"Two rooms please"
"Ang room niyo po is number 9 and 10 ", sabi ng receptionist sa amin. Manika din siya pero gawa sa tela.
Mga limang minuto din kaming nag- asaran bago dumating ito. May ginagawa daw kasi siya. Ewan, may receptionist bang iniiwan yung trabaho niya?
Dumating siya na parang wala siyang trabahong iniwan. Ngumingiti pa siya bago pumunta sa front desk. Mukhang si Anabelle, literally. Pero may mga uunting dugo akong. nakita sa kaniyang paanan. Weird.
Kitang- kita ang pin sa kaniyang dibdib. 'Jessica' ang pangalan niya.
"Pasensya na po kayo't natagalan. Pinatawag po kasi ako ng manager. Heto po ang room key", sabi niya at nilapag sa aming harapan ang dalawang susi na may manika na key chain.
"Wala bang ibang tao dito miss bukod sa amin?", hindi ko na napigilang itanong. Bumaling siya sa amin at ngumiti. "Wala po. For now, wala pang ibang turista na nags- stay in. Ilang araw po ba kayo dito?"
Nagkatinginan kaming lima. Walang sumagot sa amin.
"Magsasabi nalang kami. Ilang rooms ba lahat dito?", tanong ni Bea. Kinuha niya ang dalawang susi.
"20 po lahat. Occupied na po yung iba"
"What do you mean occupied? May nags- stay na manika sa ilang rooms dito?", natatawang tanong ni Bea sa kaniya.
"Opo", napamura kaming lahat sa sagot niya.
This is crazy.
"Everything is weird", rinig kong bulong ni Cathy.
Nag- thank you kaming lahat sa kaniya at sumakay na sa elevator. Pinindot ko agad ang number 2 dahil nandoon daw ang room number nine and ten sa floor na iyon.
"Hi"
Nang mafeel na naming umaandar ito pataas, napatalon kami ng akala namin kami lang sa loob ng elevator.
"Hi"
Babae ang boses. Malakas ang pagkakasabi niya.Luminga-linga kami kung saan nanggagaling ang 'hi' na iyon pero hindi namin makita."Hi"
Nang mapagtantong sa itaas nanggagaling ang tinig, napahiyaw kaming lahat sa takot at natumba sa sahig.
Nagkapatong- patong kaming lahat dahil sa nakita. Isang white lady ang nasa itaas namin!
Sobrang taas ng kaniyang buhok at madumi din ang puting tela na kaniyang suot. Hindi ko maaninag ang kaniyang mukha dahil sa pagkataranta.
Lalo kaming nagpanic ng bumaba siya ng biglaan kaya tumayo at halos dumikit ulit kaming lahat sa gilid dahil sa taranta."Huwag kayong matakot. Ako si Jane, tao ako katulad niyo noon", sabi nito pero nakatakip pa din ang kaniyang buhok sa kaniyang mukha. "Binabalaan ko lang kayo na mag-ingat kayo dito. Umuwi na kayo habang maaga pa. Mamamatay kayong lahat kapag nagtagal pa kayo", dagdag niya pa.
Bumukas ang elevator at bigla nalang siyang nawala na parang bola.
"Isa ba iyon sa palabas ng isla? It's kinda cool y' know", napapalakpak pang sabi ni Nicholas.
"Well everything is weird. Hindi naman iyon manika, multo iyon. Baka gawa-gawa lang niya 'yon", suhistyon ni Bea.
"Baliw ka ba? Papauwiin na niya tayo! Babala iyon", sigaw ko sa kaniya. Baliw 'to.
"Eh paano tayo uuwi, eh wala namang connection or signal man lang dito?", tanong naman niya. Ang gaga ang sama pa ng tingin sa akin.
"Mas mabuti pang pumasok nalang tayo sa ating mga kwarto. Baka may wifi doon or signal. Kami ni Nicholas sa room 10, kayo sa 9", pagpigil ni Lawrence sa nagbabadyang away namin ni Bea.
"Lawrence? May napapansin ka bang kakaiba dito sa isla simula noong pumasok tayo dito?", tanong ko sa kanya. Kami lang dalawa dito sa kusina.
