Tadeo
HINDI ko alam kong anong sasabihin ng makitang tumayo na siya para umalis. Ano ba naman, lahat ng prinactice ko kagabi mukhang mababalewala. Puro sermon ang aabutin ko nito kay Allan, ilang ulit niya akong pinigilan kagabi sa paggawa ng presentation pero hindi ako nakinig kaya sinabi nalang niya na kapag pumalpak ako kukutusan niya ako dahil kung kailan daw ako tumanda ay siya namang pagtigas ng ulo ko.Naumid kasi ang dila ko ng makita ang nakakakot na mata ni Andrei at ang malamig niyang aura. Ibang iba sa nakita ko kanina, napanood ko ang nangyari sa hapag nila kanina at nasaksihan ko rin kung gaano niya kamahal ang mga kapatid niya. Nagtuloy tuloy ako kanina sa pagpasok dahil wala akong taong makita hanggang sa dalhin ako ng mga paa ko sa hapag nila at naabutan ko nga ang mga naganap doon pero bigla akong hinila ni Canor paalis doon at sinabing pagsisisihan ko ang pakikinig kapag nalaman ni Andrei kaya hindi na ako nagmatigas ng dalhin niya ako sa sala."Ahm. Sandali." Mabilis kong hinawakan ang braso niya para pigilan siya sa pag-alis pero kung gaano ko kabilis na hinawakan ay gan'on ko rin kabilis na binitawan dahil sa nakakamatay na tinging ipinikol niya sa'kin. "Sorry for wasting your time." Mariin akong napapikit at tahimik na nagpasalamat sa maykapal dahil hindi ako nautal.Nanginginig ang kamay ko at nanlalamig. Malakas rin ang tibok ng puso ko dahil sa sobrang kaba na baka suntukin niya ako. Sinuntok niya nga kanina ng malakas ang hapag nila na parang wala lang paano pa kaya ako.Humarap siya sa'kin na seryosong seryoso ang magandang mukha at nakataas ang kilay.Nakasuot lang siya ng itim na sando na hapit sa katawan niya at pambahay na short, jersey style 'yon at wala siyang sapin sa paa pero nakakatakot pa rin ang dating niya.Napakaganda ng katawan niya pero mas lalaki pa sa'kin ang galaw."N-Nandito ako para magpresent tulad ng sinabi mo kahapon." Napangiwi ako ng muli akong mautal."Hindi ko sinabi na ikaw ang magpresent." Agad niyang sagot. Pati boses malamig."Sabi mo kahapon ay maghanap ng pinuno na may kakayahang isigaw ang karapatan ng mga nasasakupan. Ako ang pinuno na 'yon at kaya kong ipagsigawan ang karapatan ng mga magsasaka." Pilit kong isinisiksik sa utak ko na dapat hindi ako matakot sa presensya niya kasi kapag natatakot ako ay namimilipit ang dila ko.Itinatak ko sa isipan ko ang maamo niyang mukha ng yakapin niya ang mga kapatid niya kanina, malayo sa mukha niya kapag iba ang kaharap at mukhang epektibo dahil medyo nababawasan ang kaba ko."I am their leader and I'm here to present." Sabi ko pa, hindi ako tumitingin sa mata niya kasi baka mautal na naman ako. Dumako ang tingin ko sa labi niya pero agad rin akong umiwas dahil mali ang tumingin d'on."Okay." Nakahinga ako ng maluwag ng marinig ang sagot niya. Bumaling siya kay Red. "Dalhin mo siya sa opisina ko.""Maligo ka muna, tarantadong 'to humaharap sa ibang tao ng walang ligo." Nagulat pa ako ng sumigaw si Red habang naglalakad na si Anderi papunta sa magara nilang hagdan. Hagdan palang alam kong milyon na ang halaga."Fuck you, dukha," balik sagot nito.Ganito ba sila mag-usap bakit ang dumi? Tapos nakita kong hinalikan siya kanina ni Red. Hindi kaya ay magkasintahan sila? Mukhang malapit na malapit sila sa isa't isa at hindi natatakot si Red sa presensya ni Andrei dahil nagagawa niya pa itong murahin."Pasensya ka na sa girlfriend ko, Tadeo." Baling sa'kin ni Red ng tuluyang makaalis si Andrei. Hindi agad ako nakasagot sa sinabi niya. Tama nga ang hinala ko, magkasintahan sila. Bigla akong kinilabutan dahil sa isiping pareho silang