Share

CHAPTER 9: DANCE FOR YOUR DESTINY

KADILIMAN ANG nasa maluwang na function hall, tanging maliit na liwanag lamang ang dala ng ibat-ibang mga kandila sa paligid. Red and black candles to be exact, so it would highlight the theme of the event, "Romance and Mystery". 

Expensive varieties of red and white roses are everywhere, petals were scattered around the carpeted floor and their scent is so strong that it gets to everyone's nose, very refreshing!

The grand staircase was dressed with a dark red carpet that screams nothing but elegance, sa itaas ay ang mga tanyag na musician ng bansa at sila ang nagbibigay ng romantikong mga nota sa tainga ng mga bisita.

Every windows were covered with black shiny fabrics, above them are tiny lights which fits up there perfectly. While the slim round tables were arranged with fine satin-type table clothes, toped with a thicker red linen for the motif. Ang mga mababangong kandila sa eleganteng mga lalagyan ay nagbibigay ng kaunti pang liwanag sa ibabaw ng grandyosong lamesa, ito ang ginamit imbes na mga bulaklak bilang centerpiece.

There are draped white fabrics on the ceiling that's cascading down around the room on the center part, sa gitna ng mga tila sumasambang puting tela ay ang maliwanag at nag-niningning na crystal chandelier na nagbibigay ng liwanag sa gitnang parte kung nasaan ang bilog at maliit na entablado para naman sa host.

People are everywhere; laughing, talking, mingling taking pictures and so on. They were all dressed based on the dress code given, alin sa dalawang kulay lamang gaya ng nasa motif. Itim o pula, maaari ring kumbinasyon ng dalawang kulay. 

Black for mystery and red for romance.

Ang ilan ay mukhang pina-sadya pa ang mga suot para sa okasyon. Bukod sa telang hindi basta-basta ay kakaiba din ang disenyo ng mga iyon na tanging magagaling na fashion designer lamang ang nakakagawa. Michael Cinco, Rajo Laurel, Donatella Versace, name it!

Their accessories were dazzling like stars, hindi mo mahuhulaan ang presyo ng mga iyon. Sa uri at kalidad ng kanilang mga sapatos ay mahihiya ang mga karaniwang tao na tapakan o hawakan man lang iyon 

Maging ang mga kalalakihan ay ganoon 'din. Nakakalulula ang bawat hibla ng suot nilang amerikana, ang mga relos sa kanilang palapulsuhan ay nagsusumigaw ng Piaget, Rolex, o kaya nama'y Cartier.

Kung susubukan mo silang pagmasdan pa nang matagal ay hindi mo aakalaing ang lahat ng nasa hall ay mga estudyante lamang na naatasang dumalo sa isang "Masquerade Ball".

Si Harlene ang host para sa event, presidente ng student council. Bukod sa anak ng isa sa mga director ng school ay tunay na maganda ang dalaga, campus crush nga ito. Matalino at talented, tiwala sa kaniya ang lahat kung kaya't hindi na naka-pagtatakang ipinagkatiwala rito ang pag-organize sa ball at maski na ang pag-host.

Standing at the round the platform, she looks so gorgeous in her A-line black dress, may mga borda ng maliliit na pulang rosas sa bandang baywang nito at labas naman ang kaniyang manipis na likod.

Hindi ngunit naka-mask ang dalaga ay hindi na siya makikilala ng lahat, ang malambing nitong tinig at matamis na mga ngiti ay memoryado na ng lahat. No one can't recognize the friendly Harlene.

But then, she still wore her mask to follow the event's rule since this is a masquerade ball. Lahat ng dumalo ay may suot na kaniya-kaniyang half-mask, hindi bale kung personalized o ipinasadya sa bilihan.

Subalit ito ang dahilan kung bakit hindi na nag-abala pa si Sapphire na mag-ayos nang todo para sa event, bukod sa tiwala siyang masyado na siyang maganda ay hindi rin naman mapapansin ang kaniyang mukha dahil nga sa mask na dapat nilang suutin.

She can't help but roll her eyes with the idea! Paanong makikita ang ganda nila kung kukublihan? Mask is just for the ugly!

Obviously, she's too pretty to just hide her goddess-like face. Kung hindi lang talaga sa rule na iyan, e! 

