Lumipas ang dalawang araw, tapos na ang oras ng aking pagpapahinga. Iyon kasi ang sabi ng boss namin, kapag nagpa-vaccine ka. Automatic na dalawang araw kang naka-off.
Sobrang bilis nga ng araw, mas mabuting pumasok na lang sana ako. Wala naman akong ginawa, kung hindi inutusan lang ni mama. Wala naman kasi akong nararamdaman na sakit, kahit sila mama at ate ay wala. Sadyang depende yata talaga sa tao 'yan. Kung alaga niya ang kanyang katawan.
Kahit papaano naman ay may isang bagay na para sa akin sobrang nakakaganda ng bawat gising ko.
Kausap ko ng dalawang araw si Nurse Wyatt. Hindi ko siya nakakausap ng umaga hanggang hapon, tuwing gabi lang. Dahil nga naka-duty siya sa Vaccination Site, pero nakakatanggap naman ako ng mensahe sa kanya bago siya pumunta ng site. Ganoon din kapag break time nila at syempre kapag nakauwi na siya. Kapag pumatak ang oras na iyon, diretso na kaming magkausap.
Humingi ulit ako ng tawad doon sa nangyari. Sobrang ikinalaki ng mata ko nang mabasa ko ang kanyang sinagot sa akin.
Kahit naman wala pa akong naging jowa, alam ko ang ibig niyang sabihin. Paano ako nabuo kung hindi ko alam, ‘di ba?
From: Nurse Wyatt
Ginalit mo ang alaga ko, panagutan mo 'yon.
Parang nagsisi akong humingi ako ng tawad. Hinayaan ko na lang sana.
Hindi ako nakasagot sa reply niya. Sinadya ko 'yon dahil hindi ko alam ang sasabihin ko, pero nang tumagal binawi rin naman niya sa akin.
"Mama," Pagtawag ko.
"Ma..." Sigaw ko. Nakailang tawag na ako, wala pa ring sumasagot.
"Ano ba iyon?" Bumukas ang pinto at inuluwa noon ang nanay ko. Halata sa mukha niya ang pagkainis. "Bakit ba?" Muli niyang dagdag.
"Papaalam lang ako, mama." Tugon ko. "Saan ka ba galing, ma?" Pag usisa ko. Baka kasi importante ang ginagawa niya, kaya siya naiinis sa akin ngayon.
"May kausap ako sa labas." Napa-iling na lang ako. Akala ko naman importante. Nakiki-marites na naman 'to si mama, eh. "Mali ka ng iniisip. Importanteng pag-uusap iyon, hindi ako marites!"
Luh? Wala naman akong sinabi sa kanya.
"Sige na... alis na!" Pagtaboy niya sa akin. Inip na inip makipag tsismisan? "Opo na... kiss ko muna." Ngumuso ako, hinalikan naman ako ni mama.
Pini-pingot ako niyan ni mama minsan, kasi noon lagi, eh. Pero kahit ganoon siya, sweet pa rin naman.
Nang maging regular kasi si ate sa trabaho niya, pinili niyang huwag na lang magtrabaho si mama. Dito na lang siya sa bahay, kaya kapag hinahanap ko siya minsan wala siya bahay. Ang eksena niya, laging nasa kumare para naman daw may makausap siya at hindi siya maboryo sa bahay.
Simula kasi ng sumakabilang bahay ang tatay ko ayon sa kwento ni mama, kaming tatlo na lang. Masaya naman ang buhay, nakapagtapos naman ako ng pag aaral dahil sa tulong ni mama. Iyon naman daw ang kanyang pangarap para sa amin ni ate.
Ang maitaguyod niya kaming dalawa, kahit mag-isa lang siya.
Nakakatuwa sa pakiramdam na makitang matupad ang pangarap na iyon ni mama. Iyon ang naging dahilan ko noon para pagbutihan sa pag aaral. Kaya naman kung makaluwag luwag ako sa trabaho, ang gusto ko rin naman ay ang makatulong ako sa kanya.
Hindi na ako pabigat, kasi mabibili ko na ang mga gusto ko nang hindi hinihingi ang pera sa kanya.
"Good morning, ma'am." Bati ko sa manager namin. Nakatayo pa lang siya sa may counter table. Kaka-open pa lang kasi namin. Wala pang mga customers.
Minsan lang pumunta ang boss namin dito kung may mga importante lang siyang sasabihin na ayaw niyang ipaabot lang sa tawag o sa manager namin. At kung nandito man siya, hindi mo naman siya makikita sa counter table o nagbibigay ng order sa mga customers. Doon lamang siya sa kanyang opisina.
