Share

CHAPTER 10: WORST

TUMAYO SI SAPPHIRE  sa gilid ng hallway katapat lamang ng classroom nilang sarado na ang makapal nitong pinto. Hindi niya maiwasang mapa-irap habang ginagaya ang mga sigaw ni Mrs. Cayetano sa kaniya kanina.

"Does she think I'm scared of this punishment? Tsss, it's a music to my ears, Mrs! It's my kind of heaven," matalim niyang inirapan ang kawalan. 

Nang mapansin niya ang ilang juniors na pinanood siya sa labas ay maski sila inirapan na rin niya nang ubod talim. Afraid of what Sapphire might do next, they immediately turned their head away from her and walked faster.

"Ang galing din ng dragonang iyon, e! Siguro kaya nasira ang panaginip ko't naging bangungot ay nag-cast na naman siya ng spell sa akin," bulong-bulong niya sa gilid.

Sa loob ng kaniyang bag ay kinuha ni Sapphire ang kaniyang cellphone at earphones, she's not a music lover but in times like this music entertains her somehow. Isinaksak nito sa kaniyang tainga ang mga iyon at hindi na siya nagtagal pa sa player, she just played whatever is available in there.

Just when she heard a random song playing, initsa na niya ang kaniyang bag sa kaniyang likod at tiniklop na niya ang makinis niyang tuhod, inilatag ang maninipis na braso sa ere. 

"Great! Ilang oras kaya ang pag-squat ko ngayon?"

Noong huli kasi ay halos isang oras siyang naririto na parang tanga, pangiti-ngiti sa mga nagdaraanang kakilala niya. She almost had her knees injured because of this punishment, ang sabi ni Mrs. Cayetano ay para raw magtanda siya subalit sa nangyayari ay ito lang 'ata ang tumatanda.

Sapphire is a hard-headed student, she's not listening to anybody, teacher man iyan, guidance councilor o maski na kay Sean na kaniyang kuya. She's stubborn and everyone knows that, but what's wrong if they would expect that one day she'll finally learn her lesson and change for the better?

Pumikit pa siya para mas dam'hin ang kanta o para rin isiping wala siyang pakialam sa mga nagdaraanang pinanonood siya nang may kahihiyan sa kanilang mga mata. Sa 'di kalayuan ay natanaw pa niya si Aurora, classmate ni Sean. Huli ni Sapphire ang pag-iling nito nang matanaw niya ang kaibigan ng kuya niya, for sure magsusumbong na naman ito kay Sean mamaya.

She's trying to divert her freaking attention on the music that is currently playing when she felt something at her back, may nangahas na lumapit sa kaniya? Marahil ay para maki-usyoso sa nangyari. 

Damn gossipers!

Handa na siyang paulanan ng mura ang pangahas ngunit napadilat siya hindi dahil sa inis na nararamdaman kun'di sa pamilyar na pabangong bigla niyang nalanghap. Gone the irritation now, the bad vibes and the disappointment. Feels like a magic, but yeah, she's floating again and flying among the white clouds that is in heart shapes.

Umayos agad siya sa pagkaka-tayo, tumindig siya ng matuwid at mabilis na nag-ayos ng sarili. Tinanggal niya rin ang earphones sa kabila niyang tainga para sa maayos na paraan harapin ang kaniyang prince charming.

Mabilis na na-porma ang maluwang na ngiti sa labi ni Sapphire nang hindi siya magkamali, her nose didn't fail her, it's Sir. Will!

Damn that perfume! Its very manly scent isn't just getting to her nose but to her whole system, mostly in her circulatory system. In just seconds her heart goes wild and thumps as if it's perfectly malfunctioning. Apektadong malala ang kaniyang puso!

Just few centimeters away from her, he's with his navy blue teacher's uniform that truly fits his darn oozing body. Ang makikisig nitong mga braso'y abala sa pagsusulat ng kung ano, para bang may mga infos siyang kinokopya mula sa bulletin board sa tapat lamang ng dalaga.

Para magpapansin ay pekeng umubo si Sapphire, mas lumapit siya sa binata para mag-usyoso sa pinagkaabalahan nito.

"Good morning, Sir Will!" 

Will you be mine? Natatawa siya sa sarili sa tuwing dinudugtungan niya nang ganun ang magandang pangalan ng binata, para bang isang yes lang nito ay muling magaganap ang big bang.

