Share

Kabanata 43

Dinugo

Mabagal ang takbo ng oras sa malamig na rehas na ito. Ang isang linggo ay tila isang taong paghihintay na pasukin ng liwanag ang kulungang puno ng iyakan ng bawat kababaihang minamaltrato at ginagahasa ng mga guwardiya't mga taong may matataas na posisyon sa pamahalaan. Sa bawat araw na nag daan ay umaasa akong makita ang kahit anino ng hayop kong Ama upang masaksihan mismo ang kahayupang ginagawa niya. 

"Hindi mo ginagalaw ang iyong pagkain, Tharia," saad ni Sabina. Ang Banwaon sa kabilang rehas. Sa edad na dalawangpu't apat ay naging pinuno na siya ng mga babaylan. Ang huling Banwaon sa tribo nila kaya habang hawak sa leeg ng mga prayle ang pinunong babaylan ay hindi makakakilos ang mga babaylang gumagamit ng itim na mahika.

"Wala akong gana, Sabina. Gusto mo bang kainin ito?" Inilapit ko sa kanya ang malagkit na pagkaing hindi ko alam kung anong uri.

Umiling siya. "Noo

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status