Share

Third Trip: We're Always At Your Back

"GIOVANNI OPPA! ANG GWAPO MO!"

"CHRISTINE RITZ FONTANA, BE MY GIRLFRIEND!"

Mga hiyawan ng mga kaiskuwela namin pag pasok namin kinabukasan. Kailan pa ba ako masasanay sa sikat kong mga kaibigan na ito? Nakayuko lang akong nakasunod sa likod nilang dalawa.

"HOY MAITIM NA PANGIT! LUMAYO KA NGA RIYAN SA TABI NILA!"

Napaangat ako ng aking ulo nang tumigil sa paglalakad ang dalawa. Matalim ang tingin nila sa direksyon ng kaiskuwela naming sumigaw sa akin, na sana'y hahayaan ko na lang sana. Hinawakan ko ang mga braso nilang dalawa nang akma silang susugod doon.

"Naku naman mga bestfriend, hayaan niyo na sila. Mali-late na tayo sa klase, oh,"

Hindi umaalis ang matalim nilang tingin sa kaiskuwela namin habang hinahatak ko sila papalayo roon.

"Ano ka ba naman, Almhera! Ba't mo naman kami pinigilan?! Sumusobra na talaga ang mga 'yan!" kunot-noong singhal ni Giovanni nang makalayo kami sa mga kaiskuwela namin.

Bahagya akong napapikit nang humarap ito sa 'kin. Napatingin naman ako kay Christine na nasa tabi niya. Katulad ni Giovanni, nakapinta rin sa mukha niya ang inis at galit.

Napabuntong-hininga naman ako bago magsalita, "Ano ba naman kayo, hindi pa ba kayo nasasanay sa mga kaiskuwela natin? Simula Grade 7, ganoon na sila sa akin. Tingnan niyo ngayon, Grade 12 na tayo, o? Siguradong magsasawa rin ang mga 'yon." Matamis akong ngumiti sa kanilang dalawa.

"'Yan din ang sinabi mo sa amin before, Almhera. But look at this, malapit na tayong magga-graduate sa K-12 but until now patuloy ka pa rin nilang binu-bully." Nakaarko ang kaliwang kilay ni Christine sa sobrang galit.

"Let's talk this again later. Magta-time na at kailangan na nating pumasok sa ating mga classrooms, " wika ni Giovanni na nagpatigil sa amin ni Christine.

***

Deretso akong nakatingin sa aming guro na abala sa pagtalakay sa harap. Ngunit wala akong maintindian sa sinasabi niya nang bumabagabag muli sa isipan ko ang mensaheng natanggap ko kahapon. Mula pa kagabi hanggang ngayon sa pagpasok sa eskwela, hindi nawawala sa isipan ko 'yon. Sigurado ako, ang FoxyLuscious Group ang nagpadala no'n dahil sa nakalagay na initials na FLG.

Ngayon, kinakabahan ako at baka may gawin muli silang masama sa akin. Malalim akong napabuntong-hininga nang tumunog ang bell, hudyat ng pagtatapos ng aming klase.

"Mas mabuting think positive na lang tayo, Almhera. Huwag tayong nega ngayong araw," wika ko sa aking sarili.

Mabagal kong iniligpit ang aking mga gamit at hinintay munang makalabas ang lahat kong kaklase bago tuluyang makalabas sa aming silid-aralan. Pabuntong-hininga akong naglakad nang hindi nakaligtas sa pandinig ko nang ako na naman ang pinag-uusapan ng mga kaklase ko. Gumuhit ang ngiti sa labi ko nang matanaw ko ‘di kalayuan sina Giovanni at Christine, naghihintay sa ‘kin.

“How’s your class, Almhera girl?” malawak na ngiting tanong sa ‘kin ni Christine sabay yakap sa kaliwang braso ko. Hindi ko mapigilang mapangiti nang sa wakas, hindi na siya galit 'di katulad kanina.

“Maayos naman Christine. Kayo, kumusta ang mga klase niyo?” tanong ko sa kanilang dalawa ni Giovanni. Pilit kong pinapatamis ang ngiti sa labi ko, hindi pinapakita ang pagiging balisa ko.

“As usual, maganda pa rin ako. ‘Di pareho sa guro ko, pangit na nga, ang boring pa magsalita.”

Sabay kaming napasinghap ni Christine dahil sa mahinang sabi 'yon ni Giovanni. Sabay namin itong hinampas sa braso.

"Ang sama mo Giovanni. Siguradong hindi ka lang nakikinig sa lecture ng guro mo," ani ko.

"Excuse me, sino naman may ganang makinig sa boring niyang pananalita?" asar na sagot ni Giovanni.

"You're so mean talaga, Vanni. Let's go na nga, I'm hungry." pag-aya ni Christine sa amin.

