PINALAKI ako ng mga magulang ko nang may takot sa Diyos at iyon ang pinanghahawakan ko hanggang sa ngayon at tiyak kong dadalhin ko rin hanggang sa dulo ng buhay ko.
Wala na sigurong mas sasaya pa kundi ang paglapit at pagsamba sa kanya, hindi ba? Wala nang mas sasaya pa kung maniniwala ka sa kapangyarihan niya. Wala kang ibang gagawin kung hindi ang maniwala at kumilos upang matupad ang bagay na lihim mong ginu-gusto at pinapangarap. Nasa kanya ang desisyon at nasa iyo naman ang gawa. Magagawa niya namang ibigay sayo ang lahat kung maniniwala ka sa kapangyarihan niya. Alam niya rin ang mga bagay na ikabubuti mo at hindi mo rin naman kailangang magalit sa kanya kung sakaling hindi niya maibigay sayo ang lahat dahil sa umpisa pa lang, kung nararapat para sa iyo ang isang bagay ay ibibigay niya ito sayo ng walang pag-aalinlangan.
Maraming mga bata ang napa-pariwara ang buhay ngayon at ang kalimitang dahilan nito ay ang hindi man lang paglapit sa kanya. Isa na sa mga rason na ito ay ang hindi mo pagsamba sa kanya at tuluyang paglaho ng paniniwala mo sa kanya. Yung tipong nagagalit ka sa kanya kapag hindi niya naibigay sa 'yo ang isang bagay. Ibibigay niya naman sa 'yo kung deserve mo ang bagay na iyon at kung sakaling hindi niya maibigay, posibleng ito rin ang magiging dahilan kung bakit mawawala ang focus mo sa kanya kaya hindi niya magawang ibigay sa 'yo. Maaari ring ikasasakit mo ang bagay na iyon kaya naman hindi niya magawang maibigay sa 'yo, 'di ba?
Maswerte ako dahil mayroon akong mga magulang na handang ipaliwanag sa akin ang lahat kung sakaling makaramdam man ako ng kuryosidad tungkol sa kanya. Kapag may gusto akong malaman ay hindi man lang sila magdadalawang isip na ipaliwanag sa akin ang lahat. Magmula sa mga verses ay busog ang pandinig ko sa kanilang dalawa, lalong lalo na kay Mama na palaging nariyan sa tuwing mararamdaman ko ang kuryosidad sa katawan. Sa tuwing may bakanteng oras kaming dalawa sa isa't isa ay wala kaming ibang ginagawa kundi ang magbahagi ng opinyon kaugnay sa discussion namin ukol sa napag-usapang bible verse. Ganito ang gawain namin sa tuwing mag-uusap kaming dalawa.
Kahit na anong mapag-usapan naming topic para sa araw na iyon ay palagi niyang naisisingit ang tungkol sa kabutihan ng Diyos at isa ito sa mga bagay na gustong-gusto kong napag-uusapan.
Siya yung tipo ng guro na idi-discuss sayo bawat salitang nababasa at nakikita mo sa libro ng bibliya. Bawat salita ay malalaman mo ang kahulugan kung kayong dalawa ang magsasama at magkakausap. Bawat salita ay magagawa mong maintindihan kapag si Mama ang kasama mo sa lahat ng oras.
Maraming napapariwara sa buhay nang dahil sa hindi paniniwala sa kanya kaya naman mas maganda yung desisyon na inuuna mo siya kaysa sa maraming bagay na alam mo naman sa sarili mong walang kabuluhan lahat ng pipiliin mo. Minsan nga ay naiisip ko na sumuko na lang sa pagdedesisyon sa sarili at hayaan na lamang ang kaloob ng Diyos sa kung ano man ang balak niyang desisyon para sa akin.
Hindi ako magaling sa pagdedesisyon dahil nga sa medyo bata pa naman ako. Ang akin lang kasi ay dahil sa kakulangan ng kaalaman sa edad ko ay hindi ko maiwasang dumipende pa rin sa mga taong nakapaligid sa akin kung ang pagdedesisyon ang pag-uusapan.
