Share

CHAPTER 6

SAFIYAA's POV

Nakakainis naman kasi itong si Kuya, may dala naman siyang sasakyan gusto pa talaga sunduin siya. Kung wala lang talaga akong ni-request na pasalubong hindi ko talaga siya susunduin.

Sinabihan ko na lang sila Mommy na ipagluto si Kuya ng makakain. Dahil hindi naman namin nakakasama talaga si Kuya kaya kompleto kami maghahapunan ngayon. Alam na pala nila Mommy na uuwi siya akal ko esusurprise niya pa e.

Nagtaxi lang ako papuntang airport mabuti na lang at hindi gaanong traffic, nakakatamad kasi bumyahe lalo na kapag sobrang traffic.

Hanggang sa nakarating ako sa airport, ang sabi ni Kuya ay nasa labas na siya nag-aantay. Agad kong ginala ang mga mata ko para hanapin siya. Iyong kaninang excitement na naramdaman ko ay napalitan ng inis. Kinawayan ako ni Kuya nang makita niya ako pero may kasama siyang hindi ko kilala kung sino. Nakahawak pa ito sa braso niya akala mo naman batang iiwan kapag naligaw sa maraming tao.

"Hi Kuya, sino siya?" tinanong ko agad sino ang kasama niya.

"Oh by the way Safi, sorry hindi ko nasabi sayo sa call. She's Maureen, Kazhia Maureen. A friend of mine Nandito siya para magbakasyon. Isasabay ko muna siya sa bahay para makapag-dinner and ihahatid ko na siya sa hotel niya after."

Medyo nakahinga ako ng konti, pero hindi maganda ang kutob ko sa babaeng 'to. Hindi ako naniniwalang magkaibigan lang sila ni Kuya. Baka may hidden agenda ang babaeng 'to.

Nag-Hi naman siya sa'kin ngitian ko lang siya nang ipakilala ako ni Kuya sa kaniya. Hindi ako interesado sa kaniya.

Pagdating namin sa bahay agad na sinalubong ni Mommy si Kuya.  Paboritong anak niya iyan e.  Hindi rin kasi sila nagkikita talaga kahit pumupunta talaga sila Mommy sa maynila ay hindi pa din sila nagkikita ni Kuya. Bukod sa busy sila pareho,ilang araw lang din nilalagi nila Mommy doon kapag may business meeting lang siya pumupunta ng Maynila hindi tulad ni Daddy na nagtatagal talaga doon.

Nang nasa hapag na kami, walang paligoy-ligoy si Mommy alam ko na talaga kung saan ako nagmana.

"Hijo, is she your new girlfriend?"

Napataas ako ng kilay doon sa tanong ni Mommy. Sa lahat ng pwede itanong bakit naman ganiyan. Pwede naman niya tanungin si Kuya kung sino iyang kasama niya Mommy talaga girlfriend agad. As if naman papayag ako iyan ang magiging girlfriend ni kuya. Itatakwil ko talaga siya bilang kuya ko kapag nangyari iyon.

"No, Mommy she's my friend. By the way. Maureen she's my Mom." pakilala ni Kuya.

"Hi po Tita, I'm Maureen."

"Nandito siya para magbakasyon Mom,"

Gusto ko na lang takpan ang tenga ko. Kahit wala naman kwenta topic nila ngiting-ngiti din itong Maureen na'to feeling naman niya part of the family siya haler! ako talaga mauunang magpoprotesta.

Dahil sa nawalan ako ng gana, hindi ako nakakain ng maayos at magdahilan na lang na may tatapusin pa akong schoolwork kaya iniwan ko na sila.

Agad akong nagchat sa groupchat namin magkakaibigan.

Safiipretty : You know what, dumating na si Kuya at  may dalang manok na kinulang sa aruga Feeling part of the family agad jusko! nastress ang beauty ko nawalan tuloy ako ng gana kumain.

RohanaXy : Dapat ginamit mo ang pinagbabawal na technique.

EstellaGanda : Woi huwag, bad iyan. Sino daw ba iyon?

Safiipretty : Friend daw siya ni Kuya.  Pero iba kutob ko e ang lagkit kasi tumingin kay kuya masyado pang touchy!

Francyn : Ang ingay niyo naman anong meron.

CielaSerene : Oo nga anong meron mapahinto tuloy ako sa ginagawa ko ang ingay ng phone ko kala ko may gyera na.

RohanaXy : Nakoo! Ciela huwag kana magbackread at baka mabadtrip ka lang masira pa ni Safii araw mo.

Safiipretty : oh! ba't ako?

