Cassandra came from a poor family so her dream in life is to find a rich husband to get out from poverty. During one of their photo shoots, she met Dark, a billionaire who's only pretending to be a low class man in order to find his dream wife. They became friends but what Cassandra didn't expect is her feelings that started to grow for Dark. But despite that, she made a bad move and didn't listen to her heart. And now that she finally entered his world, will she able to win him again? Can she make him fall in love again now that he's being cold and heartless towards her? Can he forgive her and starts over again?
View More"Ano ba talaga ang plano mo kay Clark? Noon pa 'yon nanliligaw sa iyo pero bakit hindi mo pa sinasagot? Tingnan mo at parang aso nang nauulol kakahabol sa'yo."
Hindi ko pinansin ang sinabi ni Margie at itinuloy lang ang pag-aayos ng aking mga gamit sa isang malaking maleta."Huy!" Niyugyog niya ang balikat ko nang hindi ko sinagot ang tanong niya."Ano ba?" irap ko sabay tampal ng kamay niya."Ano'ng ano ba? Tinatanong kita. Akala ko ba ay naghahanap ka ng mapapangasawang mayaman? Andiyan na si Clark. Bakit hindi mo pa sagutin?" nakapamewang na tanong niya sa akin.Totoo ang sinabi niya. Nabibilang ako sa porsyento ng mga babaeng naghahanap ng mayaman na lalaki na pakakasalan. At wala akong nakikitang masama doon. Hindi na uso ngayon ang salitang pag-ibig. Ang kailangan ng tao ay pera.Ngunit dahil sa lantaran na ambisyon kong iyon ay madaming naiinis at lumalayo sa akin pati na ang iba kong mga kaibigan.Wala namang kaso sa akin iyon. Natatawa pa nga ako dahil sino ba ang niloloko nila? Tinatawag nila akong social climber eh pare-pareho lang naman kami lalo na sa mundong ginagalawan namin. Ang pinagkaiba lang namin ay lantaran sa akin habang sila ay pasimple lang, painosente kumbaga at doon ako mas lalong naiirita. Akala mo naman kung sinong malilinis.Nang wala pa ring nakuha si Margie na sagot galing sa akin ay binato niya ako ng damit sa aking mukha.Sinamaan ko siya ng tingin bago binato pabalik sa kanya ang kanyang damit."Hindi ko siya gusto," seryoso kong sagot sa kanya.Tumawa siya saka hindi makapaniwalang tumingin sa akin. "Hindi mo gusto? Aba'y bakit naman? Mayaman yun at madaming pera," susog niya sa akin.Ako naman ang tumawa. Isinara ko ang aking maleta saka tumayo mula sa pagkakaupo sa aking kama."He's a jerk Marj. Madami nga siyang pera pero barumbado naman. Mabait lang siya dahil nanliligaw pa. Nakikita mo naman siguro kung gaano siya ka-obsessed diba? Paano na lang kapag sinagot ko siya? Baka ikandado pa niya ako at ikulong sa kwarto niya," wika ko.Hinawakan ni Margie ang baba niya na mukhang nag-iisip.Iniwan ko siya doon at pumasok sa banyo upang kunin ang aking mga toiletries.We are both models. Full-time si Margie habang ako ay part-time lang dahil hindi ko kaya kung gaano kagulo ang modeling industry. Bukod pa kasi doon ay meron pa akong ibang bagay na pinagkakaabalahan.Meron kaming two day shooting sa isang sikat na brand at bukas ng madaling araw ang biyahe namin kaya heto kami ngayon at aligaga na sa pag-iempake ng mga gamit at damit na aming dadalhin.Actually, si Margie lang talaga ang pinakaclose at masasabi kong totoo kong kaibigan. She is real and doesn't judge easily. She came from a wealthy family but hey, she's a damn badass rebel. Kaya hindi na ako nagtaka nang nalaman kong naglayas siya upang gawin ang lahat ng gusto niyang gawin sa kanyang buhay. Pagod na raw siyang madiktahan at gusto niyang mabuhay ng naaayon sa gusto