Hindi tulad ng ibang boss, na kapag marami ang tao. Makikita mong tutulong na sa mga staffs niya.
"Good morning." Ngumiti siya sa akin. Mabuti na lang at mabait 'tong manager namin, siya lang lagi kong nakakausap. Iyong iba, hindi ko nakakasundo. Ang kapal kasi ang tapal ng kanilang mukha. Gusto ko mga natural lang.
Iyon bang, ‘Pangit man sa inyong paningin, mapagkakatiwalaan naman.’ Hindi iyong, 'Maganda nga sa inyong paningin, mapanlinlang at traydor naman.’
Kapag kasi ganoon, panigurado na marami ring tinatago. Marami silang tinatakpan. Minsan nga, ikaw pa ang babaliktarin nila.
"Good morning, ma'am. Welcome to Fogi Tea!" Fo for Food and Gi for Pogi. Pogi raw kasi ang boss namin, kaya iyon ang pangalan ng kanyang Milk Tea Shop. Hindi naman ako aangal doon, kasi wala namang duda 'yon.
Ngumiti ako, kahit hindi kita. Inimuwestra ko sa kanila ang upuan, sa may sofa na lang ang bakante. Hindi ko rin alam ang oras, ang daming mga tao. Hindi namin magawa na mag breaktime. Wala pa akong tanghalian.
Marami nga kaming naka-duty ngayon dahil katatapos lang ng pasko, panigurado raw na maraming pera ang mga tao.
Totoo naman, sa dami ba naman ng tao. Kahit marami na kami, pakiramdam ko kulang pa rin.
Inabot ko sa kanila ang menu. "Here's our menu, ma'am."
Hawak ko naman ang sticky notes. Habang hinihintay kong sabihin nila ang kanilang order. "1 large, Okinawa." Nilista ko naman iyon kaagad. "Hmm... 2 Fruit Tea, Lychee and 1 nachos overload."
"Anything else, ma'am?"
"1 clubhouse sandwich." Dagdag ng isa nilang kasama.
"Repeat ko lang po orders ninyo." Wika ko. "1 large, Okinawa. 2 Fruit Tea, Lychee. 1 nachos overload and 1 clubhouse sandwich."
Tumango naman sila akin bilang pagsang-ayon na tama ang sinabi ko. "Thank you, ma'am. We'll bring it here, once it's ready to serve."
Tinungo ko ang counter table. Inabot ko sa isang ka-trabaho ko ang sticky note paglapit ko. Siya na ang bahala na gumawa noon, habang ako naman maghihintay lang ng orders para ihahatid ko na lang sa pwesto ng may ari noon.
Sa paghihintay ko, hindi ko man lang namalayan na tumunog na pala ang tiyan ko. Kaya napahawak ako roon. Nang mag angat ako nang tingin, nakatingin na pala sa akin iyong manager namin.
Nakakahiya. Narinig pa niya!
Hindi ko naman kasi napigilan, talagang gutom na ako.
"You can have your break time, para maka-kain ka na ng lunch mo."
Umiling ako. Nakakahiya kaya. "Hindi na po, ma'am. Ayos lang." Tanggi ko. Ngumiti ako para maniwala siya. Tsaka nakatingin iyong iba kong ka-trabaho, baka isipin nila na s********p ako.
Milk tea lang naman s********p ko, eh.
"It's okay, medyo kaunti na rin naman ang tao." Pilit pa ni ma’am. Pero kabaliktaran naman noon dahil marami pa rin kasing dumadating. "Just go. Ako muna bahala sa part mo."
Kahit man nagdadalawang isip akong tanggapin iyon. Tinanggap ko pa rin. Wala na akong inaksaya na oras. Gutom na talaga ako. Nagpasalamat ako, bago ko tinungo ang likod para makakain na.
Ang ulam namin ay tinola. Iyon ang niluto ng isang ka-trabaho namin. Ganoon kasi rito, hindi mo na isipin pa ang kinakain mo ng tanghalian. Dahil kasama na iyon, once na nagtatrabaho ka rito sa Fogi Tea Shop. Isa iyon sa dahilan kung bakit marami ang gustong makapasok dito.
Noong nagbawas nga dahil maraming nagpositive at kailangang magbawas ng tauhan ang shop. Dahil bawal ang lumabas, bawal din kasi ang crowded na lugar. Kaya halos, orders online lang ang ini-entertain nila.
