CHAPTER 10:Nanginginig ang buong katawan ko habang nakaupo sa loob ng SUV.Pero ang utak ko ay lumilipad, iniisip ang mga posibleng mangyari at ang sitwasyong kinalalagyan ko ngayon.Sa tabi ko, tahimik na nakaupo si Rhamesis.Ramdam na ramdam ko ang presensya niya, ang init ng balat niya at pabango niya na dati ay nagpapagaan ng loob ko, pero ngayon, isa na lang paalala ng isang mapait na nakaraan at ng nagbabadyang kagaguhan.Hindi ko siya matingnan.Nakapako ang mga mata ko sa labas, habang pilit kong pinipigilan ang mga luha na gustong kumawala.Biglang may inihagis na brown folder sa kandungan ko. Napatalon ako sa gulat.“A-Ano 'to?” garalgal ang boses ko. Hindi ko man lang tiningnan ang folder. Pakiramdam ko, kapag binuksan ko 'yan, tuluyan na akong malulunod.“That’s the contract, sign it.” malamig na sagot ni Rhamesis.Sumandal siya sa leather seat, at kahit hindi ko siya tinitingnan, alam kong nakatitig siya sa akin, pinagmamasdan ang bawat pagbagsak ng balikat ko, ang bawat
Terakhir Diperbarui : 2026-04-25 Baca selengkapnya