Share

CHAPTER 5

Penulis: Zhiingkinita18
last update Terakhir Diperbarui: 2021-04-30 15:09:52

Parehas kaming hindi mapakali ni Cathy. Siya ay namomroblema sa signal at connection, ako..ewan, I just have this weird feeling inside me na may nakatagong misteryo sa islang ito.



Habang sila ay naaaliw sa view dito sa isla, ginala ko ang aking tingin sa paligid. Kung iisipin, parang wala talagang problema dito. 



Worldclass and peaceful view.


Todo taas naman si Cathy sa kaniyang phone upang maghanap ng signal.


"Fuck!", kanina pa siya nagmumura.


Nagdesisyon akong lumapit sa karatula habang busy pa ang iba kong mga kaibigan. Giniba ko ang marupok na kawayan na nagsisilbing suporta dito. Kinuha ko ito ay hinaplos.


Pero nagkamali ako. 


Hindi ito isang pintura. 


Hinaplos ko ulit ang nakasulat dito.. iba talaga.


Nang tingnan namin ito sa malayo kanina, para lang itong simpleng kulay pula na aakalain talaga namin ay pintura. Hindi ako mapakali.


Nagsimula ng tumagtak ang malalamig na pawis sa aking noo.

"Huwag nating ipaalam sa kanila, Shy" napaigtad ako ng mau bumulong sa aking tainga. It's Cathy.


"And why is that? Baka ma- trapped tayo dito at wala man lang tayong mahingan ng tulong", nag-aalala kong sagot.


"Basta huwag mo muna sabihin. Baka magpanic sila or what. I will call my dad about this 'pag nakahanap na ako ng signal or baka babalikan talaga tayo ni Manong. Sana'y makonsensya siya", she said and then she crossed her arms.


"That's unfair to them, Cath! Dapat malaman nila na maaari tayong hindi makalabas dito"


"Sige. Pero sasabihin natin sa kanila kapag hindi na maganda ang nangyayari sa paligid"



"Maghihintay pa ba tayo na masamaang maaaring mangyari bago natin sila sabihan?", nah- highblood na ata ako sa pagtatalo namin.


"Of course, sasabihan naman natin sila bago may mangyaring masama. Ang sa akin lang, ay para hindi sila magpanic. Our intention is to have a fun vacation, hindi para sirain ito at magkaroon pa ng dagdag na problema"



"Ewan ko lang sa pag-iisip mo Cath. Pero kapag may mangyari na talaga, hindi ako magdadalawang- isip na sabihing maaari tayong matrap dito sa islang ito habang- buhay"


"Hey Shylah and Cathy sali kayo sa selfie namin! Hindi pa naman natin ma-upload ang mga pictures natin kasi walang signal at connection dito", sigaw ni Nicholas habang nasa ilalim ng niyog kasama si Bea at Lawrence.



"Basta sinabihan na kita, Shy. Huwag muna para walang problema", bulong ni Cathy sa akin. 


Kahit na naguguluhan ay lumapit kami sa kanila at nag- take ng ilang pictures. Hindi nila siguro napapansin na may kakaiba sa lugar na ito kasi masaya naman ang mukha nilang tatlo.


Oo, maganda dito sa dalampasigan, eh pa'no sa loob? Wala pang signal kaya pa'no na kami makakacontact sa mga otoridad o mahal namin sa buhay in case of emergency? Jusko, sana mali itong nasa isip ko.



Nandito pa lang kami sa dalampasigan.  Dinala naman ng mga lalake ang aming mga  bagahe. Maliit lang naman kasi ang dala namin, tyaka wala kasi kaming balak magswimming kaya kaunti lang ang dala naming damit.


Maaliwalas ang paligid. May mga puno ng niyog na parang isa lang typical na isla. May mga tanim din sa paligid pero iilan lang. Napakatahimik at tanging hampas ng mga alon lang sa dagat ang aming naririnig.


Ngunit hindi nito mawala ang weirdong nararamdaman ko.


Maya-maya, napagdesisyunan naming pumasok sa isla. Bago pa man kami makapasok sa loob, dadaan muna kami sa isang kweba. 


Madilim sa loob at mga limang minuto muna daw bago kami makarating sa loob base doon sa site na nakita ni Cathy.


" I couldn't believe i just saw bats personally! Just wow", manghang-mangha nilang mga sabi nang mahagip sa kanilang mga flashlights ang mga paniki sa itaas. Todo pinicture ulit sila sa ang ilang sulok ng kweba. Sa pagtingin-tingin ko sa paligid, may mga kalmot sa iilang parte ng kweba.


