Share

Chapter 34

Nakainom siya, halata iyon sa mga mata niya. Wala siyang pang itaas na damit. Tanging jeans lang ang suot niya, nabaklas na ang sinturon niya at bahagya ko nang nakikita ang kanyang boxers. Kitang-kita ko tuloy ang maganda niyang katawan, ang kanyang abs na ang sarap sigurong hawakan.

Iniiwas ko ang tingin sa kanyang katawan. Hindi ko ata kaya na pagmasdan siya na ganito ang ayos ko at halos hubad na rin siya.

Umihip nang mabini ang panggabing hangin. Nangangatal ang aking mga labi pero may parte sa loob ko ang unti-unting nag-iinit

"Why aren't you answering?" aniya.

"H-Hindi pa naman kasi ako nagugutom kanina," sagot ko sa mababang boses.

Naningkit ang kanyang mga mata. "Is that the real reason? Iniiwasan mo ba ako, Cassandra?"

Napasinghap ako at binalingan siya. Mariin siyang nakatitig sa akin habang hawak pa rin ang aking mga damit at nakadungaw sa akin sa gitna ng pool.

Bakit ang kapal naman ata ng mukha niya? Siya pa talaga ang may ganang magsabi nun eh siya itong hindi namaman
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status