OPERATION: PROM QUEEN

OPERATION: PROM QUEEN

last updateLast Updated : 2025-11-15
By:  MelancholantUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
6Chapters
22views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Bata pa lang ako, problema ko na ang katawan ko—malaki, mataba, at laging tampulan ng tukso. Sa Loarte Academy, ako ang “Balyena Girl.” Self-esteem? Zero. Confidence? Non-existent. Lalo pang lumala nang gawing personal project ni Czarina Mendez, ang reigning Prom Queen, ang pang-aasar sa akin. Then came Peejay Jimenez—the golden boy, basketball MVP, at campus crush ng lahat. One game, sa sobrang excitement ko sa panalo nila, bumigay ang bleachers at nahulog ako sa braso niya, may donut pa sa bibig! Nakakatawa, pero doon nagsimula ang lahat. Hindi ko alam, matagal na pala siyang may gusto sa akin. Akala ko fairytale na ‘to—until prom night ruined everything. Habang nakatayo ako sa stage, biglang lumabas sa screen ang edited video ng whale na ako ang mukha—suot ang gown ko. Lahat nagtawanan. Czarina laughed the loudest. Peejay? Wala. Doon ako gumuho. Pagbalik ko after summer, ibang Gigi na ako—fit, fierce, unrecognizable. With Sergio Martinez, SSC President at dating tagapagtanggol ko, bumuo ako ng plano: maging Prom Queen, durugin si Czarina, at wasakin si Peejay. Pero habang nilalaro ko ang apoy, unti-unti rin akong natutong magmahal ulit—at doon nagsimula ang tunay na gulo. Sergio uncovered a dark truth: Peejay’s father, Mayor Alfonso, framed Sergio’s dad years ago. Sa prom night revenge finale, bumulaga ang exposé—Mayor arrested, Sergio’s family cleared, Czarina dethroned, Peejay broken. In the end, narealize ko—hindi revenge ang gusto ko. Gusto ko lang matanggap at marinig. I’m no longer the “Balyena Girl.” I’m Gigi—strong, sassy, and finally free. The best revenge? Growth.

View More

Chapter 1

Chapter 1 | Balyena Girl

Gabby's POV

Bata pa lang ay tampulan na ako ng tukso dahil sa matabang pangangatawan ko. Ang sabi pa nga ni Mama ay maging ang mga Doctor daw ay nagulat nang iluwal n'ya ako. 'Di hamak na mas mabigat kasi ako sa average weight ng isang bagong silang na sanggol. Akala raw nila ay toddler na akong lumabas sa matris n'ya.

Hindi ko rin alam kung ano nga ba'ng pinakain sa'kin ni Mama para umabot sa 100 kilograms ang timbang ko sa edad na seventeen years old.

Ang alam ko lang ay sadyang malakas lang talaga ako kumain. Hindi sapat sa'kin ang tatlong beses na kain sa araw-araw. Dapat limang beses. Matakaw rin ako sa matamis at soft drinks kaya naman hindi ko na talaga naranasang gumamit ng sinturon kahit kailan. Halos lahat naman kasi ng pantalon ko ay garterized at masikip sa akin.

Buong pagkabata ko ay wala akong ibang ala-ala kundi ang mga damit na napupunit sa tuwing pinipilit kong ipagkasya sa matatabang braso at hita ko. Sa edad kong ten years old noon ay mga damit ng mga taong doble ng edad ko ang sinusuot ko.

Halos lahat na nga yata ng pang-asar na pwedeng itawag sa'kin ng mga bata noon ay naging childhood nickname ko na.

Baboy. Lechon. Tabachoy.

At ngayong High School?

"HOY, BALYENA GIRL!"

Kahit na hindi ako lumingon ay alam ko naman na kung sino ang may-ari ng boses na iyon. Walang iba kundi ang tinaguriang Prom Queen Bee ng campus na si Czarina Mendez.

More like Queen Beetch!

Napatigil ako sa pagsandok ng kanin sa malaking kaldero ng cafeteria nang hablutin ni Czarina ang serving spoon sa akin.

She smirked. "Ako na, Balyena Girl. Baka mamayat ka pa n'yan kakasandok. Gusto mo ba itaob ko nalang itong buong kaldero sa pinggan mo?" she mockingly offered.

Agad nagtawanan ang mga estudyanteng nakarinig sa pang-aasar n'ya. S'yempre ay pinakamalakas ang tawa ng dalawang alipores n'ya sa likod na halos magmukhang coloring book na sa sobrang kapal ng kolorete sa mukha.

"Ano ka ba naman, Queen C. Huwag mo na pahirapan iyang sarili mo. Pagpalitin mo nalang iyang kaldero at plato ni Balyena Girl. Sure naman akong malalamon n'ya lahat iyan," sabat ni Vanessa habang maarte pang nginunguya ang bubble gum sa bibig n'ya.

Sayang at hindi pa nabulunan.