Sapphire wore a black long gown tonight from one of her mom's best designer, buwan din ang inintay nila para matapos ang gown na sa ibang bansa pa hinabi dahil naroon ang tela at ilang kagamitan ni Monique. 

She's not sure how Monique calls it but it's actually a long, form-fitting black gown with a stunning cut out at the back in a geometric-like shape. It has an halter-neck straps that meets at the nape of her neck. Sa haba nito'y kinailangan pang magsuot ni Sapphire ng five inch high-heeled shoe just to prevent it from touching the ground. Sa gawing baywang ay naka-yakap ang manipis na belt na may mga gems naman sa paligid.

Monique, her family's personal designer personally made her white raindrop mask tonight, just to make sure that her mask and her elegant gown will suit better. Hindi niya nais magyabang, subalit maraming leeg lang naman ang nabali kanina nang siya na ang pumasok sa eleganteng bulwagan at marami ring pumila para makakuha ng litrato kasama siya.

Masyado silang madami that she immediately lost count. Well, she actually didn't mind counting. Hindi naman siya nagbihis para lang bilangin ang kaniyang mga taga-hanga. She dressed really really well tonight for someone she's been looking for since she arrived. Wala namang kasiguraduhan ang pagdating nito, pero hindi siya nawawalan ng pag-asang magtatagpo sila.

Everyone looks enjoying the ball so far, bukod sa photo booth sa gilid kung saan may upuang gawa sa giant mask ay kabilaan din ang pag-serve ng finger foods at ang instrumental music na nag-pplay ay tunay na relaxing. Iniligid ni Sapphire ang kaniyang mga mata, bukod kay Kurt na kaniyang date ay wala siyang ibang makausap sa table. 

Her goddamn friends are nowhere to be found. Hindi sila nagpakita sa kaniya bago mag-start ang ball, they didn't even mention the details of there outfit kaya't sa dagat ng mga naroroon ay hindi niya malaman kung nasaan sina Alexis, Trisha at Eren.

"What's wrong, Sap?" Humilig si Kurt sa kaniya para bumulong, bahagyang umuugoy ang katawan nito dahil sa background music. "You look bored, you eat. You want canape? I'll get you some."

"No, Kurt. I'm still full," she just pressed her red bow-shaped lips and look away.

"You're still hoping to see him here? God, Sappy! You're too hopeless, ang dami-daming choices dito. Forget about him even just for tonight, have fun!"

Imbes sumagot ay umiling lang si Sapphire at muli pang inabala ang sarili sa kaka-linga sa buong function hall. Imagining how would he look like when wearing a black tux with a dark mask, hindi na niya kailangan pang mag-abala para pumasa sa inihandang pamantayan ng event dahil misteryoso na siya kahit sa mga normal na araw.

Her knees were buckling at the thought of his large hands gently gripping her slim waist while they were dancing along the most romantic music this band could ever play. Iniisip pa lamang niya ang mga mata nitong sa kaniya lang naka-tuon, habang ang mabango nitong hininga'y tumatama sa kaniyang pisngi dahil sa maliit nilang distansiya. God! She felt like loosing consciousness any minute by now. 

The night deepen, it's exactly 11:00 pm when the host showed up at their front again, wala pa ring nagbago at fresh na fresh pa rin ito kahit maraming table din ang nabisita niya sa ilang oras lamang na nagdaan.

"Are you enjoying the night so far, ladies and gentlemen?" tanong nito matapos na basahin ang papel na hawak niya. Natuwa ito nang makitang halos lahat ay masayang talaga sa mga nangyayari. "Great! Let's make the night more unforgettable then, let's give the chance for the climax of this event."

She instructed everyone to come at the front and form a circle. Noong una'y akala ng lahat ay hindi sila magkakasya sa linya but they have successfully made a circle in the end.

Pagkatapos ay inatasan naman nito ang mga girls na pumunta sa gitna ng circle at bumuong muli ng isa pang circle, hindi na naging matagal ang pagbilog nila dahil ilang hakbang nalang naman ang gagawin.

"We will call this dance as 'Dance for your Destiny' interesting, right?" natutuwa at kinikilig niyang saad. "For this last hour of the ball, kailangan niyong sumayaw kasabay ng music na i-pplay namin. Ang katapat mo, ang siyang partner mo. We'll give you two minutes to converse with your partner, ask him or her different questions except the name. After two minutes, you have to leave your partner to find the next one. So, it should be: dance, talk then move. The cycle will be repeated until 12:00 midnight." 

