Share

Chapter 8: Angel Boyfriend's Duty

"DAVE, would you like to join us in our study group?" pukaw sa atensyon niya ng babaeng nakatayo sa harap niya.

Maganda ito at maamo ang mukha, she looks like a nice girl with her simple but elegant style of clothing. She is wearing an above the knee white shirt dress top with a navy blue sexy-cut blazer. Her straight shoulder length blonde bleach hair is match with a black ribbon headband making her look so smart and formal.

Sa pagkakaalam niya ito ang president ng department nila. Rank 2 in the Most Popular Girl controversial list. Narinig lang niya sa mga kaklaseng lalaki nung minsang nagkukwentuhan ang mga ito.

"Oo nga Dave sama ka na sa amin! Papahiramin ka namin ng mga notes ng na-missed mong lesson," pursigidong sabi naman ng isa pa nitong kasama.

Kung tutuusin Hindi naman niya kailangan ng notes dahil lagi siyang nag-aadvance study.

"Oo nga... since bago ka sa academy gusto ka naming makabonding! Ano game?!" dagdag pa nung isa sa dalawang kaklase nila na lumapit sa kanila and their eyes are shining like puppies except for the first lady who's looking so intently at him trying to convince him with her charm.

Kung sa bagay hindi nito kailangan bumaba sa ganoong level ng pag-convince dahil for sure kung ibang lalake ang aalukin nito eh manginginig pa ang tuhod sa pagpayag.

He was so into somebody that those things don’t bother him at all.

Alanganin naman siyang napangiti. He needs to think of an excuse.

Biglang nagkaroon ng komosyon at napabaling silang lahat sa pintuan.

"Uy... si Honey pre!!" wika ng isang lalake na halatang gulat na gulat.

"Grabe ang ganda talaga niya!" the guy at the door almost collapse in his knees when she passed by him.

"Bakit kaya siya naligaw sa department natin?" kumukuti-kutitap ang mata ng isa pang nakaupo malapit sa kanya.

"Hindi niyo ba alam?"

"Na ano? Na they are dating?"

"Kalat na kaya sa school helloO?!"

"Nung bagong classmate natin?"

"Eh sino pa ba? Alanganamang ikaw?! Asa ka!"

Sikat na sikat talaga yung prinsesa niya sa buong school and they are really updated about her life events. He can see from their eyes how mesmerize they are by her beauty. 'I'm the luckiest man alive.' inside his head he is tapping his own shoulder.

Halatang hinahanap siya nito. Napangiti nalang siya. That's where his focus and heart belong to. 'Only to my princess.'

"What is she doing here?" kuno't noong tanong ng babaeng nag-yaya sa kanya kaninang mag-aral.

Napangiti ito nang makita siya. Sabay kasi silang mag-lalunch nito pero tila nauna na ang dessert sa tamis ng mga ngiti nito.

Kusang nagsitabi ang mga tao nang lumakad ito papalapit sa kanya.

Naisip niya tuloy ito siguro yung tinatawag na HONEY EFFECT na minsan na rin niyang narinig sa parehas na grupo ng mga kalalakihang nagkukwentuhan sa classroom nila.

Nang magtama ang mga mata nila everything around them turns blur and the only thing that's clear in his sight is her.

"Hi," matipid nitong bati habang ang mga kamay ay magkahawak sa likuran nito.

She looks so cute and innocent. Something about her changed.

'Her smile... it's now genuine.' hindi niya mapigilan maapektuhan sa ganda ng ngiting yun. He could feel his heart aches as it took his breathaway.

"Hey," tanging sagot niya dito while he can't take his eyes off her.

Parehas ata silang hindi pa nakakarecover sa first kiss nila at parang lalanggamin na sa tamis ng mga titigan nila.

"I guess you can't join us," pukaw ng kaninang babae sa atensyon nila at naiinis na tumingin kay Honey.

Parehas silang napabaling dito. Sinalubong ni Honey ang mga ito ng malamig na tingin, "Excuse me?" seryosong hinarap nito ang babaeng nagsalita.

"Next time nalang siguro Dave pag pwede ka," hindi nito pinansin si Honey at bumaling ito sa kanya na pilit na ngumiti. Ramdam niya ang tensyon sa pagitan ng dalawang babae na magkasunod sa ranking ng school.