Aaminin kong nawalan ako ng pag-asa na baka hindi na ako muling makabalik. Well, marami namang mga shop pa na pupuwede akong mag-apply. Iyon nga lang, hindi ganito ka-galante ang kanilang offer. Kaya sobrang saya ko nang matawagan ako nang panahong iyon.
Pagkatapos kong kumain, chineck ko muna ang cellphone ko. Baka kasi may mag message sa akin, at hindi naman ako nagkamali dahil may sampung mensahe roon.
Alas kwatro na rin pala ng hapon. Grabe, pinagsamang lunch at meryenda. Tipid! Pero hindi magandang sanayin.
Nanggaling lang naman sa isang tao. Sana all maraming load. Ako kasi, unli lang. Kuripot ako, magastos lang ako kapag galing sa iba o bigay ng iba ang pera. Pero iyong pinaghirapan ko, hirap akong igastos.
Mahirap pakawalan, lalo na kapag alam mong pinaghirapan mo.
From: Nurse Wyatt
Are you busy?
I guess you're already at work.
Btw, where do you work?
Can I visit you there?
Hindi na ako magugulat kong saan niya nalaman, halos nga kunin lahat ng information para sa vaccine. Kaya paniguradong doon niya iyon nakuha sa form kung saan nag fill-up ako.
To: Nurse Wyatt
Yes, daming tao.
Bakit ka pupunta rito? Wala ka bang duty?
Bumalik na ako sa trabaho, dahil ayokong puputak na naman ang mga manok. At baka, gawin ko ulit silang adobo mamayang gabi.
Kaka-tinola pa nga lang sa kanila, tapos puputak na naman.
"Ma'am, ako na po." Naabutan ko kasi si manager na may dalang tray. Kaya kinuha ko na, dahil tapos naman na ako. "Thank you po."
"You are always welcome, Kali!" Nakangiting aniya. Kita ko iyon sa kanyang mata. "Doon na lang sa group ng lalaki, iyong malapit sa couch."
Tinungo ko ang pwesto ng mga lalaki. Inilapag ko ang order nila, pero ng mapatingin ako sa kanila. Lahat sila nakatitig sa akin, pero hindi sa mukha ko.
Tang*na! Sa dibdib ko sila nakatingin, para namang mayroon, eh? Pero, mga bastos pa rin sila. Wala silang respeto, wala nga ako noon!
Pinapamukha ba nila?
Binilisan ko ang paglalagay ng order nila. "Enjoy your order." Walang gana kong sabi.
"Why don't you join us?" Wika ng isa. Mabilis akong umiling. "No. Thank you, sir."
Nagsimula naman na umingay ang mga kasama niya. "Bro, rejected!" Humalakhak pa iyong nagsabi.
"Shut up!" Halata sa boses niya ang pagka-irita. Bakit kasi ako pa? Edi nganga siya! "I'll pay your shift today... just join us." Tila ba nangi-hipnotismo ang mata niya.
Marangal ang trabaho ko. Maganda man ang intensyon niya o hindi, hindi pa rin ako bayarang babae. "No, sir!" Matigas kong sabi.
"Excuse me po."
Tumalikod na ako, pero natigilan ako dahil hinawakan niya ang palapulsuhan ko. Kaya naman napatingin ako roon. Medyo nasa dulo itong pwesto nila, pansin ko rin na halos mga walang tao sa gilid nila.
Wrong timing.
Ayaw ko ng eksena rito!
Mahigpit ang pagkakahawak niya. Sh*t naman! Tuwing sinusubukan kong alisin, mas humi-higpit. "Sir!" Mariin kong bigkas. Matalim na ang tingin ko sa kanya. Wala na akong pake kung customer pa siya! "Kamay ko po, bitawan ninyo!"
"What?" Nakangising aniya. "Isn't your job to entertain customers?"
Nginisihan ko rin siya, hindi ako papatalo. Lalaki lang 'to! At anong alam niya, hindi ko alam ang pagkakaiba ng tinutukoy niya?
"In my job, I do entertain customers when getting their orders. But, the way you act. I guess it's a different form of entertainment. This is a Milk Tea Shop, sir. Not a bar!"
"Boom!"
"Sapul!"
"Wala ka pala, eh, tiklop ka bro!"
"Will you all f*cking shut up! You're not helping!" Sigaw niya sa mga kaibigan niya. Halata sa boses niya ang pagka-irita. Mukhang hindi siya sanay na hinihindian ng mga babae.
