Share

Chapter 3

Author: cuttie.psyche
last update Last Updated: 2021-05-02 08:43:35

NAGDAGSAAN ang mga taong isa-isa at magkakasamang pumapasok sa loob ng simbahan upang maghanap ng mauupuan. Wala na nga halos kaming makitang bakanteng upuan na mauupuan dahil gaya nga ng sinabi ko kanina ay maraming dumalo sa pagpapasalamat para sa kapistahan.

Isa ang bayan namin sa may pinakamalaking populasyon sa buong lalawigan kaya naman ang makitang ganito karami ang dumagsang tao upang makiisa sa pagpapasalamat ay talaga namang nakakagulat at nakakataba ng puso.

Dito mo makikita kung sino nga ba ang tunay na nagpapasalamat. Idinadaan nila sa kilos ang pasasalamat hindi katulad sa ibang tao na puro pasalamat na nga lang sa salita ngunit mararamdaman mo sa mga tono nila na napipilitan lang sila sa mga salitang ibnubuka ng bibig nila.

Tama bang makaramdam ng pagpipilit sa pasasalamat sa Diyos? Hindi angkop ang kilos na ito kung ganito lang din naman ang naiisip at nararamdaman mo sa tuwing makakausap mo siya sa pamamagitan ng isip.

Lahat halos ng mga tao ay magkakahawak ang kamay at abala sa pagkanta sa sarili nila, gano'n rin naman ang kilos nila Mama. Ako lang yata ang lutang sa pasasalamat at abala sa pag-iisip ng problema ng iba kaysa sa makisama na lang sa pag awit at pagdarasal.

Napapagitnaan nila akong dalawa sa upuan habang nakatayo kaming tatlo. Nakapikit silang dalawa habang ako naman ay nananatili pa rin sa pagkakamulat ng mga mata at abala sa paglingon sa kung saan-saan. Tila ba naghahanap ng magandang bagay na maaaring pagtuunan ng pansin sa halip na makisama sa kanila sa pag awit.

Alam kong naramdaman ni Mama ang mga mumunti kong pagkilos kaya naman nang sandaling nagmulat siya ng mata ay agad siyang nagbaba ng tingin sa akin.

"What are you doing, Kimberly?" Tanong niya na inilingan ko.

Sa takot na mapagalitan ni Mama ay mabilis ko na lang na ipinikit ang mga mata ko at gumaya sa posisyon at ginagawa nila ngayon.

Tila ba isang musika para sa tenga ko ang saliw ng awitin nila at ang mga paraan nito ng pagkanta. Alam niyo ba yung pakiramdam na may calming effect ang boses mo at tila ba sumasaliw sa kantang pinapakinggan at ginagaya mo? Ganoon ang nararamdaman at naririnig ko ngayon.

"Ama namin sumasalangit ka sambahin ang ngalan mo." Pagsabay sa awit ng mga taong nagsisimba kasama namin ngayon.

Bakas sa mukha nila ang kapayapaan habang nakapikit. May ilan akong nakitang matiwasay na nakatingala sa altar kanina habang ang iba naman ay magkakasama at magkakahawak ang kamay na nananalangin na gaya nga ng sinabi ko kanina.

 Wala nang mas sasaya pa sa isang lugar na puno ng ganitong klase ng mga tao. Walang mararamdamang galit mula sa loob nila at walang ibang iniintindi kundi ang pagsamba sa kanya.

Hindi ko alam pero nakakatuwa ang ganitong klase ng pakiramdam lalo na kung may makikita kang mga tao na gaya mo ay iisa lang ang minimithi sa buhay.

Minsan sa buhay natin ay hindi natin maiiwasang maka encounter ng problema. Hindi natin maiiwasang makaramdam ng galit at mas lalong hindi natin inaasahang magkakaroon tayo ng tinatawag nating anxiety o yung mga intindihin sa buhay. Minsan ay ang pananalangin ang ginagamit ko upang mabawasan kahit papaano lahat ng sama ng loob ko sa buhay and luckily, effective naman siya.