"I'm sorry but there's no next time," Honey immediately answers for him with a sarcastic smile. Marahil hindi nagustuhan ang pag-ignora ng kaharap nito dito.

"I'm talking to Dave," tumaas ang kilay nito at matalim na tinapunan ng tingin ang nobya niya.

"Yes, you’re talking to my boyfriend? I have to let you know that I don't share him with other girls."

Hindi makapaniwalang napamaang ito pero biglang naningkit ang mga mata. Halatang hindi nito nagustuhan ang narinig.

"Ano daw totoo ba yun sila na agad?" bulungan sa kanilang likuran.

"Ang bilis naman. Sa isang iglap palit agad? Eh wala pa ngang isang buwan yung break up nila nung isang taga Engineering. I wonder if Dave knows about it," one of the girls said with disgust.

"Ah excuse me?" pumagitna siya sa dalawang kababaihan at seryosong bumaling sa grupo ng mga babaeng kanina pa nagsasalita ng masama kay Honey.

Nag-umpisang umugong ang kantyawan at bulungan.

"I'm sorry, but I don't think you have the right to talk about her private life or even judge her about her choices in life." Hinawakan niya ang kamay ni Honey.

Nanlaki ang mga mata ng kaharap nila dahil sa ginawa niya. He won't let anyone treat her like that.

"Veronica no match ka dyan si no.1 yan!" Kantyaw ng isang lalaki sa likuran na halatang gusto lang palakihin at lalong painitin ang eksena.

"Shut up! There is no such thing as ranking! Inimbento lang yun ng mga estudyanteng walang magawang katulad niyo! And she's only no. 1 for what? Her family wealth? Napakababaw ng basehan," mapang-uyam na sabi nito at bumalik ang tingin kay Honey, "And you! I can't believe na pati sa department namin naghahasik ka ng kamandag mo! Hindi pa ba sapat yung ibang lalake sa iba't ibang department na pinaglalaruan mo? At ngayon sa department ko naman ikaw naghahanap ng mabibiktima mo?" halatang may natatagong poot ito para kay Honey, "Did you know that your girlfriend is a monster?" baling nito sa kanya.

"Veronica tama na..." awat ng isa nitong kaibigan marahil ay naapektuhan ito sa sinabi niya kanina.

"Enough!" Hindi na niya naitago ang inis. He won't let anyone hurt her. sa totoo lang ngayun lang siya nainis ng ganito. Hindi niya kayang lunukin ang mga sinasabi nito kay Honey.

"Stop talking to her like that before I lose my respect," Kung gaano karami ang humahanga dito ganoon din kadami ang galit dito dahil sa inggit.

Panandaliang natigilan ang kaharap dahil sa naging reaction niya.

Huminga ito ng malalim, "As expected panalo ka na naman. Thanks to that pretty face of yours na tanging meron ka," Hindi na naitago nito ang insecurities at naisambulat ang hinanakit. "Ginagawa mo lang naman na parang sapatos ang mga lalake sa academy." Bumaling ito kay Dave. "Maybe two weeks Dave? and you will be dump for sure." She smirks at him "You're just new here. You don't know her."

Napataas ang dalawang kilay ni Honey. "And you? You know me?" she chuckled and crossed her arms.

"Everybody knows you Honey," bumaling muli ito sa kanya. "Be careful who you choose. You know what they say... looks can be deceiving," at mabilis na nagmartsya palabas ito na agad sinundan ng dalawa pang mga kasama.

¤¤¤¤¤¤¤

NAPAILING-ILING nalang siya habang napagsiklot ang mga braso. Ano bang tingin ng mga ito sa kanya?

'At saka ano bang pakealam nila?!' she scoffs, 'Oh I see... she likes Dave? Forget it girl for he is mine now.' Her bitch brain smirks.

Napabuntong hininga siya. Naramdaman niya ang bahagyang pagpisil nito sa palad niya. Tinignan niya ang mga mata nito.

"Do you believe them?" nakataas ang dalawa niyang kilay na tanong dito.

Nakatitig lang ito sa kanya.

"Do you really think I'm a monster?" bahagya pa siyang napaturo sa sarili at napanguso.

Bigla siyang napaisip ganun na ba siya kasama sa mata ng ibang tao?

Actually, she knows that woman and no wonder she has a deep grudge for her.

Hinawakan nito ang mga kamay niya.

"I only believe in the idea that I really miss you right now," sabay hatak at yakap sa kanya, "What they say doesn't make sense to me. They didn't know you the way I do."