niya.Good news was that her parents never bothered looking for her.They we're disappointed and she's more than happy with it.Iyon nga lang ay nafreeze lahat ang mga credit cards niya. Pero okay lang naman daw iyon sa kanya dahil madali lang naman daw ang humanap ng pera. She didn't waste time and used her face and figure to become a model and that's were we met and the rest is history.Pagbalik ko sa kwarto namin ay nagcecellphone na siya at maayos na na nakalagay sa isang gilid ang kanyang mga gamit na dadalhin bukas.Bumaling ang tingin niya sa akin saka bumalik ulit sa screen ng phone niya."So ano'ng balak mo kay Clark?" tanong niya.Nagkibit balikat ako. "For free rides?"Malakas siyang tumawa dahil sa sagot kong iyon."Grabe ka talaga. Tao yun, hindi sasakyan."Napangisi ako. "Alam ko. Pero may sasakyan ba tayo bukas kung wala siya?"Tumango-tango siya habang nangingiti. "Sabagay. Let's enjoy Clark's free ride while it last."Hindi pa pumapatak ang alas kwatro pero heto kami at bumibiyahe na. Kaming dalawa ni Clark dito sa harap habang mag-isa naman sa likod si Margie na humihikab pa at mukhang balak ituloy ang tulog. Gusto ko rin sanang matulog pa pero nagsimula nang ngumawa si Clark ng kung anu-ano."Hanggang ilang araw kayo doon?" tanong niya."Hmmm.." Tumingin ako sa madilim na labas. "Hindi ko pa ba nasabi sa iyo?""Hindi. Tinanong kita kahapon pero hindi mo naman sinagot.""Oh. Ganun ba," wika ko.Matalim niya akong sinulyapan kaya wala na akong nagawa kundi ang sabihin sa kanya. Mahirap na at baka ibaba niya kami ni Margie dito sa gitna ng madilim na kalsada."Mga dalawang araw pero baka maextend pa kami ng ilang araw doon," sagot ko kahit wala naman talagang extension ang pananatili namin doon."May mga lalaki ba doon?" tanong niya agad.Muntik ko na siyang irapan pero pinigilan ko lang. Hindi pa umiinit ang pwet ko sa upuan pero iyon na agad ang tanong niya. Malamang na may mga lalaki rin doon. Ano ito? All girls lang? Common sense rin minsan."Meron Clark. Hindi lang naman kami ang endorser ng brand na iyon," sagot ko sa kalmadong boses.Hindi na siya sumagot pero alam kong nagsisimula na siyang mainis. Isa sa pinakaayaw ko sa kanya ay ang pagiging seloso niya. Binibigyan niya agad ng malisya ang lahat. Kulang na lang ay pigilan niya akong makipag-usap sa ibang lalaki bukod sa kanya.Hindi pa kami pero habang patagal na patagal na nakakasama ko siya ay parang sumisikip rin ang pagkakasakal niya sa akin.Pasimple ko siyang sinulyapan. Hindi maipagkakailang maganda siyang lalaki. Mayaman din. But based on what I've heard about him and his past relationships, he tends to be abusive and manipulative. All his exes tells the same, that Clark hurt them physically.His father is a Senator so it's given that all of it was covered. Luckily for me, I've worked with one of his exes before and told me his real nature. Kamuntikan ko na siyang sagutin noon pero ngayon ay mukhang kailangan ko nang mag-isip ng paraan kung paano kakalas sa kanya. Madali ko lang naman sana iyong gagawin pero iba si Clark sa mga nanligaw sa akin noon.He won't let me go that easily. I'm sure of that.Napapitlag ako mula sa pagkakaupo nang maramdaman ko ang pagdantay ng kamay niya sa ibabaw ng aking hita. Hinayaan ko lang siya ngunit nang gumalaw iyon pataas ay sinita ko na siya."Clark.." banta ko.This is the reason why I always wear jeans everytime I'm with him. His hands tends to wander everywhere.Mula sa kalsada ay sinulyapan niya ako. Bahagya niyang pinisil ang aking hita bago nagsalita."Kailan mo ba ako