Abot tainga ang ngiti niya habang pinagmamasdan niya si Will, gaya ng madalas ay napanis lang din naman iyon dahil wala pa ring pakialam sa kaniya ang binata.

His handsome face is as dark as the storm, his eyes were sharp that it might cut anything just by staring at it. Masyado itong seryoso na para bang matter of life and death ang naka-salalay sa ginagawa niya. Mas lalo lang tuloy na-curious si Sapphire.

"Ano po ba ang ginagawa niyo riyan, Sir. WILL. you. be . mine?" medyo pabulong ang tatlong mga huling salita subalit batid niyang narinig ito ni Will dahil bahagya itong huminto sa pagsusulat, gumuhit ang ngisi sa mapulang labi ni Sapphire. Sinubukan niyang lumapit pa para silipin ang notebook ng binata, but this man is as tall as a bamboo. She can't even see any letter, or maybe he's really keeping it away. Love letter ba iyon? Pa-showbiz pa, e!

He stops a bit when he noticed her getting closer and closer. "I am writing, can't you see?" seryoso ang pagkakasabi niya no'n kahit pa medyo pabalang ang naging sagot nito.

"What is that for, then, Sir?" Nakatitig lang siya rito nang malagkit habang naghihintay ng sagot. Kahit araw-araw, gabi-gabi o maya't maya pa niyang titigan ang mukha ni Sir Will ay never siyang magsasawa. It was like a beautiful scenery no one could resist. But Sapphire wants this scenery to be exclusively hers, no one should appreciate it more than she does. Sounds greedy but it's her will!

Paano ba naman, sadyang kay hirap kalimutan ng magaganda nitong mga matang kulay abuhin. Sa tuwing nakikita na iyon ni Sapphire ay tila siya nawawala na sa katinuan, she's getting wilder and uncontrollable most of the time. Hindi man siya nito gustong pagmasdan ay langit na para sa dalaga na minsa'y naliligaw sa kaniya ang maiilap nitong mga mata.

Ang makakapal nitong mga kilay na parang sinadyang ayusin para mas mabigyan ng highlight ang kaniyang mga mata. His narrow nose na ka-hawig sa ilong ng mga banyaga and his very kissable red lips na ka-shape ang arrow ni Cupid. Damn it! He's so perfect.

Hindi nakakapagtaka kung bakit ang daming kaagaw ni Sapphire sa binata sa loob ng school. Bukod sa mala-living knight-in-shining armor ang datingan nito ay hindi lang siya basta guwapo, he's also intelligent and achiever at his young age.

He graduated with flying colors mismo sa kanilang University at the age of 20 napag-aral nito ang sarili sa pamamagitan ng pag-ppart time job, 2 works actually at the same time. Isa bago ang klase nito at isa pa ulit after ng school. Can you imagine how determinated he has been for his dreams?

Musmos lamang ito nang pumanaw ang kaniyang ina dahil sa panganganak sa binata, lumaki si Will with only his father by his side. But at the age of five, something happened with his father that leads the young Will to the coldness of pavement. Isang madre ang naka-pulot sa kaniya at nagpasya itong i-uwi si Will sa ampunan sa probinsiya ng Nueva Ecija. Doon ito namuhay sa sunod pang mga taon, lumaki at nagka-isip.

Dahil sa katalinuhan nito at tiyaga sa pag-aaral ay nakakuha siya ng scholarship pagkarating ng college. Lumuwas siya ng Manila para i-pursue ang kaniyang pag-aaral with the help of the nuns from the orphanage.

During college days ay bumuo siya ng advocacy para sa mga homeless children na hanggang ngayo'y nagpapatuloy, napapakinabangan at mas lumalawak pa. 

Bakit ito alam lahat ni Sapphire? Hindi na kataka-taka. She hires her private investigator to do the research and based from that informations she knows he's best.

Hindi lang guwapo at matalino si Will, he has a big heart too especially for those needy. Kaya't hindi maintindihan ni Sapphire kung bakit ayaw siyang papasukin nito sa puso niya ngayong kasya naman ang dalaga sa laki no'n.

"Do you need help with that, Sir?" 

He doesn't want to talk again? Like usual! Well, the girl is dying to talk to him so bad. So bear with her questions!

Kalaunan ay huminto rin ito sa kaniyang pagsusulat, sabay binalingan si Sapphire gamit ang mga matang puno ng pagkamuhi.