Pinapakilig na naman ba siya nito?

Her heart starts to beat like a drum and blood runs up to her cheeks.

"Wooooh!! Me nanalo na!" hiyaw ng isang kaklase nito. "Kinikilig ako pre bat ganun?!" para itong uod na nagkikisay.

"Nakaka-inggit kasi! Para silang artista sa movie. Sana ganyan din lovelife ko," bahagya pa itong napahinga ng malalim at napahawak sa d****b na parang nangangarap.

"Naku huwag ka nang-umasa mag-aral ka muna ng calculus pre."

Napatawa silang dalawa. At least there are people who are happy for them.

¤¤¤¤¤¤

SINAMA niya si Dave sa tambayan nilang magkakaibigan upang pormal niyang ipakilala ang mga ito.

Pagdating palang nila excited na agad ang dalawa at walang harabas na hinatak si Dave upang paupuin sa gitna nila sa may couch at siya mag-isang naupo sa single chair sa harapan ng mga ito.

Napailing-iling nalang siya sa inasal ng mga kaibigan. Halatang kilig na kilig ang mga ito sa bago niyang boyfriend. Natutuwa naman siya sa reaction ni Dave dahil kahit nahihiya ito ay magiliw nitong pinakiharapan ang mga kaibigan niya.

"Ah pasensya kana sa mga yan. Fans mo sila," birong sabi niya.

"Che! Anong fans ka diyan huwag ka ngang maniwala," pabirong inirapan siya ni Rich habang nakakapit sa braso ni Dave.

"Pero Dave grabe mas gwapo ka pala sa malapitan..." parang gusto niya itong kurutin sa tagiliran sa kalandian nito na bahagya pang kumutitap ang mga mata at tumining ang boses. "...kunin kitang model sa Fashion show ha?" sabay banat nito.

Napamulat ang mata nito hindi inaasan ang alok ni Rich. Hindi pa man nakakasagot ito sinegundahan na agad ni Sofie, "Oo nga Dave! Wag kang mag-alala ako lahat ang mag-aayos gagawin kitang instant celebrity sa gagawin naming concept. Wala kang iintindihin kundi ang pag rampa lang at saka isa pa kasama si Honey dun kaya dapat sumali ka din!" pangungumbinsi nito na walang pakundangan gamitin ang pangalan niya.

Ang tandem nga naman nitong dalawa. Napangiwe na lang siya sa ginagawang pag-corner ng mga kaibigan niya dito.

Naguguluhang napatingin ito sa kanya na para bang nagpaparescue.

"Diba Honey dapat sumali siya?" Pinandilatan siya ng mata ni Rich habang bahagya pang isinandal ang ulo sa balikat nito.

Nginunguso nito na kumbinsin ang kapareha na sumali sa plano nito.

Sumeryoso siya ng mukha. "First of all, nakakarami ka na ng chansing sa boyfriend ko."

"Ito naman may pagkamadamot din kung minsan. Hindi ko naman aagawin alam mo naman si Papa Justin lang ang love ko," bigla nito binitawan ang braso ni Dave, "Di kana mabiro."

"Ito kasi si Baks panay ang angkla mo diyan!" sabay bitaw din ni Sofie sa kabilang braso nito at nangingiting bumaling sa kanya.

"Sige na bebe balik ka na dun sa bruha este sa reyna!" pinadaan nito si Dave at umupo na sa tabi niya. Parang batang walang kamalay-malay ito.

Baka isipin nito baliw sila.

Tinignan niya ito, "Ok ka lang Love?" at ngumiti naman ito sa kanya nang haplusin niya ang braso nito.

"I'm ok Love don't worry."

"Pwedeng mag walk-out?! Nang-iinggit ba kayo?!" pamaktol na sabi ni Rich.

"In fairness ngayon ko lang nakitang patweetums toh," mahina pero sapat para marinig nilang bulong ni Sofie kay Rich.

"What do you think Love, are you in?" kunwaring dedma siya sa reaksyon ng mga kaharap at patuloy paring nakikipag-usap ng sweet sa kasintahan niya.

"If you're there why not? It's nice to do something together right?" he smiles sweetly.

"Hindi ko kaya mga titigan nila Sofie!! Alam mo yun?? Ooouuuch mare!" Rich says dramatically while pressing his hands against his chest as if he is in pain.

