Share

Chapter XXI

NASA LOOB PA rin si Irma ng locker room ng basketball team at patuloy na kinukuhaan ng video sina Jake at ang mga kasamahan nito.

"Oh com'on man! Sa sobrang pagsama-sama mo sa mga babae na yan, nagagaya ka na sa kanila!" tila pangaasar pa nito kay Jake at kinantyawan naman si Jake ng mga kasamahan nilang naroon. Napatigil naman si Jake sa ginagawa at napatingin kay Tommy.

"Woaaaah?!"

"Dude, walang ganyanan." saad pa ni Jake.

"Nako Jake! Please tell me, hindi ka papa-under sa mga yan!"

Nagkantyawan naman ulit ang mga kasamahan nila sa locker room. Napatingin naman din si Jake sa mga ito.

Tumayo si Jake at hinarap ang mga ito. "Boys, alam niyo naman na ganito lang talaga ako ka-effort sa mga dini-date ko. Sobra lang akong sweet at caring. Great things takes time." saad pa niya.

"Oh please?" komento naman ni Irma sa naririnig sabay irap niya pero sinasarili lang niya ito.

Napatingin naman kay Jake si Tommy na tila nagtataka rito. "Man, you're whipped!" sigaw nito at hampas pa ng towel kay Jake. Ginaya naman din siya ng ibang kasamahan nilang naroon.

"Whipped ka pala!"

"Whipped ka, Jake!" 

Pangaasar pa ng mga ito at hinahampas-hampas si Jake ng towels nila.

Sumampa naman si Jake sa upuan para umangat siya sa mga ito. "Woah! Woah! Woah!" pagsuway niya pa sa mga ito. "Walang whipped dito, okay?! Jake Carter is not whipped!" 

"Okay, show time.. Here we go." bulong pa ni Irma sabay zoom pa lalo ng video kay Jake.

"Let's just say sa ngayong final game. I'm going to score more than just the basket!"  preskong saad pa nito ang umarteng nag-shoot ng bola sa ere.

"Bingo!" bulong pa ni Irma dahil nakuhaan niya ito sa kanyang cam recorder. 

Ramdam na rin niyang tila nadadala na si Lovely rito kay Jake. At hindi niya hahayaan pati ito ay mabiktima ni Jake pero determinado pa rin siyang magantihan si Jake kaya hindi niya rin hahayaang hindi nila maisagawa ang plano rito.

"Slam duck, baby!" saad pa ni Jake at nagtawanan naman ang mga kaibigan niya. Nag-apir pa sila ni Tommy bago siya bumaba sa kinakatayuan.

"That's the Jake I'm talking about! Uncorked it, and pork it!" sigaw pa nito at ginaya din siya nila Jake at mga kasamahan nila.

Tila kinakanta nila ang 'Uncorked it, and pork it' habang mga nagsasayaw ng budots.

"Tapos ka talagang Jake Carter ka." bulong pa ni Irma habang nangingisi na lang dahil may ipapakitang siyang ebidensya kay Lovely na hindi totoo ang mga sinabi nito sa kanya at pinapaikot lang din siya.

ILANG minuto pa ang inintay ni Irma bago nagalisan sina Jake at mga kaibigan nila sa locker room. Saka naman din siya dahan-dahang lumabas ng cabinet. Nagunat pa siya dahil halos oras na yata siyang nakatago at hindi makakilos sa loob ng locker cabinet.

"Woah?"

Tila natigilan si Stephen ng makita si Irma na nakataas ang dalawang kamay na nasa locker room. Nagpangita naman silang dalawa kaya nagulat din si Irma at natigilan.

"What the -- what the hell are you doing here, Irm?" takang tanong nito.

"Ahh, wala lang. mag-conduct sana ako ng interview sa inyong mga nasa basketball team." tila palusot pa nito at tinatakpan-takpan ang mata niya pero pasimpleng sumusulyap kay Stephen dahil nakatapis lang ito ng towel mula beywang.

"Really? Dito sa locker room namin?"

"Oo nga! Dami mong tanong!" inis namang saad pa nito at nag-walkout na.

Nagtataka man, natawa na lang din si Stephen rito at napailing ng ulo. Minsan talaga hindi niya maintindihana ang trip ng kaibigan niyang ito. Hindi nga rin niya malaman kung bakit nagkagusto ito kay Jake Carter eh alam niyang looks lang ang meron ito.

"NOT your best, Mr. Ocampo." saad naman ng prof nila sa chemistry subject at abot kay Blake ng test paper niya.

Inabot din naman ito ni Blake at nakita siya ni Lovely kaya nilapitan siya nito.

"Okay lang yan, Blake. Next time, pagbubutihin natin ang pagre-review para sa susunod maka-perfect ka ulit. Bakit kasi hindi ka pumapasok nung mga nakaraan eh, dami mo tuloy na-miss na --" tuloy-tuloy na saad ni Lovely rito ngunit pinutol ni Blake ang mga sinasabi niya.

"Ah, kasi Lovely.." nagkatinginan naman silang dalawa. "Ahm, magaling na kasi si Dan, tinanong niya ako kung gusto ko pa daw ba siyang maging lab partners para matulungan ko rin siyang mag-catch up sa mga lesson na na-miss niya." seryosong saad nito kay Lovely at hindi alam ng dalaga kung bakit tila nakaramdam siyang lungkot.

"Oh? Okay na pala siya. So, balik ka na sa kanya?" 

Tumungo lang si Blake bilang tugon sa kanya at umalis na ito pagkakuha ng bag at gamit niya. Lalo namang nalungkot si Lovely dahil hindi lang sa nawalan siya ng lab partner, kundi tila iniiwasan siya ngayon ng kaibigang si Blake. Iniisip niya, marahil ay ramdam na nito kung anong mayroon sa kanila ni Jake.    

*TOK tok!

Binuksan naman din ni Lovely ang pintuan nila.

"Nandyan ba mama mo?"

"Wala!" sagot niya lang at biglang sinara rin kaagad ito. Narito na naman kasi ang isa sa mga 'Intro' boys ng mama niya. Mukhang nagbabalik.

"Siya na ba yun?" nagmamadali pang tanong ng mama niya habang bumababa ng hagdanan.

"Ma? Seriously? Sasama ka na naman dun sa Intro na yun?" protesta pa ni Lovely.

"Don't call him that." pagsita pa ng mama niya habang at tinutukan siya ng sapatos nito bago isuot. "Kakain lang kami sa labas."

"Ma, please don't do this?"

"Ugh?"

"Hindi ka pa ba nagsasawa? Di ba ilang beses ka ng iniwan nun? Tapos narito na naman siya na halatang naghahanap lang ng tutulugan ngayong gabi kasi malamang, pinalayas na naman siya sa inuupahang bahay niya!" saad pa ni Lovely.

"Very clever, Love." prenteng sagot naman ng mama niya lang sa kanya. "Pwede ba, wag na natin pagtalunan toh?" pagsuot pa ng mama niya ng blazer.

"Ma, alam mo, hindi na nakakapagtaka kung bakit parang ang messed up ng buhay ko! Kahit kailan hindi pa kita nakitang may maayos na nakarelasyon." reklamo pa ni Lovely sa ina.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status