Share

Kabanata 11

TAHIMIK SI TADEO na nakaupo sa ilalim ng ring. Hindi naman naging malala ang lagay niya nang bumagsak. Mabilis din siyang nagising mula sa pagkawala ng kanyang malay. Ginising siya ng galit na boses ni Andrei.

Napahilot siya sa batok. Mabuti na lamang at hindi semento ang kinabagsakan niya kundi mga damo. May konting kirot siyang naramdaman, hindi na niya iyon ininda. Sanay na siya sa resulta ng kanyang kalampahan.

"Bakit ba kasi ikaw ang pumunta rito?" inis na tanong ni Andrei. Kahit na masakit ang batok ay tiningala niya ito. Galit na galit itong nakatayo sa harap niya.

Napatingin siya sa suot nitong robe, kanina ay wala itong saplot nang huli niyang makita. Nag-iwas siya ng tingin nang maalala ang nakita. Hindi niya sadyang mamboso pero alam niyang mali pa rin ang ginawa.

"Ma-Masyado na ho kasing matanda si Mang Lino para sa gawaing ito," sagot niya. Kapag nakikita niyang galit na galit ito talagang nauutal siya. Siguro'y kailangan niyang sa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status