sasagutin?""Huwag mo akong madaliin," sagot ko sabay tanggal ng kanyang kamay."But I've been courting you for damn three months! Isn't that enough?" aniya sa medyo mataas na boses.Sinamaan ko siya ng tingin. "Can't you wait?""I can't wait any longer!""Then leave me and find another one. Tutal at marami namang mga babae diyan na nagkakandarapa sa iyo," balewala kong sagot.He turned to me dangerously. His eyes almost red."Are you f*cking kidding me?"Did I forget to mention that I've also heard rumors that he's into drugs? Not that he's a drug addict but he's just taking it as a kind of leisure with his friends. Well, it's not a big news for someone big shot like him. Spoiled brats."So you're saying that I just wasted my three months going after you?" he said unbelievably. "There's no way that you're slipping away from me."Mariin kong itinikom ang aking labi nang marinig ko ang pagbabanta sa boses niya.Ano ba itong napasok ko? Eh kanina lang ay nagbibiruan pa kami ni Margie tungkol kay Clark. Hindi ko namamalayan na ganito na pala kalala ito.Nakagat ko ang aking labi. Is there still a way out?"Here." Inilahad ni Clark sa harap ko ang isa sa mga credit cards niya.Kung noon ay mabilis ko itong kukunin, ngayon ay hindi na."Keep it Clark. May pera naman ako—"He grabbed my chin and opened my mouth forcefully for a kiss. My lips fell numb when he let me go."Take it," he said before focusing his eyes back on the road."I don't want to be indebted."Bumaling sa akin si Clark habang unti-unting sumisilay ang ngisi sa kanyang labi."You are Cassandra. You are already indebted to me."Kumalas ako mula sa pagkakahawak ni Dark. Sasampalin ko na sana siya pero mabilis niyang napigilan ang aking kamay."You're really going to slap me, Cassandra?" nanliliit ang kanyang mga mata at inilapit pa ang kanyang mukha sa akin habang hawak pa rin ang kamay ko.Nagtagis ang bagang ko at hinila ang kamay ko pero hindi niya iyon binitawan."At bakit hindi? Eh basta ka na lang na pumapasok sa kwarto nang may kwarto! May balak kang masama 'no?" bintang ko sa kanya kahit na alam ko naman na hindi niya iyon gagawin.Lalong naningkit ang kanyang mga mata sa sinabi ko. "At ano ang gagawin mo kung meron nga?" Lumapit pa lalo si Dark sa akin kaya wala akong ibang magawa kundi ang umatras palayo sa kanya. "May magagawa ka ba? Tayong dalawa lang ang nandito sa kwarto Cassandra. Tayo lang na dalawa ang nandito sa loob ng hotel. Sa tingin mo ba ay makakatakas kabsa akin kung may gagawin man ako sa inyo?" bulong niya nang marahan pero may diin.Unti-unting lumalapit si Dark kaya napapaatras di
Hinila ko palayo si Dark sa kainan. Mabuti na lang talaga at busy ang lahat sa pagkain kaya walang nakakapansin sa amin.Binitawan ko na siya nang makalayo na kami at hinarap."Ano ba ang problema mo ha? Wala namang ginagawa na masama iyong tao ah? Kung hindi kita pinigilan ay susuntukin mo yung kalaki 'no? Nababaliw ka na ba?" galit kong wika kay Dark.Sa lahat ng mga nangyari at sa mga ginawa ni Pay ay wala naman akong nakikita na mali doon. Oo at masyado siyang malapit sa akin, na hinawakan pa ang gilid ng aking labi pero alam ko naman na walang ibang kahulugan iyon. Natural lang siguro sa kanya iyon at walang malisya! Itong Dark na ito ang malaswa ang isipan! Ewan ko ba sa kanya!"Walang ginawa? Eh hinawak hawakan ka. Ang lapit ng mukha niya sa iyo na kulang na lang ay halikan ka niya! At narinig mo ba ang sinabi niya kanina? Na papakasalan ka raw niya! Ano? Gusto mo yun?" ganti rin niya.Natawa ako. Ano ba ang problema ng tukmol na ito at galit na galit? At tsaka ano ba ang ginag
