Share

Chapter 29

Hindi ko maiwasan na kabahan. Ano ang ibig niyang sabihin doon? Bakit kailangan ng ganoon!

"H-Huh? Re-Recap? Ba-Bakit?"

Kahit ako hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ako nauutal. Hindi naman ako ganoon, pero ngayon na kaharap ko siya ulit. Parang nawawalan ako ng tapang sa katawan. Nakakapanghina ang kanyang presensya. Sobrang bilis talaga nang tibok ng puso ko. Bakit kailangan kong maramdaman 'to? Nanatili lamang ang tingin ko sa kanya. Seryoso pa rin ang tingin niya sa akin, pero nakausli pa ang nakakalokong ngiti sa kanyang labi.

"Relax girlfriend..." Nakangising aniya.

Relax? Ang kapal talaga ng mukha niya! Kung palit kaya kami, siya ang maging ako. Para maramdaman niya ang pinaparamdam niya sa akin ngayon.

Wala sa mga gusto kong mangyari ang bagay na 'to. Hindi ko man lang ito naisip na posibleng mangyari. Ang nais ko lang naman ay tahimik na buhay kasama ang mga anak ko, at iyong tuparin pa ang ibang mga plano ko.

Ang makita siyang muli? Well, hindi naman maiiwasan
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status