RohanaXy : Malamang ikaw nag-share e.

Hindi na matapos-tapos ang usapan namin hanggang sa tumawag si Ciela sa'kin at tinanong nga ano iyong naging topic namin sa gc.

No choice sinabi ko sa kaniya ang totoo. No comment siya, pero alam ko sa loob niya nasasaktan siya sa nangyari. Alam naman kasi namin na hindi pa siya nakakamove-on kay kuya kaya nga lahat ng nanliligaw sa kaniya ay puro basted. Ultimo mayaman at anak ng malalaking kompanya niligawan siya pero wala e, si kuya pa din ang mahal niya. Daig pa ginayuma kahit sinaktan at iniwan na ayaw pa din kalimutan.

Hindi naman ako against if maging sila ulit pero ayoko din na maulit ang nangyari na sinaktan siya ni Kuya.

Maaga akong nagising dahil hindi naman ako nakatulog ng maayos ang tagal kasi matapos ng kwentuhan namin ni Ciela kaya matagalan tuloy ako sa pagtapos ng assignments ko. Sakto namang pagbaba ko ay nakahanda na pala si Kuya para ihatid ako.

Napataas tuloy kilay ko sa kaniya umagang-umaga.

"Anong ginagawa mo?"

"Ihahatid ka. Bakit?"

"Anong ihahatid? huwag na no? alam ko na iyang style mo gusto mo lang makita si Ciela kaya kunwari ihahatid mo 'ko."

"Ano naman masama kung gusto ko siyang makita?"

"Aba! may ubo ka ba sa ulo Kuya? baka nakakalimutan mo kasalanan mo."

"Kaya nga gusto ko siyang makita dahil gusto ko siyang makausap. Ikaw kahit kailan nakikialam ka."

"Malamang kaibigan ko iyon, hello? muntik na kaming magfriendship over dahil sa ginawa mo. Kaya hindi pwede, huwag ka muna magpakita sa kaniya saka wala na rin naman siyang pakialam sayo. Kahit magkita pa kayo hinding-hindi ka niya kakausapin."

"At paano mo naman nasisiguro?"

"Dahil sinabi ko! ano ba kuya huwag na muna nga kasi. Hahaba pa usapan natin malalate ako niyan dami mo naman tanong."

Basta na lang ako nagwalk-out. Bahala ka diyan kuya hindi mo ako mapipilit mas lalong hindi mo mapipilit si Ciela na kausapin ka. Gwapo ka lang hindi ka niya priority ngayon.  Dadagdagan pa stress ko. Malapit na exam namin saka pa siya aarte ng ganiyan e kung nagpaalam nalang sana siya ng maayos noon sana wala siyang problema ngayon. Matalino nga nuknukan naman ng tanga. Jusko! ba't ba ako nagkaroon ng ganitong klaseng kapatid.

"Bakit ganiyan mukha mo?" agad na tanong ni Estella pagkaupo ko.

"Shh, hinaan mo lang boses mo. Baka marinig ka ni Ciela."

"Huh? ano naman konek?"

"Kasi gusto ni Kuya kausapin si Ciela. Nagpumilit nga iyon ihatid ako syempre hindi ako pumayag no? saka na kapag nakausap ko na si Ciela naghahanap pa ako ng tamang tyempo"

"Gago din pala iyang kapatid mo e. Mang-iiwan tas ano? babalik bigla tas kakausapin si Ciela ano naman sasabihin niya? sorry na naman. Ganiyan naman mga lalaki e dinadaan sa sorry ang lahat akala yata nila madali lang magpatawad dahil ano? mahal sila ng mga babae kaya gan'on na lang kadali para sa kanila na saktan tayo?"

"Hoy! ano ba, sabi huwag kang maingay e. Inaway ko na nga si Kuya kanina. Alam mo naman na ayaw ko na masaktan ulit kaibigan natin. Syempre ako din maiipit sa setwasyon."

"Sabagay, tama din naman iyang ginawa mo."

Hindi na namin natuloy ang pag-uusap namin nang nagsilapitan mga kaibigan namin. Nagtaka sila kung ano pinag-uusapan namin mabuti na lang talaga naniwala sila sa dahilan namin ni Estella. Saka ko na kakausapin si Ciela kapag kami na lang dalawa. Mas gusto ko kasi kausapin  siya ng masinsinan kapag nandiyan kasi iba naming kaibigan masyado silang paladesisyon. Ayoko naman ng gan'on na kay Ciela pa din iyon kung kakausapin niya pa ba si Kuya o hindi na.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status