Share

CHAPTER 4 - "We need to get married"

RAVEN’S POV

“Mommy, are you going to live with us?” Awkward akong napatawa nang kausapin ako ni Alastair gamit ang ipad nito. Hindi ko na lang siya sinagot at hinaplos lang ang buhok niya. 

Habang nakatingin sa mga mata ni Alastair naalala ko na naman ang mga nangyari kagabi. Noong una hindi ko pa nakilala ang lalaking nakayakap sa akin dahil sa sakit ng ulo at panlalabo ng paningin. Pero nang bumaling ang ulo nito sa akin muntik na akong mag-panic ng makilala ko ang estranghero. Halos mataranta ako at masipa ko siya, pero agad kong napigilan ang sarili at dahan-dahang tinanggal ang pagkakayakap ng mga braso nito sa bewang ko at sinuot ang mga pinag hubaran ko kagabi. Habang nagbibihis hindi ko maiwasang mamula sa mga natatandaan ko kagabi at sa katangahang desisyon ko na impluwensya ng alak.

Nang makalabas ng kwarto dali-dali akong naglakad at hinanap ang main door. Pero hindi pa ako nakakalapit sa malaking pintuan na sa tingin ko ay main door, Nang biglang may maliit na pigura ang yumakap sa binti ko. Nanlalaki ang matang pinagmasdan ko si Alastair at kahit nananakit ang buong katawan ko, nagawa ko pa rin siyang buhatin.

“ What are you doing here Alastair?” As usual Alistair didn’t speak, but he used his ipad to communicate with me.

“ This is my house too Mommy,” He said, then hugged me again. Inayos ko naman ang pagkakabuhat sa kanya. 

“Alastair, Sorry to tell you this but I’m not your Mo-” hindi ko na natuloy ang sasabihin ng bumukas ang pintuan na pinanggalingan ko kanina. Natatarantang binaba ko si alastair at ituloy na sana ang balak ko kanina pero napurnada na naman dahil sa kapit ni Alastair at sa boses ng isang ginang.

“ Iho’t iha gising na pala kayo, magsipunta na kayo sa hapag-kainan at kanina pa nakahanda ang almusal.” Nginitian ko ito ng tipid at umiling.

“ Hindi na po manang, kailangan ko na rin po kasing umalis at may gagawin pa po ako,” Tumango naman sa akin ang matanda nawaring naiintindihan ako. Pero iba ang sitwasyon ng mag-amang ito.

“ Where are you going?” saad ni Duke nang na sa huling baitang na siya ng hagdan. Hindi ko ito kinibo at nilingon si Alastair na nangangalabit.

“ Where are you going mommy? Are you going to leave us again?” Alastair said using his ipad. Nang mapalingon ako sa mga mata nito, agad akong naawa at napalingon sa ama nito upang humingi ng tulong, pero ang loko nag-iwas lang nang tingin at dumeretso na sa kusina. Pero bago ito tuluyang makapasok nilingon pa ako nito sandali,

“ Stay here, we’re gonna talk later,” hindi ko na siya natanggihan dahil agad na itong tumuloy papuntang kusina.

Naputol ang pagbabalik tanaw ko nang humalik sa pisngi ko si Alastair. Nginitian ko siya at nilagyan ng bacon ang plato nito.

“ Naku! Napaka-clingy mo ngayon Alastair kay ma’am kahit hindi mo siya totoong na-” hindi na natuloy ni manang ang sasabihin ng tumikhim si Duke at nagsalita,

“ Manang can you get me a coffee please?” sabi nito sa malamig na boses. Tumango naman ang matanda at lumingon sa akin ng nag-aalinlangan, pero tinanguan ko lang ito kaya agad na siyang tumalima sa pinag-uutos.

Tinignan ko ng masama si Duke pero baliwala lang ito sa kanya at magana pa kung kumain. Hindi ko na lang ito pinatulan at kumain na lamang. 

Ilang oras lang ang itinagal ko sa loob ng mansyon, dahil nang kinuha si Alastair ng katulong para paliguan. Handa na akong umalis ng may kamay na naman ang pumigil sa akin. Irita ko itong tinignan at tinanggal.

“ What?” saad ko dito, pero hindi ako nito kinibo at hinila lang ako papunta sa isa sa mga kwarto na sa tingin ko ay office niya. Binitawan din ako nito agad at na-upo sa swivel chair. His office is a mixture of dark blue and grey paint. Hindi masyadong madesign at puro white vases at chess pieces lang ang nakikita kong naka-display. Meron din mga frame pero iilan lang iyon at puro larawan pa ni Alastair. Sa lamesa naman nito ang picture nilang dalawa at parehong seryoso na nakatingin sa camera.

Bumuntong hininga ako at lumapit sa table nito kung saan siya nakaupo at nakahalumbaba habang nakatingin sa akin, 

“Bakit mo ako dinala dito?” sabi ko habang naka pamewang at masama ang tingin sa kanya.

“ I told you… we have to talk?” he said and lean to his chair while he crossed his arm.

“ kung about ito sa nangyari kagabi, forget it. We are both adults, virginity is not important now a days,” sabi ko dito, pero sa totoo lang nanghihinayang ako. Bata pa lang ako binabalak ko nang ibigay ito sa taong mahal ko. Pero what can I do? Tapos na. Hindi na ulit maibabalik ang nawala na. 

