Share

Chapter 36 Ethan

“ANG LABO MO namang kausap.”

Napakunot ang noo ni Ethan nang marinig na naman ang komento ni Seth. Napatigil siya sa pagtitipa sa laptop at nilingon ang binata. “Hindi ako malabong kausap, Seth.”

“Anong hindi?” halos pasigaw nitong turan sa kaniya. “Akala ko ba handa ka nang gawin ang plano natin? Sang-ayon na rin si Trev. Siya na raw maglalapit sa kakilala niyang–”

“Wala na akong pakialam ngayon, Seth,” inis niyang sambit. “I thought we are clear that it was just a drunk conversation kaya natin naisip ‘yon.”

“Pero,” anito nang magsalin ng alak sa baso at dumekwatro sa couch sa opisina ni Ethan. “There is no harm in trying, right? Isa pa, hindi ka ba curious kung si Aiah nga talaga ‘yon o si Enie?”

“Hindi.”

“What?” agad na alma ni Seth.

The last time they talked about Enie and Aiah, naisip nilang isagawa ang isang bagay na makapagpapatunay kung iisa nga silang dalawa, or at least tell that Aiah is Enie. Matagal nang tumatakbo s

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status