If this is the first time, she'll feel bad about it. E, kaso palagi namang masama ang timpla ng supladong ito sa tuwing kinukulit siya ni Sapphire. So, why spoiling the moment, right?

"I can do this without your help, Miss. If there's someone who needs help here..." Pinasadahan nito ng tingin ang buong katawan ng dalaga at bakas sa kaniyang mga mata ang kulay ng disappointment. "I think it's you." 

"Oh, really? Well, as far as I know, I still can manage my task here. Pero kapag hindi na, tutulungan mo ba ako?"

"Task?" The other side of his mouth rose, now he looked annoyingly amused. "You called it task kaya mo inaaraw-araw? Disgusting. You better help yourself, Miss. Give yourself some respect." 

Tinalikuran na rin siya nito agad, sa mukha niya'y naroon ang nagbabagang iritasyon na obviously si Sapphire na naman ang may gawa. He then walked away faster than normal.

"My name is Sapphire Jean Aralez, Sir!" pahabol niya sa palayong si Will. Hindi pa rin nadadala at heto dina-dagdagan pa ang iritasyon ng guro. "Don't forget that and please stop calling me 'Miss'. Baka isipin ng iba na hindi tayo magkakilala, e. Iyon lang, take care!" 

Mahinang humagikgik si Sapphire, kinikilig siyang bumalik sa pagkaka-squat subalit ang mga mata niya'y nanonood pa rin kay Will na ngayon ay may kausap na mga guro sa hallway. Tumaas ng kaunti ang kilay niya nang mahuli niya si Will na nakiki-pagngitian sa mga kausap.

Damn this suplado! Hindi ma-iwasang mapa-isip ni Sapphire kung ano ba sa mundong ito ang nagawa niya't sobrang suplado ni Will pagkarating sa kaniya. Sa mga kaklase naman niya at maski na kina Trisha ay nakikipag-usap ito nang maayos, he can even show them his enchanting smile and laugh at their corny jokes. 

Pero si Sapphire, she can get nothing but frown, disappointed stairs and all the negative things he could make her feel. Napapa-isip ang dalaga kung paraan lamang ito ng binata para mas mapansin siya ni Sapphire, pa-hard to get kumbaga? Maybe he's just doing this to test her feelings, kung gaano ito katatag at katotoo.

Ibinalik niyang muli ang earphone sa kabila niyang tainga habang patuloy pa ring pinapanood ang binata sa malayong hallway.

"Paano ba patitigilin ang pagbuhos ng bagyo kung ang gusto mo lang ay ambon?"

She doesn't have any idea what's really running from the back of his mind. Pero kahit ano pa ang sabihin at gawin nito, he's already responsible of her feelings the moment he stole her heart that afternoon.

Hindi maaaring tumigil ang bagyo kahit pa ambon lang ang gusto mo, Will...

   *            *          *             *

"WHAT THE FUCK did you do again this time, Sapphire?!" 

Pagkatapos ng ilang mga pangaral ni Trisha ay heto naman si Sean, bubungad dala ang kaniyang iritasyon at halos sirain na ang lamesa sa lakas nang pagkaka-suntok niya roon.

Nakakapaso ang iritasyon sa kaniyang mukha, nobody dares to calm him down but the girl next to him. New girlfriend? Pabalik-balik nitong hinaplos ang likod ni Sean bilang pagpapakalma dito, hindi maiwasang magtikwas ng kilay ni Sapphire habang pinanonood ang babaeng kasama ng kaniyang kapatid.

"Would you please tone down your voice, Sean?" Inilibot niya ang mga mata sa paligid at nakitang halos lahat ng mata sa canteen ay nasa kanilang magkapatid or probably kay Sean lang since ito naman ang halos manira na ng lamesa. They're causing a scene now and this is getting annoying. "Nilakad ninyo ang mahabang distansiya from college building until here just to scold me like that?"

"Stop acting like you care about the stupid distance, Sapphire! What I was asking you here is why on earth you've been punished again? Ano na naman ngayon, huh?"

"Alright, iyon lang pala. Calm down and stop shouting, you're getting annoying, Sean... Nakatulog ako sa klase ni Mrs. Cayetano," pag-amin niya. Ihinahanda na niya ang kaniyang tainga sa susunod pa nitong mga sigaw, bakas na mukha ni Sean ang mas tumitindi pang disappointment para kay Sapphire. "I'm tired because I practiced last night para sa practical namin mamaya sa major subject. Late akong nakatulog."