Alam ko sa sarili kong kapag ako ang nagdesisyon ay natitiyak kong palyado ang kalalabasan. Wala akong tiwala sa sarili kong desisyon kaya naman pagdating sa resulta ay natitiyak kong palyado ako, lalo na kung sa akin nanggaling ang desisyon.
Gaya nga ng paulit ulit kong sinasabi kanina ay maraming mga bata ang napapariwara ang buhay ngayon dahil hindi siya kinikilala. Maraming mga bata ang mas naibabaling ang sarili sa ibang bagay gaya ng paglalaro ng mga video games. Hindi ko alam pero natitiyak kong ito ang mga pangunahing sanhi kung bakit napapalayo ang sarili natin sa kanya.Sa kanya na walang ibang ginawa kundi mapabuti lang ang mga anak niya.
Ang sabi nila, kapag nasaktan ka ng isang bagay o pagkakataon na naging sanhi ng kasiraan sa sarili mo— dapat nga ay magpasalamat ka. Mas masarap masaktan kung alam mo sa sarili mong may ginawa kang katarantaduhan sa buhay. At sinasabi kong mas masarap pakiramdaman ang sakit na iyon kumpara sa pagiging manhid sa harap ng ibang taong nakakasalamuha mo rito sa mundo.
Wala nang mas sasarap pa sa pagtanggap ng mga kamalian mo sa halip na lunukin mo lahat ng pahayag na alam mo namang hindi mo ikakabuti at purong kasinungalingan lang.
Alalahanin mo na walang nakakabuti sa sarili mo kung binubusog ka lang sa mga mababangong salita na binabalot lang ng kasinungalingan.
Yung pakiramdam na marami kang kasalanang ginawa ngunit wala ka man lang maramdaman na karma na lumapit sa 'yo dahil sa ginawa mo. Yung nagagawa mo pang magpasalamat dahil hindi ka man lang naparusahan sa kamalian mo na kung saan ay nakakabahala na.
Well, yung mga ganyang bagay ay dapat ikinatatakot mo na 'yan.
Isipin mo na lang na isa kang anak na nakagawa ng kasalanan sa kapwa mo kaibigan o sabihin na lang natin na sa isang kapatid mo.
Isipin mo, nagawa mong saktan ang kapatid mo dahil may ginawa siyang bagay na ikinasakit ng loob mo. Inosente siya at wala siyang kaalam-alam sa mga bagay na nagawa niya ngunit nagpatuloy ka lang sa pananakit sa kanya hanggang sa lumalim at nalamog ng husto ang mga binti niya sa mga parusang inihain mo. Habang abala ka sa pambubugbog sa kanya ay nakita ka ng inyong ama.
Sa halip na pagalitan ka sa ginawa mo ay nagawa niyang tulungan ang kapatid mo at naglakad na silang dalawa palayo nang hindi ka man lang nilingon o maski pagsalitaan ng masama. Nakita niya ang kapatid mo na naghihirap, puro sugat at pasa ang mga binti mula sa pagkakapalo mo ngunit sa halip na kwestyunin at pagalitan ka ay binalewala lang ang presensya mo sa harap nilang dalawa.
Hindi ka man lang niya nagawang pansinin at kwestyunin kung bakit mo nagawa ang bagay na iyon. Sa halip na pagalitan ka o hampasin ka bilang parusa sa ginawa mo sa kapatid mo, nagawa ka niyang talikuran kasama ng kapatid mo na kahit isang mura lang ay hindi ka nakatanggap mula sa kanya.
Ano ang magiging pakiramdam mo?
Matutuwa ka ba sa sarili mo dahil nagawa mong makalusot sa pananakit sa kapatid mo o matatakot ka dahil tila ba isang hangin lang ang presensya mo na dumaan sa harap nila?
If I were you, kung ganyan ang ginawa niyang pambabalewala sayo ay kinakailangan mo nang magdasal, kailangan mo nang matakot dahil hindi na normal ang pambabalewala na iyan.
Hindi ko naman sinasabi na isipin mong isa ka na lang normal na ligaw na kaluluwa at kailangan nilang matakot sa presensya mo dahil kaluluwa ka na lang—hindi sa gano'n.
