NAGTATAKANG lumingon ako sa paligid dahil sa hindi pamilyar sa akin ang lugar na kinaroroonan ko. Nasaan ako? Tila may mga usok sa paligid na lalong nagpapa-creepy sa lugar. Madilim din ang paligid pero nakikita ko ang mga puno sa paligid at ang mga baging gumagapang sa kung saan-saan.
Hinawi ko ang makapal na dahon at ang mga baging sa harapan ko para pumunta sa hindi ko alam na bahagi ng gubat na ito. Hindi ko alam kung bakit ako nandito sa lugar na ito.
"Syrie."
Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ko ang boses ng babaeng iyon na um-echo pa sa buong gubat. Luminga ako sa paligid pero wala akong nakitang tao roon. Umihip ang malamig na hangin na nagdala ng tila kilabot sa akin.
Nagpatuloy ako sa paghakbang sa hindi pamilyar na lugar na ito. Ni wala akong makitang ibang nilalang sa lugar. Humakbang lang ako nang humakbang hanggang sa makarating ako sa lugar na mas malakas ang tila usok doon at ang makakapal na
HINDI PA rin malinaw sa akin ang dapat kong gawin. Hanggang ngayon gumugulo pa rin sa isip ko ang lahat ng mga sinabi ni Marcus sa akin. Iniisip ko pa rin kung karapat-dapat ba siyang pagkatiwalaan. Naglalaban ang utak ko sa dalawang bagay na iyon, kung dapat ba o hindi na magtiwala sa kaniya? "Syrie, bukas na darating si Faram, are going?" Napakurap ako sa tanong ni Trina sa akin habang nakapatong ang mga palad ko sa hamba ng bintana at tahimik na nakatingin sa labas ng bahay. Humarap ako sa kaniya. "I have no choice, Trina kung hindi ako pupunta roon, siguradong pagdududahan ako ni Faram, kilala mo siya handa niyang gawin lahat masira lang ang reputasyon ko sa lahat ng mga bampira," paliwanag ko. Si Faram lang naman ang babaeng bampira na ayaw na ayaw sa akin sa hindi ko malamang dahilan. Noon pa man, simula nang mamulat ako sa mundong ginagalawan ko, tila lahat ng ginagawa ko tinututulan ni Faram. Marami na ring pagkakataong sinubukan niya akong si
SA BAHAY pa lang kita na sa mukha ng magkapatid na Trina at Vernon ang excited sa gaganaping salo-salo para sa pagdating ni Faram. Nakasuot ng isang black suit si Vernon habang backless na dress na kulay pula naman ang suot ni Trina. Habang ako nagsuot ng simpleng pantalon at T-shirt, saka jacket sa ibabaw niyon. Habang si Persuz naman ay kanina pang umalis.Sa labas pa lang ng mansyon, makikita na roon ang abalang mga bampira at ilang lobo sa paghahanda para sa gaganaping salo-salo. Maaga kaming dumating doon kaya nadatnan namin na abala pa ang marami.Walang emosyong gumuhit sa mukha ko nang pumasok kami sa malawak na bakuran ng malaking mansyon. Ni hindi ko na pinaglaanan ng pansin ang mga bampirang nakatingin sa amin na animo'y gusto akong sugurin at patayin at may ilan ding natuwang makita ako. Well, hindi na iyon bago sa akin alam ko na ang sistema sa tuwing tumutungtung ang paa ko sa mansyong ito."Syrie, look ikaw lang ang kakaiba sa mga narito," s
DUMERETCHO ako sa veranda ng mansyon nang umalis ako sa mahabang table na iyon. I felt uncomfortable with them. Hindi ko gusto ang mga tingin nila sa akin na tila pa pinaparamdam nila sa akin na hindi ako kabilang sa kanila. Well, hindi nga naman nila ako kauri dahil isa akong lobo habang mga bampira sila. Dalawa lang ang paa nila habang kaya kong gawing apat ang mga paa ko. Nararamdaman ko pa rin ang pagdududa nila sa akin at sa katapatan ko sa mga bampira.Naalala ko noon, no'ng panahong buhay pa si Amang Trvor at Inang Viola, maraming nagtanong sa kanila kung bakit nila ako kinupkop gayong hindi naman nila ako kauri. Maraming nagdududa, maraming tutol na manatili ako. Kaya nang mawala ang mga magulang ko, mas naramdaman ko ang kagustuhan ng marami na mawala ako sa mansyon pero dahil nandiyan pa rin sila Volter at Tiyo Freud sa tabi ko, wala nagawa ang mga ito kung 'di tanggapin ako bilang anak nila Amang Trevor at isa sa na kanila. Ako na lang ang nagdesisyong lumayo at um
