Share

Kabanata 42

BABALA: SPG, KARAHASAN

Rehas

Tharia, 1431

Nagising ako dahil sa mga patak ng tubig sa aking mukha. Agad akong napakislot nang maramdaman ang hapdi sa aking binti at kaliwang braso. Nang tingnan ko ito ay hindi pa rin natigil ang pag durugo.

Mariin akong napapikit nang maalala ang nangyari sa plaza. Ano na kayang nangyari sa kapatid ko at kay Agnes? Nakatakas kaya ang aking katipan na si Theodore sa kamay ng mga guwardiyang tauhan ni Ginoong Marshall?

Napahawak ako sa aking ulo nang maramdaman ang pag-ikot ng aking paligid. Hindi ko alam kung ilang oras o araw na akong narito sa kulungan, ang alam ko lang ay nahihilo na ako dahil sa hindi matigil na pag durugo ng aking mga sugat.

Marahan akong sumandal sa pader at akmang pupunitin ang dulo ng aking damit upang i-tali sa aking mga sugat ngunit maging ang aking mga kamay ay hindi ko na maramdaman.

Mariin

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status