Dapat kang matakot dahil wala na silang pakialam sa 'yo. Dapat kang matakot dahil balewala ka na lang sa kanila. Dapat kang matakot dahil sa halip na pangaralan ka sa kamalian mo ay hinayaan ka na lang.
Ang mga ganitong klase ng pambabalewala ay dapat mo nang ikatakot dahil wala na silang pakialam sayo. At kapag sinabi kong wala na silang pakialam sayo, ang ibig kong sabihin ay wala na silang pakialam kung mapariwara ang buhay mo sa kung anong desisyon ang balak mong sundan ang yapak.
Para bang papipirmahan ka ng waiver tapos kapag may nangyaring masama sa 'yo— labas na sila sa kung ano mang mangyari sa 'yo.
Ganyan rin ang dapat mong ikatakot dahil mas masakit kung ang mismong Diyos ang magagalit at mambabalewala sa 'yo, kahit na alam ko namang hindi ka niya magagawang balewalain dahil hindi niya magagawa iyon sa mga anak niya. Ang kailangan mo lang na gawin ay lumapit sa kanya, humingi ng tawad at mangakong hindi mo na gagawin ang bagay na 'yon.
Mangako ka na magiging mabuti ka sa kapwa mo. Mangako ka na magiging malinis ka na sa harap niya. Mangako ka na magiging maayos na ang ugali mo kapag nagdesisyon kang maglakas ng loob na humarap sa kanya.
'Yan ang bagay na kailangan mong pagtuunan ng pansin, ang maging masunurin gaya ng isang anak sa ama niya. Kailangan mong magpasalamat sa kanya kung nakakaranas ka ng mga backpay sa mga kamaliang nagawa mo. At sa halip na magalit ka sa kanya ay magpasalamat ka na lang dahil may pakialam pa rin siya sayo kahit na sobra-sobra na ang kamalian mo sa kanya.
Naging tahimik ang biyahe namin papunta sa kung saang lugar man kami patungo. Sila Mama at si Daddy naman ay naging abala sa pag-uusap sa kung anong bagay at alam kong kalahati sa usapan nila ay may kinalaman sa akin.
Dahil nga sa medyo bata pa naman ako ay hindi ko na sila pinagtuunan ng pansin dahil habang tumatagal ang oras, mas lalo lamang lumalalim ang usapan nila na sa sobrang lalim ay hindi ko na magawang sundan pa.
Hindi ko nga rin alam kung bakit nag-uusap sila ng tungkol sa kasal, tungkol sa kustodiya ng anak, at tungkol sa mga bagay na may kinalaman sa batas.
Hindi naman sila alagad ng batas, hindi naman sila abogado pero bakit ganito ang usapan nilang dalawa?
Hindi naman mahina ang utak ko sa mga ganitong klase ng bagay, ang akin lang ay nakakapagtaka lang. Pag uusapan ninyo ang mga bagay na ganyan nang biglaan at wala naman sa script ninyong dalawa?
Hindi rin naman maintindihan ng bata kong utak ang usapan nila ngayon at sa halip na makinig sa usapan nila ay iniwas ko na lang ang atensyon ko sa harapan at pinagmasdan ang mga punong nadadaanan sa biyahe namin.
Maraming puno sa probinsya namin at isa na nga ito sa mga maipagmamalaki ko. Matatayog ang ilan sa kanila at berde ang kulay ng mga dahon nito. May iilan sa kanila ang masasabi ko nang medyo may katandaan na dahil mababakas na sa mga balat nito ang unti-unting pagkupas ng kayumanggi at nagbibitak na nitong mga balat.
Nang sandaling makarating na kami sa destinasyon ay marahang itinabi ni Daddy ang kotse sa bakanteng lugar sa tapat ng simbahan ay ito na ang hudyat upang lumabas kaming tatlo.
Isang preskong hangin ang bumungad sa mukha ko nang makalabas kami. Hindi na rin kataka-taka ang preskong hangin dahil kilala ang probinsya namin sa sobrang linis ng malamyos na buga ng hangin at natitiyak kong malayo sa makakapal at maalikabok na hangin ng siyudad.
