Kasalukuyan kaming naghahanap ng bangkero dito sa daungan. Ang dami namang bangkero pero walang sinumang pumayag na ihatid kami.
What's with that island? Iisa lang ang sinasabi nila, wala daw nakakalabas ng buhay doon at nakakamatay daw? Kapag tinatanong naman namin sa sila kung anong meron, ayaw naman nilang sasabihin.
Ang damot nila sa information ah.
Ang ganda kaya noon sa picture. It is a hidden paradise that only few people knew it exist. At gusto naming masali sa isa sa mga iilang na nakadiskubre sa islang iyon. That's why I'm planning to make a vlog if we'll arrive there.
" One week lang Shy", sagot sa akin ni Lawrence while showing his cute smile. Then he offer me his food-- chicharon. Nagkwentuhan lang kaming dalawa sa tabi while yung iba naghahanap pa ng bangkero.
"Sa tingin mo, maganda talaga doon?", tanong niya sa akin. Kumuha ako ng isang piraso chicharon saka sinubo.
Hindi ko napansin na malaking chicharon pala yung sinubo ko kaya nagkanda ubo-ubo ako dahil nabilaukan. Ramdam ko ang pamumula ng aking buong mukha.Napalaki naman ang kaniyang mga mata dahil sa gulat.
" Shy, dahan -dahan naman... wait", tiningnan ko lang siya habang natataranta dahil sa nakita. Ang OA naman nito. Ang layo kaya sa bituka.
Kinuha niya sa kanyang backpack ang isang mineral water saka niya inabot sa'kin.
"Huwag kang mag-alala, hindi ko pa nainuman 'yan", saad niya. Alam na alam 'yong iniisip ko. Ininom ko ito at nang malunok ko na 'yong chicharon sa bunganga ko, saka ko sinagot ang katanungan niya kanina.
"Letshe ka talaga!", sigaw ko sa kanya saka siya sinabutan at hinahampas. Hindi nagtira ang walang hiya.
"Hey lovers in daungan! Tara na! May nahanap na kaming bangkero!", sigaw ni Nicholas sa amin. Kahit kelan talaga yung lalaking 'yon, panira ng moment eh.
Sumakay na kaming lahat sa bangka. Malaki naman itong bangka ni Kuya Arnold na kulay asul. Kaya kasya yung iilang mga dala namin.
" Cath, 'pano ninyo nakumbinsi si Manong?", bulong ko sa kanya. Halos kasi lahat ng bangkero doon umayaw sa offer namin. Ang lakas siguro ng convincing skills ng mga ito.
"Hindi nga rin sana papayag si Manong eh kung 'di namin sinuhulan ng malaking pera. Kailangan daw niya dahil may sakit ang anak nya, kaya ayun! He grab the opportunity! ", so there's something in that island, naging masama tuloy ang kutob ko dito.
"Teka lang tatanungin ko muna si Manong", sabi ko sa kaniya. I was curious of their reasons, alright.
Naglakad ako ng mabilis upang maunahan sila. Papunta na din kasi sila sa puwesto ni Manong dala ang kanilang mga bagahe.
" Uhm..Manong? Ano pong meron sa islang iyon? Bakit takot kayong lahat? May mamamatay tao po bang nakatira doon?", tanong ko agad sa kanya ng lumapit ako sa pwesto nya. Nagpang- abot ang kaniyang kilay at tila'y pinipilit na itago ang tunay na expression.
"Hija, 'di ako sigurado ah? Pero may sabi-sabi kasi na may mga engkanto at diwata daw sa islang iyon. Pero iyon lamang ay isang sabi-sabi. Alam mo na, nadadagdagan ang mga estorya kapag natagalan katulad ng mga kwentong-bayan, alamat at iba pa. Basta mag-iingat kayong magkakaibigan doon. Babalik ako dito sa Miyerkules para sunduin kayo, sabi nga ng kaibigan nyo sa akin. Binayaran na kasi ako", sabi niya.
Gusto ko pa sanang magtanong pa ng marami pero naputol ang aming pag-uusap dahil sa paglapit ng aking mga kaibigan. Makaraan ang ilang minuto, nakasakay na kami na kaniyang bangkang de motor.