"You misinterpret my point, miss." Kalmado niyang wika. "I just want you to entertain me, meaning... talk." Paliwanag niya. Nilinis lang naman niya ang sarili niya, eh. Pero iyon pa rin ang kanyang punto. "I'm not like what you were thinking." Dagdag pa niya.
Weh?
"Wooh! Cleaning time."
"W-What? Is that for real?"
Tinignan niya ng masama ang mga kaibigan niya. Mabilis naman nilang tinikom ang kanilang bibig.
Kaibigan niya ba talaga? Parang hindi naman. Kung ilaglag kasi siya, wagas!
"Sorry po, pero wala akong oras. Nasa trabaho po ako."
Kahit naman wala ako sa trabaho, wala akong oras sa kanya. Hindi ko gugustuhin na sumama, sa lalaking sa umpisa naman hindi ko kilala.
"Maybe, after work?"
Umiling pa rin ako. Hindi ako pakipot, ayaw ko lang talaga.
"Excuse me, sir. I still have work to do." Paalam ko. Kaso mariin akong napapikit nang hinawakan niya muli ang braso ko. Naiinis na ako! Siguraduhin niya lang na walang germs ang kamay niya. Baka tuluyan ko siyang gawing germs!
"May kulang pa po ba sa order ninyo?" Madiin ang bawat bigkas ko ng salita. Nagtitimpi na lang talaga ako, mabuti at kaunti na ang tao. Hindi na tulad kaninang umaga.
"P-Please..." Tama ba ang pagkakarinig ko? Ang yabang neto kanina, tapos ngayon nagpi-please.
Wtf! Totoo ngang may himala.
"Sir, hindi po—."
Pinutol niya ang dapat sasabihin ko. "But, we'll just ta—."
"You heard her once, saying no. Why ask her again?"
Bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang boses na iyon. Hindi ko pa man nakikita, alam ko na kung sino siya. Lagi ba naman kaming nag uusap ‘di ba? Malabo na hindi ko matandaan ang boses niya.
Lalaking lalaki ang boses niya.
"Why do you fucking interfere?" Galit naman na wika ng kaharap kong lalaki kay Nurse Wyatt.
"I have the right!" Huh? Kailan pa? Masama kaya iyong sumingit sa usapan.
"Who do you think you are in her life?" Masama na ang tingin niya kay Nurse Wyatt.
Bumaling sa aking ang binata. "Is he your boyfriend?" Mabilis akong umiling. Hindi naman kasi, eh.
Nakangisi naman 'yon na bumaling kay Nurse Wyatt. Tila ba, nararamdaman niya na mananalo siya sa sagutan nilang dalawa. "You're not even his boyfriend... then, why the hell are you he—."
"Not yet." Pagputol ni Nurse Wyatt. Kaya naman lahat kami napatingin sa kanya.
Pinabilis na naman niya ang tibok ng puso ko, nakakailan ka na Nurse Wyatt.
Panindigan mo ako!
Pero mas nayanig ang mundo ko, sa sumunod niyang sinabi.
"But, soon."
To Be Continued…
"Not yet, but soon." Ano ang ibig niyang sabihin doon? Na hindi ko pa siya boyfriend ngayon, pero soon? Meaning possible na maging kami? "Hey, are you okay?" Napapitlag ako mula sa pagkakaupo. Pagkatapos niyang guluhin ang isipan ko, tapos nanggu-gulat pa. Nag-iisip ako, eh. Kapag tungkol talaga sa kanya, nag-iisip ako. Gumagana ang utak ko. "O-Oo." Nautal pa nga. Hanep talaga! "Parang hindi." Binusisi niya ang mukha ko. Inilayo ko naman ang ulo ko, baka mamaya madumi pala ang mukha ko. Makita pa niya, edi another kahihiyan na naman. Bakit ganoon? Pagdating sa kanya, nahihiya ako. Dati nga nadadapa pa ako, una mukha. Ayos lang naman, pero ngayon halos katiting na dumi hindi ko kayang ipakita sa kanya. Normal pa ba 'to? Or normal pa ba ako? Pagkatapos kasi naming makipagtalo doon sa mga grupo ng lalaki. Saktong end na pala ng shift ko. Hanggang 5pm lang ako, request ko iyon. Dahil hanggang alas singko lang ang mga sasakyan sa paradahan. Alangan namang sabihin ko sa mga driver