Hindi lang ako ang natigilan pansamantala upang tumitig sa banda kung nasaan sina Dark at ang babaeng kasama nito. Nakasuot lang ng board shorts si Dark at puti na polo na bukas ang lahat ng mga butones kaya kitang kita ang malapad niyang dibdib at hulmadong abs.Nasa lilim ang mga ito ng coconut tree. Nakasandal doon si Dark na nakangisi habang pinapakinggan ang sinasabi ng babae."Iba talaga si Sir Alex! Pang model ang katawan! Kailan ko kaya yan matitikman?" hagikgik ni Gelo."Ssshh. Tumigil ka nga. Baka may makarinig sa iyo at magsumbong. Kapag nakarating sa kanya ang mga kahalayan mo sa kanya ay baka ipatanggal ka niya sa trabaho," mahina naman na suway ni Meldasa kaibigan."Pero sino iyong babae na kasama niya?" tukoy ni Jaime. "Ngayon ko lang siya makita. Kilala mo Cassandra? Baka nakita mo na siya kapag sinasamahan mo si Sir Alex sa kanyang mga meeting?" dagdag pa niya sabay baling sa akin.Umiling ako. Hindi ko kilala ang naturang babae. May mga nakikilala akong mga bagong t
"Ang ganda dito sa condo mo!" wika nina Jaime at Nicole habang nililibot ang buong unit ko. Sabado na ngayon. Alas nuwebe ang oras ng sinabi nila na pagpunta namin. Sa Boracay magaganap ang team building at sobrang saya ng lahat. Hindi naman ganung kaaga ang call time pero maaga na dumating ang dalawa at dito agad sa condo ko ang ni-rade nila. Nag-aagahan ako nang bigla na lang silang tumawag at sinabing papunta na raw sila dito sa tinutuluyan ko. May dalang tig isang maleta ang mga ito at handang handa na talaga na bumiyahe paalis. Ako naman ay noong nakaraang araw pa nakahanda ang mga gamit na dadalhin ko para sa team building. Mabuti na iyong mag-impake ng maaga para hindi na aligaga pa kapag paalis na. Maraming mga gamit ang nakakalimutan na dalhin kapag nagkataon."Grabe. Iba talaga ang alagang Alexander Miller," ani Nicole habang masusi na binubusisi ang kusina ko. Si Jaime naman ay pinagdiskitahan ang mga laman ng ref ko.Sinimangutan ko si Nicole dahil sa sinabi niya. "Hind
Sa una ay nag-atubili pa ako na tanggalin ang aking mga damit pero kung magtatagal pa ako dito sa banyo ay baka ma-late na ako para sa meeting mamaya ni Dark.Binuksan ko ang shower ay nang masigurong hindi na ito gaanong kalamig ay tumapat na ako doon. Habang nasa ilalim ako ng tubig ay hindi ko maiwasan na isipin ang mga pagbabago sa relasyon namin ni Dark bilang aking boss at kanyang secretary. Hindi na siya ganung kahigpit tulad ng dati. Hindi na niya ako pinagsasalitaan ng masama at higit pa doon ay maayos na ang kanyang pakikitungo sa akin, hindi na rin siya nagsasabi ng mga salita na maaaring ikapahiya ko kung sakali.Wala akong ideya kung bakit bigla na lang siyang nagbago ng ganon pero ipinagpapasalamat ko iyon. Kahit papaano ay gumaan na ang buhay ko dito. Kung sana ay ganito na siya simula pa lang ay hindi na sana kami magkakaproblema. Ngunit kahit ganoon ay nanatili pa rin na marami akong mga trabaho. Hindi sa sinasadya niyang pahirapan ako katulad ng iniisip ko noon per
Nasa kasagsagan ako ng pagta-type nang tumunog ang cellphone ko. Agad ko iyong sinagot at ni-loud speaker upang hindi maabala ang aking trabaho."Oh?" sagot ko nang makitang si Jaime ang tumatawag."Anong oh? Alas dose na uy. Hindi ka pa ba bababa para kumain? Huwag mong ipunta sa trabaho ang lunch break mo," aniya sa kabilang linya.Tiningnan ko ang orasan sa ibabang bahagi ng computer. Alas dose na nga."Sorry. Hindi ko agad nakita ang oras," hingi ko ng tawad. Sa dami ng trabaho ko at sa sobrang focus ko ay hindi ko na namamalayan ang pagdaan ng oras."Okay lang. Kadarating lang naman namin ni Nicole dito sa ibaba. Hintayin ka na lang namin dito sa lobby," aniya."Sige," sagot ko at mabilis na tinapos ang huling pahina ng ginagawa ko. Naglagay ako ng powder sa mukha at inayos ng kaunti ang bahagyang nagulo kong buhok. Panghuli kong kinuha ay ang aking wallet.Bago ako umalis ay sinulyapan ko ang office ni Dark. Hindi ba iyon manananghalian? Hindi pa siya lumalabas sa kanyang opisi