Kami kasi ang nautusang maghanda ng tanghalian. Dahil ito sa letcheng spin the bottle, ang tatamad kasi ng mga kaibigan ko. Buti nalang talaga at si Lawrence ang kasama ko. Dahil kung isa man sa mga tatlo, magtatalo lang kami dito sa kusina at baka 'di pa masarap ang mahahain na pagkain.
"Of course Shy, hindi ako katulad nilang tatlo na naaakit sa view dito", napahinto ako sa pagcho-chop ng repolyo.
Napapansin nya din pala. Nagsimula siyang maggisa ng bawang. At inilagay ang karneng baboy. Oo, May dala si Cathy, ang weird talaga no'n kahit kelan. Kaya pala may bitbit syang plastic kanina.
" Simula noong makapasok tayo sa kweba, masama na ang pakiramdam ko dito sa islang 'to, Shy. Sobrang tahimik.
Feeling ko nga walang taong naninirahan dito o sadyang paranoid lang ako. Yung manikang itim, nakakatakot siya. Hindi lang ako nagpahalata kanina at dinivert ko lang ang aking atensyon sa pagkain", yumuko siya at tumingin sa aking mga mata."Shy, gusto ko nang umalis dito. Feeling ko kasi may mangyayaring masama sa'tin", dagdag niya pa. Nararamdaman ko ang takot niya pata sa kaligtasan namin. Natatakot din ako sa mga posibleng mangyari.
"Sabi sa 'kin ni Manong bangkero sa Miyerkules pa daw sya babalik kaya tatlong araw pa tayo dito sa isla", sagot ko sa kanya at bumitaw sa nakakalunod niyang mga tingin. Pinilk ko nalang idivert ang sking atensyon sa hinuhugasan kong mga repolyo.
Pinakuluan pa kasi niya yung karne. Yung feeling na sabay kayong magluto ng sinigang ng crush mo, parang nakalimutan ko tuloy ang takot ko.
" Oy Shy, bakit ka namumula? May sakit ka ba?", lalapit pa sana siya para icheck kung okay lang ako pero agad akong napasigaw ng, "Okay lang ako!"
"Tikman mo nga 'tong niluto ko", sabi niya at aaktong susubuan niya ako ng napangiwi ako sa sandok na black.
Black talaga lahat. Buti nalang yung mga rekados hindi. Black kaya lahat ng pagkain nila dito ?
" Masama ba?" Sabi nya na bahagya pang sumimangot.
"Ay nako, hindi. Yung utensils kasi..black", sabi ko sabay kamot sa batok.
" By the way, sana naman mali 'tong mga iniisip at kaba natin, kailangan talaga nating mag-ingat in case of emergency" tumango lang ako sa sinabi nya. Tama sya safe first.
Sinerve na namin ang aming nilutong pagkain sa sala. Nandoon kasi silang tatlo. Muntik ko pang mabitawan ang aming dalang tray dahil may bitbit na manika si Cathy! Ayoko ng makakita ng manika!
"Lawrence, Shy, look at this doll oh! She's so cute like me ", sabi ni Cathy na may kasama pang pagpisil sa pisngi sa manika.
Yung manikang bitbit niya ay medyo malaki. Malalaki ang mga mata na kulay itim, pati na rin ang buhok neto. May suot itong mapusyaw na dilaw na dress kahit nakakatakot siya para sa 'kin, malinis naman itong tingnan. Nabigla kaming dalawa ni Lawrence sa sinabi ni Cathy..