Minsan sa buhay natin ay hindi natin maiiwasang panghinaan ng loob at naniniwala ako na magiging maayos din ang lahat kung sakaling mawalan man tayo ng pag asa. Magiging maayos ang lahat kung maniniwala tayong lahat sa kapangyarihan niya. At masasabi kong mababalewala lahat ng problemang nararanasan mo ngayon kung siya ang uunahin mo sa buhay.

Ewan ko ba pero kahit na wala akong nararamdamnag problema sa katawan ko, tila ba nakakaramdam rin ako ng kapayapaan sa tuwing makikita ko ang mga taong masayang nananalingin sa taas gaya ng mga magulang ko ngayon.

 Wala na sigurong mas sasaya doon, 'di ba?

I mean, di bale nang wala kang makalapit sa mga taong wala namang pakialam sayo.. basta't ang importante lang ay hindi mapalayo ang loob mo sa kanya.

At iyon ang pinakamagandang itinuro sa akin ng mga magulang ko.

 Ewan ko ba pero nakakaramdam ako ng saya sa loob ko kapag naiisip at pasikreto kong hinihiling sa mga magulang ko na gusto kong maging madre, tumayo at magturo sa kumbento, maglingkod sa simbahan at higit sa lahat ay ang maging kasangkapan ng Diyos upang mapaliwanagan ang lahat ng tao na binubulag ng kasamaan sa panahon ngayon.

Gusto kong maramdamang isa rin ako sa instrumento ng Diyos at naniniwala ako na gagamitin niya ako sa kung sakaling magpapagamit ako. Hindi ko rin naman kailangang magpaalam sa mga magulang ko dahil natitiyak ko naman na susuportahan nila ako sa kung ano mang gagawin ko sa buhay, lalo na kung tungkol sa Diyos ang pinapangarap ko, 'di ba?

Lihim kong ginugusto na maging katulad ng lalaking nakatayo sa harapan gaya na lamang ngayon na nagsisilbing guro ng lahat para sa araw na ito.

Siya ang ginagawang instrumento ng Diyos para sa araw na ito upang ipakalat ang kabutihan ng Diyos, at ganito ang gusto ko.

Gusto kong magturo ng tungkol sa bibliya gaya niya at ipalaganap din ang pagbabasa nito gaya ng mga turo ng Diyos.

'Yun ang pinakahiling ko at pinaka-una sa mga bagay na gusto kong tuparin sa buhay ko dahil naniniwala ako na may purpose lahat ng bagay sa mundo gaya na lamang ng mga magulang ko. Ginawa ako ng mga magulang ko dahil mahal nila ang isa't isa at iyon ang paniniwala ko sa ngayon. Binigyan naman ng Diyos ang isang indibidwal ng isang malagim na buhay kaya naman naisipan ng instrumentong napili niya na magpagamit sa kanya at ipalaganap ang salita ng Diyos sa buong mundo.

"Maiwan ka muna dito, Kim," paalam ni Daddy na tinanguan ko bago sila pinagmasdang dalawa ni Mama na tumayo at magtungo sa harap nang sandaling matapos ang lahat sa pagkanta.

Magkasabay silang nagtungo at pumila sa harapan kasama ng iba pa para sa ibibigay ng pari at hindi ko man lang alam ang tawag sa puting bagay na iyon.

Hindi ko alam pero napapangiti ako sa tuwing makikita ko si Daddy na palaging nakaantabay kay Mama sa paglalakad. Para bang natatakot na mabasag ito sa isang maling galaw niya sa paglalakad.

Pansamantala kong inilibot ang paningin ko sa pila at malamig na napangiti sa sarili dahil sa inggit. Kailan kaya ako mabibigyan ng pagkakataon na gumaya sa kilos nila ngayon?

Gusto ko rin ang kung ano mang ginagawa nila ngayon. Yung tipong may isang maliit at puting bagay na ipapasok sa bibig nila at kapag natapos iyon ay babalik na sila rito sa upuan upang manalangin.

Lahat ng mga nasa edad ay pumila na sa linya kung nasaan sila Mama. Kita ko pa ang pagbaling ng tingin sa 'kin ni Mama kasabay ng pagkaway at pagngiti na ginantihan ko rin ng ngiti.

