Share

It started from the Vaccination Site
It started from the Vaccination Site
Author: iirxsh

Prologue

“H-Hello,” Antok kong sabi. Sino ba naman kasing may kapal ng mukha na tatawag sa akin ng sobrang aga! Alam ba niyang kakatulog ko lang?

Ugh! Kainis!

Minsan na nga lang ako maka-pag puyat, at magising sa oras na gustong gusto ko. May nang istorbo pa! Buhay nga naman oh, laging unfair. 

“Ang aga pa! Istorbo ka kung sino ka man!” Inis kong dagdag. 

Wala pa rin akong naririnig mula sa kabilang linya kaya naman inis kong tinignan ang cellphone ko, pipikit pikit pa talaga ang mata ko kasi inaantok pa ako. Pero halos manlaki ang mata ko sa nabasa ko kung sino ang tumatawag. 

Gusto kung murahin ng ilang beses ang sarili ko!

Bakit naman kasi hindi mo muna binabasa, Kali? Kung minamalas nga naman!

Napabalikwas pa ako, muntik ko pang ika-hulog iyon sa kama. Nakailang beses pa akong lunok bago ako nagsalita muli. Parang nawalan ako ng boses. “M-Miss Manager… kayo po pala ‘yan,” Natatawa na wika ko na ikinangiwi ko lang. “Pasensya na ma’am. Alam niyo naman kapag walang shift, napapasarap ang tulog.” Pag kwento ko pa, malay ko ba kung madala siya roon. Edi nakalusot ako! “Ano po ba ‘yon?”

Mas nakaramdam lang ako ng kaba, dahil wala pa akong naririnig sa kabilang linya. 

Hanggang sa marinig kong may tumikhim. "I understand. It’s okay. But, I need you here in 20 minutes. The boss called for a meeting." Sobrang hinhin ng boses, halatang mabait naman. 

Pwede niya palampasin ang nangyari. Hehe! Sana lang talaga!

“Sure po, Miss Manager. Pasensya na po ulit.” Paghingi ko ng paumanhin. Mariin ako napapikit. Naiinis pa rin ako sa sarili ko. 

Gaga talaga, Kali!

Hindi ako makapaniwala na nakarinig ako ng mahinang tawa sa kabilang linya. “Kali, relax... Like I said, I understand. It’s a normal reaction anyway. Even if I were in your position, I may react the same way or even worse."

Kunwari akong natawa. Hindi ko naman ineexpect na ganoon, first ko lang kasing nakakuha ng tawag mula sa kanya. “Thank you, miss. Maghanda na po ako. Bye.”

Gustuhin ko man na pahabain pa ang pag uusap namin dahil mukha namang mabait siya, ang kaso umaandar ang oras at baka ika-late ko pa iyon. 

Mabilis ang naging kilos ko pagkababa ni Miss Manager ng tawag, halos ilang minuto lang ako naligo at nag ayos ng sarili. 

Pagkababa ko nagpaalam lang ako kay mama, nagtataka pa nga siya kung bakit ako nakabihis at kung saan ang lakad ko. Sinagot ko lang siyang pinapatawag kami ng boss namin, at biglaan. Noong una pa nga ayaw niya akong paalisin, dahil hindi pa ako nag agahan. Pinayagan lang niya ako ng sinigurado ko sa kanya na kakain na lang ako sa labas. 

Nang makababa ako ng tricycle, narinig ko na agad ang boses ng ibang ka-trabaho ko. 

"Bakit kaya tayo pinatawag si boss?" Wika ng isang ka-trabaho ko, nang tuluyan na akong makalapit sa kanila. 

Iyon din ang aking katanungan, kung bakit nga ba kami pinatawag ni boss. Wala akong shift ngayong araw, panigurado na sila rin. Hindi naman sila magre-react ng ganyan kung may shift sila. Kung alam lang din nila ang pinagdaanan ko kanina ng tawagan ako. 

Hays! Naalala ko na naman. 

Kung magpa meeting man si boss, hindi naman ganitong biglaan. Kahit pa noong hindi pa ako nakakabalik sa trabaho, sa kadahilanan ngang nagbawas ng staffs. Ngayon lang talaga iyong biglaan. Hindi ko rin maiwasang magtaka, kung anong mayroon.

Pero isa lang ang sigurado ako, importante ang sasabihin ni boss. Pwede naman kasi niyang sabihin sa tawag, o sabihin kung kailan shift na namin.

Napaisip ako. Paano kung...

"Paano kung magtatanggal siyang muli?" Napatingin ako sa isa kong katrabaho nang sabihin niya iyon. Pareho kami ng naisip. So, smart na siya noon? Smart kasi ako, eh. Ayaw ko ng globe, ang bagal kasi.

"Hindi naman siguro." Sana. Isang malaking sana!