Mainit ang araw kaya nagkikislapan ang tubig sa dagat. My friends and I take some pictures for remembrance and to post it in social media.
" Mga hija't hijo..ayon na ang La Isla De Las Monecas", sabi ni Manong na nagpahinto sa aming ginagawa. Hindi namin namalayan na umabot na pala kami ng ilang oras sa picture taking. Tinuro niya ang malaking isla sa hindi namin kalayuan. Kitang- kita mula dito ang white sand at kuweba na katulad doon sa nakita namin sa picture.
"Ano pong kinalaman ng pangalang Monecas sa islang iyon, Manong?", Bea asked him.
"May mga manika daw kasi sa islang iyan, ewan ko lang kung totoo", sagot naman ni Manong. Okay lang kung mga barbies pero 'wag naman sana yung mga nakakatakot na manika.
Malayo pa lang kami sa isla, naramdaman ko na ang matinding kaba ko. 'Di ko alam kong ba't ko 'to nafefeel. Well, epekto na ata ito ng panood ng mga movies.
Sadyang tahimik ng lugar pero maganda ang paligid. Parang bora in a peaceful way.
Sobrang peaceful.
Nang makalapit na kami sa isla, may nakita kaming lumang plywood na karatulang may isinulat sa pulang pintura.
Should we be scared or push this through? Bago pa ako umatras, nakalayo na si Manong sa amin. Iniwan na niya kami at hindi alam kong babalikan niya ba talaga kami.
"Paano mo nasisiguradong babalikan pa tayo ni Manong, Cathy?", I quickly asked her.
Tinanggal niya ang shades sa kaniyang mata at ipinatong sa kaniyang ulo."Hmm.. connections", simple niyang sagot. Mayaman si Cathy kaya hindi na impossible iyon.
"Pero paano mo nga masisiguro eh walang signal at connection dito?", galit na sabi ko sa kaniya at ipinakita ang aking phone.Nasa malayo ang iba naming kaibigan, busy sa pag p-picture taking kaya imposibleng marinig nila kami.
Nang makita na totoo ang sinabi ko. Napamura nalang siya at napasabunot sa kaniyang buhok.
NICHOLAS' POV Ilang minuto na akong naglalakad, nasuyod ko na ang mga kakahuyan pero 'di ko pa rin maaninag maski anino nina Shylah at Lawrence. Napahawak ako sa aking tuhod dahil sa hingal. ‘'Wag kang sumuko, Lawrence. Kailangan mo silang mahanap sa abot ng iyong makakaya para makalabas na kayong lahat dito. Babalik ang lahat sa dati. Babalik lahat' Pinatatag ko ang aking sarili at naghanap muli. Taas noo akong naglibot kahit na tagakgak na ang pawis sa buo kong mukha at katawan. Napahinto ako sa paghakbang ng may naaninag akong babaeng nakaupo sa ugat doon sa ilalim ng puno. Kasabay ito ang pagdaan nang mabaho na hangin na dumaan sa aking ilong. Nangunot ang aking noo at naramdaman na nagsalubong ang aking kilay. Kinilatis ko ito ngunit hindi ito sa Shylah. May ibang tao pa pala bukod sa amin dito sa isla! Naka- side view siya ng kaunti sa kinaroroonan ko kaya naman ay kitang- kita ko ang mahaba niyang itim na buhok na han
“B- buhay siya”“B- bakit nabuhay pa siya?” “B- buhay si G- Gilberto?”, naiiyak nilang mga tanong. 'Di ko alam kung natutuwa ba sila o ano dahil buhay si Tito. Something's off with their reactions based on their voices. “Bakit po parang 'di kayo masaya na nabuhay si Tito?”, si Lawrence na ang nagtanong. He also noticed something with their questions."A- ah wala, hijo", rinig naming sagot ng isa sa kanila."May problema po ba sa pagligtas namin sa kaniya?", tanong ko naman."K- kayo ang nagligtas s- sa kaniya?" "Opo. Mukha ngang matagal- tagal na siyang ginapos doon sa kaniyang bahay. I mean sa kwarto pala niya. Bakit po? Nagkamali po ba kami ng nailigtas?" Katahimikan ang sumagot sa akin. Mukhang wala silang balak na sabihan kami.