"Ang corny." Iritado ang pagkakasabi niya noon, pero mas nakaka-irita ang boses niya. Hay, may isang manok na naman na nag comment. Akala ba niya, importante ang opinyon niya? Hindi ko siya pinansin at dumiretso lang ako, para kunin ang gamit ko. Pinaghintay ko na sa baba si Nurse Wyatt. Ayaw ko siya rito, baka malingat lang ako. May manok ng tutuklaw, ako lang dapat. Joke lang! "Famous, girl. Hindi naman maganda!" Inartehan pa talaga niya. Ano bang pinaglalaban ng babae na ‘to? Hindi na ako nakapagpigil, ang dami siyang say, eh! Hindi ko naman hinihingi ang opinyon niya. "Pag inggit, pikit!" Pagpaparinig ko. Kung gawin ko kaya siyang sahog sa pancit, sa tingin ba niya nakakapagsalita pa siya? "Aba't!" Kahit hindi ko siya kita, ramdam ko ang galit sa boses niya. Hindi ko kasalanan na natamaan siya, hindi ko na nga pinansin. Tapos kapag napansin, mag-iinit. Magaling na nilalang! "Don't you dare!" May awtoridad na boses sa likod niya ang may sabi noon. Hindi ko maiwasang n
"May naghahanap sa iyo." Napatingin ako sa kumalabit sa akin. Si manager pala namin. Sa nagdaang dalawang linggo, palagi kaming nag-uusap na. Sobrang gaan talaga ng loob ko sa kanya, na hanggang ngayon hindi ko pa rin matukoy kung bakit. "Sino po, ma'am?" Saglit ko siyang binalingan at binalik ang tingin sa ginagawa ko. "Sabi ko naman sa iyo, huwag ng ma'am, eh. Ate na lang." Nakakalimutan ko kasi minsan. Nakailang sabi siya sa akin niyan, pero hindi pa rin ako sanay. Syempre, isa siya sa boss ko. Tsaka ayaw kong may pumuputak sa mga manok. Masakit sa tainga. Paulit-ulit pa! "Sorry, ate.” Paghingi ko ng tawad. “Sino po?" Pag-uulit ko. Napatingin naman ako sa tinuro niya. Ah, si Nurse Wyatt lang pala. Ngumiti lang ako kay Ate Manager. "Go, you can talk to him." Tinungo ko ang pwesto ni Nurse Wyatt, mabuti na lang wala halos customers. Maga-alas kwatro na kasi ng hapon, tapos na siguro ang duty neto. Kaya nandito na siya. Sa loob ng dalawang linggo. Tuwing darating si Nurse Wyat
"A-Anak..." Sino ba ang tinutukoy niyang anak? Si Miss Manager ba ang anak niya? Kaya ba sobrang laki ng mansyon na 'to, dahil anak si Miss Manager nang isang mayaman na lalaki? Ngayon lang sila magkikita, at sa birthday pa ng anak niya? Surprise kong ganoon. Ang swerte naman pala ni ma'am. Isang napakagandang regalo ang natanggap niya. Ang tunay na regalo na kailanman hindi mapapantayan ng kahit ano. Ang magkaroon ng ama, sa tabi at gagabayan ka hanggang sa pagtanda mo. Gumilid kami nang magsimula itong maglakad papunta sa gawi ni Miss Manager. Pero ang ipinagtataka ko ay nang tumigil siya sa tapat ko. Habang nakatingin pa rin kay Miss Manager na parang nag uusap ang kanilang mata. Tila ba tignan niya lang si Miss Manager, alam na niya ang ibig nitong sabihin. "A-Anak," "P-Po?" Gulat kong wika. Hindi naman anak ang pangalan ko. Mas lalong wala na iyong papa ko. "Anak ko..." Luh? Napano 'to? Hindi ko alam ang gagawin ko, sa itsura pa lang niya mukhang iiyak na. "Sorry po, pe
"Anak din ba ako ni gago, mama?" Nanlaki ang mata niya sa tanong ko. Hindi ko siya masisisi, talagang magugulat siya dahil alam ko na. Iyong matagal na niyang itinatanggi sa akin. Wala pa man confirmation mula sa kanya, pero dama ko na ang katotohanan. Sa reaksyon ba naman na pinakita niya, talagang buking na sila ni Ate Kela. Na mas mapait pa sa ampalaya! "P-Paano mo nasabi 'yan?" Ramdam ko ang kaba sa boses ni mama. Tila gulat pa rin siya, at kita ko sa kanyang mata kung paano niya iniiwasan ang usapin na iyon. "Sabihin mo nga ang totoo, Kali!" Sigaw ni ate. Kaya naman nabaling ang tingin ko sa kanya, litaw din ang galit sa kanyang mata. "Nagkita na ba kayo?!" "Oo!" Taas noo kong sigaw sa kanila. "Nagkita na kami ng gagong tinutukoy mo, mama." Natatawa na wika ko. "Mr. Leonardo Buenavista, anak niya si Lucas Buenavista. Tama, ‘di ba?" Hindi sila sumagot sa akin, pero ramdam ko ang nagbabadyang galit nila. "Uulitin ko mama, anak din ba ako ni Mr. Buenavista? Oo o hindi lan