Huminto bigla ang music at kasunod no'n ay ang nakakabinging katahimikan. May suspense sa mga ngiti ni Harlene, ang mga mata niya'y namamasyal sa paligid.

"When 12 midnight came and the music fades away, the man or woman in front of you will gonna be your destiny. So exciting, right?" napapatili pa ito sa harapan, malawak ang ngiti niya habang kinukumbinsi ang mga naroon sa huling pasabog na ihinanda nila. "Let's start this, everyone. Good luck and have fun!"

Gulat ang lahat sa narinig. Iba't iba ang naging reaction ng bawat isa, may mga natawa lang at ipinagsawalang bahala ang narinig, ang ilan nama'y na-excite at mas ginanahang sumayaw habang ang iba'y natakot gaya ni Sapphire.

What if that's true? She knows it's impossible to happen dahil sila lang din naman ang gagawa ng sarili nilang destiny, nobody can dictate who her heart will adore but her.

But what if magaya nga naman siya kay Cinderella? Paano kung may Fairy Godmother sa paligid na nanonood at gawin niya ngang totoo ang katimangan ni Harlene? 

Jezus! She'll die early. Stop being paranoid, Sappy! Paulit-ulit niyang pinaalalahanan ang sarili na para lang ito sa ball. 

Then, the dance has started. Furelize ni Beethoven ang music na ni-play ng musician sa itaas, makapanindig balahibo ang bawat nota. Sapphire really like the music but she doesn't feel like dancing, humahakbang naman ang kaniyang mga paa subalit hindi gumagalaw ang kaniyang matigas na balakang.

"Sappy, kukurutin ko talaga ang tagiliran mo kapag hindi ka pa gumalaw riyan," banta ni Kurt nang maramdamang nitong siya lang ang sumasayaw sa kanilang dalawa.

Matalim niya lang na inirapan ang baklang kaibigan. "I'm not gullible like them, sinong matino ang maniniwala sa—ouch!"

Napa-aray ito nang tuluyan na nga siyang kurutin ng kaibigan. This time si Kurt naman ang nagtaray, ang mala-higad niyang kilay ay tumikwas sa pagkaka-inis.

"Let's change then. Ikaw ang dito sa puwesto ko at ako ang gigiling sa harapan ng mga knights na 'yan!" malandi nitong itinili ang dulo.

Bakas sa likod ng maskara nito ang malandi niyang paraan ng pagtitig sa mga lalaking nasa paligid. Here he is again!

"What the heck, Kurt!"

"See? Maki-ayon ka nalang. This is just for fun, Sappy! Cooperate, bitch!" 

Inikot siya nito ng marahan bago ipinasa sa lalaking kasunod.

She lazily turned twice until someone catched her with his long set of arms, malambot ang mga palad nitong mabilis yumakap sa mga kamay ni Sapphire.

Isang ikot pa't hinuli nito ang isa pang kamay ng dalaga habang ang isang kamay niya'y dumausdos na pababa sa may baywang ng dalaga.

"How is your night so far, Miss?" he asked it under a throaty voice. His smile is as bright as the chandelier above, kitang-kita ang desenyo ng braces nito mula sa lugar ni Sapphire which makes her feel turned off. He's not so manly. "I am white shadow by the way," pagpapakilala nito.

Isa pa pala sa mga binigay na rules ay, hindi mo maaaring sabihin ang tunay mong pangalan. You should think of your alias or code name to hide your identity. This party is too demanding, isn't it?

"Oxymoronic, huh?" Ngumiti ito pabalik kahit na pilit lang. She then leaned over his chest to whisper, "I'm wild flower."

She has no idea why she came up with that kind of code name. She's not very fond of flowers in the first place and she's not even that feminine to be described as "flower". Ang alam lang niya'y inaantok na siya at wala siyang ganang mag-isip ng mas maganda pang alias.

"White shadow by the way represents me because I have good intensions towards the world. Good dreams, good plans and good goals but I chose to hide and keep my identity. Gusto ko kasing gumawa ng mga bagay na hindi nalalaman ng iba," he sounded so proud of that. He beamed more, "sa tingin ko'y gano'n 'din ang sa'yo? May deep meaning."