Nagkatitigan kami ni Dark ng matagal. Ayaw ko sanang magpatalo pero sa huli ay ako rin naman ang sumuko. Naiinis ako dahil hindi ko kayang magtagal sa ilalim ng mga titig niya.Tinalikuran ko na siya at naglakad papasok sa aking kwarto. "Umalis ka na. Gabi na at gusto ko nang magpahinga," malamig ang boses kong sinabi.Ngunit isang mapakla na tawa ang narinig ko. "Gabi na? Alam mo naman pala na gabi na pero ngayon ka lang umuwi? Ano? Masyado ka bang nasarapan na kasama ang lalaking iyon? Nagbalik na pala siya. Huwag mong sabihin na siya ang rason kaya hindi ka na pumapasok?" malamig din ang kanyang boses ng sinabi iyon.Napamaang ako at natigilan sa paglalakad. Lalaking iyon? Si Clark ba ang tinutukoy niya? At paano niya nalaman na kakauwi ko lang?Liningon ko ulit siya at nanliit ang aking mga mata. Kung nakita niya kami kanina ay malamang na nandoon din siya sa bar kanina. Wala namang ibang dahilan hindi ba? O baka nakita niya kami kanina naglalakad?"Sinusundan mo ba ako?" "Don't
Nagkatinginan kami ni Clark at bigla na lang kaming natawa sa isa't-isa. Wala namang nakakatawa sa sinabi ko pero hindi ko alam kung bakit kami tumatawang dalawa."But you know that I did those things wholeheartedly. You don't have to apologize for anything. So.. are we still friends? Or.. you know if you want then I will court you again," aniya sabay kindat pa sa akin.Tumawa ako at pabirong hinampas ang kanyang balikat. "Nah. I think we're better off being friends."Kung siya pa rin ang dating Clark na kilala ko ay baka kanina pa ako tumakbo palayo dahil sa sinabi niya. Pero dahil alam ko na iba na siya, na hindi na siya katulad ng dati ay hindi ko na iyon ininda pa. Higit sa lahat, alam ko naman na nagbibiro lang siya. Katulad ko ay natuto na siya sa nangyari sa amin noong nakaraan.Sumimangot si Clark kaya lalo lang akong natawa. "Bakit? May boyfriend ka na ba? Kayo pa rin ba ni Dark?" taas kilay niyang tanong.Agad na nabura ang aking ngiti dahil sa pangalan na binanggit niya. A
Pagkauwi ko ay naglaba ako at naglinis ng buong condo upang hindi ko maisip ang mga bagay na hindi ko dapat na isipin. Maaga pa. Mga alas nwebe pa lang kaya inabala ko ang aking sarili sa kung anu-anong mga bagay. Inaasahan ko na may tatawag sa akin at pagsasabihan o pagagalitan dahil sa pag-alis ko sa trabaho pero wala. Wala ring mensahe galing kay Ma'am Beth. Hindi naman siguro kasi ako ganun kaimportante para gawin nila iyon.Pagpatak ng gabi ay gumawa na ako ng resignation na ipapadala ko. Buo na ang desisyon ko at hindi na magbabago pa ito.Malakas na humalakhak si Margie doon sa kabilang linya. "Walang hiya. Sana ay sinapak mo ang kanyang mukha!"Sinabi ko sa kanya ang mga naging kaganapan sa opisina, lahat-lahat pati na kung paano ako tratuhin ng aking boss. Hindi naman kilala ni Margie si Dark kaya okay lang na sabihin ko.Sumimangot ako kahit na hindi niya ako nakikita. "Hindi naman Pwede yang iniisip mo Marj. Baka lalong mapasama ang record ko kapag sinapak ko siya.""Weeh
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments