It was a text from Cathy.
'Good morning Shylah girl! Mamayang 7 A.M. tayo pupunta, Shy. Bring anything that you'll need that will lasts for 3 days. Hindi tayo magsisisi na pupunta kasi mala-Boracay daw doon'
I replied a simple ,'Okay, thanks!' to her text. Sinabihan ko siya kagabi na pinayagan na ako at ang loka, na excite masyado. Todo tili pa kasi baka may chance na daw kami ni Lawrence doon sa isla. Loka-loka.
After reading her early text, I immediately go back to sleep. At six in the morning, nagsimula na akong mag-impake. Dalawang malalaking backpack ang nilagyan ko ng aking mga dadalhin. Mahirap na at baka maubusan ako ng mga damit doon. Mukhang maganda pa namang magmodel- model doon at change outfits for i*******m dahil sa makapigil- hiningang view ng isla.
Tatawagan ko pa pala si Bea kung pupunta siya at ang tropa. Inayos ko muna lahat nga aking kakailanganin tyaka ko kinuha ang cellphone sa side table and then I dialled her number.
Nakailang ring na ako pero hindi pa rin sya sumasagot sa tawag ko. Tulog pa ata yung babaeng bruha. Bumaba ulit ako habang tinatawagan ko pa din siya at parana din makapag- agahan.
Ilang minuto pa ang hinintay ko at nasa pang dalawampong ring na yata nang sagutin niya ang tawag ko.
"Ahm, yeah? I'm still sleepy. I'll just call you later", tulog na tulog niyang sagot sa akin at agad akong binabaan ng linya. Ang gandang babae tapos ito ibubungad sayo sa umaga. Bruha talaga.
"Magandang umaga Shy", dinig kong bati ni Manang sa akin ng madaanan niya akong kumakain. May dala siyang basahan sa kaniyang kanang kamay kaya feel ko nagpupunas na naman si Manang ng mga mwuebles sa sala.
"Kain po tayo Manang", anyaya ko sa kaniya. Agad naman siyang umiling alok ko.
"Salamat pero mamaya na ako Shy", tanggi niya at agad na pumunta sa kusina. Nahihiya lang talaga iyong si Manang na makisabay sa akin kumain.
Nang matapos ako kumain, agad kong dinampot ang aking cellphone upang tawagan ulit si Bea. Agad naman niya itong sinagot hindi tulad kanina.
" Good morning Bea. Si Shylah 'to", pamungad ko sa kaniya. Baka kasi babaan na naman ako nito. " I just want to ask you kung pupunta ka ba o kung sino man sa tropa sa island na yun ngayon?", tanong sa kanya habang pabalik sa kwarto.
"BEEEEEEEAAAAAAAAAA!", malakas na sigaw ko sa kanya ng hindi man lang ako sinagot ng lintek.
" Ano ba Shylah! Kay aga-aga sumisigaw ka. Nagmamadali na nga akong mag-impake kasi malapit ng mag-seven", iritado naman niyang sagot.
Aba, kasalanan ko pa? Mukhang hindi aako binabaan ng tawag kanina.
"Kasalanan ko bang tinawagan kita kanina pero binabaan mo lang ako at bumalik ka sa pagtulog?", dinig ko sa background ang pagpapadyak niya. Siguradong naiinis na ito.
"Ikaw pala yung tumawag kanina?"
"Yes madam", pang-aasar ko pa.
"Letshe ka talaga, Shy. Kababangon ko pa lang. Lintek, it's already 6:30! Ang bilis naman ng oras!"
"O siya, mag-impake ka nalang at maghanda. I'll see you later", pamaalam ko sa kaniya. Hindi ko na siya tinanong dahil dinig ko sa background ang pagmamadali niya dahil may mga bumagsak at nababasag na mga kagamitan.
Natawa nalang ako sa aking kaibigan.
Bumaba ako dala ang aking mga bagahe. Naabutan ko si Manang na nagwawalis sa sala.
"Ngayon ba iyong lakad niyo, Shy?" tanong niya at saglit na huminto sa ginagawa at lumapit na akin. Tumango naman ako bilang sagot.
"Mag-ingat kayo doon Shy. Tawagan mo ako kapag may problema ha?"
"Opo Manang, marami pong salamat"
Dinig ko at pagbaba ni Mommy't Daddy upang mag-agahan. Naka business suit na silang dalawa, ang aga naman nilang pumasok sa kanilang trabaho.Si Mommy ang nagpatuloy na naglakad patungo sa pwesto namin ni Manang.
" Hon, ngayon yung outing ninyong magkakaibigan di ba?", tanong niya sa akin.
