Share

Ikalawang Kabanata

Natapos ang huling asignatura at sa wakas, makakauwi na din ang tatlo. Biglang nabalot ng ibat-ibang paksa ang silid-aralan sa dahilang, lahat ay nagmamadaling mag-ayos upang makabalik sa kani-kanilang bahay kaagad.

"Palaka!" Tawag ni Miko na gustong-gustong inisin ulit si Veron. "Sabay tayo ha?"

"Maglakad ka mag-isa mo!" Ani nya na sobrang naiinis. Ewan nga ba't hanggang ngayon, magkaibigan pa rin ang dalawa eh, halos aso't pusa kung magbangayan.

As the two remains unaware, Lance is attentively listening to their conversation. Bakas sa kurba ng mukha nito ang saya na para bang natutuwa sa relasyon ng dalawa. Hindi nya namalayang napangiti syang bigla na sya namang dahilan kung bakit halos mangisay sa kilig si Veron.

Grabe!

Hindi naman kagwapuhan ang lalaking ito, pero yung dating― sobrang nakakatulo-laway!

"Lance?" Mahinahong tawag ni Veron. "Uh... sabay ka sa'min, kung gusto mo lang naman..." Bigkas nya using her puppy eyes. Nagbabakasakali lang namang maakit ang isang Lance Rivera.

Yung moment na yun, the way she slowly close her eyes to open them once more, and the moment she widen her beam, ang sumunod na segundo ay para bang slow-motion. Alam naman ni Lance na ito ang una nilang pagkikita pero sh**! Iba agad ang naramdaman nya!

Ha?

Pwede ba yun?

Baka ito yung sinasabi nilang "puppy love".

Yung kaba, yung nginig sa kanyang kalamnan, at yung hindi maipaliwang na lamig, senyales ba yun na crush nya rin ang babaeng nakatitig sa kanya nagyon?

Yung pakiramdaman na'to, sobrang kakaiba.

"Lance?" Tawag uli ng dalaga. She even waves her hand to make sure he is settled since it's strange how he became quiet and distant for a few seconds. "May sundo ka?" She asks, smiling.

"Pwede bang sumabay sa inyo? Hindi ka ba magagalit, Miko?"

Silence

"Magagalit? Ba't naman ako magagalit?" Sagot nya na halatang naiirita. "Gusto ni Veron kasama ka eh."

"Miko! Ano ka ba?"

"Wala! Gusto ko ng umuwi!"

"Miko!"

✧✦

Sa kahabaan ng haywey sa lungsod ng Paranaque, maririnig ang ibat-ibang ingay mula sa mga abalang jeep, kondukor na magaling kumimbinsi ng pasahero, ingay mula sa mga estudyanteng nakasuot ng puting uniporme, at sa mga nagtitinda sa gilid ng kalye.

Naiinis man, wala namang magagawa ang isang Miko Diaz kung kaibigan nya na ang nagbigay pahintulot para makasabay sa kanila si Lance.

Nakaka-bwes** din 'tong emosyong to!

Hindi nya kasi maipaliwanag!

Bakit ba kasi, isang araw, bigla na lang nagbago yung nararamdaman nya para kay Veron? Bakit ba kasi? Ano ba ang bwes** na lohika sa likod ng pesting emosyong 'to?

Tuloy, unti-unti na syang nasasaktan kapag may ibang lalaking nagugutuhan ang babae!

Kainis!

Ganito ba talaga kapag tinamaan ka? Yung tipong, ayaw mong ibahagi sa iba ang babaeng naging dahilan para hindi ka makatulog sa gabi?

Ganito ba yun?

Pero, kahit ganun, alam nya kung ano ang limitasyon. Ayaw nya namang masira ang magandang pagkakaibigan. Minsan, naisip nya ding umamin sa kanyang nararamdaman pero nanghihinayang sya sa tuwing masasagip sa isip yung mga "what ifs"

Duwag na kung duwag!

