Mag-log inGood morning.
“P-Please…” garalgal kong bulong, nilulunok ang bawat natitirang piraso ng pagkatao ko. Ipinikit ko ang mga mata ko para hindi ko makita ang mukha niya, para hindi ko makita ang lalaking dumudurog sa pride ko.“P-Please, Rhamesis… t-touch me…”Nanginginig ang mga tuhod ko. Ang malamig na salamin sa likuran ko ang tanging sumusuporta para hindi ako tuluyang bumagsak.Kada pintig ng puso ko ay sumisigaw ng pangalan ni Mama. Buhay ng nanay mo ang nakasalalay dito, Kikay. Isang salita lang niya sa telepono, mawawala ang lahat. Pwede siyang paalisin sa St. Luke's. Pwede siyang mamatay.Dahan-dahan akong napapikit. Isang mainit na butil ng luha ang nagbadyang tumakas mula sa aking mata, ngunit marahas ko itong pinigilan.Hindi. Kung luluhod ako ngayon, habambuhay na akong magiging alipin hindi lang ng VIP na iyon, kundi ng lalaking nasa harap ko. Kung ibibigay ko sa kaniya ang panginginig at pagmamakaawa ko, kailanman ay hindi na ako makakabangon.Idinilat ko ang aking mga mata. Pinilit kong
CHAPTER 37:KIKAY DELA TORRE’S POINT OF VIEW “...and the punishment—” Umihip ang malamig na hangin sa veranda, ngunit pakiramdam ko ay sinusunog nang buhay ang buong pagkatao ko.Nanlaki ang mga mata ko. Ang boses ni Rhamesis ay sobrang baba, paos, at gumagapang sa mismong sistema ko. Punishment. Isang parusa? Dahil lang sa nagselos siya? Dahil lang nakita ng VIP na pilit kong ginagamit ang sitwasyon para asarin ang handler na ipinadala niya? Bago pa man ako makapagsalita o makapagtanong, marahas na hinawakan ni Rhamesis ang braso ko. Hindi na niya ako hinintay na makabawi. Kinaladkad niya ako palabas ng Vandermere. “R-Rhamesis, nasasaktan ako!” daing ko habang pilit na sumasabay sa mabibigat at malalaking hakbang niya. Ang mataas na heels ko ay halos matapilok sa bawat kaladkad niya sa akin sa madilim na hallway. Nakita ko ang mga staff, pati na ang Maître D’, na mabilis na yumuko at umiwas ng tingin habang dumadaan kami.Walang nagtangkang pumigil. Walang nagtangkang m
RHAMESIS’S POINT OF VIEWBago pa man ako muling nakapagsalita, marahas na hinugot ni Kikay ang maliit na earpiece.Nanginginig ang buong katawan niya habang nakasandal sa malamig na rehas ng veranda. Nanlalaki ang kaniyang mga mata na puno ng matinding takot, kaba at pamumula ng mata kahit pa pinapakita niyang matapang siya.Mabilis niyang idinikit ang aparato sa aking dibdib, halos isiksik iyon sa palad ko.“I-ibigay ko daw sa’yo,” garalgal at halos pabulong niyang saad, pilit iniiwas ang kaniyang paningin sa akin. “K-kausapin ka ‘raw.”Napatitig ako sa kaniyang namumutlang mukha. Ang dibdib niya ay mabilis na umaangat-bumababa, halatang terrorized sa lalaking inaakala niyang 'VIP'.Umigting ang panga ko. Marahas kong kinuha ang maliit na earpiece mula sa nanginginig niyang mga daliri.Sinalubong ko ang naguguluhan niyang mga mata ng isang madilim at mapanganib na tingin, bago ko pormal na isinuot ang earpiece sa sarili kong tainga. Nag-abang ako sa susunod na sasabihin ng distorted
“Don’t do things without my order. Remember I have your mother’s life in my hand.”Pakiramdam ko’y nawala lahat ng kulay sa mukha ko. Parang binuhusan ng yelo ang buong katawan ko.Awtomatiko akong napabitiw sa braso ni Dr. Gabriel. Nanginginig akong napaatras.Tiningnan ko siya. Ibinubulsa na niya ang kaniyang telepono habang nakangiti pa rin sa akin nang napakabait. Wala man lang bakas ng demonyo sa kaniyang mukha.Nangingilabot ako. Walang duda. Siya nga!Mismong sa pagpindot ng daliri niya sa phone, doon pumasok ang utos sa tenga ko. Paano niya nagagawang ngumiti nang ganiyan kapuro... habang nagpapadala ng ganoong kaimpaktong banta sa earpiece ko?!Ang tindi ng pagbabalat-kayo ng lalaking ito.Napansin ni Dr. Gabriel ang biglang pagbabago ng atmospera. Naramdaman niya ang matinding tensyon at ang nag-aapoy na aurang nagmumula kay Rhamesis.Dahil propesyonal at sadyang umiiwas sa gulo, ngumiti siya nang pormal at bumaling kay Rhamesis.“Sige, Kikay, mauna na ako. I really need to
“Kikay…”Ang pamilyar at banayad na boses na iyon.Dahan-dahan kong iniangat ang aking paningin. Ang puso ko ay parang gustong kumawala sa aking dibdib.Nang tuluyan kong makita ang mukha ng lalaking nakatayo sa gilid ng mesa namin, pakiramdam ko ay umurong ang lahat ng dugo ko.Si Dr. Gabriel.Ang neurosurgeon na nag-opera kay Mama. Ang lalaking kahapon lang ay nagpakape sa akin. Ang lalaking may napakaamo at napakagwapong mukha.Ngayon, nakatayo siya rito sa loob ng Vandermere—ang pinaka-exclusive na lugar na tanging mga bilyonaryo at pinakamakapangyarihang tao lang ang nakakapasok.Nakasuot siya ng isang mamahaling navy blue suit na malayong-malayo sa puting coat na suot niya kaninang umaga. Kumikinang ang isang mamahaling relo sa kaniyang pulso.“Doc Gabriel…” garalgal na usal ko. Mabilis kong binawi ang kamay ko na nakapatong sa hita ni Rhamesis. Nanginginig kong itinago iyon sa ilalim ng mesa.Ngumiti siya. Ang parehong matamis at nakakapanatag na ngiti. Ngunit ngayon, sa ilalim
Sige. Kung ito ang gusto niyo, ibibigay ko.Dahan-dahan kong ibinaba ang kanang kamay ko sa ilalim ng mesa. Gumapang ang malamig na hangin sa balat ng binti ko dahil sa mataas na slit ng pulang silk dress ko. Sa bawat pulgada ng pagbaba ng kamay ko, parang mas lalong bumibilis ang pintig ng dibdib ko.Hanggang sa maramdaman ng mga daliri ko ang matigas na tela ng kaniyang black suit trousers.Napalunok ako. Dahan-dahan kong ipinatong ang buong palad ko sa ibabaw ng kaniyang hita. Ramdam na ramdam ko ang init at ang matitigas na kalamnan ng kaniyang binti sa ilalim ng aking kamay.Sa kabila ng aking panginginig, pinilit kong hindi i-urong ang kamay ko. Sa halip, hinawakan ko iyon nang may kaunting diin, sapat para iparamdam sa kaniya na ginagawa ko ang utos nang walang pag-aalinlangan.Nang sandaling lumapat ang palad ko roon, nakita ko ang marahas na pagbago ng ekspresyon ni Rhamesis. Bahagyang natigilan ang pag-inom niya ng wine. Ang hawak niya sa tangkay ng crystal na baso ay humigp







