Share

Chapter 30

Pagkaalis ng mga anak ko kasama si Alaina, muli kong tinuon ang sarili sa pagkain dahil papasok pa ako ng trabaho.

"Manang," Pagtawag ko. Naka-dalawang beses pa ako ng tawag bago lumabas si Manang Cecil, siguro naglalaba siya ng mga damit sa likod.

“Tawag mo ba ako?” Kita ko ang pag-aalangan ni Manang Cecil, medyo mahina na rin siguro ang pandinig niya.

Tumango ako. "Si Elian po, nakita ninyo?"

Kanina pa kasi ako nandito sa kusina, wala pa akong nakikitang bumababa mula sa kanyang kwarto. Hindi naman sa salas unang pupunta iyon, paniguradong sa kusina. Hindi na ako nagulat na hindi siya banggitin ng mga anak ko, dahil kahit naman hindi nila sabihin ramdam ko sa kinikilos nila na malayo pa rin ang loob nila sa kanya.

"Nagpaalam siya kaninang may aasikasuhin," Tugon ni Manang Cecil.

Napakunot naman ang noo ko. Bakit hindi siya nagsabi man lang sa akin? "Anong oras po siya umalis?"

Mukhang nagtatampo yata ang loko, dahil hindi ko kinausap kagabi. Hindi naman niya ako masisisi, pagod kaya
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status