ang ate niya ngunit hindi na niya pinansin. Nakita niya ang babae na palabas na sa mall na buhat-buhat ang bata at kasama rin ang isa pang babae na marahil ay kaibigan nito. Tinitigan na lamang niya ang babae hanggang sa tuluyan na itong nawala sa paningin niya.

"Geralt!"

Natauhan lang siya nang sumigaw ang kaniyang ate mula sa kaniyang likuran. Hawak nito ang kamay ni Genesis habang naglalakad palapit sa kaniya.

"May saltik ka ba sa utak? Bakit mo ako inabutan ng Barbie Doll kanina?! Ano sa palagay mo sa pamangkin mo bakla? Tapos bigla-bigla ka pang umaalis. Para kang hinahabol ng kung ano."

Napakamot na lang siya ng kilay niya dahil sa hiya. Hindi niya alam na iba na pala ang nahablot niya kanina, hindi niya nakita sa pagmamadali niya.

"Pasensya na Ate." Muli siyang tumingin sa entrance and exit ng Mall na nilabasan nung babae kanina.

"Ano ba kasi iyong hinahabol mo? Saka bakit ka panay tingin dun sa entrance? May hinihintay ka ba dun?"

Kaagad siyang tumikhim at kaagad itinuon muli ang atensyon sa pamangkin.

"Let's just go home."

"No. Wag muna tayong umuwi. Kumain muna tayo, kanina pa ako nagugutom eh."

"Sige, gutom rin ako eh. Tara, dun tayo sa resto na medyo malapit lang dito na pagmamay-ari ni Keith."

Walang hirap na kinarga niya si Genesis habang ang mga shopping bags naman na may lamang mga pinambili nilang laruan ay dala-dala ng ate niya.

Ilang minuto silang nagbyahe hanggang sa makarating sila sa sinasabi niyang resto na may-ari ng kaniyang kakilala. Pagpasok nila sa resto ay kaagad na sinalubong si Geralt ng isang gwapo, matangkad at maskuladong lalaki. Magkasin-katangkaran lang din sila.

"Hey, bro. Long time no see. How are you?"

"I'm good. Balita ko ikakasal na daw kayo ni Yssandra next week. Congratulations, bro. Sa wakas magkakaroon na rin ng pamilya ang isang Keith Landerson."

Ngisi niya rito na ikinainis naman nito. Si Keith Landerson, ang isa sa mga matalik niyang kaibigan na nagmamay-ari ng resto na kakainan nila. Isa rin itong business man na may malalaking kompanya na hinahawakan sa iba't ibang bansa.

"Don't mention that thing to me. Alam mo namang ayaw kong pinag-uusapan ang bagay na iyan."

"Bakit, ayaw mo nun? Ikakasal ka na?"

"You know what's the reason behind that. It's just a fixed marriage. And I don't like Yssandra, she's not even my type."

Humalakhak ito ng tawa na ikinailing niya lang.

"Ano pala ang ginagawa niyo rito?"

"Hindi ba obvious? Siguro tatambay lang kami dito. Aba syempre kakain kami." Sumabat na ang kaniyang ate na muntikan niyang makalimutang may kasama pala siya.

"Ikaw naman, Jeanna. Masyado kang pilosopo. Nagtatanong lang eh. Alam mo, gutom lang yan. Alright, just sit there and wait. We will prepare our new and famous dishes that you will surely like to taste."

Nang makaalis na harap nila si Keith ay nagsimula na silang umupo. Nagpaalam naman saglit ang kaniyang kapatid para magbanyo. Maya-maya pa ay narinig nila ang pagtunog ng bell na nagpapahiwatig na may papasok.

***

MATAPOS mamili nang mga gamit nila Ariah para kay Shawn ay nag-aya na siyang umuwi dahil nagugutom na siya. Ngunit nagsabi lang si Emily na kumain na lamang sila sa isang malapit na resto. Wala na siyang magawa nang dalhin sila ni Emily sa isang mamahaling resto na mukhang bagong bukas pa lang. Palibhasa kasi mayaman si Emily kaya nakakaya nitong gawin ang mga gusto at librihin siya. Hindi naman na siya umaangal dahil kagustuhan iyon ni Emily saka para na rin makatipid siya.