Ang mahalaga, mapanitili nyang nasa kanyang tabi si Veron.

Kahit yung lang, sobrang sapat na.

"Hoy! First time nakatulala ah! Ang lalim ata?"

"Ha?"

"Bakit?"

"Wala..."

"Ehhh, bakit nga?" Ani Veron na sinusundot-sundot ang baywang ng lalaki. Dahil dito, muli na namang napangiti si Lance.

Yes, he finds it cute which can easily make his day better. For he knew, after this and once he is home, he will only experience the same routine over and over and that sh** makes his manner insane.

Dito lang talaga pakarimdam nya'y totoong malaya sya.

Siguro dahil sa kanilang mga ngiti, sa kanilang masayang usapan kasi alam nyang, sa karapan nila, hindi nya kailangang magpanggap.

"Veron..." He murmurs but he made sure that his words are audible enough for her to hear him. And he isn't wrong at all because the moment he looks in her direction, he was grace by the woman and her friend's curious manner. But then, he manages to smile because he's just happy seeing them, genuine to him as well.

"Salamat..."

At pagkatapos nyang sabihin 'yun, para bang gumalaw ng dahan-dahan ang mundo. Sa kanyang mga mata, si Veron lang ang kanyang nakikita.

Pero alam nya kung saan lang sya dapat lumugar. Isa sa mga dahilan ay ang idelohiyang mga bata pa sila. Marami pa silang dapat unahin, tuklasin, at tuparin sa buhay.

Alam nya 'yun.

Alam na alam nya.

"Veron, salamat. Dahil sa inyo, masaya akong gigising sa umaga kinabukasan. Alam ko kasing, kayo at kayo pa din ang mga kaibigan ko..."

"Lance..."

But even when he's partially moved by his rival's words, Miko irrationally rolled his eyes because he is freaking jealous. Yet he is genuine enough to say, "Ikaw pa! Malakas ka kaya sa loka-lokang to!"

"Miko!"

"Tsk."

His words only made Lance smile once more. He can't help it though. "Gusto nyo bang pumunta ng bahay?"

"Wag na! Baka gawin mo lang kaming hapunan!"

"Miko! Manahimik ka nga!"

"Bakit ba? Eh, kabago-bago pa lang natin 'tong kilala eh! Veron, baka nakakalimutan mong taga-cebu to! Malay ba nating aswang tong lalaking to!"

"Aswang?"

"Ewan ko sa'yo, Miko! Nakakairita ka!"

"Guys, let's stop the argument. It's useless. Hindi po ako aswang, okay?"

"Tsk!"

✧✦

[Rivera's Residence]

Mula pa kanina, hindi mapigilang mapatingin ni Veron sa bawat litrato na kasama ang crush nyang lalaki. This house is old but ancient, in way na parang maka-kastila yung "vibe"

In fairness, ang ganda sigurong tumira dito.

"Kayo ba'ng mga kaibigan ng anak ko?" Tanong ni Mel na ina ni Lance. She just went straight from the kitchen since she prepared some meals for them while waiting for his son to come downstairs. "Naku, salamat ha? Hindi ko na kailangang mag-worry if may mang bubully ba sa kanya. Eh, alam nyo namang galing kaming probinsya."

"Naku! Mababanit po yung section namin tita, hehe." Ani Veron na nakangiti para mapansin ng tuluyan ni Mel.

"Iha, ang ganda mo ah? Siguro crush ka ng anak ko?"

"P-po?" She stutters, blushing.

"Kidding! Hehe... o sya, iwan ko na kayo ha? Kailangan ko kasing magtrabaho."

"Ano bang trabaho nyo po?" Tanong ni Miko na mausisa.

"Call center, nak. Sige ha? By the way, huwag kayong magpapagabing umuwi, okay?"

"Okay po, salamat!"

At habang naghihintay, hindi mapigilang mapabuntong hinginga ng lalaki. Sino ba namang hindi? Kanina pa yung Lance na'yun! Hanggang ngayon, hindi pa din bumababa.