Mariin nitong pinasayaw ang mahahabang mga daliri niya sa kaniyang sentido, malalalim ang sunod nitong naging pagtikhim.

"Is it bad if I just wanna be good at our practicals later?"

"Ilang beses ko na bang narinig ang excuse na 'yan, Sappy? Kailan kaba talaga titino, huh?" humina ang boses nito pero mas ramdam naman ang kaniyang galit ngayon. "Kailan kaba hihinto sa pagiging immature mo?"

"Ano ba ang problema mo, Sean, ha? Sina Mom at Dad, hindi ako pinapahiya o kinukwestyon nang ganito tapos ikaw-"

"Because they were tired of all your shits!"

Natigil sa pagsagot si Sapphire nang muli ay biglang hampasin ni Sean ang table sa harapan nila.

"Sean, relax. You're too hot," awat ni Alexis dito. Sinemplehan niya ang pagngiti subalit may pag-aalinlangan din sa pakikialam nito. "You're already taking tita Gabby's position. Stop stressing yourself over Sappy, tatanda ka kaagad niyan."

Kapagkuwan ay binalingan naman nito si Alexis, isa-isa niyang pinadaanan ng sulyap ang mga kaibigan ni Sapphire na naroon sa table.

"Stop spoiling her. She will never learn her lessons if you keep on supporting her with her bullshits. Worst, hindi siya makaka-graduate dahil sa countless offenses niya." 

Kalaunan ay nag-walk out din ito matapos magpaanod sa panghihila ng kaniyang bagong girlfriend. Sandali pang natutulala si Sapphire sa ginawang panunugod ni Sean, he really walked the long distance just to nag like that? Goodness!

Sean has all the reasons to act like that, he's Sapphire's brother in the first place and he's one of the thousand people who knows what kind of student his sister is. Hindi lang pagtulog sa klase ang kaya nitong gawin, maski mag-cutting classes, makipag-away at iba pang mas malala sa mga iyon.

Totoo naman din ang sinabi nito kanina, their parents stopped from scolding her because they were too tired of telling what she should do as a lady and what she shouldn't do. Simula yata nang pumasok ito sa paaralan ay palagi na lamang silang nag-ssign sa logbook ng disciplinary office. Kung minsan sa kahihiyan ay kinakausap na lamang nila ang school through telephone o ipinadadala ang secretary ng kanilang Daddy para ito ang umayos sa gulo ng anak.

"I think your brother's right, Sappy. You should change kahit lamang ngayong graduating tayo, para rin iyon sa'yo," puno ng pag-aalala ang tinig ni Trisha habang itinutuloy ang litaniya ni Sean kaninang breaktime. 

Binuksan nito ang faucet para maghugas ng kamay ngunit nananatili parin ang mapupungay niyang mga mata sa salamin kung nasaan ang reflection ni Sapphire na pinagdidiskitahan ang ninakaw niyang lollipop sa canteen kanina. 

"Nangunguna na naman ang tally ng pangalan mo sa logbook ng disciplinary office at kapag napuno na sa'yo si Mrs. Cayetano ay baka talagang tanggalin kana niya sa klase niya? You should not wait for that day to come, Sap," wika ni Trisha.

"That will never gonna happen, Trish. Don't be so nega!" singit ng kalalabas lang mula sa cubicle na si Eren. Naghugas din ito ng kamay sa sink bago mag-ayos ng mukha. "Mrs. Cayetano will be fired first bago niya maalis si Sappy sa klase niya, hear that? She can't do that to Sapphire, takot niya lang kalabanin ang isa sa director ng school."

Listening to their debate, itinapon nalang ni Sapphire ang lollipop na nag-uumpisa nang kumulay sa kaniyang labi. Nagmumog ito sa sink bago maglabas ng make-up mula sa kaniyang bag. Her perfectly done lips is quite pretty already, but she still use some tint to make it appear more kissable.

Sunod naman ay ang kaniyang buhok na nilagyan niya ng dry shampoo bago pinadaanan ng hair brush, she's busy styling her long curly hair while she's listening to her friends freaking debate. They actually sounds like the good conscience and bad conscience to her.

Si Trisha ang good conscience ni Sapphire, ang anghel na may puting pakpak at halo sa kaniyang ulo. She's always there to tell her what she should do to prevent herself from doing wrong things. Ito ang takbuhan ni Sapphire sa mga academics related matters and mostly she's her study buddy, kapag sinasapian siya ng diyosa ng kasipagan para mag-aral.

