Share

Kabanata 47.2: Ang katotohanan (Pt.2)

HINDI AKO papayag na aalis ako sa village na ito na hindi ko nalalaman ang ibang mga bagay tungkol sa tunay kong mga magulang. Kumakalat na ang dilim sa paligid at kailangan ko ring bumalik sa bahay dahil alam kong magtatanong na naman si Persuz kung saan ako nagpunta kung hindi ako uuwi roon.

Matagal-tagal din kaming naglaro ni Yena dahil din sa pananabik namin sa isa't isa bago dumating si Rossa at kinuha ang bata.

Kanina pang hindi bumabalik si Marcus simula nang ipatawag siya ni Amang Trigo kaya ako na lang ang tutungo roon para malinawan ako sa magulong nakaraan ng mga magulang ko. Gusto kong malinawan bago ako umalis dahil baka hindi ako makatulog kung sakaling patuloy iyong gugulo sa isip ko.

Nagulat sila Marcus at Amang Trigo nang makita akong pumasok sa silid. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan ng mga ito.

"Syrie, ano'ng ginagawa mo rito?" salubong sa akin ni Marcus. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang saglit na pagkabahala sa mukha niya, ganoon d

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Bhie Rambonanza In
ngaun narinig mo na ang katotohanan Syrie pakinggan mo ang ung puso, kala mo inabandona k ng totoo mong magulang un nman pla pinatay ng mga bampirang kumupkop sayo
goodnovel comment avatar
Anna Fegi Caluttong
sundin mo Ang puso mo Syrie Kong sino Ang paniniwalaan mo mahalaga sa iyo Ang dalawang lahi dahil pareho Kang may dugong lobo at bampira
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status