Nakakaurat!

Maya-maya pa, bumababa na nga ang kinaiinisan nyang tao. Wow! Nagpapoge pa talaga ang mokong!

"Ang bilis mo brad ha? Matagal ka ba talagang mag make up?"

"Miko ha? Yung ugali mo!" Bulong ni Veron.

"Sorry, gusto ko lang talagang mag-ayos." Sabi nya habang nagnanakaw ng tingin sa babae. "O-okay ba?"

"Ahem! Bakit nga pala kami andito?" Sabat ni Miko to distract his friend and cut their conversation off. "Palalim na ang gabi eh, baka pwede na kaming umuwi."

"Yun nga eh. Gusto ko sanang maging bad influence sa inyo for a while?"

"Huh?"

"Hn... gusto ko kasi kayong makasama habang nanunuod ng mga bituin."

Dahil duo'y, napataas ng kilay si Veron. And although it sounds a little "sus" in the end, she will say, "Okay ba! Game!"

✧✦

Sa malawak na bubong sa ikalawang palapag ng bahay nila Lance, duon naman nakalatay ang tatlo. Yung hangin, yung paligid, at ang bawat pagpapatak ng mga segundo, ibang-iba.

Habang nasa gitna ng dalawa, hindi mapigilan ni Veron'g itaas ang kanyang kamay na para bang aabutin ang kalangitan ng wala sa oras.

Lumalalim ang gabi, lumalamig ang simo'y ng hangin, at sumasagana ang mga himig ng kuliglig. Napapikit sya ng marahan, habang hinahayaang dumampi ang malumanay na simoy na para bagang, inaakit sya sa mundong hindi nya maipaliwanag.

Pero alam nyang, duon ay tahimik, panatag, at matiwasay.

"Salamat sa panibagong yugto ng ating estorya." Sambit ni Lance habang nakangiti. Ngunit, hindi nya maipaliwanag kung bakit unti-unti din nyang binabakas ang kamay ng babaeng nasa kanyang kaliwang tabi.

Weird, ika nga.

Dahit ba'to sa tensyong kanilang nabuo?

"Veron, alam kong magiging parte ka ng buhay ko..."

The girl smiled as well because hearing his words only made her feel secure. Yung tipong, boses pa lang nya, alam nyang kontento na sya agad.

"Saya now, sermon later..."

At dahil duo'y, sabay silang nagtawanan. Umabot ng halos ilang minuto ang kanilang halakhak na sya namang magiging dahilan upang lumalim pa ang pagsasama ng tatlo.

"Okay, okay... para intense, kanta kaya tayo?" suwestiyon ni Miko na halatang naiiritang makitang patagong magkahawak kamay si Lance at Veron.

Damn!

"Ahem!"

Puno ang langit ng bituin

At kay lamig pa ng hangin

Sa'yong tingin akoy nababaliw giliw

At sa awitin kong ito

Sana'y maibigan mo

Habang kinakanta iyon ni Miko, sya namang paghawak ni Lance ng mahigpit sa kamay ni Veron.

Ibubuhos ko ang buong puso ko

Sa isang munting harana para sayo

Alam nya...

Alam na alam nyang para sa babaeng ito ang kantang ito.

Hindi naman sya tanga para hindi mapansin ang kakaibang tingin, pang-aasar at yakap ni Miko para kay Veron.

But then, he will not lose to anyone.

No, never.

And so, he smiled while looking at her eyes dearly. "Veron, hihintayin ko ang tamang oras, pagkakataon para legal kitang mahawakan ng mahigpit."

"Huh?" She murmurs yet she is shameless enough to blush just by hearing his words.

"Hihintayin kita kahit gaano pa katagal." Ulit nya at sa kanyang mga mata, there's only him and her in that place, staring at each other's soul, locking their promise to each other, naïve about what future awaits them.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status