"Mga hayop" Sobrang basa na ng luha ang aking mukha. Pati yata sipon ay sumasabay na din sa agos. 'Di ako makahawak sa aking mukha dahil sa higpit ng pagkakahawak nila sa magkabila kong braso. Nagmukha na tuloy akong batang hamog nito. Si Lawrence naman ay hindi nagsasalita. "Papahid muna, tulo na sipon ko eh", reklamo ko pero para lang silang mga bingi. Mga 30 minutes kaming naglakad. Dinala nila kami dito sa kagubatan na may maraming barb wire at matatayog na kahoy. May mga nakakatakot din na mga sirang manika ang nakabitay sa kada sanga ng mga ito. Luminga-linga ako sa paligid pero wala akong makitang sign kung saan kami dumaan kanina. Nakakalito dahil pare- pareho lang ang mga kahoy pero nakakapagtataka lang dahil napakatahimik ng paligid. Wala man lang paro- paro o ano mang kulisap na humuhuni,
Walang emosyon ang mukha ni Bea habang tinutok niya ang matulis na kutsilyo sa bandang dibdib ni Manong. "Wala ka man lang bang mensahe sa mga kaibigan mo sa maaaring gagawin mo? Baka nanonood sila ngayon dito?", demonyong saad pa ng babae. "Wala, wala naman akong kaibigan", malamig na sagot naman ng aming kaibigan. Sheyt! 'Di ko nakayanan ang nangyayari kaya agad- agad akong gumalaw sa pinagtataguan namin upang pigilan ang maaaring pagpatay niya kay Manong. Sisigawan ko sana ang aming kaibigan baka matauhan siya sa ginagawa niya.Ngunit nabigo ako sa gusto kong gawin dahil mabilis ulit tinakpan ni Lawrence ang aking bibig at hinila ako pabalik sana sa pinagtataguan namin kanina. Pero 'di ko talaga napansin na natapakan ko pala ang kaniyang paa kaya napaupo tuloy ako sa kandungan niya. Nawindang ako lalo dahil nawalan siya ng balance. Kaya ang nangyar
"Hays, halika na nga", napipilitan man, sumang- ayon na din si Lawrence na isama ako. Katulad ko ay binalewala niya din ang gusto naming sabihin sa isa't- isa at tyaka nalang ito iisipin pagkatapos nitong bangungunot na ito. Gusto ko mang sabihin ang totoo kong nararamdaman sa kaniya, masyado pang magulo ang sitwasyon namin. Basta huwag muna ngayon. Itabi nalang muna ito at mag- focus ngayon sa aming kaligtasan. "Wait lang, kukunin ko muna yung mga dala ni Manong. Baka magamit pa natin", pakiusap ko sa kaniya. "Huwag na, Shy. Sobrang delikado. Baka may dumating pang mga manika at madamay pa tayo", pag- aalala niya. "Edi bantayan mo ako, 'di mo naman ako ipapahamak right? I- se- secure lang pati na 'tong kahoy na nakuha natin, baka maging evidence pa na nandito tayo tyaka natin sundan sila manong at siguraduhing ligtas siya", panghihikayat ko naman. "O sige. Kunin
Hindi talaga namin inakala na mas maganda pa sa expectation namin yung sinasabing bahay ni Tito.Malaki-laking bahay 'tong pinasukan namin ngayon. Bago pa ang mga gamit sa loob.Sabi ni Tito, iilan lang daw ang nakakaalam sa bahay na ito. Parang extra house daw ng pamilya nila eh.Nasa tago itong bahagi ng kuweba at ewan ko lang kung may manika pang magtatangkang pumunta dito. Malayo pala ito doon sa entrance na kuweba."Marami po ba talagang mga kuweba dito sa isla?", tanong ko."Iilan lang hija", diretsong sagot naman ni Tito."Bakit po mga mukhang bago lang itong mga kagamitan niyo dito, Tito?", tanong naman ni Cathy."Iyan ang hindi ko alam. Siguro may pansamantalang namalagi dito para linisin ito. Ewan ko lang kung manika ba o tao""Sana naman walang magtatangkang manika ulit dito para makapagpahinga naman tayo", pah