"Ang ganda! ", manghang usal ni Bea. Na parang may plano pa atang tumira dito.


Habang nawiwili sila sa paligid, nahagip ng aking mga mata ang isang parte doon. Hinawakan ko ito at nadiskubreng parang may kalmot ito.


Imposible itong kagagawan ng tao, the scratches are too deep. Kung titingnan, parang mga simpleng display lang ang mga ito pareho noong mga artifacts noong unang panahon pero napahakbang ako at napaatras ng may mahawakang likido dito..



Pula.


"What's that, Shy?", tanong ni Bea sa aking likod.


"Ang galing naman nang umukit nito dito, parang totoong mga totoo ah. Teka, bakit may dugo sa kamay mo?", tanong ni Nicholas at hinablot ang aking kamay.


Naramdaman ko ang init nito.


Fuck. It's still fresh.



Dahil sa sinabi ni Nicholas agad na nagsilapitan sa puwesto ko sina Cathy, Bea at Lawrence.


"What happened?", Lawrence asked immediately and hold my hand.


"Dugo 'to bro 'di ba?", tanong ni Nicholas sa kaniya. Kumuha siya sa aking kamay at pinakiramdaman ito.


"Dugo nga", nang sabihin iyon ni Lawrence ay parang may dumaang anghel sa paligid namin.


"Baka may napiga kang insekto diyan, Shy?" tanong ni Bea.


Lihim kaming nagkatinginan ni Cathy pero agad siyang nag-iwas ng tingin sa akin. 


Umiling ako sa kanilang mga sinabi. " Let's go guys napapagod na ako. Nakapatay lang ako ng insekto, ano ba kayo", sabi ko sa kanila at nagpeke ng tawa. Buti nalang at hindi nila iyon pinansin at agad naman silang sumunod. 



This island gives me creeps. LITERALLY.


"Teka Shy! Sabay tayo", sigaw ni Lawrence. Agad siyang tumabi at sinabayan ako sa paglalakad. Malapit na ata yung mismong loob ng isla dito pero madilim pa rin ang aming dinaraanan. Wala namang tubig na umaagos sa paligid, tanging madilim sa kuweba lang na dalawang dipa ang daraanan. May mga signs din kung saan kami dadaan kaya magiging  madali lang yata sa amin ang papunta doon.



"Bakit?", tanong ko sa kaniya ng maramdaman ko kanina pa na parang may tumitingin sa akin sa aking gilid. I can feel it in my peripheral vision.


"Wala, Shy", agad naman niyang sagot sa akin.



Maybe one of these days, sasabihan ko na sila sa mga naiisip ko. At sa tingin ko ay tama itong masamang kutob ko dito sa islang ito.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Island of Dolls   CHAPTER 27

    NICHOLAS' POV Ilang minuto na akong naglalakad, nasuyod ko na ang mga kakahuyan pero 'di ko pa rin maaninag maski anino nina Shylah at Lawrence. Napahawak ako sa aking tuhod dahil sa hingal. ‘'Wag kang sumuko, Lawrence. Kailangan mo silang mahanap sa abot ng iyong makakaya para makalabas na kayong lahat dito. Babalik ang lahat sa dati. Babalik lahat' Pinatatag ko ang aking sarili at naghanap muli. Taas noo akong naglibot kahit na tagakgak na ang pawis sa buo kong mukha at katawan. Napahinto ako sa paghakbang ng may naaninag akong babaeng nakaupo sa ugat doon sa ilalim ng puno. Kasabay ito ang pagdaan nang mabaho na hangin na dumaan sa aking ilong. Nangunot ang aking noo at naramdaman na nagsalubong ang aking kilay. Kinilatis ko ito ngunit hindi ito sa Shylah. May ibang tao pa pala bukod sa amin dito sa isla! Naka- side view siya ng kaunti sa kinaroroonan ko kaya naman ay kitang- kita ko ang mahaba niyang itim na buhok na han

  • Island of Dolls   CHAPTER 26

    “B- buhay siya”“B- bakit nabuhay pa siya?” “B- buhay si G- Gilberto?”, naiiyak nilang mga tanong. 'Di ko alam kung natutuwa ba sila o ano dahil buhay si Tito. Something's off with their reactions based on their voices. “Bakit po parang 'di kayo masaya na nabuhay si Tito?”, si Lawrence na ang nagtanong. He also noticed something with their questions."A- ah wala, hijo", rinig naming sagot ng isa sa kanila."May problema po ba sa pagligtas namin sa kaniya?", tanong ko naman."K- kayo ang nagligtas s- sa kaniya?" "Opo. Mukha ngang matagal- tagal na siyang ginapos doon sa kaniyang bahay. I mean sa kwarto pala niya. Bakit po? Nagkamali po ba kami ng nailigtas?" Katahimikan ang sumagot sa akin. Mukhang wala silang balak na sabihan kami.

