Share

20-Nothing To Lose

(Ian POV)

Monday, pumasok ako. Kita sa mga mukha ng lahat ang tuwa, lalo na ang saya sa mukha ni Zaki. Hawak niya na ako ngayon. 

Wala na akong magagawa kundi ang sumunod sa kanya, dahil wala talagang pagpipilian. 

Kung suwayin ko siya, sisirain at kukunin niya lahat sa akin, pate si Nate madamay at sa huli kung walang wala na talaga ako sakanya parin ang bagsak ko. 

Mautak talaga si Zaki. Wala na akong magagawa kundi ang manahimik at sundin lahat ng gusto niya. 

Kumusta kaya si Nate? Siguro galit talaga siya saakin. 

Nagulat ako nung umupo sa harap ko si Zaki ang lapad pa ng ngiti. 

"Ian, pahiram ng pen. "

Binigay ko ang hawak kong pen sakanya para umalis na agad, nabwebweset ako sa mga ngiti niya. Ngiting panalo. Saan kaya niya tinago ang mga data na yun? 

Nanlaki ang mga mata ko nung dilaan ni Zaki ang ballpen na pinahiram ko sa kanya habang nakatingin saakin. 

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status