Share

Isusulat Kitang Muli
Isusulat Kitang Muli
Author: mangograhamsx

Prologo: Ikaw At Ako

[Manila]

Habang naantig ang puso ko'ng pakinggan ang bugso ng ating damdamin, habang pinagmamasdan kita, at habang nakikita ko kung gaano ka kasaya habang magkahawak ng mahigpit ang ating kamay, Mahal, nakikita ko ang hinaharap na kapiling ka.

Magkayakap, magkatabi, iisang isip't diwa habang lumalalim ang gabi at habang sabay nating pinakikinggan ang dungog ng mga insekto. Siguro, napakagandang ihinto ang bawat sigundo para hindi kailan man, lahat ng ito'y magwakas.

Miko, alam mo bang pinagmamasdan kita? Alam mo bang pinipilit kong ibakas ang bawat parte ng iyong mukha?

Mula sa iyong mga mata, ilong, labi, gustong gusto kong memoryahin kasi takot akong, baka isang araw, yung nararamdaman mong pagmamahal, biglang mawala. Mahal, hindi ko yata kaya. Hindi ko kakayaning may iba ka ng uuwian, lalambingin, hahalikan. Hindi ko kaya, Miko.

Siguro nga, makasarili ako. Pwede mong sabihin yan. Pero kasi, mahal kita at labis bang hilinging, hwag kang iibig ng iba?

"Babe? Bakit?" Tanong mo nung siguro'y napansin mong kanina pa akong nakakatitig sa'yo.

"Wala..."

"Bakit nga? Anong problema?"

Miko, ayan, yung simpleng mga salita, gawa, at ang lagi mong pagpaparamdam na saulo mo kung ano ang mga reaksyon ko, yan, dahil dyan, mas lalo pa kitang minahal.

"I love watching you. Is it a crime?"

Nung marinig mo ang aking panig, hindi mo napigilang ngumit na para bang inaakit mo ako ng paunti-unti.

Bakit ka ba ganyan?

Hindi ko tuloy mapigilang mamula... nakakabwesit din minsan pero Miko, gustong-gusto kita at alam kong mas higit pa kung ano ang nararamdaman mo sa'kin. Kasi, lagi mong pinapakita, lagi mong pinaparamdam, at lagi mong sinasabi.

Kaya mahal, salamat.

"Veron? What's wrong? Wanna talk?"

"No," I said while cupping your cheeks. I have always loved memorizing every detail of your face. I have always, my love. "Miko, mahal kita... Mahal na mahal kita..."

Siguro, ang gabing 'to ang isa mga gabing nais kong hindi na matapos pa. Yung tipong, kung kaya ko lang pigilan ang pagbusilak ng araw sa umaga, gagawin ko para lang makasama ka pa ng mas matagal.

"Alam mo kung ano ang isasagot ko dyan," you smiled, cupping my cheeks too. "Mas mahal kita, Veron..."

"Hmmm..."

Miko, hindi mo alam kung gaano ako kasaya'ng marinig yan mula sa'yong labi. Pakiramdam ko nga'y, pwede na akong mamatay.

"Let's sleep? Hating-gabi na..."

"Ayoko...gusto ko pang magpalambing."

Hearing my words made him smirk and he is sure seducing me for real. "I want to but I don't have energy. Sorry, love."

"Ang daya mo."

Muli na namang nabalot ng taimtim na katahimikan ang loob ng aming silid na para bang nagbabadya ng kakaibang saloobin. Hindi ko maipaliwanag kung gaano kagaan ang kapaligiran sa tuwing madadama ko ang presensya ni Miko.

Siguro nga'y, ganito kapag tunay kang umiibig.

"Mahal?"

"Hn?"

Silence

"Wala lang...gusto ko lang magpacute..."

"Cute ka naman eh." He smiled which made my heartbeats untamed. "At kahit pumangit ka pa, hindi naman magbabago yung nararamdaman ko sa'yo..."

Talaga namang mokong to! Sobra kung bumanat!

"Okay..." Sambit ko habang minamasahe ng malumanay ang 'yung kamay. Pero, habang lumalalim ang gabi, hindi ko maipaliwanag kung bakit hindi ka maalis sa aking isip. At sa oras na sumasagi ka sa akong katinuan, hindi ko mapigilang umiyak.

