Malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan kinabukasan. Kasalukuyan akong nakatingin sa sariling repleksyon mula sa salamin. Katatapos ko lamang ayusin ang makapal at buhaghag kong buhok dahil ngayong araw kami kakain nina Mama't Papa sa labas kasama ang Boss ni Papa na mula pang Amerika. Napatingin ako bigla sa aking cellphone nang mag-vibrate ito sa ibabaw ng vanity table ko. Napakagat ako sa ibabang labi nang makita kong tumatawag si Giovanni. Kusa itong tumigil sa pag-vibrate nang hindi ko ito sagutin. Segundo ang nakalipas nang muli itong mag-vibrate at si Christine naman ang tumatawag sa akin ngayon. Napahilamos ako sa sariling mukha dahil sa matinding kahihiyan na aking naramdaman. Hanggang ngayon, sariwa pa rin sa akin ang nangyari sa debut ni Christine kagabi. Hindi ako nakatulog kagabi dahil sa alaalang muntikan na akong mamatay dahil sa pagkakalunod at sa kaguluhang na nangyari. Wala akong mukhang maihaharap sa pamilya ni Christine dahil sa kaguluhang nangyari nang
SEDRICK'S POVAbala sina Daddy at ang parents ni Almhera sa pag-uusap. While her little brother busy playing on his cellphone. Katatapos lang namin kumain and I notice Almhera was not comfortable. Parang naiilang ito at kitang-kita sa mukha niyang nalilito ito kanina pa sa pinag-uusapan namin. Umupo ako nang maayos at tumikhim para makuha ang kanilang atensyon. "Excuse me Dad, Tito Enzo, and Tita Amanda. But... Can I talk to Almhera? O-Outside of this restaurant? " I can't help it but to feel embarrassed nang seryoso silang nakatingin sa akin pagkatapos ko 'yon sabihin.Nagkatinginan sina Daddy, Tito Enzo at Tita Amanda. Napahinga ako nang maluwag nang sabay silang tumawa, pinagtawanan ako. "Oo naman Sedi, wala namang problema sa amin 'yon, " natatawang tugon ni Tito Enzo. Napangiti naman ako. "Thank you, Tito Enzo, " tugon ko at humarap kay Almhera sabay ngumiti nang matamis sa kaniya. "Let's go, Almhera? " pag-aya ko sa kaniya. Nagdalawang-isip pa ito no'ng una, napipilitan iton
Nahihilo akong napakurap ng mga mata. "Nasaan ako? " sambit ng mga labi ko nang nakakasilaw na ilaw ang nakatutok sa aking mukha pagkamulat ko. Inilibot ko ang paningin sa paligid, nasa isang silid ako at puro puti ang kulay nito. Sa kanang gilid ko may oksiheno at makinang nagmo-monitor ng tibok ng puso at paghinga ko. Napagtanto kong nasa hospital ako nang pumasok sa silid ang isang nars. Nagtatanong ang mga matang tiningnan ko ito nang lumapit ito sa kamang hinihigaan ko. Nagsalita ito subalit napakunot-noo ako nang kahit isang salita ay wala akong marinig mula sa sinabi niya. "Anong po bang nangyari? May nangyari po bang masama sa akin? Ba't wala po akong maalala? " sunod-sunod kong tanong ngunit ang nars naman ay hindi narinig ang mga sinabi ko. Nahihilo man ay pilit akong bumangon mula sa pagkakahiga. Pinigilan ako ng nars sa ginagawa subalit bigla itong napatakbo papalabas nang tuluyan akong makaupo sa kamang hinihigaan ko. Napasinghap at nanlaki ang mga mata ko nang punong-
Hindi ko alam kung ilang segundo na kami nagkatitigan ni Clinthon dito sa Stock Room. Naiilang na rin ako sa posisyon naming dalawa. Buhat-buhat niya pa rin ako habang ang dalawa kong kamay ay nasa magkabilang balikat niya.Unti-unti kong inalis ang mga kamay ko sa kaniyang balikat. Subalit agad kong naibalik do'n nang biglang humigpit ang pagkakahawak niya sa binti't baywang ko.Napatingin ako sa kaniya pero ganoon na lamang ang pagtigil ng aking hininga nang bumaba sa labi ko ang paningin niya. Nakita ko ang paggalaw ng kaniyang lalagukan nang ito'y lumunok ng ilang beses. Napagaya ako sa paglunok nang dumapo ang aking paningin sa mamula-mula niyang mga labi.Kumalabog nang mabilis ang tibok ng puso ko nang lumapit ang mukha niya sa mukha ko. Hahalikan ni