babae pero ayoko namang manghusga. Hindi ko ugali ang mamintas ng kapwa."A-Ayos lang." Bumalik ako sa pagkakaupo."Wag kang matakot sa'kin hindi ako si drakula." Sinundan niya iyon ng malakas na tawa bago siyang tumalon sa sopa at naupo doon.Kung gaano kaganda ang labas ng mansyon ng mga De Catalina ay doble ang ganda sa loob. Lahat ng mga gamit mukhang ginto ang halaga, napakalaki ng mga painting na gawa ng mga international atist at ang mga vases na tulad ng mga antique sa museum. Kanina nga naihiya akong iapak ang sapatos ko sa makintab nilang sahig, gawa sa marmol. At ang sopa na kinauupuan ko ngayon ay napakalambot, kung hindi ako pumunta rito hindi ko siguro mararanasan na makaupo sa ganitong klase ng upuan kahit pa magbanat ako ng buto buong buhay ko."Lahat ito naipundar niya sa sarili niyang sikap." Napabaling ako kay Red ng magsalita siya. Seryoso ngayon ang mukha niya at tulad ko ay panay rin ang tingin niya sa paligid."Ha?""Lahat ng hirap pinagdaanan niya para lang maipundar lahat ng ito. Nasaksihan ko ang mga iyon, mula sa pagiging tindera niya sa palengke, sa pagiging tagaani niya ng mga palay, naging kargador din siya ng mga aning iyon at naging katulong sa murang edad. Hindi na mabilang sa daliri ko ang mga trabahong napasok niya, named it at napasukan niya na iyon. At ginawa niya ang mga iyon dahil sa mga kapatid niya, si Cathy at Candros." Pagkukwento niya. Napaayos ako ng pagkakaupo dahil naagaw ang buong atensyon ko sa sinasabi niya."Kaya pagpasensyahan mo na kung gan'on siya makitungo." Sabi niya pa, bakas na bakas ang labis na paghanga ni Red habang nagkukwento."Naiintindihan ko," tanging sagot ko."Ano ba 'yan, tara na sa opisina niya baka sumabog na naman 'yon at sapakin ako." Tumayo na siya at gan'on din ang ginawa ko habang dala ko ang folder na ipepresent ko.Halos malula ako ng tahakin namin ang magarang hagdan, may red carpet iyon at naiilang akong tapakan baka madumihan."Wag kang mag-alala wala namang nagagalit dito kapag nadudumihan ang bawat parte ng masyon, ni hindi 'yan makikita ni Andrei dahil isang kurap mo lang may lalabas na tauhan niya para linisin ang mga nilakaran natin." Tugon niya pero hindi lumingon sa'kin parang alam na niya ang nararamdaman ko. Siguro gan'on din siya n'ong una, nakalula kasi ang mansyon na ito.Napilitan akong umapak doon at ramdam ko ang panginginig ng tuhod ko. Napahawak ako sa gilid ng hagdan at may nadiinan ako doon. Biglang gumalaw ang hagdan kaya natulos ako sa kinatatayuan ko at hindi ako nakagalaw. Namalayan ko nala na nasa pinakatuktok na ako ng hagdan."Naactivate mo ang escalator." Imporma sa'kin ni Red at kaharap ko na agad siya, tumingin ako sa likod ko at namangha ng makitang nakarating ako sa tuktok ng hindi humahakbang.May pinindot si Red na button sa gilid at tumigil na ang hagdan. Wala akong masabi."Pinagawa 'yan ni Andrei in case na tamarin si Cathy or Candros na umakyat." Muli siyang tumalikod at naglakad.Hindi agad ako nakasagot dahil parang hindi gumagana ang utak ko para mag-isip ng mga salita. Marami kaming nadaanan na mga silid, parang hotel sa dami ng magagarang pinto na dinaanan namin.Bumukas ang isa doon at nakita kong lumabas doon si Candros. Nakasimangot siyang lumabas pero ng makita ako ay agad na ngumiti. Lumapit siya sa'kin at tinapik ang balikat ko."Kuya Tadeo, anong ginagawa mo rito?""Kakausapin ko lang ang ate mo." Simpleng sagot ko, bahagyang nakabukas ang pinto ng kwarto niya kaya nakita ko kung gaano kalaki ang kama na naroon at kung gaano rin kagara ang mga gamit.Hindi biro ang yaman nila. At mas lalo akong namangha