I can't help it. And I'm not sure why I didn't even dare to wipe these tears off my face. Nararamdaman ko kasing, parang bigla na lang nawalan ako ng lakas.

Lance, palayain mo na'ko.

Kasi sobrang sakit na.

Ang sakit sakit na...

Mahal, alam kong matagal ka ng wala. Matagal mo na kong linisan. Matagal mo nang binitiwan ang aking mga kamay.

Kaya pakiusap, palayain mo na'ko.

Pakiusap...

Pero, sa isang iglap...

"Mahal? Mahal?" Tawag ng isang pamilyar na boses. Dahil doo'y, napadilat ang aking mga mata at halos mawalan ako ng malay ng makita kong hinahaplos ng lalaking natatabunan ng liwanag ang kanyang mukha.

Ngunit, sa bawat guhit ng kanyang mga kamay at habang nararamdaman ko ang kanyang malumanay na bakas, hindi mapigilan ng akong puso na kumabog ng matindi sa segundong makita ko ng tuluyan ang kanyang mga mata.

Hindi ko maintindihan kung bakit andito ka, ako...

Nasaan ako?

At bakit?

"L-lance?"

"Mahal! Sa wakas, nagkamalay ka din!"

"B-bakit ka? Bakit ako andito? Si-sino ka?!"

Siguro'y nabigla rin sya sa aking mga salita pero ako ma'y naguguluhan din.

"Miko, asan si Miko?"

"Miko?" Tanong nya na may bakas ng pag-aalala. "Mahal, sinong Miko?"

At sa mismong oras na iyon, natauhan ako, hindi, dahil mas lalo akong naguluhan, na pilit hinahanap ang nawawalang sagot sa walang katapusang tanong.

Ano ba ang nangyayari?

Bakit―

At nang mahagilap ko ang papel na may kalendaryo, para bagang, gumuho ang aking mundo. Ngayo'y Abril adiyes, taong isang libo, syam na raan, at siyamnapu't lima. (April 10, 1995)

Huh?

P-paanong nangyari yun?

Kani-kanina lang, kayakap ko pa si Miko pero ngayon, bakit...ano...nasaan ba ako?

"Mahal? Bakit?"

"Lance, hindi ito totoo, diba? Siguro, nananaginip lang ako, diba?"

"Pa-panaginip?" Bakas sa kanyang ekspresyon ang pagkabigla. Hindi, dahil marami pang emosyon ang nakita ko sa kanyang mga mata. "Mahal, andito ka, totoo to, totoo tayo, ano bang problema?"

Hindi! Hindi Lance! Wala ka na! Namayapa ka na! Lahat ng to, parte lang ng imahinasyon ko, parte lang! Kaya sana, sana! Pakawalan mo na ko!

"Lance, hindi..." Pinilit kong ngumit habang hinahaplos ang kanyang kamay. "Matagal ka ng patay. Matagal na..."

"V-veron, ano bang nangyayari sa'yo?"

Maya-maya pa, naudlot ang usapan ng biglang pumasok ang batang lalaki, hawak-hawak ang kanyang laruan. Bakas sa kanyang mga mata ang lungkot na para bang, nauunawaan nya ang ang di pagkakaintindihan mula't kanina.

"Mama! Alalang-alala si papa sa inyo mula pa kanina eh..." Mangiyak-ngiyak nyang tugon. "Tama si papa, ma! Ano ba'ng nangyayari sa'yo?"

Sa kanyang mga salita, para akong nabuhusan ng malamig na tubig. Tumigin ako sa kanyang mukha at ako'y halos mawalan ng malay ng mabatid kong magkapareho kami ng mukha. Mama? Tinawag nya akong mama?

"Mahal, anak natin... Si Vince..."

"W-what?"

"Veron... what's wrong? Is everything settled? Gusto mo ba nang space for a while?" Sambit nya at damang-dama ko ang pangiginig sa kanyang boses.

Ano bang nangyayari? Anong lugar 'to? O marahil, anong mundo 'to?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status