Agad kaming pumanhik sa Cefeteria, dahil lunch time na, sobrang dami ng mga estudyante ang kumakain sa loob. Napatigil ako sa paglalakad at biglang dumagundong ang kaba sa dibdib ko nang makasalubong ko ang mga mata ng FoxyLuscious Group. Nakaupo sila sa gitnang parte ng Cafeteria. Ramdam ko ang panginginig ng mga kamay ko dahil sa paraan ng kanilang pagtitig sa akin.

"Almhera, what's wrong? Let's go." Nagitla ako nang may humawak sa kamay ko. Natataranta kong hinila ang kamay ko nang makitang si Giovanni ito. Kumunot naman ang noo niya dahil sa ginawa ko.

"Sige Giovanni, tayo na." Mabilis akong nauna maglakad kay Giovanni. Pilit akong ngumiti kay Christine nang makitang nakaupo na ito sa pang-apat na mesa.

"I already order our foods, Almhera girl," nakangiting wika ni Christine nang makaupo ako sa tabi niya. Sinuklian ko lang ito ng ngiti.

Nawala ang ngiti sa labi ko nang umupo si Giovanni sa harap ko. Napaiwas ako ng tingin sa kaniya nang seryoso itong nakatingin sa akin. Napapalunok ako nang maisip baka patayin ako ni Giovanni gamit ang tingin niya.

"For the first time, ngayon mo lang hinila ang kamay mo mula sa hawak ko, Almhera."

Nanlaki ang mga mata kong napatingin kay Giovanni dahil sa sinabi niyang 'yon. Lagot ka na talaga Almhera.

"Why? What's wrong guys?" nagtatakang tanong ni Christine sa amin.

"Naku, wala Christine." umiling-iling kong tugon sa kanya.

"Give me your hands, Almhera." seryosong utos sa akin Giovanni.

Pabuntong-hininga kong binigay sa kanya ang mga kamay ko. Mariin akong napapikit nang maramdaman ang mga matang nakatingin sa direksyon namin nang hawakan ni Giovanni ang mga kamay ko.

"Oh My God! Why the both of you is so sweet?!"

Mahina kong sinipa ang paa ni Christine mula sa ilalim ng lamesa dahil sa sigaw niyang 'yon. Mas lalo niya akong pinapahamak nito e.

"Is there something wrong, Almhera?"

Napatingin ako kay Giovanni nang mahina niyang itanong 'yon.

"Wala naman, Giovanni," mahinang sagot ko at agad umiwas sa tingin niya.

"You know, you're not good at lying, bruha," Nagitla ako nang ilapit niya ang mukha niya sa akin at sabay ibinulong 'yon sa tainga ko. "At alam kong may bumabagabag diyan sa isipan mo," dugtong niya pa.

Napahinga ako nang maluwag nang lumayo ito sa akin sabay binitawan ang mga kamay ko. Napayuko ako nang umugong ang bulungan sa buong cafeteria dahil sa ginawang 'yon ni Giovanni. Masama akong napabaling kay Christine nang marinig ko itong humagikhik sa tabi ko.

"Sorry... ang sweet niyo kasi ni Vanni," aniya, na lalo akong inasar.

Napabuga ako ng hangin nang dumating na ang mga pagkain namin. Vegetable salad at tuna sandwich ang pagkain ni Christine. Habang carbonara naman ang pagkain ni Giovanni. Kanin at chicken curry naman ang sa akin.

Nagsimula na kaming kumain, ngunit parang hindi ko malunok ang kinakain ko dahil sa mga matang nakatingin sa akin. Bigla akong napatayo nang bumuhos sa mukha at damit ko ang orange juice.

"ANO BA?! WHY DID YOU DO THAT TO HER?!" Napatayo si Christine at malakas sinigawan ang babaeng nakabuhos sa akin ng Juice.

"SORRY PO! Hindi ko po sinasadya, nadulas po kasi ako. Hindi ko po talaga sinasadyang mabuhos sa kaniya ang juice na hawak ko. "

Akmang susugurin ni Christine ang babae pero agad akong humarang sa harap niya at pinigilan ito.

"Ayos lang ako, Christine. Hindi niya naman sinasadya ang nangyari," ani ko sabay hawak sa magkabila niyang braso.

Bumaling naman ako sa babaeng nakatapon ng juice sa akin. "Ok na po, puwede na po kayong umalis," wika ko.

Bahagya akong nagulat nang makita kong pasimple itong ngumisi bago umalis sa harap ko. Aksidenteng dumapo ang tingin ko sa mesa ng FoxyLuscious Group. Natataranta akong napaiwas ng tingin nang makita kung gaano kasama ang tingin nila sa akin.

