Share

Chapter 4

"Not yet, but soon."

Ano ang ibig niyang sabihin doon? Na hindi ko pa siya boyfriend ngayon, pero soon? Meaning possible na maging kami?

"Hey, are you okay?"

Napapitlag ako mula sa pagkakaupo. Pagkatapos niyang guluhin ang isipan ko, tapos nanggu-gulat pa. Nag-iisip ako, eh.

Kapag tungkol talaga sa kanya, nag-iisip ako. Gumagana ang utak ko.

"O-Oo." Nautal pa nga. Hanep talaga!

"Parang hindi." Binusisi niya ang mukha ko. Inilayo ko naman ang ulo ko, baka mamaya madumi pala ang mukha ko. Makita pa niya, edi another kahihiyan na naman.

Bakit ganoon? Pagdating sa kanya, nahihiya ako. Dati nga nadadapa pa ako, una mukha. Ayos lang naman, pero ngayon halos katiting na dumi hindi ko kayang ipakita sa kanya.

Normal pa ba 'to? Or normal pa ba ako?

Pagkatapos kasi naming makipagtalo doon sa mga grupo ng lalaki. Saktong end na pala ng shift ko. Hanggang 5pm lang ako, request ko iyon. Dahil hanggang alas singko lang ang mga sasakyan sa paradahan.

Alangan namang sabihin ko sa mga driver na hintayin ako. Ayaw ko ring makisabay kay ate, kahit pa man maghintay ako ng isang oras. 6pm kasi ang out niya sa trabaho. May sarili ng kotse iyon, pero ayaw ko dahil masungit siya.

Isusumbat pa niya iyon sa akin. Huwag na lang ‘di ba? Mabuti ng magsakay, kahit magbayad pa ako ng pamasahe na nakakasama ng loob.

Ang mahal kasi, dahil sa pagmamahal din ng gasolina. 

Aalis na sana ako kanina pagkatapos ng nangyari, kasi nga baka wala na akong masakyan. Pero itong nurse na 'to, gusto raw niyang magkape pa. Wala ba silang kape sa bahay? At nais pang dito magkape?

"What's your order, sir?"

Nangunot naman ang noo niya. "Don't call me sir!" Apila niya.

Ginusto niya 'to. Tapos arte siya ngayon? Attitude rin, eh.

"Nurse ngarud,"

Mas lalong sumama ang mukha niya, pero hindi nakakaturn-off. Hindi pa siya nagtatanggal ng facemask, pero mata pa lang niya palaban na. 

Amber ang kulay. 

Hindi ko maiwasang mapaisip, paano kung mata lang ang maganda sa kanya? Ngek! Huwag naman. Joke lang. Hindi naman ako tumitingin sa mukha, hindi rin naman kasi ako kagandahan.

Sakto lang. So, doon lang din ako sa sakto lang. Para swak kaming dalawa.

"Anong gusto mo?" Umupo muna ako, hindi ko naman na shift. Pero ako na lang mag serve sa kanya.

"Wala bang Kali riyan?"

Nagtaka pa ako noong una. Medyo nag loading ako sa part na iyon! "Wala kaming Kali sa menu, pero..." Nanatili itong nakatingin sa akin. Taimtim siyang naghihintay ng sasabihin ko. "Iyong nagngangalang Kali, nasa harap mo. Mayroon."

Napaiwas siya ng tingin. Hindi naligtas sa akin ang pagpipigil niya ng ngiti, kahit nakatakip pa ang facemask sa bibig niya.

"Can I have you, then?"

Ako naman ang napaiwas ng tingin. Wala akong laban dito, lugi ako. 

Ang smooth, eh!

"Ano ba kasing order mo?" Pag iiba ko nang usapan. Ayaw ko na! Bakit ko pa kasi inumpisahan? Talo rin naman ako.

Hindi ko kayang tagalan ang tingin niya, nalulusaw ako.