sa kaalamang lahat ito ay naipundar ni Andrei na siya lang."Goodluck," natatawang sabi niya. "Maganda si ate pero halimaw 'yon sa negosyo.""Halata nga." Pagsakay ko sa biro niya kahit alam kong totoo 'yon."Pagkatapos niyong mag-usap basketball tayo ha? Punta ka nalang sa likod.""Sige." Sinamahan ko pa iyon ng tango.Nakangiti siyang umalis ni hindi niya isinara ang kwarto niya. Lumingon ako para tignan siya, pinindot niya ang button na pinindot kanina ni Red at gan'on lang ay gumalaw na ang hagdan at naging escalator.Sa asta niya ang masasabi kong sunod sa luho siya at lahat ng gusto ay nakukuha. Ganito ring buhay ang gusto kong ibigay sa kapatid kong si Allan at sa mga magulang ko pero mukhang malabo."Ang swerte nila dahil ang tulad ni Andrei ang naging ate nila, kahit nga siguro hindi na sila mag-aral at humilata nalang hanggang sa pagtanda ay hindi sila maghihirap. Lahat ng hirap na dapat nilang pagdadaanan ay hinakot at pinagdaanan na ni Andrei." Tugon ni Red hanggang sa huminto kami sa dulong silid at binuksan niya iyon.Pumasok kami doon at hindi na ako nagtaka na pati dito ay napakagara pa rin ng mga gamit, lahat ng makikita mo nakakasilaw sa ganda. Naghuhumiyaw sa malaking halaga ng salapi."Maupo ka muna at ilang sandali lang ay papasok na si Andrei, maiwan muna kita kailangan ko ng bumalik sa resort dahil may utos siya sa'kin, tarantado kasi 'yon kaya kailangan lahat ng problema nalulutas agad." Tumawa na naman siya at syaka lumabas.Doon lamang ako nalahinga ng maluwag. Kanina ko pa pigil ang paghinga dahil sa karangyaan na nakikita ko sa pamamahay na ito.Para lang akong tuod na nakaupo sa itinurong upuan sa'kin ni Red na nakaharap sa isang mesa at swivel chair. Natatakot akong gumalaw dahil alam kong kapag umalis ako sa kinapepirmehan ko ngayon ay makakasira ako ng gamit.Ngayon pinagsisisihan ko na kung bakit napakalampa ko. Malaki akong tao at kaya ko ang mabibigat na trabaho pero kakambal ko talaga ang kamalasan at kalampahan kaya kahit gusto kong tumingin tingin sa mga libro na nasa paligid ay pinili ko nalang na hindi kumilos.Muling bumukas ang pinto at sunod n'on ang pagpasok ni Andrei. Napalunok ako dahil nagsisimula na naman ang takot ko at kaba. Nakasuot siya ng corporate attire at malinis na nakabusod ang hanggang balikat niyang itim na itim na buhok."Let's start." Agad niyang tugon ng makaupo sa swivel chair.Dahil sa pagdaan niya sa'kin ay nasamyo ko ang amoy ng pabango siya. Hindi matapang, hindi ko alam kong anong amoy 'yon pero napalabango hindi amoy pambabae at hindi rin panlalaki."I-Ito po ang presentation." Inilapag ko ang folder na mabilis naman niyang kinuha. Laking pasalamat ko at hindi niya pinansin ang pagkautal ko.Natigilan ako ng makita kong pinunit niya ang folder na ibinigay ko. Nagsuot siya ng salamin dahilan para mas lalo siyang katakutan. Hindi ako makagalaw at kahit gusto kong umapila dahil sa ginawa niya ay hindi ko maibuka ang bibig ko."Hindi ba nasabi sa'yo ni Pulahan na kapag nagpapapresent ako ay ayoko ng may papel na dala, gusto kong isalaysay mo ang lahat ng laman ng folder na 'yon gamit ang isip lang. So that I can see how dedicated you are in term of your responsibility." Tumitig siya sa mga mata ko at pakiramdam ko bibitayin ako ano mang oras."Doon ko makikita kung alam mo talaga ang pasikot sikot sa trabahong meron ka."Shit! Sa unang pagkakataon sa buhay ko mula ng magkamalay ako sa mundo ay napamura ako sa isipan ko.Tama si Candros halimaw nga talaga siya sa negosyo."Go on, magsalita ka makikinig ako." Udyok niya at pormal na sumandal sa swivel chair.Pilit kong