Share

Chapter 37

"Mag-iingat ka anak at lagi mo sanang pagbubutihan ang iyong pag-aaral," bilin ni mama.

Kinuha ko na ang mga bag ko at ngumiti sa kanila.

"Lagi kang bumisita ate kapag may libre kang oras ha?" ani Drei at hinalikan ang aking pisngi.

Niyakap ko silang dalawa bago ako tuluyang umalis ng bahay.

"Aalis na ako. Lagi kayong mag-iingat dito. Tatawag ako kapag nakarating na ako sa apartment."

Two weeks from now ay pasukan na. Dati rati ay hindi ako ganito kaagang bumabalik pero dahil sa scholarship offer na nakuha ko ay kailangan kong maagang bumalik para maayos ko ang lahat ng mga kakalanganin bago magpasukan.

Nauna na ang mga gamit ko doon. Pinakiusapan ko na lang si Manang Fe na sabihan ang delivery service kung saan ang kwarto ko. Hassle naman kasi kung ako pa ang magbubuhat ng mga iyon sa itaas.

Nakatulugan ko ang buong biyahe. Ilang gabi na rin kasi akong puyat dahil sa kakaisip ng mga walang katuturang mga bagay. Muntik pa nga akong makalgpas sa babaan, mabuti na lang at ginising ako
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status