Kaya lang dahil sa kabaitan nito at pagiging matino, minsan ay nakaka-boring na siyang kasama. Sapphire can't remember her reason why she befriend Trisha in the first place? It was so happened that her mother and Sapphire's mom introduced them to each other, they were in the same school and at same strand, then boom! Friends na sila sa unang mga linggo pa lang ng klase. 

However, Trish never made Sapphire feel like her decision to accept her as their friend is wrong. Dahil bukod sa natutulungan naman siya nito sa ilang mga bagay ay masarap din mag-bake ng cookies ang mommy nito. She actually knows how to do some low fat pastries which is good for them 'cause they don't wanna get fat and be a whale.

While Alexis and Lorie are her bad conscience. Sila iyong anghel na may itim na damit, itim na pakpak at mapupulang sungay but despite that sa kanilang dalawa tunay sumasaya si Sapphire sa tuwing magkakasama sila. They used to support her with all the things she want to do, be it bad or bad. Well, as what people around her used to say, wala naman siyang mabuting nagagawa.

"Stop using your father's power as a license to do all the things you want, Sappy," may pagmamakaawa na sa tinig ni Trisha. Huminto na ito sa kaniyang pag-aayos para lang pangaralan ng seryoso ang kaibigan. "Use your father's power to inspire you to do better things instead. Motivate yourself para mapantayan mo lahat ng narating niya." 

Natigilan ang tatlo sa words of encouragement ni Trisha, natatahimik silang bigla at sa pamumuno ng luka-lokang si Alexis na nag-umpisang palakpakan si Trisha ay sumunod din ang dalawa. 

"That was brilliant, I'm so proud of you."

Disappointed na umirap si Trisha kay Alexis, nagtawanan naman agad ang tatlo.

"Goodness! Epekto 'yan ng kakabasa mo ng mga libro, girl. Nagiging dramatic kana 'rin!"

"If you would only listen to me. Guys, hindi ba ninyo napansin ang iritasyon sa mga mata ni Sean kanina?" si Trisha.

"There you go, Sean is the reason again. Hindi siya nag-aalala kay Sap, kay Sean siya nag-aalala—"

"No, I'm not, Eren!" bahagyang tumaas ang boses ni Trisha, iniwas nito ang kaniyang mga mukha sa tatlo subalit halata naman sa kaniyang repleksyon ang pamumula ng kaniyang pisngi.

"Sus, hindi pa raw. Sana hindi lang ang galit ni Sean ang napansin mo, Trish. Sana pati iyong sexy na babaeng kasama niya, he's with someone already, common! Stop fantasizing about him, girl."

Imbes na depensahan ang sarili mula sa panunukso ni Eren ay sinilip na lamang nito ang silver niyang wristwatch. Minsan pa niyang sinilip ang sarili sa salamin bago ibalita sa tatlo ang natitirang seven minutes para sa paglalakad bago ang bell.

"What?" bayolente ang reaksyon ni Sapphire, nagmadali siyang itago ang lahat ng kaniyang make-up sa bag. "You should've told me earlier, goodness!" 

"Relax, Sappy! Para ka namang hindi aabot niyan, diyaan lang sa ikatlong classroom ang next subject natin," natatawang paalala ni Alexis. "Feeling good student ang bruha."

Umirap lang si Sapphire bago marahas na ibinukas ang pintuan ng restroom. Malalaki ang mga hakbang niya patungo sa classroom ni Sir Will. Yes, si Sir Will ang sunod nitong klase kaya naman bukod sa todo ayos ito kanina ay ayaw niya ring ma-late ngayon.

Nito kasing mga nakaraang araw ay tambak na ang kasalanan niya sa binata. Well, hindi naman niya kasalanan dito directly but the thing is nasisira lalo ang image niya sa mga mata nito dahil sa mga nangyayari at ang malala pa'y nakita na naman siya nitong napalabas at napa-squat kaninang oras ng klase.

Kapag hindi nito naayos ang image niya sa mga mata ng binata sa lalong madaling panahon ay baka tuluyan na siyang ma-turn off kay Sapphire at lumayo pa ng ilang light-years. Hindi niya 'yun kakayanin, ikakamatay niya! 

Pero joke! Hindi naman niya hahayaang mangyari iyon, she'll cross all the rivers in the world just to have his heart. She'll climb every mountain, kahit na Mt Everest pa iyan!