"Your best recommendation of coffee, please."

"Sure, wait lang."

Mabilis akong umalis doon, at tinungo ang kusina. Pagpasok ko pa lang, as usual. Nandoon ang mga manok, naghihintay ng balita. Kulang na lang magtukaan sila, sa tagal kong pumasok.

"Sino 'yon, girl?"

Sabi ko na nga ba! Walang pinagbago.

"Share mo naman!" Isa pa 'to eh!

"Iba talaga, ang haba ng hair. Pahingi ng kaunting buhok?"

Buhok sa kili-kili? Gusto mo?

"Anong shampoo mo, girl? Share mo naman, baka habulin din ako."

Kung sabihin ko kayang bareta, gamitin kaya niya? Tapos, tamang downy lang. Bilang pabango.

Nagpeke ako ng tawa. "Wala 'yon, pinagtanggol lang ako kanina." Pagdadahilan ko.

Marami pa silang tinanong, pero sinabi kong sa ibang araw na. Busy ako, kasi may order iyong kasama ko. Ayaw ko naman na pag hintayin siya. 

Halos sabay-sabay pa silang nagreklamo. 

Eh, sa ayaw ko nga! Bakit sila pala-desisyon?

Inilapag ko ang kape na ginawa ko. Walang special sa kape na iyon, milk, sugar at brewed coffee beans lang naman iyon.

"Here's your order, sir."

"Thank you," Sambit niya. Tumango lang ako sa kanya. "Go, tikman mo na." Udyok ko. 

Gusto ko lang kasing makita ang reaksyon niya. Kaya ko siya pinapa-madali.

Bumilis ang tibok ng puso ko, habang dahan-dahan niyang tinatanggal ang facemask niya. Pa-suspense naman 'tong nurse na 'to.

Halos malaglag ang panga ko, sa aking nasilayan. 

Lord, bakit naman ganoon?

Higit pa sa aking inaasahan, iyong hangad kong sakto lang. May pa-sobra pa.

Mabilis kong itinukom ang bibig ko, baka isipin niyang naglalaway ako sa kanya. Kahit sino naman ‘di ba?

Iyong mga manok nga sa gilid, nagsi-tilian, eh! Mabuti na lang at kaunti na ang customer. At, wala dito ang boss namin. Kung hindi, lagot kaming lahat.

Baka wala na kaming balikan na trabaho sa susunod na taon.

Mata pa lang, panlaban na. Akala ko pang facemask lang ang laban, pero hindi. Hakot award 'tong nurse na 'to. Matangos ang ilong, mapula ang labi. Nag-iigting ang panga. Iba, winner na 'to. Hindi na kailangan pa ng judge.

Napalunok ako, nang nilunok niya ang kape na hinigop niya mula sa tasa. Nakita ko kung paano gumalaw ang kanyang Adam's apple.

"I like the taste." Kumento niya. Hindi rin nakaiwas ang mapuputi niyang ngipin, nang ngitian niya ako.

Bakit may magulo siya tiyan ko? Sumabay pa ngayon. Mamaya na kayo pag-uwi ko ng bahay.

"T-Thanks," Sanay naman akong nakakarinig lagi ng papuri sa ibang tao. Pero bakit sa kanya? Parang iba iyong dating. Normal pa ba ako?

Nang minsan kung tanong iyon kay mama. Ang sabi niya normal naman daw akong inilabas ni mama, hindi nga lang daw siya sure kung hanggang ngayon, eh, normal pa rin ako.

"What about you? You don't like coffee?" Nagtataka siguro siya, hindi naman sa hindi ko gusto. Ayaw ko lang magkape ngayon. Pagod kasi ako, gusto ko pag uwi ko pahinga agad ako. Kapag uminom kasi ako ng kape, baka hindi kaagad ako makatulog. 

Mahirap iyong idea na mahirapan akong matulog lalo na’t may trabaho kinabukasan. 