"Sorry to disappoint you but nope."

"What do you mean?"

"I am wild most of the time but the 'flower' doesn't mean na isa akong bulaklak sa hardin at nakikipag-sabayan sa iba pang mga bulaklak na namumu-kadkad sa sikat ng araw. I just like flowers," she smiled cutely after.

Which is true, she's a woman but not just a woman. She can be more than that when she has to or she wants to.

Be it a soldier for people she loves, a nurse when they need someone to take care of them, a clown when they feel bad, a singer if they want music and also your best nightmare if you messed up with her.

"But I am sure your beautiful as a flower," sagot ng kasayaw niya after explaining her code name's meaning for the nth time now.

Lumalalim na ang gabi, bukod sa antok ay mas na-bbored pa si Sapphire sa kanilang ginagawa. She failed to remember the reason why she attended the ball in the first place?

Para antukin? Mairita sa mga lalaking kasayaw niyang alam lang dumaldal? Thier smile can't even make her knees wabble, so boring! 

"Beautiful and Wild," pagtatama niya sa kausap.

The corner of his mouth rose, "woah! I like that, I like wild ladies." 

Mas hinila pa nito si Sapphire palapit kaya't mas maramdaman nito ang tigas ng kaniyang dibdib. If Sapphire wasn't mistaken college student na naman ang kasayaw niya ngayon. Base sa mga kilos nito at sa kaniyang katawan, mas matured at nasa tamang lugar ang kaniyang mga muscles. A little sexy for a man, great!

"So, maaari bang matinik ang mga magtatangkang humawak sa'yo?"

Tinitigan ito ni Sapphire sa kaniyang magagandang mga mata, eyes to eyes, skin to skin. Their chest were exchanging heartbeats. Dama ni Sapphire ang agresibong mga tibok ng puso nito, darn it! She got him attracted with her in just a seconds?

"See for yourself, baby," she said in a sexy tone. Minsan niyang kinagat ang mapula niyang labi bago ito umikot para muling magpalit ng partner.

Wala itong ideya kung patapos na ba ang music? O kung anong oras na nga ba?

Ang alam niya lang ay pagod na siya at inaantok ng sobra. This night is a good for nothing, she doesn't know what's happening with her being. I mean, she used to like things like this. She's not anti-social, she's a party animal.

Pero dahil lang sa absence ng isang tao ay nagkakaganito siya? Para siyang nanghihina at nauubusan ng battery. Tsss!

Tamad siyang umikot ng dalawang beses at lumipat sa sunod na kasayaw, she's up for opening her damn mouth for a yawn but she immediately froze right after she caught the eyes of her next partner. Those that dazzles like stars in the darkest point of the night, those who can't give her a fuck whenever she's around.

Ang sabi niya'y hindi siya interesado kaya't hindi siya pupunta? But... 

But he's with his black suit jacket paired with a dark red bowtie, may half mask din siyang suot but it can't cover his darn handsomeness. 

Hindi kayang kublihan ng maskarang 'yon ang kaniyang mga matang nakaka-baliw kahit pa wala silang ekspresyon madalas. Agaw pansin din ang napaka-tangos niyang ilong, his very kissable red lips she used to fantasize about. How does it feel to be kissed by those delectable lips? 

He can't hide his identity, kahit pa full mask ang gamitin nito ay hindi niya magagawang itago ang bawat detalye ng kaniyang mukha na ilang buwan dang minemorya ng dalaga. Hindi lang iyon, maski ang puso niya'y nagwawala na naman. Isang tao lang ang kayang gumawa nito sa kaniya, isang lalaki lang sa buong buhay niya.

Inilahad nito sa harap ni Sapphire ang kaniyang kamay, he bowed a bit too.

"Shall we?" 

Hindi man makapaniwala ay agad na itong tumango, hindi niya pinalampas ang ilang segundo at tinanggap niya agad ang alok ng binata. Who the hell is she to waste this freaking chance?

Hinawakan nito nang marahan ang kamay at braso ng dalaga, habang gumapang din ng dahan-dahan ang kaniyang mga kamay pababa sa baywang ni Sapphire, then he gave her a shocking pull towards his body. 