"YES!!! Touch move walang bawian Dave! O.M.G na excite ako bigla! Ang ganda pa naman ng concept naming ni Rich!!" hindi nito pinansin ang partner at super taas na enerhiyang napatayo ito at nagsasayaw. Nang huminto ito ay sabay kumutitap ang mga matang pinagmasdan silang dalawa.

Napakuno't naman ng noo si Rich hindi inasahan na ganon kagrabe ang reaction ng mahinhing si Sofie. Ni hindi man lang nito pinansin ang drama niya. Malamang kakaibang imahinasyon na ang nakikita nito sa isip sa ganda ng itsura ng mga kaharap.

"Hoy! Umupo ka nga baka magbago pa yung isip nito, sabihin ang weird mo."

Nagkatawanan sila.

"Kaso Honey kulang pa kong tatlong model. Sayang wala si Papa J at yung iba edi sana solve na problema ko," biglang nalungkot ang anyo ni Rich.

"Why? Ang dami-dami sa school na magaganda at willing sumali sa fashion show. How come kulang ka pa?" takang tanong niya.

"Marami nga pero they are intimidated to join Rich team," paliwanag ni Sofie

"Intimidated? Bakit?" curious na tanong ni Dave.

"Girl huwag kang mabibigla pero dahil sayo. They said ikaw lang naman daw ang magstand out sa fashion show sa team ko kaya ayun umayaw yung iba at yung iba sumali nalang kila Uno at sa iba pang kasali."

Napapalatak siya, "This is ridiculous! They are trying to sabotage our team by discouraging people to join us? Are they out of their mind? I smell something fishy," hindi niya mapigilang mapahalukipkip.

Hindi siya makapaniwalang ganoon ka-effort ang mga kaaway niya para lang asarin siya, "Hindi natin pwede kunin si Justin because he will perform a show together with his bandmates kung makakauwi sila bago magfashion show."

"I wonder why is that group really angry with you? Eh nagtagumpay na nga si Katrina kay Jake tapos hindi mo naman sila inaano and the other groups I don't know, nakakainis kasi parang pinagkakaisahan nila tayo!!!! Yung ibang sumali sa akin sa pilitan pa!" Rich burst out his frustration.

Hinawakan ni Dave ang kamay niya sa ilalim ng lamesa.

'Is he worried too?'

"Eh kasi nga girl insecure sila kasi kahit anong gawin nila si Honey pa din yung no.1 most popular girl in JAA base sa ranking ng Julia Arts academy student forum. Gusto nila makuha yung rank niya eh kasalanan ba niya if plenty people really look up to her?" naiiling-iling na sabi ni Sofie na sinabayan ng malalim na buntong hininga.

"Yun lang? Edi kanila na! You know what? That ranking is really getting on my nerves."

Hindi naman niya gustong maging sikat mismong mga estudyante lang din sa academy ang nag-umpisa ng mga ganyang ranking sa school so they have someone to look up to and syempre, mapag-usapan.

Napansin niyang malalim ang iniisip ng katabi.

"What's the matter Love?" hindi niya napigilang tanungin.

Tumingin lang ito ng mataman sa kanya. Hindi niya mabasa kung anong iniisip nito.

¤¤¤¤¤¤

WHY does he suddenly feel so worried about her? No matter how strong she looks like, for him she's still that lonely girl who plays the piano in that old music room. Who needs someone to love and protect her.

'How can someone even call her a monster?'

"What's the matter Love?" tanong nito nang mapansin ang pagtitig niya dito.

Umiling lang siya at pinilit ngumiti upang hindi ito mag-alala.

At that moment he made a promise to his self that he will protect and love her no matter what happen. He will never let anybody hurt her.

Bumaling siya sa mga kaibigan nito. "I know one that can be added to our team."

Biglang nag-liwanag ang mukha ng mga kaharap nila. "Talaga?!" gulat na bulalas ni Sofie.

"OMG thank you Dave," nakangusong sabi ni Rich at napapalakpak.

Napatingin sa kanya si Honey at ngumiti. "Thanks Love," her face softens.

"Kung ganoon tuloy tayo!" napapapalakpak na bulalas ni Sofie. "Dalawa nalang!"

"I'll find the rest. Then you guys just focus on the concept and let's show them who we really are." Sabay kindat sa kanya. How come she's fearless and cute at the same time?

'I'm here love... I'll be on your side.'

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status