Ngayon ko lang din naisipang magpasalamat dahil sa ganitong klase ng payapang lugar ako pinalaki at binuhay. Malayong malayo ito sa siyudad na pinapangarap ng mga batang naglalaro sa bakuran ng bahay namin gaya kanina.
"Dahan dahan lang, Kim." Bilin ni Mama habang patuloy niya akong hinahawakan sa braso upang alalayan sa pagbaba sa sasakyan.
Bata ako kaya naman expected na niya na malamya akong kumilos at sa isang maling kilos lang ay maaari akong matalisod sa inaapakan at masaktan.
"Mauna na kayo sa loob, Amanda. Ipapaalam ko lang kay Hyacinth na narito na tayo," bilin ni Daddy na tinanguan ni Mama.
Kabi-kabila na ang mga taong naglalakad papasok sa loob ng simbahan at kung hindi man kami magmamadali ay baka maubusan pa kami ng upuan na mauupuan dahil sa sobrang dami ng tao.
Ngayon rin ang anibersaryo ng kapistahan sa bayan namin at tiyak kong mamaya lang ay marami nang dadagsa dahil isinabay sa pista ang taunang kasalang-bayan na dinagsa pa ng mga tao sa kalapit na bayan.
Dahil nga sa pista ng bayan namin ay may magaganap na opening prayer sa simbahan upang magpasalamat sa panibago at masaganang taon na pumasok, at ito ang dahilan kung bakit naririto kami ngayon.
Kabi-kabila ang mga banderitas at grupo ng musikero na tumutugtog mula sa malayo kasama ng mga taong nagtitinda ng kung ano anong makakain.
Speaking of makakain, kabi-kabila rin ang mga food stalls sa kung saan at ito ang mga dinadayo ng mga batang ka-edad ko kasama ng mga magulang nila. Tunay nga talagang nakakalibang ang iba't ibang klase ng pagkain na nakahain sa harap nila. Iba't ibang klase ng pagluluto at iba't ibang klase ng itsura na kung titingnan mo ay mararamdaman mong magugutom ka talaga.
Wala naman akong nagawa kundi libangin ang sarili ko sa mga food stalls na nadaraanan naming tatlo. Tunay nga talagang nakakapaglaway dahil ang halos iba sa mga nakikita ko ay ngayon ko lang napagmasdan nang malapitan.
Alam kong napansin ni Mama na nakatingin ako sa mga pagkain kaya naman humigpit ang kapit niya sa kamay ko at hindi ko naiwasang inosenteng mapatingala sa kanya.
"May gusto ka bang kainin bago tayo pumasok?" Malumanay na tanong ni Mama kasabay ng pag akbay sa'kin.
"Wala po akong dalang pera, Mama," rason ko na ikakatawa niya.
May nakakatawa ba sa kawalan ng pera? Ano bang malay ko na kakain muna pala kami bago pumasok sa loob?
Isang mabilis na paglingon ang iginawad ko kay Daddy na ngayon ay nakatalikod sa gawi naming dalawa ni Mama at nakapamewang at may katawagan sa cellphone.
Paniguradong tungkol nanaman sa trabaho niya.
"Wag kang mag aalala dahil ako ang magbabayad," ngiti niyang sagot dahilan upang bumalik sa kanya ang atensyon ko at malawak na napangiti.
Ginaya namin ang paniniksik ng iba hanggang sa makarating kami sa pinaka-unahan kung saan makikita kami ng Manong na abala sa pagluluto.
"Anong gusto mo?" Tanong niya dahilan upang bahagya pa akong tumingkayad upang magpantay ang paningin ko sa medyo mataas na kawali.
"Kahit ano na lang po," sagot ko na tinanguan niya.
Panay sa ngiti si Mama ngayon bagay na bago sa paningin ko. Palangiti at approachable naman si Mama sa lahat ng taong nakakasama niya, pero iba pa rin ang mga ngiting sumisilay sa labi niya ngayon.
Para bang may kakaiba.
Isang mabilis na kain lang ang ginawa ko at nang sandaling matapos na ako sa pagnguya ay siya namang paglingon ni Daddy sa gawi namin ni Mama na tiyak kong tapos na rin naman sa katawagan niya.