"TAMA BA ang narinig ko, Syrie? Inalok ka ng pakikipagkaibigan ni Faram?" hindi makapaniwalang tanong ni Trina nang ikwento ko sa kanila ang pag-uusap namin ni Faram sa silid na iyon sa mansyon. Tumango ako. "You heard it right, Trina nakipagkaibigan sa akin si Faram at sinabi niyang kalimutan na namin ang nangyari sa nakaraan," sabi ko pa. Umikot pa ang mga mata ko dahil hindi ko talaga iyon pinaniniwalaan. "Do you believe her, Syrie?" tanong naman ni Vernon na nasa harap ko habang nakaupo kami sa sofa. Saglit akong nag-isip. Paniniwalaan ko ba si Faram gayong nang makita ko siya sa long table na iyon, kita ko sa mga mata niya ang alab doon at ang kakaiba niyang tingin na animo'y isa akong kaaway. "Of course not, Vernon. Mahirap paniwalaan ang katulad ni Faram. Matalino siya at tuso," sagot ko. "I can't really believe she would asked you to befriend with her. Napakalaking himala niyon, Syrie. Well, hindi natin alam ang tunay na pakay niya pero ang hi
HINDI AKO makapaniwala sa naging desisyon ko sa pagpayag ko sa pakikipagkaibigang inalok ni Marcus sa akin. Tama ba ang desisyon kong tanggapin iyon? Umiling ako habang pauwi ako sa bahay. Hindi maalis sa isip ko ang tagpong iyon sa pagitan namin ni Marcus.Tama, ginawa ko lang iyon para sa maaari kong malaman sa kaniya at wala ng ibang dahilan. Pwede ko siyang gamitin at kapag nalaman ko na ang mga bagay na nais kong maintindihan, saka ko siya iiwasang muli at itataboy na parang basura. Pwede ko rin siyang magamit bilang tulay sa paghihigante ko. Kung iisipin niyang magkaibigan na kami, magiging madali na sa akin na mahanap ang mga lobong hinahanap ko. Itutuloy ko na ang plano ko sa kaniya at sisiguraduhin kong magtatagumpay na ako sa pagkakataong ito.Pero hindi ko pa rin pwedeng ilapit ng husto ang sarili ko sa kaniya dahil alam kong may posibilidad na magkaroon ng emosyong pwede kong maramdaman. Hindi ako pwedeng ma-attach sa kaniya o sa kahit kanino man. Kailangan
HINDI KO pa rin tuluyang maalis sa isip ko ang mga bagay na sinabi ni Colby sa akin. Tila ba tinamaan ako sa lahat ng mga sinabi niya pero pilit ko iyong hindi pinaniniwalaan. Hindi ako pwedeng magpakita ng kahinaan sa kaniya. Ni hindi ko nga alam kung dapat ko ba siyang pagkatiwalaan. Pero paano niya ako nakilala ng ganoon? Paano niya alam ang ilang bagay sa buhay ko, eh hindi ko pa naman siya kilala ng ganoon katagal."Syrie, magugulat ka sa parating."Napukaw ako sa pag-iisip nang marinig ko ang boses na iyon ni Trina. Kumurap ako at nakita ko ang pagkamangha sa mukha niya at ang pagtataka roon. Mayamaya pa'y napatingin ako sa babaeng pumasok sa bahay habang nakatingin sa paligid niyon."Faram?" hindi makapaniwalang sambit ko sa pangalan niya. Napatayo pa ako habang nasa kaniya ang mga mata ko. May kasama siyang ilang mga bampira na wari ko'y bodyguard niya."You look surprised, Syrie," nakangiting sambit ni Faram. Ibang iba na siya mula sa dating Fara
UMATRAS ako nang umatras sa bawat atake ni Volter sa akin. At nang makita ko ang direksyon ng kamao niya, sumalungat ako roon at mabilis na hinawakan ko ang braso niya at sinundan ko ng malakas na suntok sa kaniyang mukha, daan para tumilapon siya. Hindi ko nakontrol ang lakas ng atake ko kaya malayo ang naabot ni Volter. Nakita kong hindi agad nakatayo si Volter mula sa pagkatilapon niya. Bumalik ako sa gitna ng nagsisilbing arena. Mayamaya pa'y nakita kong nakatayo na uli si Volter. Salubong ang mga kilay na tumingin siya sa akin, bakas ang galit at pagkadismaya. Kita ko ang pagiging agresibo niya habang tila nangangalit ang mga ngipin niya habang papalapit siya sa akin. Mabilis niyang inilabas ang kaniyang mga kuko at ang pangil niya. Ginamit niya ang kaniyang bilis para makarating agad sa akin. Umatake siya at sinubukang sugatan ako gamit ang matilos niyang mga kuko pero naiwasan ko iyon. Sunod-sunod na atake ang ginawa niya, at lahat ng iyo
NAGULAT AKO nang paglabas ko mula sa silid, nandoon si Colby, nakaupo siya sa sofa habang tila hinihintay ako. Kakaalis lang ni Vernon habang si Trina ay nakaupo lang sa tapat ni Colby at kapwa sila tahimik. "Oh, nandiyan na pala si, Syrie," agad na bulalas ni Trina ng makita akong lumabas na ng silid ko. Hindi ko alam pero bakit parang may kakaiba kay Trina. Para bang nate-tense siya at bakit naman? Lumingon sa akin si Colby. Ngumiti siya sa akin at saka tumayo mula sa pagkakaupo. "Magandang araw, Syrie," magiliw na bati niya sa akin. Umiwas ako sa kaniya ng tingin. Natatakot akong kausapin si Colby dahil pakiramdam ko lahat ng sasabihin niya tumatama sa akin. Parang ang dami niyang alam sa sarili ko habang pinipilit ko iyong hindi paniwalaan. "Bakit ka nandito?" malamig kong tanong sa kaniya. "Sige huh, iwan ko na kayo rito," tila tarantang ani Trina saka mabilis na naglakad patungo sa silid niya. Napakunot noo na lang ako. Ano'ng nangyari s