Share

CHAPTER 7

CIELA's POV

Habang tinititigan ko si Rhaen mas lalo akong nasasaktan para sa kaniya. Alam ko kasi ang pakiramdam na iwan na lang bigla ng taong mahal mo. Iyong taong nangako sayong hindi ka iiwan at sasaktan. Sa umpisa lang talaga masaya. Kung kailan maayos na ang lahat saka ka iiwan na para bang isa ka lang laruan na pinagsawaan.

Gusto ko siyang tulungan pero hindi ko alam paano ko gagawin iyon. Hindi ko alam kung nasaan ang magaling kong pinsan ni anino niya hindi namin makita.

"Ang lalim ng iniisip mo ah?" napalingon ako ng tabihan ako ni Safiyaa.

"Iniisip ko kasi paano ko matutulungan si Rhaen, nasasaktan ako tuwing nakikita ko siyang ganiyan. Lagi na lang walang gana."

"Lahat naman tayo gusto siyang tulungan pero hindi naman gan'on kadali ang gusto niya makita si Dheaven at makausap kahit papaano mabawasan man lang sakit na nararamdaman niya. Kahit bigyan lang siya ng paliwanag siguro sapat na iyon kung sakali man hindi na sila magkakabalikan atleast mabigyan sila ng closure."

Napataas kilay ko sa kaniya. Hindi naman kasi ganiyan magsalita si Safiyaa.

"Ikaw ba kung sakaling kakausapin ka ni Kuya, kakausapin mo ba?" dagdag niya pa.

"Noon ko pa siya gustong kausapin Safi, kahit sabihin niya lang sa akin dahilan niya. Pero hindi niya ginawa. Ilang beses akong nakiusap sa kaniya. Kahit noong nasa maynila na siya halos araw-araw ko siyang tinatawagan pero iisa lang lagi ang sagot niya. Tapos na ang lahat sa amin at huwag na raw akong umasa. Masakit kasi alam mo iyon nagpaalam nga siya pero hindi naman niya binigyan ng linaw ang lahat sa akin. Hindi niya ako binigyan ng sapat na dahilan bakit kailangan niya ako iwan. Maayos ang relasyon namin. Kung may tampuhan man kami inaayos agad namin dahil ayaw namin palakihin ang problema. Hindi ko alam saan ako nagkulang at ano ang naging kasalanan ko para gawin niya sa'kin iyon."

Napabuntong-hininga siya sa haba ng sinabi ko.

"Kanina kasing umaga, gusto sana akong ihatid ni kuya. Nakiusap siya sa akin na gusto ka niyang makausap. Hindi ako pumayag. Ayoko kasi magdesisyon agad gusto ko muna tanungin ka kung gugustuhin mo pa ba siyang makausap."

"Hindi pa ako handang kausapin siya Safi, Panahon na lang siguro ang makakapagsabi kung sakali man magkita kami, siguro sa pagkakataon na iyon pagbibigyan ko siyang makausap ako pero sa ngayon. Ayoko muna, hindi pa ako handang harapin siya."

"Naiintindihan kita. Sasabihin ko na lang kay kuya ang sinabi mo."

"Tama, may naisip ako. Hindi ba't si Francyn na lang ang hindi pa nakaranasan magka-boyfriend sa atin. What if,gantihan natin ang pinsan ko. Alam kong mali ang binabalak ko pero sa ngayon iyon lang ang paraan ko para mapabalik natin si Dheaven dito."

"Eh paano nga kung hindi natin alam kung nasaan ang pinsan mo?"

"Gigisahin ko mga kaibigan niya takot lang nila sa'kin alam ko mga baho nila."

Matapos ang usapan namin ni Safiyaa. Binalaan ko muna siya na huwag muna ipagsabi ang plano ko. Bukas ko na kakausapin ang lahat syempre kasama si Rhaen doon.

LIAM's POV

Ang tigas ng ulo ng batang iyon ayaw magpahatid. Gusto ko lang naman makausap si Ciela. Paano kaya gagawin ko para makausap ko siya. Miss na miss ko na siya kahit alam kong hindi niya ako na-miss. Kasalanan ko din naman.