"Hindi ko lang trip uminom ngayon." Pagdadahilan ko.

"I see... what do you call this coffee?" Pagtukoy niya sa kape na ginawa ko.

Wala naman kasi talaga akong tawag sa kape na 'yon, wala kasi sa menu. Pero kanina habang ginagawa ko, nakaisip ako ng itatawag.

"Wala siya sa menu, pero may naisip ako kanina." Share ko sa kanya.

Umayos siya ng upo. "What is it?" Kita ko ang pagkawili sa mata niya. Para bang gusto niya ang conversation na nangyayari sa amin.

Hindi ba siya pagod? Kasi galing siyang duty, halata naman. Naka-polo pa siya ng puti, na tingin ko iyon ang sinuot niya galing vaccination site kanina. 

Ang linis niyang tignan, bagay sa kanya ang puti. 

Gusto kong itanong ‘yon, pero nahihiya ako. Hay! Bahala na nga! "Hindi ka ba pagod?"

"Is that your way of showing that you are concern to me?" Nanunudyo niya akong tinignan. Napa-simangot naman ako. "Nagtatanong lang, masama na ba?" Balik ko naman. 

"Of course not!" Mabilis niyang sagot. "Kanina pagod ako, pero nang makita kita at isang higop lang ng kape na ginawa mo naibsan ang pagod ko."

Hanu raw?!

Mas lalong gumulo ‘yong nasa loob ng tiyan ko. Bakit ngayon pa?

"Waaaaaaaaaah!"

"Sana all!"

"Iba ka talaga, Kali! Nag-iisa ka!"

Nagsi-putak na naman ang mga manok, dinig pa nila iyon, ha! Grabe kaya ang pagpipigil ko, tapos nag ingay sila. Hanep! Ang ganda ng ambag nila.

Umiwas ako ng tingin dahil sa kahihiyan. Sigurado akong namumula ang mukha ko ngayon. Baka isa na akong kamatis, na pwedeng ibenta sa palengke.

Ang tanong nga lang, kung may bibili ba?

"S-Sorry, pangit ba pagkakasabi ko? Corny ba?" Tila nataranta naman niyang sabi, kulang na lang mapatayo siya sa kanyang pwesto. 

Umiling ako. "H-Hindi, hindi! Ayos lang, maganda nga!" Pagpapalakas ko ng loob niya. Ayaw ko pa naman ng idea na panghinaan siya ng loob. 

Nginitian ko siya. "KaFi."

Mukhang naguluhan siya sa sinabi ko. Nakakunot ang noo niya. "Iyon ang naisip tawag ko sa kape na ginawa ko para sa iyo."

Hindi pa rin natanggal ang pagtataka sa mukha niya. "Ka, for Kali. Fi, is for Coffee pero ginawa kong I 'yong letter E."

"Hmm..." Parang tinatantya niya, kung bakit ko iyon naisip.

"Alam mo kung bakit special iyon sa akin? Kahit sugar, milk and brewed coffee beans lang ang laman?"

"Why?"

Diretso ko siyang tinignan sa mata, ngumiti ako. Deserve niya 'yon. "Kasi ikaw ang uminom... at sa iyo ko lamang ginawa, dahil ikaw lang ang tanging gusto kong ma-KaFi-ling, sa aking buhay." Pagdiin ko sa salitang KaFi.

Siya naman ang namula, at napaiwas ng tingin. Pero hindi ko maiwasang mapangiti, nang makita kong umukit ang ngiti sa kanyang labi.

Totoo nga ang sabi niya kanina. Kung para sa kanya nawala ang pagod niya nang dahil sa kape. Sa akin naman, iyong ngiti lang niya. Sapat na! Nakakawala ng pagod. Hindi nakakasawang tignan. Masarap sa mata.

Iyon ang klase ng ngiti na kahit sino hihilingin na masiyalan tuwing gigising sila sa umaga. 

To Be Continued…

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status