"Oo nga, Queen C! Feeling ko nga ay nalunok n'ya na ng buo iyong dalawang chocolate cake ro'n sa dessert section. Just look at her blouse. Kaunti nalang ay puputok na iyong butones sa may bandang tummy area," dagdag pa ni Trixie.

Nahihiya kong tinakpan ng tray ang gitnang bahagi ng katawan ko. Kung alam ko lang na mapapaaga pala ang punta ng grupo ni Czarina sa cafeteria ay sana ay nagpahuli nalang ako.

Madalas naman kasi silang late dahil halos hindi naman talaga kumakain itong tatlong bulateng 'to. Kung ano'ng hilig ko kasi sa pagkain ay s'yang takot naman nilang tumaba. Lalo na si Czarina na reigning Prom Queen ng campus. Kailangan n'yang mapanatili ang skinny figure n'ya para hindi maagaw ng iba ang trono n'ya.

Wala naman talaga akong pakialam doon. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit trip na trip nila ako palagi.

Dahil ba nagagawa kong kainin ang mga pagkain na hindi nila makain?

"What? Puno ba ng pagkain iyang bibig mo kaya hindi ka makapagsalita?" nanunuyang tanong ni Czarina.

Hindi ako sumagot.

Minabuti ko na lang tumalikod bitbit ang tray na puno ng mga nakuha kong pagkain. Medyo mas gutom ako ngayon dahil tinapay lang ang kinain ko kaninang almusal. Nagmamadali kasi akong pumasok kanina.

Hindi pa man ako nakakalayo nang biglang sumabit ang paa ko na naging sanhi ng pagbagsak ko sa sahig.

Blag!

Lumikha nang malakas na lagabog ang pagbagsak ko kasunod ng kalansing ng mga naglalagang metal tray at mga utensils.

"HAHAHAHA!"

"PARANG BALYENA TALAGA!"

"AKALA KO LUMINDOL!"

"HAHAHAHA!"

Sumabog ang tawanan sa buong cafeteria habang para akong basahan na nakasalampak sa sahig. Mabilis akong bumangon para itayo ang sarili pero nadulas lang ulit ako sa nagkalat na sauce ng sinandok kong ulam.

Lalong nagtawanan ang mga estudyante sa paligid. Hindi ako naglakas loob na iangat ang ulo ko dahil alam kong sa mga oras na ito ay pulang-pula na ako sa kahihiyan. Nag-uumpisa naring manlabo ang mga mata ko tanda nang nagbabadya kong pag-iyak. Nanghihina akong lumuhod sa sahig habang nakasuporta ang magkabilang kamay ko sa malamig na semento.

Tumigil sa harapan ko ang isang pulang stilettos.

"Hindi ka ba makatayo, Balyena Girl?"

Halata sa boses ni Czarina na natutuwa s'yang makita akong magmukhang kawawa sa harapan n'ya at ng maraming estudyante.

Ano ba'ng ginawa ko? Bakit n'ya ako ginaganito?

Ilang segundo pa at yumuko s'ya nang wala s'yang narinig na sagot sa'kin. Pinulot n'ya ang kutsara sa sahig at ginamit iyon para sapilitan akong iharap sa kanya sa pamamagitan ng pag-angat sa baba ko.

"Ang boring naman kapag ganyan ka lang, Balyena Girl. Hindi ka man lang ba lalaban?"

Hindi ko na napigilan at kusa nang tumulo ang kanina ko pang pinipigilang mga luha.

"Ba... Bakit mo 'to ginagawa sa'kin?" nahihirapang tanong ko.

Isang malawak na ngisi ang kumurba sa mapula n'yang mga labi.

"Mataba ka kasi."

Tinuktok n'ya ang noo ko ng tatlong beses gamit ang kutsara.

"Ang mga matatabang kagaya mo ay walang bilang sa school na ito. Hindi pa ba nagsi-sink in sa'yo ang role mo rito?"

She smiled.

"Isa ka lang baboy."

Pagkatapos niyon ay sumandok s'ya ng nagkalat na pagkain sa sahig at idinikit sa bibig ko. "Here comes the airplane, Balyena Girl—"

Prrrrtttt!

Hindi na natuloy ni Czarina ang kademonyohan n'ya nang umalingawngaw ang pito ng gwardya ng school. Mabilis s'yang hinila palayo ng mga alipores n'ya at naiwan akong nakasalampak sa sahig at punong-puno nang pinaghalo-halong pagkain. Napuno nang bulungan ang cafeteria habang isa-isa kong nililinis ang kalat na iniwan ni Czarina.

Pupulutin ko na sana ang kutsara nang may kamay na naunang kumuha n'on sa sahig.

"Let me help you."

Tinaas ko ang tingin sa lalaking nakasuot ng makapal na salamin at blangko ang ekspresyon. Ang tahimik at masungit na President ng Supreme School Council na si Sergio Martinez.

Inabutan n'ya ako ng maliit na panyo.

"Here... try not to let them see you like this again."

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
6 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status