Gaya ng bilin ni Daddy ay nanatili na lang ako sa pagkakaupo sa mga upuan at nanatili ang titig sa altar upang ngumiti at tahimik na manalangin sa isipan. Hindi ko alam pero sobrang gaan ng pakiramdam ko, sobrang matiwasay ng lahat. Para bang nawala lahat ng problema sa katawan ko nang sandaling i-surrender ko sa kanya lahat ng iniintindi ko.

 Nang matapos sa paghiling at pagpapasalamat gamit ang isip ay unti unti ko nang ibinaba ang tingin ko at hindi inaasahang matamaan ng tingin ko ang isang rebulto ng tao sa gilid mismo ng pinto sa harap ng altar.

Gaya ko ay tiyak kong ka-edad ko lang ito at katatapos lang din ng paghiling sa sarili habang nakatingala sa altar na pinagmamasdan ko sa harapan gaya kanina. Nakangiti siyang nakatingala bago nagdesisyong magbaba ng tingin sa sahig ngunit nanatili pa rin ang pagkakatayo sa gawing iyon.

Mag-isa lang siyang nakatayo sa bukana ng pinto at taimtim na nakatitig sa mga nakakatanda na nakapila pa rin magpa hanggang ngayon sa harap ng altar gaya ko. Bakas sa mukha nito ang tuwa at hindi ko alam kung para saan ang tuwang iyon.

Kita ko ang pagkinang ng mga berde niyang mga mata habang nakatitig sa pinakaharap kung nasaan ngayon ang pari na abala na sa pamimigay ng mga hostia sa mga nakapila.

Nang sandaling bumaling siya ng tingin sa 'kin ay hindi ko naiwasang titigan pa lalo ang mukha niya.

Para bang bahagya pa akong nagulat sa pagsasalubong ng mga mata naming dalawa at siya naman ay para bang inosente kung titingnan ko at wala man lang reaksyon buhat sa pagsasalubong ng mga tinginan naming dalawa.

Itim at medyo may pagkakulot ang buhok nito na tumatabon pa sa noo at mga mata nito. Nakasuot siya ng kulay puting t-shirt at itim na medyo kupas na  pantalon. Prente siyang nakatayo sa gilid ng pintuan at nakapamulsang pinaglalaruan ng dila niya ang pang-ibabang labi habang nakatitig sa gawi ko.

Hindi ko alam kung sa akin ba nakatuon ang atensyon niya ngayon o sa likurang bahagi ng kinauupuan ko. Sinubukan ko rin namang lumingon sa gawi ko sa likod ngunit wala naman akong ibang nakita kundi ang bakanteng mga upuan.

Kunot noo muli akong bumaling sa kanya at lalong naging kuryoso nang muli ko nanamang makita ang tingin nitong tila ba pinag aaralan na ang reaksyon ko ngayon.

 Kung susumahin ay mukha siyang anghel lalo na dahil sa medyo mapusyaw nitong balat.

Hindi siya gano'n kataba at hindi rin naman siya gano'n kapayat. Kung ako ang tatanungin ay ayos lang ang katawan nito na tiyak kong medyo matangkad lang ng kalahating pulgada sa taas ko kung magtatabi kaming dalawa.

 Halos mapatalon ako sa hindi inaasahang paghawak sa magkabila kong balikat kaya naman agad na nawala sa paningin ko ang batang lalaki nang bumaling ako sa kung sino man ang humawak sa balikat ko mula sa likod.

"Ano kayang sinisilip ng Baby Kimberly ko rito?" 

Ngiti ni Mama ang bumungad sa akin kaya naman halos manlambot ako sa pagsisisi dahil sa pagbaling sa kanya. Sa halip na kausapin siya ay muli ko nanamang binalingan ng tingin ang gawi ng batang lalaki at aligaga muli itong hinanap ng mga mata ko. Umasa ako na maghihintay siya sa mga titig ko pero agad na bumagsak ang mga balikat ko nang hindi ko na siya makita sa dagat ng mga tao.

Hindi ko rin naman inaasahan ang biglaang pag-arko ng nguso sa labi ko nang dahil sa madidilim na isip na lumulukob sa akin at nagsasabing magalit kay Mama ngayon nang dahil sa ginawa niya!

Mukha rin namang hindi sinasadya ni Mama na kuhanin ang atensyon ko mula sa batang lalaki na nakakuha nito kaya naman hindi ko rin siya masisi. Ano nga namang malay niya kung may hinahabol ako ng tingin, 'di ba?