Namimilog ang mga mata ni Sapphire habang magka-lapat ang mga mata nilang dalawa. Lumulukso nang mabilis ang kaniyang puso at halos hindi na niya marinig pa ang musika para sundan sa kanilang pagsasayaw, hindi na rin niya alam kung ilang segundo na ang lumilipas.

She just followed his movements, hawak nito ang kamay niya habang naka-yapos sa kaniyang baywang ang isa. Mariin naman ang paghawak niya sa matitigas nitong balikat, she's holding him tightly for her dear life. Pakiramdam niya kasi ay tutumba na lamang siya bigla sa oras na hindi siya kumapit sa binata nang mabuti. 

She can't stop praying for the music to not end, she wants to stay dancing now, here in his front, in his arms, in his grip, in his eyes. She just freaking dream of this chance, kay sarap pala talaga sa pakiramdam na maging ganito kalapit sa kaniya. Para siyang naglalakad sa ulap ng mga sandaling iyon.

But on the contrary,  she's also praying that the music will end now para wala ng marami pang drama at sila na agad ang destiny gaya ng sinabi ni Harlene kani-kanina lang. 

"Can I just spend the whole remaining notes, dancing with you?" she confidently initiated the conversation since mukhang wala itong planong magsalita. "Can we dance until midnight?" 

"I don't mind dancing with you the whole night," his deep baritone voice sounds sexier this time, it awakens her senses.

Wala na ang antok niya, gising na gising ito sa mga nangyayari. He really agreed with her request? Music to her ears.

Gumuhit sa mga labi ni Sapphire ang ngiti, dinig na niya ang mga fireworks sa kalangitan. Ito na nga iyon, finally her wishes are starting to come to life. 

She need to get a grip of herself or else aatakihin din siya sa puso at baka unahan pa niya ang Daddy niya kapag nagkataon.

"Y-you sure?" she didn't mean to stutter, but it's happening to her lips. "'Cause I might break the rule and push all the girls who will try to dance with you. I seriously wanted to dance with you until the time ends, common! Huwag mo akong paasahin!"

"I am true to my words, Miss," anito at bigla nitong hinigpitan ang pagkakayakap sa baywang ni Sapphire na halos sumubsob na ang dalaga sa matigas nitong dibdib. From there she can smell his manly scent and also she can hear the every throb of his heart. It gets wilder every passing seconds, gaya ng kaniya. Ang mga kamay nila ay pinagsalikop nito nang walang kahirap-hirap at dahan-dahan nitong inilapit sa mukha nito ang ubod kisig niyang mukha para bumulong. "I mean it, I came here just to dance with the most beautiful woman here and that's you."

Oh, men! Yes, Nicki Minaj. Sapphire can hear that boom, badoom, boom, boom, badoom, boom, bass! Very loud and clear.

Mabilis na nag-init ang kaniyang pisngi sa sinabi nito, it's been a long while since the last time she felt this, o para bang ngayon lang 'ata siya kinilig sa buong buhay niya.

Parang mababaliw siya sa saya, wala na siyang pakialam sa lahat ng naroroon... Kung sa lahat ng masquerade ball ay makakasayaw niya ito at makakausap ng ganito kalapit, she'll promise to attend every damn ball in the world for him.

He leaned closer to her, nanatiling naka-titig ito sa mga mata ng dalaga habang ang kamay niya sa baywang nito ay lumipad na sa malinis nitong baba, he's now slowly guiding her chin to move closer to his face, to his lips. Jusme! Is this even true?

She's now taking back what she just said earlier, naniniwala na pala siya sa Fairy Godmother at kung may isa man siyang kahilingan ay iyon ang huminto na nga ang music at sila na ang tunay na itadhana. Make the clock stop and let his lips touch hers.

Few millimeters away and they're lip's are about to touch but a deafening explosion suddenly roared from somewhere. Mabilis silang napa-lingon sa kung saan, gulat at takot ang naka-guhit sa mukha ng mga naroroon. Natigil ang sawayan, nagkagulong bigla sa dancefloor.

May mga nagtatakbuhan na palabas, may mga umiiyak na sa takot at ang karamihan ay nagpapanic. Maski si Sapphire ay hindi malaman kung ano ba ang nangyayari subalit hindi niya maiwasang kabahan sa nagaganap.

