Share

Chapter 38

"Ano ang ginagawa mo dito?" ulit na tanong ni Zenon sa akin.

Malamig ang mga tingin niya. May disapproval sa mga mata niya na nakatingin sa akin. Naayos na niya ang necktie na inaayos niya kanina. Ang laptop naman niya ay nasa ibabaw na ng mesa.

"Do you have a tongue or what? Bakit hindi ka makapagsalita?"

Inagaw ko ang aking braso na hawak niya at tiningnan nang matalim.

Ano ba talaga ang problema sa akin ng isang ito? Isa talagang malaking palaisipan sa akin. Wala naman akong matandaan na magawang masama sa kanya para magkaroon siya ng matinding disgusto sa akin ng ganito. Tandang-tanda ko pa ang una

naming pagkikita. Unang ingkwentro pa lang namin ay mainit na ang dugo niya sa akin.

Magkaaway siguro kami sa nakaraang buhay namin.

"Hindi ba dapat na nandito ako? Mabuti naman ang intensyon ko sa pagpunta ko dito ah. Wala naman akong masamang balak kaya bakit galit ka riyan?" hindi ko na narendahan ang bibig ko. Iniinis niya kasi ako eh.

Kita ko ang pagtiim bagang niya sa sinabi kon
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status