At bakit ko naman siya sisihin para lang sa isang bata? Sa isang bata na hindi ko kilala ay magagawa kong sisihin ang magulang ko? No!

 Wala pa man ay nakakaramdam na ako ng kasamaan sa presensya ko nang dahil sa mga naisip ko kay Mama kaya naman bahagya pa akong napapikit sa sarili.

Okay, Kimberly. Huminga ka nang malalim then ilabas mo lahat ng sama mo ng loob. Hayaan mo itong sumambulat sa hangin. 'Wag mo sanang kakalimutan na nasa simbahan tayo ngayon at katatapos mo lang magdasal at magpasalamat sa kanya.

Umaasa rin naman ako na muli ko siyang makikita mamaya sa labas ng simbahan, 'di ba? Hindi ko alam pero kuryoso ako sa presensya ng batang lalaki na 'yon.

Para bang may kakaiba sa kanya na nakakapagdagdag ng kuryoso sa katawan ko. Hindi ko alam pero natitiyak 'ko na magiging malaki ang bahagi ng pagkatao ko sa oras na magkakilala kaming dalawa.

"Oh may hinahanap ka ba, Anak?" Muling tanong ni Mama nang makita niya akong panay sa pagtingkayad at paglingon sa dagat ng mga tao.

Well, kapag sinabi kong gusto ko ang isang bagay— gusto ko ang isang bagay. At kapag sinabi kong gusto ko ito—  gagawa ako ng paraan upang mapasa-akin ito. Wala akong pakialam kung bagay ba ito o tao. 

Nang makita ko na ang pamilyar na pigura ng batang hinahanap ng mga mata ko magmula pa kanina ay bahagya na lamang akong napaayos ng tayo at napangiti nang wala sa sarili.

Nakita ko siyang naglalakad palayo kasama ng natitiyak kong buo niyang pamilya na gaya naming tatlo nila Mama ay naglaan ng oras sa pagbisita sa simbahan.

"Wala po, Mama," ngiti ko sa tanong niya na ikinangiti niya bago ako hinila  palabas ng simbahan. 

Magkakasabay kaming lumabas at nagtungo na sa backseat. Papasakay na sana ako pero agad akong natigilan sa ikinilos ko nang maramdaman ko ang pagpipigil ni Daddy sa braso ko sa pagsakay.

"May problema po ba, Daddy?" Tanong ko na matiwasay niyang nginitian.

"May gustong makipagkilala sayo, Anak," sagot niya dahilan upang mapabaling ako kay Mama.

Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng excitement sa sinabi ni Daddy. 

Sasabihin niya bang ito yung batang hinahanap ko kanina? Posible bang naisip agad ni Mama na gusto kong makilala ang batang lalaki na may mga berdeng mata dahil nakita niya ang mga kilos ko kanina? Nalaman ba agad ni Mama ang totoo kong mga iniisip kanina?

Hindi ko alam pero agad na akong napaisip sa sarili upang lihim na magpasalamat kay Mama dahil sa biglaan niyang panggugulat sa akin kanina.

Kung alam ko lang na may positive palang naka-antabay sa paglapit niya— baka nagpasalamat pa ako sa panggugulat niya sa 'kin kanina.

Unti-unting pumorma ang ngiti sa labi ko kay Mama lalo nang makita ko ang ngiti niya habang nakatitig sa akin. Pero, hindi ko alam at agad na naglaho ang ngiti sa labi ko nang maramdaman ko ang kung ano mang lungkot na nababakas sa labi niya ngayon. 

Isang malungkot na ngiti na para bang isang inang tinanggalan ng karapatan sa kung ano mang bagay. Ewan ko ba pero nakakaramdam ako ng takot sa mga naisip ko, lalo nang makita ko ang ngiti niyang iyon.

"Sino po, Daddy?" Kuryoso kong tanong.

Hindi pa man nakakasagot si Daddy ay nakarinig na kami ng isang mahinhin na boses at kasabay nito ay ang presensya ng hindi pa nakikilalang nilalang sa buhay ko na papalapit sa gawi naming tatlo ngayon.