"Amanda. Let's go," sambit ni Daddy bago ngumiti sa 'kin at hinagkan ako sa braso upang magpatiuna sa paglalakad papasok ng simbahan.
Gaya nga ng sinabi ko ay kumpulan ang tao at mga nagdarasal sa loob, ngunit hindi ito ang naging dahilan upang hindi kami makahanap ng mga upuan na tila ba nilaan ding upuan namin para sa espesyal na araw na iyon. Isa sa pinaka espesyal na araw dahil ito pa lang ang kauna unahang pagkakataon na nagawa naming magsimbang tatlo nang magkakasama.
Oo, madalas kaming magsimba pero sa tuwing magsisimba kaming dalawa ni Mama ay busy sa duty si Daddy. Kapag naman walang duty sa trabaho si Daddy ay may sakit naman si Mama. At kapag naman naisipan nilang magsimbang dalawa, nasa bahay ako at nag aaral.
Ngayon ang pinaka-unang pagkakataon at hindi ko rin maiwasang magpasalamat sa kanilang dalawa dahil nagawa nilang maglaan ng oras upang magkakasama kaming tatlo sa pagpapasalamat sa Diyos ngayon.
Ganito ang pamilyang pinapangarap ko at hinihiling ko na sana ay tumagal sa mga kamay ko.
Pinanood kong lumapit si Daddy sa himlayan kung saan nakahiga si Mama kasama ni Tita Amanda. Bakas ang panlalambot sa paglalakad ni Daddy habang si Chloe naman ay tila ba inosenteng sumusunod at tumatalon-talon lang sa paglalakad kasama ni Daddy.Wala akong nagawa kundi ang malungkot na mangiti sa sarili ko habang pinagmamasdan silang dalawa sa pagtutulos ng kandila at paglalagay ng bulaklak na pasalubong pa nila galing sa States.Dalawang buwan pagkatapos mawala ni Mama, nagdesisyon si Daddy na umalis at magpalamig muna sa States kasama ni Chloe. Sinubukan niya akong imbitahang sumama sa kanila ngunit nagdesisyon lang akong manatili rito sa Pilipinas upang abalahin ang sarili ko sa pagtatrabaho, at nang sa gano'n ay malihis ko ang pangungulila ko sa ibang bagay sa halip na maisip ko ang pagkawala ni Mama.“Mukhang okay na sila ngayon,” pabulong na ani ni Klaude sa gilid ko na katulad ko ay pinagmamasdan din si Daddy at si Chloe na ngayon ay ta
Ramdam ko ang panginginig ng mga kalamanan ko nang dahil sa ipinadalang mensahe ni Daddy. Ilang sandali lang ay agad nang nagsibagsakan ang mga luha sa gilid ng mata ko, lalo na sa tuwing maaalala ko ang mga dugong nagkalat sa skyway kanina.Posible bang sa kanila ang mga dugo na 'yon?“Bilisan mo ang pagmamaneho, Klaude!” sigaw ko sa kanya.Ilang minuto na kasi ang nakalipas simula nang makarating kami sa The Coastal pero magpahanggang ngayon ay naririto pa rin kami sa skyway at tila ba naghihintay na naman ng pag-usad ng mabagal na trapiko na dulot ng aksidente kanina.Panay na ang busina ni Klaude sa harapan na tila ba sinasabi nito sa mga sasakyang nasa harapan na bigyan kami ng sapat na daan upang makaalis sa napakabagal na usad ng trapiko— na hindi man lang pinapansin ng mga sasakyang nasa unahan namin.“Ano ba Klaude, dalian mo—”“Can you please calm down—”“How can I
Isang napakahigpit na yakap ang iginawad niya sa 'kin nang sandaling makita niya akong nakatayo sa gilid ng pool at abala sa pagtulong kay Manang sa pagtatanggal ng mga dahon na nagkalat sa tubig nito.Kung hindi lang naging matatag ang pagkakatayo ko ay may posibilidad na bumagsak kami sa tubig nang dahil sa ginawa niyang pagtalon sa likod ko. Sa halip na magalit at mairita sa ginawa niya ay bahagya na lang akong natawa sa panggugulat ni Mama.“Breakfast is ready, Baby,” ani niya bago humalik sa pisngi ko na bahagya ko pang kinatawa.“May kailangan ka ba, Ma?”Bahagya siyang napanguso sa biro ko bago natatawang umiling na tinawanan ko rin 'di kalaunan. “Porque ba naglambing ako nang ganito, may kailangan na kaagad?”Pagkatapos nang pag-uusap namin no'ng nakaraang linggo ay tila ba nagkaroon siya ng pag-asang lumaban sa trangkasong dumapo sa kanya. Hindi ko alam kung anong nangyari, pero natitiyak ko na ang ginaw