"Yes,Mom" at tumango ako bilang sagot sa tanong niya.
"You can bring your car. Make sure you'll drive safely", rinig kong sigaw ni Daddy na hindi man lang ako tinapunan ng tingin.
"Okay Dad. Thanks", agad akong pumunta sa kotse at pinaandar ito. Dadaan muna ako kila Nicholas tutal siya yung pinakamalapit na bahay na dadaanan ko.
Nagpaalam na ako kila Manang at nagdrive na ako papunta sa kanila. Nagbell ako at pinapasok ako ng kanilang kasambahay.
" Uy Shy, buti dinaanan mo ako, hindi ako pinayagang magdrive ni Dad eh", at natawa pa ang loko.Nag whatever-look lang ako. Lumabas na kami sa kanilang bahay. Dinaanan pa namin yung iba para magkasabay-sabay na kami.
Si Lawrence yung nagdrive, baka daw kasi mapagod ako sabi niya. Ulol.
Makalipas ang ilang oras ng biyahe, dumating kami sa isang daungan.
Maayos ang lagay ng panahon ngayon kay maraming mga naglalakihang barko, mga mamamangka at mga pasahero dito."Guys, wag kayong mag-assume na sa mga barkong yan tayo sasakay", ani ni Cathy. Napababa naman ang balikat namin dahil sa disappointment.
"Akala naman namin pagmamay-ari mo na iyan", Nicholas inserted. Nasa tapat kasi kami ng isang medyo may kaliitang ship.
We we're expecting na diyan kami sasakay. Knowing na may kaya din naman ang pamilya nila Cathy.
" Sa bangka tayo", dugtong niya at nagsmirk pa. Nakanganga yung mga boys, expected.
Lumapit kami sa isang lalaki. Nasa mga middle age na ata sya kaya hindi ko masasabi na may katandaan na ito.
Nakalinya kami ngayon sa kanyang harapan.
"Ang babata niyo pa mga iha't iho ah?", pambungad niya sa amin. Baka akala nito minor de edad pa kami. Ang judgemental naman masyado ni manong. Height lang kaya.
"Ayy. Mukha ba kaming mga bata Manong? thank you", sabi naman ni Bea na may malaking ngisi.
"Sa height ata hahaha", banat ni Nicholas kaya naman nag-usok na naman ang ilong nitong si Cathy.
"Ilang taon na ba kayo?", tanong ng lalaki.
"19 po kami. Magkababata po kaming lahat", ani ko kaya naman nagpaumanhin siya sa amin dahil sa pag-aakala niya.
Napag-alaman namin na Raul ang pangalan niya. Tinanong din namin siya kung alam niya ba yung isla na pupuntahan namin at ito lang ang sinabi nya...
"Mga iha't iho, huwag na 'wag kayong sumubok na pumunta sa islang iyon, sobrang mapanganib. Walang nakakalabas ng buhay roon", saad niya na may takot sa kaniyang tinig.
NICHOLAS' POV Ilang minuto na akong naglalakad, nasuyod ko na ang mga kakahuyan pero 'di ko pa rin maaninag maski anino nina Shylah at Lawrence. Napahawak ako sa aking tuhod dahil sa hingal. ‘'Wag kang sumuko, Lawrence. Kailangan mo silang mahanap sa abot ng iyong makakaya para makalabas na kayong lahat dito. Babalik ang lahat sa dati. Babalik lahat' Pinatatag ko ang aking sarili at naghanap muli. Taas noo akong naglibot kahit na tagakgak na ang pawis sa buo kong mukha at katawan. Napahinto ako sa paghakbang ng may naaninag akong babaeng nakaupo sa ugat doon sa ilalim ng puno. Kasabay ito ang pagdaan nang mabaho na hangin na dumaan sa aking ilong. Nangunot ang aking noo at naramdaman na nagsalubong ang aking kilay. Kinilatis ko ito ngunit hindi ito sa Shylah. May ibang tao pa pala bukod sa amin dito sa isla! Naka- side view siya ng kaunti sa kinaroroonan ko kaya naman ay kitang- kita ko ang mahaba niyang itim na buhok na han
“B- buhay siya”“B- bakit nabuhay pa siya?” “B- buhay si G- Gilberto?”, naiiyak nilang mga tanong. 'Di ko alam kung natutuwa ba sila o ano dahil buhay si Tito. Something's off with their reactions based on their voices. “Bakit po parang 'di kayo masaya na nabuhay si Tito?”, si Lawrence na ang nagtanong. He also noticed something with their questions."A- ah wala, hijo", rinig naming sagot ng isa sa kanila."May problema po ba sa pagligtas namin sa kaniya?", tanong ko naman."K- kayo ang nagligtas s- sa kaniya?" "Opo. Mukha ngang matagal- tagal na siyang ginapos doon sa kaniyang bahay. I mean sa kwarto pala niya. Bakit po? Nagkamali po ba kami ng nailigtas?" Katahimikan ang sumagot sa akin. Mukhang wala silang balak na sabihan kami.