Nang makapasok na sila sa resto ay kaagad silang nakahanap ng mauupuan. Kaunti pa lang ang mga tao. Siguro dahil bagong bukas pa lang kaya kaunti pa lang ang pumupunta doon.

"Sabi ko naman sayo umuwi na lang tayo at dun na kumain sa bahay eh. Kailangan pa talagang dalhin mo kami dito?" Saad niya nang makaupo na sila sa isang table. Nakaupo naman sa kandungan niya si Shawn.

"Ano ka ba naman? Ngayon lang naman ito eh. Saka, nabalitaan ko rin kasi na masasarap at bago daw ang mga dish nila dito. Kaya tikman natin. Malay mo masarap talaga. Saka isa pa, ang pagkakaalam ko rin ay gwapo daw ang nagmamay-ari ng resto na ito at isa rin daw siya na tumutulong sa pagserve sa mga customer. Malay mo makasalubong natin siya."

Sinuway niya ito dahil wala na namang tabas ang dila nito saka marahang tinapik ang braso nito.

"Huyy, baka may makarinig sayo. Ikaw talaga, yang bibig mo walang preno. Basta gwapo talaga wala kang inaatrasan. May nobyo ka na, humahanap ka pa ng bago."

"Ano ka ba, hindi ba pwedeng humanga pa rin ako sa iba kahit na may boyfriend ako? Saka alam mo naman ang jowa kong iyon, babaero. And I know sooner or later, malalaman ko na lang na makikipaghiwalay na iyon sakin."

"Bakit, nag-away na naman ba kayo?"

"Naku, palagi namang ganun eh. Nahihirapan na nga ako sa relasyon namin. Gusto ko na ngang kumalas. Pero syempre, gusto ko siya ang unang kumalas sa relasyon namin. Aba, siya itong ang lakas humingi ng cool off sakin, eh di siya na rin ang makipaghiwalay sakin, nahiya pa siya. Basta wala na akong pakialam sa kaniya."

Madalas nakukwento sa kaniya ni Emily ang kasalukuyan nitong nobyo. Palagi nga daw silang nag-aaway at mukhang hindi na maganda ang takbo ng relasyon ng dalawa. Hindi naman niya nakita ng personal ang nobyo ni Emily kaya hindi niya mahusgahan ang hitsura nito, puro ugali lang ng lalaki ang nababanggit ni Emily.

"Ibang klase ka rin noh." Naiiling niyang sambit rito.

"Sandali lang, magbabanyo lang ako." Ilang sandali ay nagpaalam si Emily na tinanguan niya lang.

Ilang minuto ang lumipas ay bumalik din si Emily, medyo natagalan pa nga ng kaunti.

"Bakit ang tagal mo?" Tanong niya rito nang makaupo na ito.

"Pasensya na kasi. Naligaw ako eh, buti na lang may gwapong lalaki ang nagturo sakin papunta sa banyo."

"Puro ka gwapo. Umupo ka na, mamaya darating na yung order natin." Umirap lang ito sa kaniya. Maya-maya lang ay dumating na ang kanilang inorder na pagkain. Wala silang sinayang na oras at kumain na dahil gutom na talaga siya. Sinusubuan niya rin si Shawn habang kumakain.

Matapos nilang kumain ay nagpasya na siyang umuwi kaagad.

Nang makauwi na sila ay nagpahinga pa muna sila bago nila tingnan ang mga pinamili nila. Pinatulog na rin ni Ariah si Shawn bago niya inihiga sa crib nito.

Tinitigan niyang muli ang maamo nitong mukha at wala sa sariling ngumiti. Hindi talaga siya nagsasawang titigan ang gwapo nitong mukha. Nakakadismaya lang na wala man lang itong nakuha kahit kaunti sa ina nito, mukhang nakuha lahat mula sa ama. Sobrang gwapo yata ng ama ng batang ito. Sa nakuha nitong kaputian sa balat at katangusan ng ilong ay masasabi niyang may lahi ang ama ng bata. Ang perpekto ng pagkakahulma ng mukha, para talagang anghel kung titigan.

"Kanina ka pa dyan. Titig na titig ka na naman sa kaniya." Nagulat siya sa biglang pagsulpot ni Emily sa likod niya, napahawak pa siya sa kaniyang dibdib.

"Nakakagulat ka naman, Emily. Bakit ba bigla ka na lang susulpot dyan?" Inis niyang asik sa kaibigan. Tinaasan naman siya ng kilay nito.

"Haler.. kanina pa ako dito sa likod mo. Ikaw itong hindi gumagalaw at kanina pa tumititig dyan sa mukha ni Shawn. Ano, inlove sa pamangkin? Alam kong gwapo si Shawn, pero bawal mainlove sa pamangkin. Isa pa, bata pa yan." Inikutan na lang niya ito ng mata dahil sa mga sinasabi nitong wala na sa tamang linya.

"Hindi ba pwedeng humanga lang ako dahil nagkaroon ako ng gwapong pamangkin? Tingnan mo nga, sa sobrang ganda at perpekto ng mukha sino ang hindi hahanga dyan? Ikaw talaga, kahit ano na lang ang sinasabi mo. Tumahimik ka na nga lang dyan at baka magising pa natin si Shawn. Tara na sa sala, tulungan mo akong ilagay iligpit yung mga pinamili nating gamit ni Shawn." Without warning, she grabbed her arm and walked towards the living room.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Illicit Desire #1: Warmth Of His Touch   THE END

    Ilang oras nang naghihintay si Ariah sa pag-uwi ni Geralt. Nakanguso ang kaniyang labi habang hinihimas ang medyo maumbok niyang tiyan. Apat na buwan na ang tiyan niya. "Ang tagal naman ng Daddy mo, baby. Ang sabi niya saglit lang siya. Pero hanggang ngayon hindi pa rin siya nakakauwi." Halata ang labis na pagkairita sa kaniyang mukha habang hinihimas ang baby bump niya. Apat na buwan na ang nakakalipas nang ikasal sila. Matapos ang honeymoon ay lumipat na sila ng bagong bahay which is dating mansyon mula sa mga magulang ni Geralt. Hindi pa nga makapaniwala si Ariah nang malaman na may dating mansyon sila Geralt. Wala kasi itong nabanggit sa kaniya. Bago sila makalipat sa mansyon ay pinarenovate muna iyon ni Geralt. Bumili rin ito ng mga bagong furnitures para sa decoration sa loob ng mansyon. He even bought a king size bed na pinampalit sa dating katre ng kaniyang mga magulang sa dating kwarto. Gusto nga sanang ikwento iyon ni Ariah sa kaibigang si Emily pero nakaalis na ito.

  • Illicit Desire #1: Warmth Of His Touch   SPECIAL CHAPTER

    Geralt's POV, Nakahiga lang ako sa kama habang nakayakap ang isang kamay sa beywang ng kasintahan kong si Ariana. Kanina pa ako gising at nakatitig lang sa maamo niyang mukha na mahimbing na natutulog. Marahan ang paghaplos ko sa malambot at makinis niyang balat.Galing kami sa mainit na pagtatalik kagabi at mukhang napagod ko siya dahil ilang oras na siyang tulog. Sa katunayan nga, dalawang beses pa lang kaming nagtalik. Una ay noong 1st anniversary namin. Iyon ang unang pagkakataon na isinuko niya ang sarili sakin. At ngayon ang pangalawa.Sa kaniya lang din ako nangako ng kasal. Ilang ulit ko na iyong sinasabi sa kaniya Pero tinatanggi niya. Pero kahit ganun ay hinayaan ko na lang siya, inisip ko na baka di pa siya handa. Nirerespeto ko naman ang desisyon niya. Pero di pa rin ako titigil, hihintayin ko hanggang sa ready na siya.Mabait siya, mahinhin rin. Nakilala ko siya sa isang club na pagmamay-ari ni Kleo. Hindi siya yung tipo na mahilig manamit ng mga sexy na damit na pinapak

  • Illicit Desire #1: Warmth Of His Touch   CHAPTER 60: WAR IN BED

    Hindi pa rin inaalis ni Ariah ang tingin kay Geralt, may gusto pa siyang malaman. Alam niyang marami pa itong kailangang ipaliwanag at gusto niya iyong marinig. "Pero bakit? Paano ka nakulong?" Tanong niya rito. "Sino naman ang may kayang gawin iyon sayo?" Ang alam niya ay hindi kayang maikulong o sampahan ng kaso si Geralt kahit marami itong kinasangkutan na kaso. Maimpluwensya siya at hindi siya basta-basta lang na kasuhan unless may mas makapangyarihan pa ang kayang gawin iyon sa kaniya. At iyon ang gusto niyang malaman. "It's Mrs. Gatchalian, Emily's mother. She's the one who sent me to jail." Nanlaki ang mga mata ni Ariah sa gulat nang banggitin ang Mommy ni Emily. "Ano?!" Gulat niyang anas rito, "Pero.. b-bakit? Bakit naman niya iyon gagawin? May ginawa ka ba sa kanila? Kilala ko sila, hindi naman nila iyon gagawin kung wala kang ginawa." May padududa niyang wika, napabuntong hininga na lang si Geralt. "I knew you would react like that." Kumunot ang noo niya sa sinabi ni