"That's it?" 'di makapaniwalang aniya ni Sedrick pagkatapos kong i-kwento 'yon lahat sa kaniya."Oo," kumakamot sa noong tugon ko. "Who's Black, by the way?" biglaang tanong ni Sedrick sa akin.Kasalukuyan na kaming naglalakad pabalik sa Computer Laboratory Room. Sandali naman akong natigilan sa tanong niyang 'yon."Ah... 'yon ba? Napanood mo ba ang KDrama na Black? Black ang pangalan ng bidang lalaki do'n. Isa siyang Kamatayan at sumusundo siya ng mga kaluluwa. Tapos hindi na niya kailangan dumaan sa pintuan dahil kaya niyang dumaan sa mga pader. 'Di ba ang astig niya? Kaya do'n kita tinawag dahil hindi kita nakitang dumaan sa pintuan." Nakangiting kong kwento, pero agad 'yon nawala nang nagtataka akong tiningnan ni Sedrick.Sumeryoso naman ang mukha kong hinarap siya "Tapati
Kasalukuyan na akong nakasakay sa Jeep pauwi sa aming bahay. Mabuti na lamang at may Jeep pang bumabyahe kahit alas diyes na nang gabi. Hanggang ngayon, nagtataka pa rin ako kung bakit nandito sa bag ko ang keychain ni Clinthon. Inalala ko ang lahat na nangyari ngayong araw, ang pumasok sa isip ko ay no'ng makasabay ko sa pagbaba si Clinthon sa Jeep . Kung saan nahila niya ang bag ko't akala ko no'n sinadya niyang gawin 'yon. Pero pakiramdam ko'y hindi, baka siyang pagbaba niya ng Jeep ay do'n sumabit ang keychain niya sa bag ko.Naglalakad na ako papasok sa bahay, pero hindi pa rin ako makapaniwala na narito sa akin ang keychain ni Clinthon. Siguradong matinding galit na naman ang mararamdaman niya kapag malaman niyang nasa akin ito.Napatigil ako sa pag-iisip nang tuluyan akong makapasok sa bahay. Sobrang tahimik ng paligid, siguro tulog na sina Mama't Papa pati na rin si Brayson. Mag-a-a
Araw ng Sabado't umaga ang talakdaan ko sa trabaho sa Café of Memories. Nakapagdesisyon akong mamayang lunch break ako pupunta sa Training Room nina Clinthon. Agad akong nagpaalam kay Ma'am Benie nang dumating ang oras ng lunch break namin. Nang pumayag siya, agad akong lumabas sa Coffee Shop saka tumawid sa kalsada patungo sa Training Room nina Clinthon. "Ate Almhera!"Pagkatawid ko sa kabilang kalsada, nagulat ako nang makasalubong ko si Alyson. "Alyson!" Agad kaming nagyakap at nagkamustahan."Saan ka pala pupunta, ate?" tanong niya sa akin nang maghiwalay kami mula sa pagyakap."S-Sa Training Room niyo sana, Alyson. Nandoon ba si Clinthon— ay este 'yong Kuya Clinthon mo?" Mapanukso niya akong tiningnan dahil sa sinabi kong 'yon."Oo naman, ate! Nandoon siya." Ngumisi ito nang nakakaloko saka lumapit sa akin. "Bakit ate? Anong kailanga
"Alam mo bang mas mahalaga pa sa buhay mo ang keychain na 'to, ha! Simula pa lang alam kong magnanakaw ka na. Pangit ka na nga, maitim pa, tanga, at bobo ka pa. Hindi na sana nabuhay sa mundong ito ang mga katulad mo." Sa kabila ng sunod-sunod na pagtulo ng mga luha ko, ramdam ko ang biglaang pagdaloy ng sakit at galit sa sistema ko. Huli ko lang napagtanto ang mga sumunod na nangyari nang dumapo ang kanang kamay ko sa kaliwang pisngi ni Clinthon. Sanhi 'yon upang tumabingi ang mukha niya dahil sa lakas ng pagkakasampal ko. Tumatangis ko siyang tiningnan nang masama sabay hugot ng hininga. "A-Alam kong pangit at maitim ako. T-Tanggap ko naman 'yon e. Pero... ang pagsabihan mo akong hindi na sana nabuhay sa mundong ito ang mga katulad ko—" Napatigil ako sa pagsasalita't saka huminga nang malalim. "Sumusobra ka na...