"Pasok na kayo, nasa opisina si boss. Hinihintay kayo." Bungad iyon sa amin ng isa sa mga naka-shift. Hindi ko mapigilan na mapatingin sa kanya, mula ulo hanggang paa.

Pwede na. Pwede ng itapon ang ulo! Grabe kasi ano, 'yong mukha niya sobrang nipis! Mabuti na lang hindi namumula.

Baka isipin kong overcooked ang kanyang ulo.

Mabilis akong napa-sunod nang makita na pumasok na ang ibang kasama ko sa opisina ni boss.

"Good morning, boss." Bati ko sa kanya. Ganoon din ang ginawa ng mga kasama ko. Ganyan sila eh, gaya-gaya! Wala silang originality, pwede namang Magandang Umaga, boss. Bakit, good morning din ang sinabi?

Wala na talagang originality ang mga tao, copy paste na ang kanilang buhay. Doon na sila dumi-depende.

Prente itong nakaupo sa kanyang swivel chair, hindi ko maiwasang pasadahan siya nang tingin. Pogi naman siya, pero hindi siya ang mga tipo ko.

Tsaka hindi naman ako papatol sa boss ko. Ayaw kong maging laman ng balita, masyado na akong maganda para sa ganoong role.

Isa pa, ayaw kong magkaroon ng kapatid ang anak ko, na puro panganay.

"Anak."

Hala! Sh*t! Mabilis kong tinakpan ang bibig ko. Napalakas yata ang pagka sabi ko.

Unang kahihiyan, Kali!

Bakit ko ba kasi nasabi iyon? Ano bang pumapasok sa isip ko!

Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang lahat sila nakatingin sa akin, lalo na ang boss kong nakangisi ngayon sa akin.

Huwag mo ako ngisihan, sir. Kahit boss kita, tatanggalan pa rin kita ng nguso! Sigurado akong hindi mo magugustuhan, huwag mong subukan. 

"You're saying something, Miss Angeles?" Nakangisi pa ring sabi ni sir.

Para namang nasisindak ako ni sir sa pangisingisi niya. Kung ibang babae 'yan panigurado naglalaway na. Pero kung hindi ko lang 'to boss, at ibang lalaki 'to. Bastos man, pero nadurahan ko na siya. "Nothing, sir." Matigas kong sagot sa kanya, at umayos ng pagkakatayo. 

Alam ko ang ugali ng boss ko, dati pa man wala na itong pinagbago. Halos lahat na yata ng kanyang tauhan. Pero syempre, hindi ako kasama roon.

Hindi ko kailanman gugustuhin na mapabilang.

Malaki rin kasi siya kung magbigay ng sahod. Sobrang laki, kaya maraming ayaw umalis dito. Iyon ang habol nila.

Hindi ako isa sa kanila. Sampalin lang ng pera, bibigay na.

Siguro, kapag inabutan. Pwede pa. Ayaw ko ng sinasampal ako. Sarili ko ngang nanay hindi pa ako nasampal, tapos hahayaan ko lang na sampalin ako ng iba. 

No way! Highway!

"I asked all of you to be here for a very important announcement." Seryosong panimula ni sir. 

Sabi na eh, tama ako. Importante ang sasabihin ni boss.

"You need to have a vaccine." 

Nanlaki ang mata ako. "Ano!"

Napa-takip na naman ako sa bibig ko. Paano ba naman? Sobrang lakas ng pagka-kasabi ko kaya lahat ng mata nakatingin sa akin. Sh*t! Alam ko namang maganda ako, pero huwag naman lagi oy!

Pangalawang kahihiyan, Kali! Isa na lang, quota ka na!

"Sorry, sir." Mabilis kong hingi ng tawad. Hindi ko naman masisisi ang sarili ko, nagulat talaga ako sa sinabi niyang iyon.

Umarko ang kilay ni sir. "You seemed so shocked, Miss Angeles? Don't you hear it on the news? It's now mandatory."

"Wala po kaming tv, sir." Pagsisinungaling ko. Ayaw ko ng marami pa siyang itatanong.

Napa-oh naman iyong ibang kasama ko. Parang hindi sila makapaniwala.

"Going back... Like what I said, you need to have your vaccine." Hindi makikitaan ng pagbibiro ang mukha ni sir, talaga nga yatang seryoso siya. 

"Paano kung hindi po magpa-vaccine, sir?" Matapang kong tanong.

Muli itong napatingin sa gawi ko. Hindi siya nagdalawang isip na sagutin ang tanong ko. "You will lose your job."

Ano? Mawawalan ng trabaho? Putspa naman talaga.

Halos lahat napasinghap sa sinagot na iyon ni sir. Kahit nga ako, paano na 'yan?

Kakabalik ko nga lang ng trabaho, tapos mawawala na naman?

To Be Continued…

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status