Kahit na ubusin ko ang oras sa kakadikit kay Mama, kahit na ubusin ko ang natitira kong oras sa pakikipaglaro kay Chloe, kahit na ilang beses ko pang tulungan si Daddy sa duty niya— kulang ang lahat ng iyon upang mabawi ko ang mga oras na nasayang ko sa nagdaang panahon na hindi ko sila nagawang makasama.Ilang beses ko mang ulitin sa sarili ko na mapapantayan ko ang pagkukulang ko bilang anak sa mga magulang ko, hindi ko rin maipagkakaila na kulang ang lahat ng iyon upang makabawi ako sa mga naging kasalanan ko sa kanila.Minsan ay nakakaramdam ako ng pagkabalisa sa sarili ko nang dahil sa mga bagay na nagpapabagabag sa isip ko sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko. Isa itong kumpol ng mga tanong na hindi ko naman magawang masagot sa isang simpleng salita lang. May pagkakataon naman akong magtanong kay Mama pero...Mas pipiliin ko pa bang linawin ang lahat ng hindi ko maintindihan, sa halip na gugulin ko na lang ang oras ko sa pagbawi sa mga kakulangan ko
Inubos namin ang natitira naming sandali sa paghahabol sa mga oras na sinayang ko. Kung alam ko lang na sa ganito pala hahantong ang lahat, sana pala ay no'ng una pa lang ay nagdesisyon na akong pumanhik sa kwarto nila Daddy at nang sa gano'n ay magawa ko nang maghalungkat ng mga gamit nila upang magawa ko nang malaman ang totoo.Kung bakit ba kasi ay hindi ako nag-iisip?Nang dahil sa kawalan ko ng tiwala sa mga taong nakakasama ko sa iisang bahay ay marami akong nasayang na panahon. Kung bibigyan man ako ng kahilingan ng Diyos sa kaarawan ko, baka sakaling hilingin ko na sana ay muli akong ibalik sa kabataan ko at nang sa gano'n ay mabawi ko ang lahat ng oras ko para sa kanya na nagawa kong sayangin sa ibang tao.Maituturing ko nga bang sayang ang lahat ng paghihirap sa pagpapalaki sa 'kin ni Tita Amanda, kung naging mabuti naman ako sa mga kamay niya? Ayoko rin namang matawag na walang utang na loob kung ipagsisigawan ko man ang bagay na iyon sa harap ng iban
Kunot-noo kong pinagmasdan ang mga litratong tumambad sa paningin ko. Halos lahat ng mga litratong natagpuan ko sa berdeng envelope ay puro litrato ko no'ng maliit ko.Muli kong pinasadahan ng tingin ang pangalang nakasulat sa likod ng envelope at tila ba nalukot ang mukha ko nang muli ko na namang mabasa ang pangalan na madalas nilang itawag sa 'kin.“Bakit Renee Hershey ang nakalagay rito?” reklamo kong bulong sa sarili habang pinagmamasdan ang sulat na iyon.Sa ibaba ng pangalan ko ay may nakalakip ding address ng siyudad sa Dubai— at hindi ko lubos na maintindihan kung bakit may ganito pa gayong wala naman akong kakilala at kamag-anak na maaari nilang pagdalhan ng mga larawan ko no'ng maliit pa ako sa lugar na 'yon.Sa halip na pagtuunan ito ng pansin ay naisipan ko na lang na ibaling ang atensyon ko sa mga larawang nakakubli sa loob. Prente ko itong inilabas sa envelope at kagat-labing pinagmasdan.Medyo luma na ang mga litra