" Gusto ko siyang katabi matulog. Walang aangal"
I envy Cathy sometimes kasi hindi siya matatakutin at gusto niya yung mga bagay na may thrill. Well, its the opposite for me.Pero kung matapang ka at hindi mo iniisip ang maaaring posibleng mangyari is another story. May part na sa akin na nagsisisi na sumama ako sa kanya. Hindi naman masamang huminga sa araw- araw na away ni Mom at Dad pero hindi yung ganito. Hindi yung posibilidad na makalabas kami dito.Hindi natatakot si Cathy na matrap dito. Kailangan lang daw kaming kumalma, huwag magpanic at antayin si Manong bangkero sa miyerkules. We couldn't stop our emotions knowing that we don't have any assurance that he will come back to save us.Bitbit pa rin ni Cathy ang manikang pinakita nya sa' min kanina. Hindi ba siya natatakot diyan? Kasi naman, tuwang-tuwa at sabik-sabik siya dito. Niyayakap pa niya na parang ngayon lang siya nagkamanika.Gusto kasi ni Cathy ay yung mga bagay na kahit marumi o nakakatakot, basta bet niya, go. Sobrang babaw lang talaga
"'Asan diyan yung manika natin?", nabatukan ko ng malakas si Nicholas dahil na tanong niya."Baliw ka ba? Yun ba yung iniisip mo bago ang kaligtasan nating lahat ha?", galit na sabi ko sa kaniya."Alam naming praning ka na simula noon pa, Shy pero huwag mo namang bigyan ng malisya lahat. Wala namang ginagawang masama yung mga manika sa atin ah? Ba' t ka ganiyan?", lakas- loob niya akong hinarap. Tumahimik si Cathy kasi alam niya kung saan nanggagaling ang pagka- praning ko. "Bakit ang kj mo?""Nicholas, Nicholas huwag ka munang lumabas!" tinawag siya nina Bea, Nicholas at Lawrence dahil bigla nalang itong nagwalk- out at malakas na sinarado ang pintuan."Ikaw kasi eh, bida- bida ka!", malakas na sigaw naman ni Bea sa harapan ko at sinundan si Nicholas.Napahilamos nalang kami sa aming mga mukha. Frustration and fear run in our system at this moment.
Agad- agad kaming kumaripas nang tumakbo palayo sa cottage dahil sa nakakakilabot na nasaksihan. Napakabrutal ang paraan ng pagpatay nito. Bahagya pa itong tumatawa habang pinapaulanan niya ito ng saksak at ang pagputol. Demonyo. Baka kami pa ang isunod sa nakakaawang manok."Sumusunod siya sa atin! Bilisan niyo!", sigaw ni Cathy na nagpakabog sa aming mga dibdib.Hindi namin namalayan na nawala ng parang bola ang mga malisyosong tumingin na mga manika sa paligid , loob ng hotel pati na rin si Barbara at ang receptionist ng hotel. Ewan, 'di namin alam kung paano nangyari iyon.Hinahabol pa din kami ng manikang putol ang isang kamay habang bitbit pa rin niya ang kutsilyong ginamit sa pagpatay sa kawawang hayop. Mabuti nalang at mabagal ito maglakad at hindi agad-agad ito nakahabol sa amin.Nasa entrance pa lang siya ng hotel at papasok kami sa nakabukas na elevator kaya imposible na niya kaming mahabol. Tahimik kami sa loob habang abot- abot an
"Hey mga turista!", bungad niya at tumingin sa aming mga dala.Pagkatapos niyang sabihin iyon ay ngumiti ito sa amin na parang nang-aasar at umikot ang kanyang ulo. Ang buhok niyang nakalugay kanina ay bumuhaghag. Lalo siyang nagmumukhang nakakatakot na demonyong nilalang.Ang mga mata niyang plastic ay nanglilisik. Para itong luluwa sa kaniyang mga mata. At ang kanyang kamay ay mahigpit na nakahawak sa isang matulis na itak."Saan kayo pupunta? Uuwi na ba kayo? Hindi pa tayo nagsasaya ah?", nakakatakot niyang sabi at akma kaming tatagain sa hawak niyang bagay.Napasigaw kaming lahat sa takot. Buti nalang ay nakadistansya si Nicholas kaagad. Siya kasi ang malapit sa puwesto niya.Medyo may kahabaan at napakatulis na itak ang dala ni Barbara habang kaharap kaming lahat na handa na sanang lumikas at pumunta sa safe na lugar."Aalis na kami Barbara, ang pangit nang isla niyo", pang-aasar ni Cathy na hinarap ang nakakatakot na manika
