Share

Chapter 13: Confusion

RAIN

"Si Anica." Were the first words I uttered as I opened my eyes and for the nth time, the bright white lights of the hospital room I was in welcomed me. "Rain, calm down. Who's this Anica?" Tanong ni Kuya Storm. Hindi ko binigyang pansin ang tanong niya at sa halip ay hinanap ng mga mata ko sa Kira. 

My eyes met with hers and she immediately put her phone in her pocket and stood. "Puntahan ko na. Alis lang po ako." 

I watched as she exited and rushed towards the hall.

The pain in my head subsided, but the voices didn't. My mind kept on letting me see these scenarios that were still so foreign that it made me feel like the world was spinning faster than usual.

"Grabe ulan, lumalala na yang headaches mo ah? Hindi ka na nga gaanong nagcocomputer eh, tapos maaga ka na ring nakakatulog kadalasan. Ano ba, bumibigla lang?" Asked Cloud. I nodded as I didn't have the strength to even voice out my response.

All I knew at the moment was this worrying feeling that someone dear to me is in danger.

I just don't know who.

ANICA

"She's at the hospital, again. I don't know what's causing her headaches recently. I- Yes I know she's been getting enough sleep, and she always leaves with a full stomach before school. Anica doesn't lie, ate. Oh wait, I think she's awake." 

Sinubukan kong umupo sa napakalambot na kamang hinihigaan ko ngayon, pero dahil sa sakit ng ulo ko, ay hindi ko nagawa. May pumigil sa'kin. 

"Anica be careful!" Tugon ni kuya ng makitang sinubukan ko sanang maupo. 

"Nasa ospital na naman tayo?" Tanong ko sa kanya. Napabuntong hininga si kuya at tsaka tumango. "You said you were going to destress but then you were taking longer than usual, so I went up and saw you crying out of pain." Paliwanag niya pa.

"Masakit pa ba ulo mo?" Tanong niya pa. Kitang-kita ko ang pag-aalala sa mukha ng kapatid ko at hindi ko na napigilang maiyak. Pinag-aalala ko na naman siya. 

"Sila Mama?" 

"Papunta na. Pahinga ka muna." Malambing niyang sambit bago ayusin ang kumot ko at bago hinawi ang buhok na nakaharang na sa mukha ko. Tumango na lang ako at tsaka siya binigyan ng tipid na ngiti.

Sabay naman kaming napatingin ni Kuya sa pinto ng bigla yung bumukas at ilinuwa naman ang isang pamilyar na mukha. 

"Kira? Bakit nandito ka?"

"Nakita ka ni Rain na sinugod dito. He wanted to check on you but he couldn't get out of the hospital bed he's in, kaya ako na lang yung pumunta."

Huh? Si Rain? Andito si Rain?

Pagkarinig sa sinabi ni Kira ay agad akong nakaramdam ng kakaibang emosyon. Napuno ako bigla ng pag-aalala, kalungkutan, at pagkagulo.

Napapikit pa ako dahil parang may pumana sa ulo ko at bigla na lang yung sumakit, kaya;t napahigpit din ang hawak ko sa unang nasa likod ng ulo ko. 

"Anica? Anica bakit? Sobrang sakit ba? Nurse! Nurse!"

At yun na ang huli kong narinig mula sa bibig ng kapatid ko bago ako nawalan ng malay.

Yun ang alam ko, nawalan ako ng malay. Pero ng imulat ko ang mga mata ko ay para bang pinapanood ko yung sarili ko.

Nakatayo ako ngayon sa likod ng kapatid ko at kausap niya naman yung isang nurse. Sinubukan kong tapikin yung balikat niya pero lumusot lang yung kamay ko. 

Nablangko yung utak ko ng paulit-ulit ko yung ginawa pero parehas ang nangyayari, lumulusot lang ang kamay ko. 

Napaupo ako sa sahig at naramdaman ang tubig na namumuo sa gilid ng mga mata ko. Hindi ko alam kung anong nangyayari, patay na ba ako? Dito na ba talaga nagtatapos ang buhay ko? Bakit? Inaalagaan ko naman ang sarili ko ah? 

"H-Hindi.. Hindi ko pa pwedeng iwan sila kuya. Marami pa 'kong gustong gawin. HINDI!" 

Napasigaw, napasipa, at napasabunot na ako sa sarili dahil sa halo-halong emosyon na meron sa sistema ko ngayon. 

"Anica." 

Unti-unti kong minulat ulit ang mga mata ko at nakita ang isang babaeng siguro ay limang taon ang tanda sa akin na nakatingin sa'kin ng walang emosyong nakikita sa mga mata niya. 

"S-Sino ka?" Tanong ko habang pinupunasan ang mga luha ko. 

Mapakla siyang ngumiti at tsaka inilahad ang isa niyang kamay at inalalayan akong tumayo. 

"You're the Anica, right? Hindi naman siguro ako nagkamali?" Tanong niya pa na mas nakapagpagulo lang sa isip ko. Ano raw?

"Hindi ko alam kung ako ba yung hinahanap mo, pero Anica nga ang pangalan ko." Sagot ko naman. Tinanguan niya lang ako at tsaka tinalikuran. Nagsimula siyang maglakad at sa hindi malamang rason, ay sinundan ko naman siya hanggang sa makalabas kami ng kwartong yun.

Pero bago pa man ako tuluyang lumabas ay napalingon pa ako sa katawan kong nakahiga lang sa kama.

Ano bang meron? Kaluluwa ko 'to? Tsaka sino ba 'to?

RAIN

"Huy! Tulala ka na naman." 

I glared at Cloud as he was being anoying again. It's not as if it's new for him to see me staring blankly into space or me being the quiet kid compared to him and my other brother.

"Masakit pa ba ulo mo? May masakit pa ba sayo?" He even asked, since our other brother's not here and is on a phone call outside this room. 

"My head's still aching, but not as sever as earlier."

"Pangit mong kabonding. English ka ng english. Mauubusan talaga ako ng dugo sayo." He complained and threatened to throw a plastic spoon at me, which I only rolled my eyes at.

"Attitude ka rin eh, kala mo hindi nag-alala doon sa kaibigan niya kanina." He muttered, acting like a kid. 

And because of that, I remembered Anica.

Is she okay?

"Naks, wala naman akong sinabing pangalan pero halatang nag-aalala ka na. Sino ba yun? Crush mo? Gusto mong ligawan?" 

I looked at my brother and he had this mischievous look that was shouting, may pang-asar na ako ulit sayo.

"Shut up. No, she isn't any of those." I shortly answered. His shoulders fell and he even looked disappointed. "Ano? O ba't grabe kang mag-alala diyan?"

"She's my friend, Of course I'd be worried."

"Sus, friend daw. Maniwala sayo."

"Believe me or not, it's the truth."

"Oo na, oo na. Tapos malalaman ko na lang ipapakilala mo na sa amin ni Kuya Sto- ARAY KO NAMAN ULAN!"

Because he wasn't shutting himself up, I did it for him. I threw the spare pillow on my bed towards his direction and I hit his face. Which of course, I do not regret.

After all, he was going on and on and presisng something that won't happen. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status