Mukhang hindi ito nasiyahan sa narinig at matalim akong tinignan. Nakaramdam ako ng kaba sa uri ng tingin nito sa akin, kaya wala akong magawa kundi umiwas ng tingin at tumikhim para alisin ang bara sa lalamunan.

“ I want to talk about our marriage,” he said plainly, pero sa akin hindi. Marahas ko itong nilingon at binagsak ang magkabilang kamay sa lamesa. Parang wala lang ito sa kanya dahil nagawa pa ako nitong titigan sa mata at ngisian. 

“What the f*ck are you talking about? Are you crazy? Hindi biro ang pagpapakasal Ace,” I said but he just stared at me as if I’ve done something worth praising for. 

“I like it,” he said and smirked. Taka ko naman siyang pinagmasdan at iniisip ang ibig sabihin ng sinabi niya.

“ What do you mean ‘I like it?’” patanong ko pang inulit kung ano ang ibig niyang sabihin. he just smile evilly and stood up. Lumapit ito sa akin kaya wala akong magawa kung hindi ang umatras hanggang sa ma-corner ako nito sa lamesa. 

Muntik na akong mapaupo sa lamesa kaya napa-hawak ako sa dibdib nito at siya naman sa bewang ko. Balak ko na sanang kumalas pero hinawakan lang nito ang pulsuhan ko at mas dinikit sa kanyang dibdib at mas hinapit pa ako malapit sa kanya.

“ I like it when you call me Ace. It sounds so hot and sexy, making me want to continue what we did yesterday.” he said then licked my earlobe. Nahihintakutan ko naman itong tinulak at umayos nang tayo. 

“ Jerk!” inis kong saad dito at pinagpagan ang suot. Naging malamig ulit ang tingin nito sa akin pagkatapos niya akong landiin bago bumalik sa inupuan nito kanina.

“ Anyway we need to get married whether you like it or not.”  kumunot ang noo ko sa sinabi nito at inis siyang sinagot,

“ Who told you that I want to marry you?” saglit itong hindi naka-imik at nag-isip ng sasabihin.

“What if I got you pregnant?” hindi ako makapaniwala sa mga salitang nalabas sa bibig nito. Wala man lang ka filter-filter.

“ Don’t worry I’m safe,” tila napikon naman ito sa sinabi ko at tinikom ang bibig habang masama ang tingin sa akin.

“ I still need to marry you.” Pinagdiinan pa talaga nito ang sinabi kaya hindi ko na napigilan ang inis.

“ Bakit ba gusto mong magpakasal sa akin? Ang dami-daming babae ang nagkakandarapa sa’yo. Bakit hindi ka na lang sa kanila mamili?” totoo naman yung sinabi ko. Ang daming babae dyan na mas maganda at sexy sa akin, pero bakit ako pa ang kailangang pagtripan tungkol sa kasal. Hindi ko isasakripisyo ang pangarap kong kasal sa taong mamahalin ko para lang masunod ang gusto niya.

“ Alastair wants you to be his Mom, and as a Father, it’s my obligation to fulfill his dream,” saglit akong natahimik sa sinabi nito at iniintindi ang gusto niyang mangyari. Pero kahit saang anggulo ko tignan, hindi pa rin tama eh!

“ I’m sorry, but I'm not qualified to be his Mom. Mas mabuti pang mag-hanap ka na lang ng mas babagay sa role ng pagiging nanay ni Alastair.” sabi ko at agad nang umalis. Pero palabas pa lang ako ng pinto narinig ko pa itong bumulong pero hindi ko naman maintindihan.

“ Then be ready, you can’t get away from me.”

Sumakay lang ako ng taxi diretso sa condominium ni Ashley. Ilang minuto pa ako nag-doorbell bago niya ako pinag buksan ng pinto. Tinignan ko ang kabuuan nito at pinagmasdan ang kulay krema nitong nighties.

“ Ang aga mo namang nandito Raven,” sabi nito at muling humilata sa sofa. Tinabig ko ang paa niya at umupo sa dulo.

“ I hate you Ash, You told me na ikaw ang bahala sa akin noong na sa bar tayo pero hinayaan mo naman akong makuha ng iba.” Napabalikwas naman ito ng upo at binalingan ako nang tingin. 

“Seryoso hindi mo siya kilala? Eh, kung makayapos ka akala mo matagal n kayong mag kasintahan kaya hinayaan na kita.” pangangatwiran pa nito, Tinadyakan ko naman siya kaya natatawa itong lumayo sa akin.

“ Mag-bo-boyfriend ba ako nang hindi ko sinasabi sayo? Napaka-impokrita mo talaga!” I said, at binato siya ng throw pillow na agad din naman niyang nasangga.

“Bitch, magkwento ka naman kung anong nangyari. Saan ka niya dinala? Anong ginawa niyo? Bakit maaga ka nang nakauwi?” sunod-sunod nitong tanong, at dahil bilang bestfriend ko at pinagkakatiwalaan sa lahat. Agad kong kinwento ang nangyari dito, simula sa pag-alis sa bar hanggang sa makaalis ako sa bahay nila Ace, pero syempre hindi ko binanggit ang nangyari sa amin kagabi. Dahilan para mas mamula ako dahil sa naalala.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status