Hindi ko naman talaga siya gustong iwan. Kung hindi lang nakiusap si Daddy sa'kin na asikasuhin ang negosyo namin sa manila ay hindi ko iiwan ang lugar na'to. Mahirap na baka itakwil ako ni Daddy, pero may isa pa akong dahilan bakit ko siya iniwan. Kaya nga gusto ko siyang makausap para mapaliwanag ko sa kaniya bakit ko nagawa iyon. Kontrabida naman kasi itong kapatid ko.

"Hijo, nasaan ang kapatid mo?" tanong ni Mommy kakababa niya lang.

"Ayon, ayaw magpahatid. Nagmamadali nga  iyon e."

"Intindihin mo na lang kapatid mo. Masipag naman mag-aral iyon saka matataas ang grado niya kaya nga hinahayaan na lang namin siya sa gusto niya as long as hindi niya napapabayaan ang pag-aaral niya."

"Mabuti naman at nag-aaral siya ng mabuti."

"Nga pala, hindi ba't girlfriend mo ang kaibigan ni Safiyaa ano nga ulit ang pangalan niyon?"

"Ciela po Mommy."

"Ah oo siya nga, nasaan na ba iyon? hindi na kasi bumibisita iyon dito huling dalaw niya dito ang natatandaan ko ay iyong birthday mo. Nagdala lang siya ng pagkain saka nangumusta sa amin. Hindi ka kasi nakauwi niyon kasi sabi mo busy ka."

Nagulat ako sa sinabi ni Mommy. Hindi niya kasi nakwento iyan sa'kin at lalong hindi nakwento ng kapatid ko sa'kin iyan.

"Talaga Mommy?"

"Oo nga, niyaya pa nga niya ang kapatid mo n'on e. Sa labas na lang raw sila magce-celebrate."

Hindi ko akalain kahit nasaktan ko siya hindi niya pa din nakalimutan ang pangako niyang ipagdiriwang ang kaarawan ko. Bago ko kasi siya iniwan ay gusto niyang magcelebrate kami ng birthday ko kasama ang pamilya ko. Kahit konting salo-salu lang raw. Siya na raw bahala sa lahat. Akala ko hindi na niya itutuloy iyon.

Isa kasi talaga sa minahal ko sa kaniya iyong kapag may sinabi at pinangako siya gagawin niya kahit imposible pa iyong mangyari.

Dahil wala akong magawa sa bahay, sinubukan ko na lang puntahan eskwelahan ni Safiyaa.

Sakto namang pagdating ko ay siyang paglabas niya sa gate. Agad ko siyang tinawagan para sabihin na nasa labas ako ng school nila. Nakakatawa talaga itong kapatid ko aligaga siya kakahanap kung nasaan ako nagpark. Nang makita niya sasakyan ko patakbo siyang tumungo sa'kin. Basta na lang niya iniwan ang mga kaibigan niya.

"Buwesit ka talaga kuya. Sabi ko naman sayo huwag ka pupunta dito baka makita ka ni Ciela."

"Eh iyon nga gusto ko e magkita kami. Bakit mo ba kasi ako pinipigilan na makita siya."

"Hay nako! nakausap ko siya kanina tinanong ko kung sakaling kakausapin mo siya papayag ba siya."

"oh tapos anong sabi niya?"

"Malamang ayaw niya. Ano ka sinuswerte. Alam mo kuya gwapo ka lang pero hindi ka marunong makiramdam. Tingin mo gugustuhin ka agad niyang makausap matapos mo siyang iwan. Kung ako iyan nako! hindi lang sapak aabutin mo."

"Loko ka ah, baka nakakalimutan mo kuya mo pa din ako."

"Alam mo kuya, hayaan mo muna siya. Hindi pa siya ready na makausap ka. Saka sabi niya hayaan na lang ang panahon magdesisyon kung magkikita kayo e 'di magkita. Hayaan niyo na lang na pagtagpuin kayo ng tadhana. Baka sa pagkakataon na iyon ka niya kakausapin."

"Gusto ko lang naman sabihin sa kaniya totoong dahilan bakit ko siya iniwan noon."

"Alam ko kuya pero sa ngayon intindihin mo muna kasi hindi pa siya handang harapin ka. Ikaw din baka ilang sampal abutin mo doon, alam mo naman daig pa niyon siga sa kanto."

Wala akong nagawa dahil sa sinabi ng kapatid ko. Naiintindihan ko naman kung ayaw niya akong harapin sa ngayon. Sana lang makapag-usap kami bago ako bumalik ng maynila.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status