"What the hell is that all about? Kailangan ba talaga na maabutan ko kayo ni Trey sa gano’n na puwesto? At gustong-gusto mo pa talaga na nilalandi ka ng gago na kapatid ko!" Nagulat ako nang madatnan si Tyrone sa apartment ko sa pag-uwi ko. Hindi ako nakahuma at na-estatwa na lamang ako sa may pintuan nang marinig ang galit na tinig niya pagkapasok na pagkapasok ko pa lamang. Hindi ko na rin kasi inaasahan na pupunta siya rito ngayon na wala man lamang pasabi. "And where the hell have you been? Kasama mo ba si Trey sa maghapon? Did you spend time with my brother again? Fuck it! What did you two do?" Galit na galit siya nang tumayo siya at agad na hinaklit ako sa braso.
"Royce, what is wrong with you? You're hurting me." Pilit ako na kumakawala sa pagkakahawak niya sa braso ko ngunit mahigpit ang kapit niya roon at ramdam ko ang galit niya sa akin. Pasalya niya ako na itinulak sa may sofa habang nanatili siya na nakatayo at madilim ang mga mata na nakatitig sa akin. "Ano ba ang mga sinasabi mo?"
"Answer me, Raven! Saan ka galing? Kasama mo ba si Trey? Saan kayo nagpunta at ano ang pinaggagagawa ninyo? Ano, nagkulong na naman ba kayo ng tarantadong iyon sa kuwarto? Bullshit! Hindi ko na nga sinabi sa’yo na bumalik na siya pero nagkita pa rin kayo." Sunod-sunod na tanong niya sa akin at kitang-kita ko ang lalo na pag-usbong ng galit sa mga mata niya sa bawat pagsasalita niya. "At ano ang ginagawa mo roon sa opisina? Bakit hindi mo nabanggit sa akin na ikaw ang kinuha ng kumpanya namin para sa commercial? Are you doing this on purpose? Are you spying on me and Ivory?"
"What?! I am not spying on you and your wife. Hindi ako gano'n katanga para pasakitan ang sarili ko."
"Then what? Alam mo na nagbalik na si Trey kaya bigla na gusto mo na pumunta at bumalandra sa casting call? Siya pa rin ba, Raven?! Are you still in love with him? Tang-ina!"
Nangingilid na ang mga luha sa mata ko pero pilit ako na nagpapakatatag sa sandali na ito. Ayaw ko na umiyak kahit na nasasaktan ako sa mga paratang niya. Alam ko na mali ako dahil hinayaan ko ang mga yakap at akbay na iyon ni Trey. I should have stayed away from him, lalo na at kaharap namin si Tyrone, pero hindi ko magawa dahil lubos rin ang saya ko na nagbalik na ang lalaki na siyang buhay ko noon. But are Tyrone's words against me justifiable? Hindi ko na rin alam, but I know that I am at fault, kaya sa muli ay ako na lamang ang magpapakumbaba.
"I’m sorry, hon. Hindi ko alam na si Trey ang magiging kapareha ko. Hindi ko rin alam na ako na pala ang gaganap doon dahil ang sabi ni Ashley sa akin ay casting call pa lamang iyon. Kanina ko lamang din nalaman buhat kay Trey na ako na pala ang napili niya. I tried to back out, and that's the truth. Sinubukan ko na kausapin si Ashley na huwag na ako ipasok doon pero wala akong nagawa. Alam mo naman na pagdating sa trabaho ay wala akong magagawa basta sinabi na ni Ash."
Napapahilot na lamang si Royce sa kan’yang noo habang palakad-lakad siya sa harapan ko. "Fuck it, Raven. I hate it! I hate it that Trey is all over you again. And I hate it even more dahil pinapayagan mo na naman siya na hawak-hawakan ka. I am fucking jealous of that asshole! Akin ka lang, Raven, akin ka na ngayon! Iniwan ka na niya noon, pero bakit ngayon parang wala lang sa’yo iyon? Are you doing this on purpose? Ganti mo ba ito sa akin kaya tuwang-tuwa ka na makita na nanggigigil ako sa inis at sa selos kanina sa kapatid ko? Nasisiyahan ka ba na makita na gustong-gusto ko nang sapakin ang gago na iyon dahil sa pagyakap at pag-akbay niya sa’yo!?" sigaw niya pa sa akin.
At sa puntong ito ay nagpanting ang tainga ko sa mga sinabi niya. Alam ko na may mali rin ako, pero bakit ganito ang mga salita niya sa akin? Bakit parang kasalanan ko pa na nilapitan ako ni Trey? Bakit ako pa ang parang may mali kahit na pilit naman ako na umiiwas kanina? Ako lang ba ang may pagkakamali sa lahat ng ito para pagsalitaan niya ako ng ganito?
Maaari na martir ako sa pag-ibig, pero hindi ako gano’n katanga para akuin lahat ng mga pagkakasala na hindi naman sa akin lamang. "Teka nga, ano ba ang ikinagagalit mo?! Ano ba ang dahilan ng pagwawala mo?"
"You are not stupid, Raven! Alam na alam mo ang ikinagagalit ko."
"Si Trey ba? You’re jealous of your brother? You’re insane to react that way if that’s your only reason. Ako nga ang halos madurog ang puso kanina sa sakit na nakikita ko sa inyo ni Ivory, pero nagwawala ba ako ngayon? Hindi, dahil alam ko na wala akong karapatan dahil isang kabit lamang ako."
"Don't you fucking go there, Rave. Hindi ang pagiging kabit mo ang isyu natin dito." Paulit-ulit ang pagkuyom niya ng kamao niya dahil sa galit niya, pero sa punto na ito ay nabubuhay na rin ang galit ko sa mga sinasabi niya sa akin. "Ang isyu dito ay ang paglalandian ninyo ng kapatid ko sa harapan ko!"
Sarkastiko ako na napatawa sa sinabi niya. Tama nga ang hinala ko na ako ang pinatutungkulan niya ng mga salita niya kanina. "Don't you fucking say that to me because you don't know what I have to go through, Royce. Pinilit ko na umarte kanina na parang balewala sa akin ang lahat ng nakikita ko sa inyo ni Ivory kahit na halos pinapatay mo na ako sa sakit na makita kung paano mo alagaan at asikasuhin ang asawa mo. Nagagalit ka sa simpleng yakap at akbay, paano pa ako sa patuloy ninyo na paghahalikan sa harapan ko? Alam mo ba kung ano ang mas masakit? Ang makita mo ang taong mahal mo na may hinahalikan na iba sa harap mo pero wala kang magawa dahil alam mo na hindi siya sa’yo."
"Raven."
"I was there, Royce, but you chose to show affection to your wife in front of me. You didn't even stop her from the PDA that she is doing; you are all over her as well, and you are slowly killing me with those actions. Bakit mo ginawa iyon? Para makaganti ka sa akin? Trey is my best friend, at bago pa tayo magkakilala ay magkaibigan na kami ng kapatid mo. Pero ano nga ba ako sa'yo? Bakit kahit ako ang nauna, sa iba ka ikinasal? Ngayon, sabihin mo nga sa akin, ikaw pa ba ang lugi sa atin dalawa? Ikaw lang ba ang may karapatan na masaktan at magselos dito?" galit na sagot ko rin sa kan’ya.
Sobra na ako na nasasaktan na parang isinisisi pa niya sa akin ang lahat ng ito. Hindi ko naman ginusto ang mga nangyari kanina, pero hindi ko rin naman maamin kay Trey ang kung ano ang mayroon kami. I am not even protecting myself here, but I am protecting his marriage and his name. And if I had a choice, hindi ako pupunta sa lugar kung saan maaari na magtagpo kami ng asawa niya, dahil kung may magagawa lang ako hindi ko na pahihirapan pa at sasaktan ang sarili ko para makita ang mga tagpo nila ni Ivory.
And I’ve got him with my words this time. Bahagya siya na nahimasmasan sa galit niya para sa akin. Napabuntong hininga si Royce at lumuhod sa may harapan ko. "Hon, I’m sorry that I got jealous. I know he is just your best friend, but we both know that what you feel for each other goes beyond that. Nagselos ako na ang una ko na makikita pagkadating ko sa opisina ay ang nakapulupot na braso ng kapatid ko sa pag-aari ko. You are mine now, and Trey doesn’t have the right to touch what is mine."
"Talaga, Royce, am I really yours to begin with?" mataray na balik ko pa sa kan’ya. "Bakit ang dali mo na sabihin na pag-aari mo ako, pero bakit ako, wala akong karapatan na sabihin na sa akin ka lang din? Isn't that just unfair?" Maluha-luha na sagot ko pa.
"Rave, sorry." Muli na pagmamakaawa niya sa akin. "Huwag na natin pagtalunan ang sitwasyon natin na ito."
"What are you even doing here? Paano ka nakatakas sa asawa mo ngayon?" tanong ko na lamang sa kan’ya. Hindi ko maintindihan na ngayon na galit na galit siya sa akin dahil sa nagseselos siya kay Trey ay nakahanap siya ng paraan para tumakas sa asawa niya, pero kapag kailangan ko siya ay hindi ako puwede na mag-demand na puntahan niya ako sa oras na gusto ko.
"It doesn’t matter, ang importante ay narito ako ngayon. Where have you been, hon? Are you with Trey?" Malumanay na ang boses niya nang tanungin niya ako muli. "Magkasama ba kayo sa buong maghapon?"
"Si Trey? Why would you even say that? Hindi ba at naiwan ang kapatid mo sa opisina ninyo nang umalis kami ni Ashley."
"He left the moment you left."
Naparolyo na lamang ako ng aking mata sa kan’ya. At times, I just find it unfair, bakit siya ay may karapatan na magselos habang ako ay wala? "Si Ashley ang kasama ko dahil may dinaanan pa kami na costume fitting. Hindi kami magkasama ni Trey."
"I’m sorry, hon. Nagseselos ako kay Trey. Alam ko kung gaano kayo kalapit na magkaibigan noon at alam ko rin kung ano ang namagitan sa inyo noon. And I am threatened now that he’s back. I don't want him back, but I have no choice. Hindi ko rin gusto ang mga tingin na ipinupukol niya sa’yo kanina, pero mas lalo na hindi ko gusto ang mga paghawak-hawak niya sa’yo na pinapayagan mo naman."
"Royce, kagaya nga ng sabi mo, malapit kami na magkaibigan, and you can’t stop that. You can't take that away from us dahil mas nauna kami na naging malapit sa isa’t-isa bago naging tayo. Kapareho lamang iyon na hindi ko mapipigilan ang relasyon ninyo ni Ivory bilang mag-asawa." Pilit ko man na iwaksi sa isip ko ang sakit na nararamdaman ko ay hindi ko magawa. Inggit na inggit ako kay Ivory dahil hawak niya ang dapat ay sa akin. "Don't be unfair to me, Royce. And I need you to trust me in the same way that I trust you every time that you are with your wife."
"Sorry, hon, hindi ko rin alam na darating si Ivory kanina sa opisina. She knows that I have a meeting regarding the project, and maybe she just wanted to see who the model is. Huwag na tayo mag-away, hon. I’m sorry if I’ve been a jerk to you again. Hindi ko sinasadya ang mga nasabi ko at nagawa ko kanina. Hindi ko lang talaga napigilan ang sarili ko." Hinaplos niya ang mga pisngi ko habang unti-unti na inilalapit ang kan'yang mukha sa akin upang gawaran ako ng halik.
At kapag ganito na si Royce ay kusa nang natutunaw ang lahat ng galit at inis na nararamdaman ko para sa kan’ya. Dahil sa kabila ng sakit na patuloy ko na nararamdaman sa relasyon namin ay mas nananaig pa rin ang pag-ibig ko sa kan’ya. Mas matimbang pa rin ang pagmamahal na mayroon ako kaysa sa negatibo na emosyon na lumulukob sa akin.
"I’m sorry too, hon." bulong ko sa kan’ya. "I won't get too close to him again."
Naramdaman ko na lamang nang hapitin niya ako papalapit sa kan'ya. "Akyat na tayo." Pagyaya niya pa sa akin.
"Dito ka matutulog ngayon?" sabik na pagtatanong ko.
"I can’t. I have to be home later, but while I’m here, let’s make the most of it." Pagkasabi niya no’n ay agad niya ako na binuhat ng pa-bridal style, kaya napatili na lamang ako.
"Hon!"
"What?! Sa tingin mo ba ay makakaligtas sa akin ang suot mo na iyan? At sa tingin mo rin ba ay papayag ako na ang huling yakap na matatanggap mo ngayon araw ay galing sa kapatid ko? I would never allow another man to touch what’s mine, Rave. I would never allow anyone, especially my brother, to take what is mine."
Buhat-buhat niya ako hanggang sa makapunta kami sa kuwarto. Pagkapasok na pagkapasok sa silid ay agad niya ako na inilapag sa kama habang ang mga mata niya ay patuloy na pinapasadahan ang kabuuan ko.
"You are mine, Rave. All mine. Always remember that." Pagkasabi no'n ay agad niya na sinakop ang labi ko. Isang mapusok na halik ang ibinigay niya sa akin kaya wala akong nagawa kung hindi ang hapitin siya at tugunan ang mga halik na iginagawad niya sa akin.
"Royce!" Sa bawat halinghing na lumalabas sa akin ay siya naman na pagdiin ng halik niya. Ramdam na ramdam ko rin ang epekto ng mga halik na iyon sa kan’ya. Hinimas-himas niya ang mga binti ko at lalo ito na nagbibigay ng kakaibang sensasyon sa akin.
"Raven, shit!" Pababa nang pababa ang mga halik na iginagawad niya sa akin at nagsisimula na rin ang paglikot ng mga kamay niya upang tanggalin ang aking damit. Nilulukob na rin ako ng kakaibang pakiramdam, ang sensasyon na tanging si Royce lamang ang makapagbibigay sa akin.
Pareho na kami na nalulukob sa pagnanasa. Pareho kami na nalulunod sa mali at bawal na pagmamahal. Ngunit pareho rin kami na walang magawa upang mapaglabanan ito, kaya parang tadhana na ang gumagawa ng paraan para tigilan namin ang mga pagkakasala namin. Sa gitna ng mainit na eksena namin ay isang pagtunog sa telepono ang aking narinig.
"Hon, your phone." usal ko sa gitna ng mga halik at halinghing.
"Hmm." Wala siyang balak na tumigil sa ginagawa namin, ngunit wala rin tigil ang pagtunog ng kan’yang telepono.
"Hon, answer your phone." Muli ko na utos sa kan’ya.
Inis na inis naman siya na tumigil sa ginagawa niya at bumangon upang abutin ang telepono niya. "Fuck! Istorbo!" Inis na usal niya pa. Ngunit nang makita ang tumatawag sa kan'ya ay nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. "Baby?"
Isang salita lamang iyon. Isang salita lamang ang muli na nagpaalala sa akin na ang lalaki na nasa harapan ko ay hinihiram ko lamang. Muli na bumangon ang sakit sa aking puso dahil sa isang salita na iyon. Huminga ako ng malalim saka tuluyan na inayos ang aking sarili at tumayo buhat sa pagkakahiga. Nanghihiram lamang ako at kailangan ko na iyon na isoli.
Nang putulin ni Royce ang tawag ay alam ko na ang ibig sabihin no'n. Hindi na niya kailangan pa na magpaliwanag dahil alam ko na ang dahilan ng ekspresyon niya. "I know, Royce. She needs you. I’ll be okay. Sige na at umuwi ka na." Pagkasabi ko no'n ay agad na ako na pumasok sa banyo. Ayaw ko nang makita pa ako ni Royce na muli na lumuluha. Ayaw ko nang makita na naman niya ako na nasasaktan na naman dahil sa kan’ya.
I am a mistress, and this is how my life is destined to be. Walang karapatan na mag-demand dahil ang oras niya para sa akin ay hinihiram ko lamang.
Thank you sa lahat ng sumuporta at nagbasa sa story ko na ito. Sobrang sorry din po dahil natagalan sa pag-update dahil naging busy na sa work. Sana po ay i-support ninyo rin ang iba ko pa na story:Completed (Tagalog Stories)The Invisible Love of Billionaire - Colton and Atasha storyMarried to the Runaway Bride - Mikel and Tamara storyFalling for the Replacement Mistress - Kenji and Reiko storyThe Rise of the Fallen Ex-Wife - Evan and Harper storyEntangled to the Hidden Mafia - Zane and Serenity storyOn-Going (Tagalog Story)Framed the Prince to be My Baby Daddy - Aldrick and Russia storyComplete (English Story)My Back-Up Boyfriend is a Mafia Boss - Elliot and Ariella storyOn-Going (English Stories)The Dragster's Mafia Heiress - Calix and Kaira storyThe Runaways' Second Chance Mate - Blaze and Snow story
"Yeah, I will. Darating ako." Iyon na lamang ang huling sinabi ko tsaka ko tuluyan na pinutol ang tawag. Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko at saka ako napasandal sa aking kinauupuan. Pumikit ako at hinimas-himas ang aking noo dahil sa balitang natanggap ko.I am having mixed emotions right now. Tumawag kasi si Trey upang ibalita sa akin ang plano nila na pagpapakasal ni Raven. I am not expecting that my brother will call me, but he did, and a part of me feels glad that Trey did, because I feel that my brother still respects my presence in his life.A year ago, Trey called me as well to tell me that Raven and him are finally together. Hindi ko rin inaasahan ang pagtawag na iyon dahil hindi naman na rin namin lubos na naibalik pa ang dating samahan namin bilang magkapatid, but that move from Trey showed me how much my brother still values me despite everything.At nang sabihin ni Trey sa akin sa tawag na iyon na sa wakas ay pormal na silang magkarelasyon ni Raven ay wala akon
"Hi, Raven."He is here. He is here in front of me. Halos mabingi ako sa lakas ng tibok ng puso ko ngayon habang kaharap ko ang lalaki na kanina lamang ay nagbibigay sa akin ng samu’t-saring emosyon. I was worried, I was frustrated, I was disappointed, but now all I am feeling is happiness. Masayang-masaya ako na makalipas ang ilang buwan nang pag-iwas namin sa isa’t-isa ay ito na kami ngayon at magkaharap na ng personal""So siyempre aalis na ako, hindi ba? Alam ko naman na hindi ako kasama sa dinner na ito." Pagsasalita ni Ashley sa may bandang likuran ko. "Ikaw na ang bahala kay Raven, Trey.""Yes, and as always, thank you, Ash." Sagot niya sa kaibigan ko pero ang mga mata niya ay sa akin pa rin nakatuon. Kagaya niya ay hindi ko rin maalis ang atensyon ko sa kan’ya. Hindi ko na nga rin nagawa na lingunin pa si Ashley upang magpaalam dahil ang nasa isip ko ay ibigay lamang ang buong atensyon ko kay Trey. Hindi maaari na mawaglit siya sa paningin ko dahil baka mawala na naman siya ka
Kanina pa hindi mapalagay si Raven. Hindi nga niya magawa na makapagpokus sa trabaho niya dahil naiinis siya. Alam niya na napapansin na rin siya ni Ashley pero gano’n pa man ay balewala iyon sa kan’ya dahil sa gumugulo sa isipan niya."Rave, anong problema mo?" tanong nito sa kan’ya. "Kanina ka pa wala sa focus. What’s wrong with you? Isang set na lang naman at matatapos ka na, kung ano man ang iniisip mo ay kalimutan mo muna. May sakit ka ba?"Umiling na lamang siya at hindi na sinagot ang kaibigan at isinenyas na lamang na ipagpatuloy na nila ang huling set para makauwi na rin siya. Wala siya sa mood ngayon araw dahil may kulang sa araw niya. Kanina pa siya na naghihintay simula nang magsimula sila pero last set na niya ay wala pa rin na dumarating.At aaminin niya na hindi siya sanay sa ganito. Pakiramdam niya ay may nagbago at ang pagbabago na iyon ay hindi niya gusto. Malimit ay hindi niya ipinapakita ang appreciation niya, pero ngayon ay hinahanap-hanap naman niya. Ito kasi ang
It has been more than six months, and Trey thought it would be easy to make it through, but things just get harder each day. Lalo siya na nahihirapan sa pagdaan ng bawat araw at ilang beses na rin siya na nagtangka na puntahan si Raven, pero sa tuwina ay naaalala niya ang naging takbo ng usapan nila, at sapat na iyon para mapigilan siya sa mga plano niya. Nangako siya na maghihintay siya, kaya kahit na mahirap ay pilit niya na kinakaya ang lahat. Ayaw niya na ma-pressure si Raven kung kaya't nagkakasya na lamang siya sa pagpaparamdam na nasa paligid lamang siya ng babae at naghihintay.Mahirap na maghintay lalo na at walang kasiguraduhan, ngunit pinanghahawakan na lamang niya sa bawat araw ang naging huling pag-uusap nila ni Raven, lalo na ang paulit-ulit nito na pagsabi sa kan'ya na mahal pa rin siya nito.---"Mahal na mahal kita mula noon hanggang ngayon, Raven. Hindi nagbago ang pagmamahal ko na iyon kahit na ano pa ang nangyari sa nakaraan. Hindi nag-iba ang nararamdaman ko para
"Delivery for Ms. Raven De Ocampo."Ang buong paligid ay napuno na naman ng mga bulong-bulungan at pagkakilig buhat sa mga kasamahan ni Raven dahil sa pagdating na naman ng delivery na ‘yon. At dahil nakasalang pa si Raven sa set niya ay si Ashley na lamang muna ulit ang tumanggap nito, pero ang mga mata ni Raven ay nakatuon na naman sa dumating na padala na iyon.This has been the constant scenario whenever she is at work. Lagi na lamang siya na may natatanggap na iba’t-ibang padala at hindi na niya kailangan pa na hulaan kung kanino iyon nanggaling. Isang tao lamang naman ang malimit na nagpapadala sa kan’ya ng kung ano-ano: Si Trey Lorenzo.Nang maisip si Trey ay bahagya na nagsalubong ang kilay niya. Nawala na naman siya sa kan'yang pokus pero pilit pa rin naman niya na ginampanan ng maayos ang kan'yang trabaho. Hindi maaari na muli siya na mawala sa kan'yang mga prayoridad. Iwinaksi muna niya sa kan'yang isip ang tagpo na iyon at tinapos na lamang muna ang trabaho.Nang matapos an