Tulad ng hiling ko kay papa, pinagbigyan niya ako. Na mamalagi muna ako sa kanya, kahit alam kong makakasama ko si Lucas etse Kuya Lucas sa iisang bubong. Kung saan ginanap ang birthday ni Miss Manager, doon niya ako dinala. Bahay pala iyon ni papa. Kahit hindi na ako magtanong, alam kong kaya dito ginanap ang birthday ni Miss Manager ay dahil malapit sila ni Kuya Lucas, baka nga hindi niya iyon totoong kaarawan at sinet-up lang talaga ang birthday na iyon para malaman ko ang totoo. Well, nagtagumpay naman sila. Ngayon ko rin napagtanto kung bakit mabait sa akin si Miss Manager, dahil malapit sila ni Kuya Lucas. Naalala ko rin noon kung paano niya ako ipagtanggol doon sa isang ka-trabaho ko. Pagkatapos naming mag-usap ni papa, sinabi ko kay Nurse Wyatt na kanila papa muna ako uuwi. Pupuntahan pa sana niya ako, kaso hindi na ako pumayag. Kasi nasa duty siya noon, at para hindi na rin niya ako puntahan doon sa inuupahan kong bahay. Siya kasi lagi ang nagdadala ng pagkain ko sa loob
Nasa harap ng mansyon si Nurse Wyatt. Hinihintay niya akong magbihis, nakatanggap kasi ako ng mensahe sa kanya kanina. Lalabas daw kami, kasi wala siyang duty.Timing lang, dahil wala rin akong shift ngayong araw.Mabilis lang akong natapos, nagsuot lang ako ng black button-down polo na crop top, tsaka mom jeans at nag white shoes ako.Nadatnan ko si papa sa sala, nagbabasa ng dyaryo. "Papa," Tawag ko ng atensyon niya. Mabilis naman siyang tumingin sa akin, at inilapag ang hawak niya na dyaryo. "Aalis po ako," Paalam ko.Tumango siya. "Sure, no problem... but, who's with you?"Akala ko makakaligtas na ako sa tanong na 'to. Hindi pa pala. "Si Nurse Wyatt po." Walang pag aatubili na sabi ko. "Who is he?" Kunot noo na tanong ni papa. Kahit magka salubong ang kanyang kilay, hindi maipagkakaila na talagang maganda ang kanyang lahi.Hindi ba niya matandaan iyong lalaki na sumagot sa kanya ng birthday ni Miss Manager? O sadyang hindi niya pinansin iyon. "'Yong kasama po sa birthday ni Miss
Warning: R-18. Read at your own risk. Napayuko na lang ako at pinili ko na lang na ipagpatuloy ang pagkain. Mahirap pala magsabi nang masarap sa Nurse na 'to!Leche, naisahan ako, eh."You, okay?" Narinig kong tanong ni Nurse Wyatt, pero hindi ko siya pinansin. Nanatili akong nakayuko at tahimik na ngumunguya ng beef steak. Nahihiya ako, eh. "Hey..." Maingat niyang sambit, at hinawakan ang panga ko para maiangat 'yon. Pero hindi pa rin ako tumingin sa kanya.Biglang nawala ‘yong tapang ko. "Kali, nabigla ba kita?" Bigla ay tanong niya, nag-aalala. "I'm sorry, okay?" Nagmamakaawa ang kanyang boses. "Please, look at me..."Hindi ko rin naman siya matiis. Nakakainis! "Nagulat lang ako," Mahinang sambit ko. Iyon naman kasi ang totoo, hindi ko inaasahan ang aksyon na iyon mula sa kanya. "But, you're not mad?"Umiling ako sa kanya. "Bakit naman ako magagalit sa iyo?" Nagtataka kong tanong. Kung galit ako panigurado na kanina ko pa siya nasapak, ‘di ba? Kunin ba naman niya ang first kiss