Namilog sa gulat ang kaniyang mga mata nang masulyapan ang mga mamahaling kurtina sa bawat sulok na nagliliyab, napupuno na ng maiitim na usok ang buong lugar at tuluyan nang nagkaka-gulo. Nagkaroon ng stampede dahilan para maitulak siya, mawalan ng balanse at mawala mula sa bisig ng kaniyang prinsipe.

Sinubukan niya itong hanapin, humingi siya ng tulong subalit nalulunod lamang ng iyakan at hiyawan ang kaniyang tinig. Out of suffocation, she's slowly loosing her strength and her breath too. She crawled, she wiped her tears and tried her best to scream for help.

"Ouch! Dammit!"

Ininda nito sandali ang pagkaka-bagsak niya sa sahig, mukhang injured 'ata ang kaniyang likuran. Hindi na siya makatayo, at sa hapdi ng kaniyang mga mata'y hindi na rin siya makakita ng maayos.

"Help! Please, help!" 

She tried to look for something to hold on, hindi siya nawawalan ng pag-asang makakalabas siya sa lugar. Hindi hanggang sa masulyapan nito ang nagliliyab na kurtinang pabagsak na sa kaniyang direksyon. It was fastly falling that the only thing she could do is to cross her painful arms to shield herself.

"Help!"

Ngunit nagulat ito nang maramdaman niyang imbes na masunog siya sa mainit na apoy ay lumamig bigla ang paligid. Gosh! 

Hindi ba siya naka-survived? Ito na ba langit? Because if this is purgatory or hell,  it wont feel this cold and relaxing, right?

Ang maingay na hiyawan dahil sa takot sa sunog ay biglang napalitan ng . . . tawanan?

What's so laughable about the thought of being burned?

Dahan-dahan niyang iminulat ang kaniyang mahahapding mga mata, isang familiar na lugar ang sunod na tumambad sa kaniya.

No more grand staircase, no more chandelier, no more candles, no more roses, no more gowns. Music was gone and even her prince, what she could see right now is the white walls around, the air condition at the upper part of the wall, some pictures of scientist and philosophers and then Alexis with her uniform at her side, her bag and the books at the table?

Sinuri nito ang kaniyang kasuotan, surprisingly she's with her school uniform too. Cool!

The fire was just some sort of nightmare.

She's kind of smiling in relief, everything feels so cool and relaxing. Until she realized, fuck! Nasa school pala siya at naka-tulogan na naman nito ang klase ni Mrs. Cayetano. Great, Sappy! Just great!

Napa-bangon siyang bigla mula sa pagkaka-dukdok sa sariling table, inaayos pa niya ang buhok niyang nagulo nang maramdaman nito ang sari-saring mga mata na tila nanonood sa kaniya.

Dahan-dahan ay naglakad ang kaniyang mga mata sa paligid para lang matagpuan ang mata ng lahat na nanonood nga dito, isama pa doon ang mata ng pinaka-matanda niyang guro na nanlilisik na naman at tila nais siyang sunugin nang buhay.

Dios mio! Naka-ligtas nga ito sa apoy  sa panaginip, pero sa realidad mukhang masusunog na naman siya sa dragona niyang guro.

"Good morning, Miss Aralez. Class, kindly greet your classmate please," kalmado pa ito noong umpisa. Ang mga linya sa kaniyang noo'y pawang linya pa lamang.

Hanggang sa mag-umpisa na si Sapphire na magpaliwanag, agad na naging gitla iyon. Tumaas agad ang kaniyang iritasyon at isama pa ang tinig nito.

"Bring your stupid reasons and get out!" 

Dinaig pa ng sigaw nito ang naging pagsabog sa panaginip ni Sapphire kani-kanina lang. Her scream is way scarier!

"Pero, Ma'am—" 

"Leave and never disturb my class again with your snores!"

May pagtatakang sumulpot sa mukha ni Sapphire, kinalbit nito si Alexis sa kaniyang tabi para magtanong.

"I don't snore, did you hear me snore?"

Umiling ito, medyo natatawa pa. "Not really. You know, she's just 'mema' most of the time."

"I said, leave!" One more thunderous scream from Mrs. Cayetano.

Oh, just great!

"Your wish is my command, Ma'am," bulong nito sa sarili nang wala na siyang magawa pa dahil mas tumitindi ang mga hiyaw nito. Pinulot niya ang kaniyang mga gamit at walang sabi-sabing umalis ng classroom...

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status