Share

CHAPTER 7

"Bakit kailangang kumpeskahin pa eh wala namang signal dito?", tanong ko sa manika. Agad naman siyang tumingin sa gawi ko pero ngayon, ang ulo lang niya ang kaniyang pinagalaw. 

Creepy.

"Gusto po naming maramdaman ninyo ang kapayapaan ng lugar at maparamdam na para kayong bumalik sa sinaunang panahon na wala pang polusyon at hindi pa gaanong gamit ang teknolohiya. Hindi niyo yata nabasa lahat tungkol dito sa isla?", sabi niya na parang nang-aasar pa na wala kaming alam sa pinasok namin. She even smirked at us. What a rude plastic creature!

This barbie grl is so scary, she laughs and talks like a real, normal human being. Ineexpect kong English ang lengguwahe niya kanina , buti nalang pala hindi, kundi nosebleed kahahantungan.

"May pangalan ka ba?", tanong ni Lawrence sa kaniya. Bumaling siya kay Lawrence at lumapit pa. 

"Pasensya na kayo't nakalimutan kong magpakilala. Ako si Barbara ng La Isla de las Monecas", she said and offered a hand shake to him. He immediately accept it. 

Pangalan pa lang niya, nangingilabot ng pakinggan.

 "This is Shylah, Cathy, Bea and Nicholas. We're from Manila", pagpapakilala pa ni Lawrence sa amin. 

Isa- isa niya kaming nilapitan at naghandshake. Nang nasa harapan ko na siya, ngumiti siya sa akin. I don't think it's a friendly smile, there's something fishy in it.

Todo entertain niya sa mga kaibigan ko habang patungo sa kung saan. Si Cathy na kulang nalang ay 'di na kumurap simula ng makita nya si Barbara. Si Bea na nakanganga, hangang-hanga kasi nakakita siya ng nagsasalitang barbie, si Lawrence na todo kain lang, at si Nicholas na katulad ni Cathy, amaze na amaze sa manika. 

Para talaga itong de-remote, gumagalaw na parang tao.

"Mga turista, marami po kaming mga magagandang tanawin na pwede ninyong bisitahin kahit kelan", sabi ni Barbara. 'Di pa rin ako makapaniwala na para siyang totoong tao kung magsalita at kumilos.

"Tulad ng?", tanong ni Cathy. Siya lang kasi ang halos kumakausap sa kanya at nagtatanong ng kung ano-ano.

Ngumiti ang manika, nasisiyahan yata na wala kaming masyadong alam dito sa isla except sa labas na dalampasigan. "Katulad ng Mansion of Dolls. May apat itong palapag, ipapasyal ko kayo doon these days. May mga resort din at marami pang iba. Bibigyan ko kayo ng brochures kapag nasa cabin na tayo.", mahabang lintaya niya.

"Ba't tinawag na Mansion of Dolls? Mga manika din ba yung nags- stay in doon o manika yung may-ari?", tanong ni Nicholas sa kaniya.

"Manika lahat ang nakatira dito sa isla. Iyang nakikita ninyong parang mga tao, mga manika yang mga iyan", may dumaang nakakatakot na emosyon sa kaniyang mukha habang sinasabi niya iyon. "Mga manika lahat kami", dagdag niya pa.

Luminga kami sa paligid at napagtantong totoo nga ang sinabi ni Barbara. Yung mga nakikita pala namin ay puro manika. May mga stuff toys ding naglalakad na parang may buhay. Fuck, nangingilabot ako imbes na mamangha.

"Doom ba kami tutuloy sa cabin o may hotel ba rito? ", insert na tanong ni Lawrence. Oo nga pala, buti nalang natanong nya iyon, nawala kasi sa isipan ko.

"Oo. May malaking hotel po dito, halina kayo", anyaya niya at sumunod naman kami.

 Sa paglalakad palang niya, nakikita naming para siyang isang malikhaing invention ng mga scientists. Nakaka- amaze lang kaso nakakatakot. Sobrang praning ko na yata masyado.

 Kasabay niya ang tatlo habang kaming dalawa naman ni Lawrence ang nasa likuran nila.

"You okay, Shy? kanina ka pa tahimik", tanong niya sa akin.

"I'm okay. Wala ito pero thanks for your concern", I smiled in assurance.

"Tell me if you feel bad, 'kay?"

"Okay, sure", I replied while nodding my head.

Makaraan ang apat  na minutong paglalakad, bumungad sa amin ang itim na mataas na gate at medyo may kalakihang hotel sa loob. Pumasok kami at nasa harapan namin ngayon ang malaking babae na dapat ay lalabas ang tubig sa kaniyang kamay pero wala namang umaagos.

"Fountain ba 'to o statue?", I asked out of the blue.

"Fountain", Barbara replied.

"Wala ba kayong tubig para magmukha itong fountain?", sabat ni Nicholas.

"Meron naman"

"Sino siya?", tanong naman ni Lawrence. Gusto ko ding itanong 'yan.

"Siya yung may-ari ng isla pero 'di namin siya kilala kasi nawala siya ng parang bula"

Hindi na kami nang- usisa pa at agad na naglakad papalapit ng hotel. 

'Hotel de Muñecas' ang nakasulat sa itim na sign board.

Itim ang theme ng hotel. Medyo may kalumaan na ito kung titingnan kasi mapusyaw na ang kulay at may mga spider webs sa mga sulok, I think sa labas lang naman ito. Kulang lang sa aruga.

Pumasok kami sa loob at nakita pa lalo ang iba pang back theme ng hotel nila: black walls, furnitures, staircase and everything inside the hotel is black. Walang receptionist o mga naglalakad na mga staffs na ineexpect naming meron. Tahimik dito.

Nakakapangilabot. Wala kasi akong nakitang kahit isang tao dito. Its already 10:02 A.M. in my watch at nagsimula nang magworld war ang tiyan ko.

"May mga pagkain diyan sa loob, kayo nalang ang maghanda, sige aalis na ako. Enjoy...at mag-iingat kayo dito", huling sabi nya na lalong nakapangilabot sa akin. Nadinig niya ba ang gutom na tiyan ko?

Umupo muna kami dito sa upuan sa loob ng hotel. Nag- aantay ng magtuturo sa amin kung saan kami tutuloy.

And of course, yung inupuan namin is black and antique style.

"Wala bang kahit isang tao dito?", tanong ni Nicholas. Nagsimula na din silang maghinala sa mga paligid. Sana hindi nila mapansin, baka kasi magpanic sila at kung ano pang mangyari sa amin dito.

" Praning ka na naman Nicholas!", tinawanan lang siya ni Cathy kaya agad siyang binatukan ni Nicholas. Medyo nawala ang tensyon dahil sa banat ni Cathy. 

"Sa kakaasar niyo sa isa't isa baka kayo yung magkatuluyan ah", pang- aasar ko pa sa mga unggoy. " Ako nang bahala sa reception", dagdag ko pa na lalong nandiri ang expression ng dalawa.

"Ako sponsor sa letchon", sabat ni Nicholas.

"Ako sa gown and cakes", wika ni Bea.

"Ako nalang ang pari", biro naman ni Lawrence kaya todo tawa kami.

Nagsimula na nilang mapansin ang kakaiba dito sa isla kaya sana naman walang mangyaring masama sa amin dito.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status