  • Island of Dolls   CHAPTER 25

    "Mga hayop" Sobrang basa na ng luha ang aking mukha. Pati yata sipon ay sumasabay na din sa agos. 'Di ako makahawak sa aking mukha dahil sa higpit ng pagkakahawak nila sa magkabila kong braso. Nagmukha na tuloy akong batang hamog nito. Si Lawrence naman ay hindi nagsasalita. "Papahid muna, tulo na sipon ko eh", reklamo ko pero para lang silang mga bingi. Mga 30 minutes kaming naglakad. Dinala nila kami dito sa kagubatan na may maraming barb wire at matatayog na kahoy. May mga nakakatakot din na mga sirang manika ang nakabitay sa kada sanga ng mga ito. Luminga-linga ako sa paligid pero wala akong makitang sign kung saan kami dumaan kanina. Nakakalito dahil pare- pareho lang ang mga kahoy pero nakakapagtataka lang dahil napakatahimik ng paligid. Wala man lang paro- paro o ano mang kulisap na humuhuni,

  • Island of Dolls   CHAPTER 24

    Walang emosyon ang mukha ni Bea habang tinutok niya ang matulis na kutsilyo sa bandang dibdib ni Manong. "Wala ka man lang bang mensahe sa mga kaibigan mo sa maaaring gagawin mo? Baka nanonood sila ngayon dito?", demonyong saad pa ng babae. "Wala, wala naman akong kaibigan", malamig na sagot naman ng aming kaibigan. Sheyt! 'Di ko nakayanan ang nangyayari kaya agad- agad akong gumalaw sa pinagtataguan namin upang pigilan ang maaaring pagpatay niya kay Manong. Sisigawan ko sana ang aming kaibigan baka matauhan siya sa ginagawa niya.Ngunit nabigo ako sa gusto kong gawin dahil mabilis ulit tinakpan ni Lawrence ang aking bibig at hinila ako pabalik sana sa pinagtataguan namin kanina. Pero 'di ko talaga napansin na natapakan ko pala ang kaniyang paa kaya napaupo tuloy ako sa kandungan niya. Nawindang ako lalo dahil nawalan siya ng balance. Kaya ang nangyar

  • Island of Dolls   CHAPTER 23

    "Hays, halika na nga", napipilitan man, sumang- ayon na din si Lawrence na isama ako. Katulad ko ay binalewala niya din ang gusto naming sabihin sa isa't- isa at tyaka nalang ito iisipin pagkatapos nitong bangungunot na ito. Gusto ko mang sabihin ang totoo kong nararamdaman sa kaniya, masyado pang magulo ang sitwasyon namin. Basta huwag muna ngayon. Itabi nalang muna ito at mag- focus ngayon sa aming kaligtasan. "Wait lang, kukunin ko muna yung mga dala ni Manong. Baka magamit pa natin", pakiusap ko sa kaniya. "Huwag na, Shy. Sobrang delikado. Baka may dumating pang mga manika at madamay pa tayo", pag- aalala niya. "Edi bantayan mo ako, 'di mo naman ako ipapahamak right? I- se- secure lang pati na 'tong kahoy na nakuha natin, baka maging evidence pa na nandito tayo tyaka natin sundan sila manong at siguraduhing ligtas siya", panghihikayat ko naman. "O sige. Kunin

  • Island of Dolls   CHAPTER 22

    Hindi talaga namin inakala na mas maganda pa sa expectation namin yung sinasabing bahay ni Tito.Malaki-laking bahay 'tong pinasukan namin ngayon. Bago pa ang mga gamit sa loob.Sabi ni Tito, iilan lang daw ang nakakaalam sa bahay na ito. Parang extra house daw ng pamilya nila eh.Nasa tago itong bahagi ng kuweba at ewan ko lang kung may manika pang magtatangkang pumunta dito. Malayo pala ito doon sa entrance na kuweba."Marami po ba talagang mga kuweba dito sa isla?", tanong ko."Iilan lang hija", diretsong sagot naman ni Tito."Bakit po mga mukhang bago lang itong mga kagamitan niyo dito, Tito?", tanong naman ni Cathy."Iyan ang hindi ko alam. Siguro may pansamantalang namalagi dito para linisin ito. Ewan ko lang kung manika ba o tao""Sana naman walang magtatangkang manika ulit dito para makapagpahinga naman tayo", pah

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status