"Mga hayop" Sobrang basa na ng luha ang aking mukha. Pati yata sipon ay sumasabay na din sa agos. 'Di ako makahawak sa aking mukha dahil sa higpit ng pagkakahawak nila sa magkabila kong braso. Nagmukha na tuloy akong batang hamog nito. Si Lawrence naman ay hindi nagsasalita. "Papahid muna, tulo na sipon ko eh", reklamo ko pero para lang silang mga bingi. Mga 30 minutes kaming naglakad. Dinala nila kami dito sa kagubatan na may maraming barb wire at matatayog na kahoy. May mga nakakatakot din na mga sirang manika ang nakabitay sa kada sanga ng mga ito. Luminga-linga ako sa paligid pero wala akong makitang sign kung saan kami dumaan kanina. Nakakalito dahil pare- pareho lang ang mga kahoy pero nakakapagtataka lang dahil napakatahimik ng paligid. Wala man lang paro- paro o ano mang kulisap na humuhuni,
Walang emosyon ang mukha ni Bea habang tinutok niya ang matulis na kutsilyo sa bandang dibdib ni Manong. "Wala ka man lang bang mensahe sa mga kaibigan mo sa maaaring gagawin mo? Baka nanonood sila ngayon dito?", demonyong saad pa ng babae. "Wala, wala naman akong kaibigan", malamig na sagot naman ng aming kaibigan. Sheyt! 'Di ko nakayanan ang nangyayari kaya agad- agad akong gumalaw sa pinagtataguan namin upang pigilan ang maaaring pagpatay niya kay Manong. Sisigawan ko sana ang aming kaibigan baka matauhan siya sa ginagawa niya.Ngunit nabigo ako sa gusto kong gawin dahil mabilis ulit tinakpan ni Lawrence ang aking bibig at hinila ako pabalik sana sa pinagtataguan namin kanina. Pero 'di ko talaga napansin na natapakan ko pala ang kaniyang paa kaya napaupo tuloy ako sa kandungan niya. Nawindang ako lalo dahil nawalan siya ng balance. Kaya ang nangyar
"Hays, halika na nga", napipilitan man, sumang- ayon na din si Lawrence na isama ako. Katulad ko ay binalewala niya din ang gusto naming sabihin sa isa't- isa at tyaka nalang ito iisipin pagkatapos nitong bangungunot na ito. Gusto ko mang sabihin ang totoo kong nararamdaman sa kaniya, masyado pang magulo ang sitwasyon namin. Basta huwag muna ngayon. Itabi nalang muna ito at mag- focus ngayon sa aming kaligtasan. "Wait lang, kukunin ko muna yung mga dala ni Manong. Baka magamit pa natin", pakiusap ko sa kaniya. "Huwag na, Shy. Sobrang delikado. Baka may dumating pang mga manika at madamay pa tayo", pag- aalala niya. "Edi bantayan mo ako, 'di mo naman ako ipapahamak right? I- se- secure lang pati na 'tong kahoy na nakuha natin, baka maging evidence pa na nandito tayo tyaka natin sundan sila manong at siguraduhing ligtas siya", panghihikayat ko naman. "O sige. Kunin
Hindi talaga namin inakala na mas maganda pa sa expectation namin yung sinasabing bahay ni Tito.Malaki-laking bahay 'tong pinasukan namin ngayon. Bago pa ang mga gamit sa loob.Sabi ni Tito, iilan lang daw ang nakakaalam sa bahay na ito. Parang extra house daw ng pamilya nila eh.Nasa tago itong bahagi ng kuweba at ewan ko lang kung may manika pang magtatangkang pumunta dito. Malayo pala ito doon sa entrance na kuweba."Marami po ba talagang mga kuweba dito sa isla?", tanong ko."Iilan lang hija", diretsong sagot naman ni Tito."Bakit po mga mukhang bago lang itong mga kagamitan niyo dito, Tito?", tanong naman ni Cathy."Iyan ang hindi ko alam. Siguro may pansamantalang namalagi dito para linisin ito. Ewan ko lang kung manika ba o tao""Sana naman walang magtatangkang manika ulit dito para makapagpahinga naman tayo", pah