  • Illicit Desire #1: Warmth Of His Touch   CHAPTER 59: GOT IMPRISONED

    "Why do you only bring so few things? I bought you some clothes, where are they?" Takang tanong ni Geralt kay Ariah nang makita ang isang bag na dala niya, nakakunot pa ang noo nito. Nagkibit-balikat lang si Ariah."Hindi na ako nagdala ng marami. Nandito rin naman yung ibang damit na binigay mo. Besides, we're just going on vacation. We won't be there for long, aren't we?" He hissed, "Exactly, we're going on vacation and we'll be there for a few weeks. So, we'll still be staying there for quite a while." Sinundan niya ito nang tingin nang lumakad ito patungo sa closet, kinuha nito ang walang laman niyang luggage at kinuha ang mga damit na nakasabit sa closet. "I didn't spend my money buying you fancy clothes just to leave them behind when we went on vacation. At kahit ilang linggo o araw lang tayo dun, I don't care. I want you to wear these nice clothes wherever we go." Aniya nito na hindi tumatanggap ng angal. Matapos ilagay ang mga damit niya ay sinarado na nito ang luggage s

  • Illicit Desire #1: Warmth Of His Touch   CHAPTER 58: ENDEARMENT

    "Sandali, paano pala si Venice ano nang nangyari sa kaniya?" Tanong niya. Syempre nag-aalala pa rin siya para rito. Napabuntong hininga na lang si Geralt."She's dead. Kasalukuyan nang dinala pabalik sa kanila ang labi niya para sa ilibing." Hindi nakaimik si Ariah. Alam niya ang ginawa ni Venice at galit rin siya rito. Pero kahit na ganun ay hindi naman niya ninais na mangyari iyon kay Venice. Pero hindi niya iyon inaasahan na ganun na lang ang mararanasan ni Venice, nakakaawa pa rin siya. "Let's just hope those families don't take revenge for what happened to Venice. I know her family, especially her father. Hindi niya pinapalampas ang mga maaaring mangyari lalo na kapag napahamak ang pamilya niya, lalo na't isa si Venice ang pinakapaborito niya." Nakaramdam ng pangamba si Ariah. Natatakot siya sa kung anong maaaring mangyari. Paano kung bigla na lang silang sugurin ng pamilya ni Venice? Paano kung totoo ngang maghihiganti ang pamilya niya? Natatakot siya lalo na't siya ang dahil

  • Illicit Desire #1: Warmth Of His Touch   CHAPTER 57: HER SAVIOR

    Nang imulat na ni Ariah ang kaniyang mga mata ay puting kisame na naman ang una niyang nakita. Mukhang nasa hospital na naman siya. Sa amoy pa lang nga mga medisina sa loob, alam na niya kung nasan na siya. "She's awake." Narinig niyang saad ni Emily. Nandito siya at sa tono nito ay nag-aalala ito.Inilibot ni Ariah ang kaniyang pangingin. Nagtaka pa siya na ang dami nilang nakapalibot sa kaniya. Hindi lang si Emily ang naroon, pati sila Jeanna, Shaii at ang mga kaibigan ni Geralt. And of course, nandun rin si Geralt na hawak-hawak ang kamay niya habang nakaupo sa tabi niya. "Baby, I'm so grateful you're awake. How are you? May masakit ba sayo? Are you feeling unwell? Tell me." Sunod-sunod nitong tanong ngunit nakatitig lang siya rito. Naalala nya hindi kasama si Geralt sa pagligtas sa kaniya. Dahil dun ay nakaramdam ng inis si Ariah. Kung mahal siya nito at kung may pagsisisi nga ito sa mga ginawa niya, bakit wala siya dun para iligtas siya? Ang lakas ng loob nitong pumunta dito

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status