inaalala ang mga nakalagay sa folder pero parang nablangko ang utak sa pagkakataong ito. Walang kahit anong pumasok sa isipan ko. Naikuyom ko ang mga palad ko para pigilan ang panginginig nito.Hindi manlang siya kumurap habang pinagmamasdan ako at nakakaintimidate ang klase ng tingin niya."Wala kang sasabihin? Kung gan'on ay mauuna na ako, I have some errands to do Mr. Tadeo Merandela." Tumayo na siya. "Bumalik ka nalang kapag handa ka na." Iyon lang at tuluyan na niya akong iniwan sa loob ng opisina niya.Napasabunot ako sa buhok ko dahil sa panghihinayang sa pagkakataon at hindi ko gusto na wala manlang akong nasabi. Pinaghandaan ko 'yon buong gabi at halos wala akong tulog pero ng humarap ako sa kanya ay naglahong parang bula ang mga nasa isip ko.Laylay ang balikat na lumabas ako ng opisinang iyon at naglakad paalis sa mansyon nila. Para akong lantang gulay at kapag minamalas ka nga naman ng sobra ay hindi ko nakita ang bato na nakaharang sa tarangkahan nila kaya napasubsob ako sa tae ng kalabaw.Napasigaw ako dahil sa sobrang pagkayamot sa kamalasan na natamo ko ngayon, partida nagsisimula palang ang araw na 'to at alam kong meron pa mamayang tanghali at hapon.Ang kamalasan ko ay parang pagtake ng gamot, three times a day.Nagpatuloy ako sa paglalakad kahit na ang dumi dumi na ng mukha at damit ko. Mabuti nalang at hindi mabaho ang tae ng kalabaw medyo malangsa nga lang.ANDREI never thought that one day she would walk down the aisle while her future husband was waiting in front of the altar. She has never thought of marrying someone since the moment their dad left them-the first man who ever broke her heart and ruined her childhood.Before, she thought that marriage was not an assurance of a happy and contented family. But Tadeo changed her perspective, saying and proving that not all men in the world are the same. It's just that their mom loved and married the wrong man. Maybe everything is destined to happen.She's still grateful because, without her dad, she's unborn.Today, she's wearing a white long veil and trumpet wedding dress with royal trains while walking on the white carpet barefoot. She's holding a sunflower bouquet. She suppressed her tears, looking at Tadeo and their visitors. She can't believe that she's getting married. She's overwhelmed with overflowing happiness, contentment, and excitement that fill he
Tadeo's Wedding VowHINDI siya mapakali habang hawak ang ballpen sa kaliwang kamay at nakatitig sa blangkong papel kung saan niya gustong isulat ang makahulugang wedding vow. Isang linggo na lamang ay kasal na nil ani Andrei, ang babaeng kanyang pinakamamahal at ang kanyang unang pag-ibig. Hindi niya akalain na totoo pala ang sabi nila na ang pag-ibig ay tila fairytale. Sa isiping mag-iisang dibdib sila ng babaeng pinakamamahal ay nag-uumapaw na ang kanyang kaligayahan. Handa siyang gawin at isakripisyo ang lahat para kay Andrei. Alam niya wala na siyang ibang babaeng iibigin maliban sa dalawa. Nakaupo siya sa kawayang upuan at kaharap niyon ay ang kanilang munting lamesa. Malalim na ang gabi at tulog na ang kanyang kapatid at mga magulang. Hindi pa man niya naisusulat ang mga pangakong handa siyang tuparin para sa kanyang kasintahan ay naiiyak na siya. Malalim ang buntong hininga ang pinakawalan niya upang maibsan ang nag-uumapaw na saya sa kanyang kalo