"Aaaaahhhhhhhhhh!!!"Mabilis kong inayos ang aking shorts at napalakas ang aking pagkasigaw dahil sa pagkabigla. Tumawag naman ito ng atensyon sa aking mga kaibigan na agad akong nilapitan."Anong nangyari, Shy?", pag-aalalang tanong ni Cathy."May masakit ba sa' yo?", tanong din ni Lawrence na iginagala ang mata sa akin upang hanapan ako ng sugat. Tumigil lang siya ng makitang wala siyang kahit isang makita."May manika na naman ba?", tumango ako sa tanong ni Bea at agad na tinuro ang babae na manikang nakalambitin sa puno.Medyo malaki ang manika. Sobrang buhaghag ang itim na buhok. Malalalim, maiitim at nanlilisik ang kaniyang mga malalaking mata. Nakalambitin ito sa isa sa mga baging at nakangisi sa amin. Marumi ang kaniyang damit na may mga bahid ng dugo. At ang kaniyang leeg na may kinakalawang ng kadena.Nginitian niya kami ng nakakaloko kaya agad kaming napahugot ng hininga at napaatras ng magsimula itong g
Walang tigil at malalaki ang subo niya sa binigay naming kanin at ulam. Pinainom din namin siya ng tubig dahil hindi na siya halos huminga kada subo niya.Sobrang payat niya na parang isang hawak mo sa kaniyang balikat ay mafe- feel mo na ang mga buto sa kaniyang katawan. Actually, nakikita na namin ang mga buto niya na parang walking skeletal system. Napaisip tuloy ako, ilang araw o buwan kaya siyang walang kain?"Dahan- dahan lang po", concern na saad ni Bea sa kaniya. Tumingin siya sa amin at parang nagsink- in sa kaniyang utak na may mga tao pala sa paligid niya. Napayuko siya sa kahihiyan at normal na subo lang ang ginawa.Ang suot niyang barong ay kupas na at ang daming dumi. Ang kaniyang slocks na itim ay punit-punit na kita na namin yung legs niyang mapayat .Ang buhok niyang parang binagyo at parang alambre na sa sobrang tigas, ilang araw o buwan na kaya 'tong walang suklay? Ang mukha din niyang makikita mo ang kapayatan, mataas na balbas at madam
Iginala ko ang aking paningin sa malawak na kwartong aming pinasukan na kanina ay sinunod lang namin si Mr. Moneca kung saan niya ipapaliwanag sa amin ang lahat. Dirty white ang dingding na nasira na at nangungupas na din ang mga pintura sa paligid. Maraming butas ang kesame at may mga iilan ding paintings na nakasabit, isa na doon ang sikat na painting ni Monalisa at ang Stary Light. Nalipasan na din ng panahon ang kaniyang kama. Klaro naman na color blue na motif ng kaniyang unan at white na kumot pero napuno na ito ng mga alikabok at dumi. Ang mga muwebles at kagamitan sa paligid katulad na lang ng salamin na puros mamahalin ay inalikabok na rin at kinakalawang. In short, nandito kaming lahat ngayon sa kwarto ni Mr. Moneca. BAKAS ANG lungkot sa buong silid. Tanging malakas na hagulgol lang niya ang maririnig sa kwarto habang papunta sa paanan ng kaniyang kama. Napaluhod pa siya at napahaplos sa kaniyang kumot. It torn
Sa tingin ko dumadami sila lalo kada araw. Kasi nakikita ko ngayon na halos sakupin na nila ang buong isla sa kanilang bilang."What the hell is happening? Ba' t dumadami sila?",mahinang sabi ni Cathy habang nakadungaw din sa bintana.Iba't ibang uri ng mga manika ang nakikita namin. May mga putol ang ulo na hindi ko alam kung paano sila nakakalakad na parang may mga ulo; may mga nakangisi habang may dala -dalang kutsilyo, palakol at kung ano pang mga matutulis na bagay na ginawa nilang mga armas; may mga parang puppet na may mga tahi-tahi pa sa iba't ibang parte ng katawan; may mga malapit ng maputol ang paa, kamay, tainga at ulo na may matatalim na tingin pero nakakamanage pa ring maglakad at marami pang iba.Parang silang isang komunidad na may -ari sa isla at dito na naninirahan.Naglalakad ang mga ito ng mabagal at mabibilis.. tumatakbo na parang walang kapaguran at nag-uusap na parang totoong tao. Weird, super weird.