Ilang hakbang nalang patungong classroom ay natatanaw na niya ang binatang naka-tayo sa harapan ng kaniyang mga kaklase, may hawak itong class record at sa tingin nito'y nag-checheck na siya ng attendance.

What the fuck!?

What happened with the remaining seven minutes? Melt down faster than her pace?

"Miss, go inside and find a seat for yourself," seryosong boses nito ang nagpa-hinto sa nararamdamang disappointment ni Sapphire. Sinulyapan niya si Will na nag-rroll call pa rin, pahakbang na siya sa loob nang gulatin siya ng sunod-sunod na bell.

Damnit! She's not late, this guy in front started his class earlier than the correct time. Ano ito? Gusto niya lang i- disappoint si Sapphire?

Sandaling discussion lamang ang nangyari sa loob ng isang oras, kaunting lectures tungkol sa mga rules na dapat sundin sa area, mga Do's and Dont's at kaunteng kwento about sa naging experience niya during his seminar. It's been months now but she still can't relate to whatever he's discussing at the front. The terms, some instructions and other stuffs related to this track makes her go crazy.

Cookery is mostly about cooking and baking, things that she's not interested about. Hindi nga siya halos humahawak ng sandok o kaldero man lang sa kanilang bahay, they have their own chef to do such work but she still take this track for one reason— Sir. Will. 

Call her crazy, obsessed or whatever you wanted but this is what makes her heart happy and nowadays, you should follow your heart in order to find happiness. Sina Trisha, Alexis at Eren, hindi sigurado ang dahilan. Maybe because they didn't find the track burdening o hindi masyadong nakaka-pressure gaya sa academic na aral nalang nang aral ang ginagawa.

Sir. Will dismissed the class after an hour of discussion, nagpa-iwan sa loob sina Sapphire dahil sa nais niyang makausap ang guro at may ibibigay din ito. It's just that Trixie, their acting class president is still talking to him and they were taking too long now. S********p na naman siguro ang babaeng ito!

"Alam kona kung ba't napuyat ang isang 'to?" Napa-snap pa si Eren sa gilid na siyang ikinagising ni Sapphire sa matalim nitong titig sa dalawa sa harap. "Ilang oras mong pinagpraktisan ang paggawa ng sandwich na 'yan?"

Humagalpak pa ito sa tawa habang pinagdidiskitahan ang sandwich na hawak nasa kamay ni Sapphire.

This is actually the real reason why she haven't slept last night. Hindi kasi niya masundan ang pagtimpla sa spread ng sandwich kaya naman naka-ilang videos pa siya sa tutorial sa YouTube para lamang masundan ang steps sa paggawa. Napagsabihan pa nga siya ni Manang Berta dahil lang sa pagkuha niya ng mamahaling mga cheese ng Mommy niya.

"Do we need to feel jealous now?" si Alexis naman ang bumanat ngayon. Humalukipkip ito sa gilid ni Sapphire, "buti pa si Sir. Will na-igagawan mo ng 'super special sandwich' samantalang kami kahit buttered sandwich lang ay hindi mo magawan. Really, Sappy?"

Umirap ang kanina pa naiinip na si Sapphire, madrama niyang nilingon ang kaibigan. "Alex, hindi ba't gano'n ka rin naman kay Hiro noong umamin ka sa kaniyang gusto mo siya?—"

"W-what are you talking about?" Amusement danced over her face, but she's just faking it. "Stop mentioning that idiot here! Ikaw ang topic dito."

"Really? Kung tutuusin nga'y mas grabe ka pa sa akin, imagine ipinag-shopping mo pa talaga? Ibinili ng limited edition na Piaget watch. Big time!" 

Natatawang pinantaasan ni Sapphire ng kilay ang kaibigan, mabilis nitong iniiwas ang kaniyang mukha pagkatapos umirap nang matalim.

"Forget about it, Sappy. Just do your task nang makalabas na rin tayo."

Isang kalabit sa braso mula kay Trisha ay bumaling agad si Sapphire rito, itinuro nito si Sir Will na ngayon ay palabas na ng silid dala ang kaniyang mga gamit.

Nayanig sa pagkaka-taranta ang mundo ni Sapphire, agad siyang tumayo nang matuwid para habulin si Sir Will, she even screamed his name so he'd stop. 

But who is she kidding? The last thing he wants to happen is to talk to her, syempre ay hindi talaga siya nito papansinin. Pa-hard to get din ang isang 'to, e! 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status