NAKATITIG LAMANG si Andrei kay Tadeo. Kabababa lamang nila at nagpahanda ito ng pool party. Hindi mawala wala ang ngiti niya dahil ang saya saya ng puso niya. Namiss niyang tunay ang mga kapatid niya at masayang masaya siya na kahit sandali ay nakauwi ang mga ito sa Pilipinas. Lumapit sa kanya si Pulahan, inabutan siya ng wine."Ngiting nadiligan," kantyaw nito. Tinanggap niya ang ibinigay nito at inirapan ang kaibigan."Napakadumi ng bunganga mo."Tumingin ito sa suot niya. "Kanina nakarobe ka pero paglabas niyo t-shirt na Tadeo boy ang suot mo."Sinamaan niya ito ng tingin. Tumabi ito ng upo sa kanya, sa lounge. "Baka nakakalimutan mo may kasalanan ka sa'kin."Kumunot ang noo nito ngunit ilang sandali ay malakas na natawa. "Ay, 'yon bang tungkol sa hindi pagbili ni Tadeo boy sa shares mo?"Sinabunutan niya ito pero panay lamang ang tawa nito. "Napakasama mo talaga sa'kin.""Gaga, tinutulungan na nga kita e. I
INABOT NI TADEO ang bote ng beer sa kanyang ama. Nasa huling palapag sila ng resort, tanaw ang malawak na karagatan mula sa kinatatayuan nila. Nasa baba ang kanyang ina at si Andrei na nagtatawanan habang lumalangoy sa infinite swimming pool na karugtong ay dagat. Gabi na, napagpasyahan nilang mag-unwind sa kanilang resort upang kahit paano ay makapagpahinga sila. Laking pasalamat niya dahil sumama si Andrei at hindi ito nagreklamo. Natutuwa siyang nababawasan na ulit ang pagiging mailap nito sa kanya. "Masaya akong nagbalik siya," pagbasag ng kanyang ama sa katahimikan. Nakatanaw din ito sa baba kung saan siya nakatingin. Tumango siya. Isinuksok ang kaliwang kamay sa bulsa ng slacks at ang isa ay may hawak ng canned beer. "Hindi ko alam kung magagalit ako o magtatampo sa inyo, 'tay. Alam ko na ang ginawa mo noon kaya siya lumayo.""Hindi ko pinagsisisihan ang ginawa ko kahit na magalit ka sa'kin dahil alam kong para iyon sa kabutihan mo." "Ala
"DO YOU think hahayaan kong makalabas ka pa sa Isla na 'to?" Natigilan siya sa paglapit sa guard upang pabuksan ang tarangkahan nang marinig ang malalim na boses ni Tadeo. Hindi niya akalaing susundan siya nito. "Idoble lock niyo ang gate at sabihin kay Inspector Sio Tallion na ilockdown ang buong hacienda at kapag nakita kamo ay first lady ay wag papalabasin," madiing utos nito.Agad tumalima ang mga gwardiya. "Masusunod ho, Mayor." Nagtakbuhan ang mga ito sa mga patrol na nasa labas. Nanlaki ang mga matang nilingon niyo ito. Hindi niya alam kung ano pa ang gusto nitong pag-usapan nila, lahat nasabi na niya at alam niyang narinig niya na rin lahat. Handa na siyang wakasan at tuluyang kalimutan ang nakaraan nilang hindi na maibabalik. Yumuko siya upang magbigay galang. Kailangan niyang umasta ayon sa papel niya sa lipunan. "Bakit, Mayor?"Nakapamewang itong tumitig sa kanya. Pinagmamasdan ang bawat galaw niya. "Pumasok ka sa bahay."Hindi siya natinag. "Kailangan kong habulin ang b
NAPAHILAMOS ito sa sobrang frustration. Hindi niya alam kung bakit ito sumunod, kitang kita sa mukha nito na galit na galit ito na ngayon niya lang nakita ngunit ang boses ay nasa normal pa ring lakas, mas lalo lamang dumiin ang mga salita at puno ng hinanakit. "Bakit palagi mong pinapamukha sa'kin na kailangan kong maghabol?" tanong nito. Natigilan siya. Pinili niyang hindi ito tignan. "Hindi ko sinabing maghabol ka, ikaw ang naglalagay ng sarili mo sa ganyang sitwasyon.""Napakatanga ko. Sa laki ng kasalanan sa'kin nagawa pang kumawag ng buntot ko n'ong malaman kong parating ka." Pigil ang kanyang hininga, nararamdaman mangyayarj na ang komprontasyon na matagal na niyang iniiwasan. Natatakot siya. "Umasa ako na sa pagbabalik mo maiisip mo manlang na suyuin ako, nahumingi ng tawad sa mga nagawa mo pero wala sa dalawang 'yon ang ginawa mo. Umasta kang tila walang nangyari, umalis at bumalik ka kung kelan mo gusto.""Wag na na'ting pag-usapan ang