"Jonas," 

Magkakasabay kaming bumaling sa nagmamay-ari ng boses na iyon na tumawag sa pangalan ni Daddy.

Papalapit sa gawi namin ang isang babaeng sumisigaw ang alindog sa katawan. Kung tutuusin ay medyo bata ito sa edad ni Mama at para bang ka-edad lang rin ni Daddy.

 Nagdire-diretsyo siya kay Papa at humalik sa pisngi nito bago binalingan ng ngiti si Mama.

"Sino ba itong babaeng ito?" Tanong ko sa sarili kasabay ng matalim na titig sa ginawa niyang paghalik sa Daddy ko.

Ewan ko ba pero tila ba nagningning ang mga mata niya nang magtama ang mga tingin namin sa isa't isa.

Paghanga ang nakita ko sa mga mata nito at hindi ko man lang alam ang dahilan kung para saan nga ba.

Palaisipan sa akin ang presensya niya at hindi ko alam pero tila ba may namuong kung ano sa katawan ko na alam kong ka-aayawan ko sa sandaling dumating ang araw.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • It's My Day, Happy Birthday!   Final Chapter

    Pinanood kong lumapit si Daddy sa himlayan kung saan nakahiga si Mama kasama ni Tita Amanda. Bakas ang panlalambot sa paglalakad ni Daddy habang si Chloe naman ay tila ba inosenteng sumusunod at tumatalon-talon lang sa paglalakad kasama ni Daddy.Wala akong nagawa kundi ang malungkot na mangiti sa sarili ko habang pinagmamasdan silang dalawa sa pagtutulos ng kandila at paglalagay ng bulaklak na pasalubong pa nila galing sa States.Dalawang buwan pagkatapos mawala ni Mama, nagdesisyon si Daddy na umalis at magpalamig muna sa States kasama ni Chloe. Sinubukan niya akong imbitahang sumama sa kanila ngunit nagdesisyon lang akong manatili rito sa Pilipinas upang abalahin ang sarili ko sa pagtatrabaho, at nang sa gano'n ay malihis ko ang pangungulila ko sa ibang bagay sa halip na maisip ko ang pagkawala ni Mama.“Mukhang okay na sila ngayon,” pabulong na ani ni Klaude sa gilid ko na katulad ko ay pinagmamasdan din si Daddy at si Chloe na ngayon ay ta

  • It's My Day, Happy Birthday!   Chapter 56

    Ramdam ko ang panginginig ng mga kalamanan ko nang dahil sa ipinadalang mensahe ni Daddy. Ilang sandali lang ay agad nang nagsibagsakan ang mga luha sa gilid ng mata ko, lalo na sa tuwing maaalala ko ang mga dugong nagkalat sa skyway kanina.Posible bang sa kanila ang mga dugo na 'yon?“Bilisan mo ang pagmamaneho, Klaude!” sigaw ko sa kanya.Ilang minuto na kasi ang nakalipas simula nang makarating kami sa The Coastal pero magpahanggang ngayon ay naririto pa rin kami sa skyway at tila ba naghihintay na naman ng pag-usad ng mabagal na trapiko na dulot ng aksidente kanina.Panay na ang busina ni Klaude sa harapan na tila ba sinasabi nito sa mga sasakyang nasa harapan na bigyan kami ng sapat na daan upang makaalis sa napakabagal na usad ng trapiko— na hindi man lang pinapansin ng mga sasakyang nasa unahan namin.“Ano ba Klaude, dalian mo—”“Can you please calm down—”“How can I

  • It's My Day, Happy Birthday!   Chapter 55

    Isang napakahigpit na yakap ang iginawad niya sa 'kin nang sandaling makita niya akong nakatayo sa gilid ng pool at abala sa pagtulong kay Manang sa pagtatanggal ng mga dahon na nagkalat sa tubig nito.Kung hindi lang naging matatag ang pagkakatayo ko ay may posibilidad na bumagsak kami sa tubig nang dahil sa ginawa niyang pagtalon sa likod ko. Sa halip na magalit at mairita sa ginawa niya ay bahagya na lang akong natawa sa panggugulat ni Mama.“Breakfast is ready, Baby,” ani niya bago humalik sa pisngi ko na bahagya ko pang kinatawa.“May kailangan ka ba, Ma?”Bahagya siyang napanguso sa biro ko bago natatawang umiling na tinawanan ko rin 'di kalaunan. “Porque ba naglambing ako nang ganito, may kailangan na kaagad?”Pagkatapos nang pag-uusap namin no'ng nakaraang linggo ay tila ba nagkaroon siya ng pag-asang lumaban sa trangkasong dumapo sa kanya. Hindi ko alam kung anong nangyari, pero natitiyak ko na ang ginaw

  • It's My Day, Happy Birthday!   Chapter 54

    Kahit na ubusin ko ang oras sa kakadikit kay Mama, kahit na ubusin ko ang natitira kong oras sa pakikipaglaro kay Chloe, kahit na ilang beses ko pang tulungan si Daddy sa duty niya— kulang ang lahat ng iyon upang mabawi ko ang mga oras na nasayang ko sa nagdaang panahon na hindi ko sila nagawang makasama.Ilang beses ko mang ulitin sa sarili ko na mapapantayan ko ang pagkukulang ko bilang anak sa mga magulang ko, hindi ko rin maipagkakaila na kulang ang lahat ng iyon upang makabawi ako sa mga naging kasalanan ko sa kanila.Minsan ay nakakaramdam ako ng pagkabalisa sa sarili ko nang dahil sa mga bagay na nagpapabagabag sa isip ko sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko. Isa itong kumpol ng mga tanong na hindi ko naman magawang masagot sa isang simpleng salita lang. May pagkakataon naman akong magtanong kay Mama pero...Mas pipiliin ko pa bang linawin ang lahat ng hindi ko maintindihan, sa halip na gugulin ko na lang ang oras ko sa pagbawi sa mga kakulangan ko

  • It's My Day, Happy Birthday!   Chapter 53

    Inubos namin ang natitira naming sandali sa paghahabol sa mga oras na sinayang ko. Kung alam ko lang na sa ganito pala hahantong ang lahat, sana pala ay no'ng una pa lang ay nagdesisyon na akong pumanhik sa kwarto nila Daddy at nang sa gano'n ay magawa ko nang maghalungkat ng mga gamit nila upang magawa ko nang malaman ang totoo.Kung bakit ba kasi ay hindi ako nag-iisip?Nang dahil sa kawalan ko ng tiwala sa mga taong nakakasama ko sa iisang bahay ay marami akong nasayang na panahon. Kung bibigyan man ako ng kahilingan ng Diyos sa kaarawan ko, baka sakaling hilingin ko na sana ay muli akong ibalik sa kabataan ko at nang sa gano'n ay mabawi ko ang lahat ng oras ko para sa kanya na nagawa kong sayangin sa ibang tao.Maituturing ko nga bang sayang ang lahat ng paghihirap sa pagpapalaki sa 'kin ni Tita Amanda, kung naging mabuti naman ako sa mga kamay niya? Ayoko rin namang matawag na walang utang na loob kung ipagsisigawan ko man ang bagay na iyon sa harap ng iban

  • It's My Day, Happy Birthday!   Chapter 52

    Kunot-noo kong pinagmasdan ang mga litratong tumambad sa paningin ko. Halos lahat ng mga litratong natagpuan ko sa berdeng envelope ay puro litrato ko no'ng maliit ko.Muli kong pinasadahan ng tingin ang pangalang nakasulat sa likod ng envelope at tila ba nalukot ang mukha ko nang muli ko na namang mabasa ang pangalan na madalas nilang itawag sa 'kin.“Bakit Renee Hershey ang nakalagay rito?” reklamo kong bulong sa sarili habang pinagmamasdan ang sulat na iyon.Sa ibaba ng pangalan ko ay may nakalakip ding address ng siyudad sa Dubai— at hindi ko lubos na maintindihan kung bakit may ganito pa gayong wala naman akong kakilala at kamag-anak na maaari nilang pagdalhan ng mga larawan ko no'ng maliit pa ako sa lugar na 'yon.Sa halip na pagtuunan ito ng pansin ay naisipan ko na lang na ibaling ang atensyon ko sa mga larawang nakakubli sa loob. Prente ko itong inilabas sa envelope at kagat-labing pinagmasdan.Medyo luma na ang mga litra

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status