"Tapos na ba kayo kumain?" bigla kong tanong kina Giovanni at Christine. "Tapos na kasi akong kumaiin. Tara na, labas na tayo."

"B-But... hindi pa nakakahalati ang pagkain mo, Almhera girl," sabi ni Christine habang nakatingin sa pagkain ko.

Hindi ko naman maiwasang mapanghinayang dahil kaunti lang ang nabawasan sa pagkain ko. Mariin akong napapikit sabay paghingi ng tawad sa Panginoon dahil sa pagsayang ko ng pagkain ngayon.

Napipilitan akong ngumiti kay Giovanni at Christine. "Busog pa kasi ako Christine, wala akong ganang kumain," pagsisinungaling ko. Hindi ko lang kayang kumain dito sa Cafeteria kapag maraming mga mata ang nakatingin sa akin. Nangunguna na roon ang mga mata ng FoxyLuscious Group na binabantayan ang bawat kilos ko.

"Tayo na, labas na tayo." Aangal pa sana sila ngunit pilit ko silang dalawa tinulak palabas ng Cafeteria.

Agad akong dumeretso sa banyo upang magbihis ng aking unipormeng nabasa ng orange juice. Paano ko na naman kaya 'to itatago kay Mama? Kahapon, inilagay ko sa garbage bag ang damit kong nabuhusan ng maruming tubig para hindi ito mapansin ni Mama. Sa tingin ko, 'yon na naman ang gagawin ko mamaya pagkauwi ko ng bahay.

"Pasensya Christine ha? Isasauli ko na sana itong uniporme mong pinahiram mo sa akin kahapon. Ngunit ngayon, hiniram ko muli ito," wika ko nang makalabas ako mula sa banyo.

Sa labas ng banyo sila ni Giovanni naghihintay sa akin. Napatingin ako kay Giovanni, seryoso ang mukha niyang nakatingin sa malayo. Ano naman kaya ang iniisip niya?

"It's okay, Almhera girl. Puwede namang sa 'yo na lang 'yan. Marami naman akong uniform sa bahay." Napatingin ako kay Christine nang bigla niya akong akbayan at matamis itong nakangiti sa akin.

"Naku, huwag na Christine. Ga-graduate na rin naman tayo ng K-12 next year," nakangiti kong sabi sa kanya.

Naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko mula sa bulsa ng aking palda. Agad ko itong kinuha at dumagundong ang kaba sa dibdib ko nang makita ko ang mensahe.

"Sobrang saya mo na siguro ngayon? Tandaan mo, hindi pa tapos ang paghihiganti ko sa 'yo. Pasalamat ka, juice lang ang naibuhos sa 'yo kanina. Kung wala lang sana ang mga anghel mong kaibigan. Kumukulong tubig sana ang ibinuhos sa makapal at desperada mong pag-mumukha."— FROM: FLG

"Ito ba ang dahilan kung ba't ka nababalisa at nagawa mo pang magsinungaling sa amin ni Christine, Almhera?" Nanlaki ang mga mata ko nang agawin ni Giovanni ang hawak-hawak kong cellphone.

Hindi ko alam kung ano ang maisasagot ko sa sinabi niya. Si Christine naman ay agad kinuha ang cellphone ko mula sa kamay ni Giovanni. Napasinghap ito pagkatapos mabasa ang mensaheng natanggap ko. Nag-alala niya akong tiningnan. Napayuko ako nang mamuo ang mga luha ko. Ito ang hindi ko gusto, ang malaman nilang may problema ako. Alam kong may mga sariling problema rin sila at ayoko ng dagdagan pa 'yon.

"Kailan ka pa nila pinapadalhan ng mensaheng ganito, Almhera girl?" may halong galit sa tono ng pagkakasabi ni Christine. "Why you didn't tell us?" dugtong niya pang tanong.

"I-I'm sorry..." ang tanging tugon ko. Nakayuko lang ako at ayokong makita ang mukha nilang galit dahil sa pagsisinungaling ko.

"YA! NEO MICHYEOSS-EO?!"

(Translation: Hey! Are you crazy?!"

Napapikit ako nang sigawan ako ni Giovanni. Naramdaman ko ang paghawak niya sa magkabilang braso ko at sapilitan akong pinaharap sa kaniya. Parang dinudurog ang puso ko nang makita ang pag-alala sa mukha niya at ganoon din kay Christine.

"Alam mo ba kung gaano ako kaalala sa 'yo, bruha? For the first time, binitawan mo ang paghawak ko sa 'yo kanina tapos ngayon umiiwas ka ng tumingin sa mga mata ko," sabi ni Giovanni.

"We promised to each other, Almhera girl. Walang bibitaw sa hawak-kamay nating tatlo. Almost 6 years of our friendship, we promised that we don't hide any secrets ," sabi naman ni Christine.

Sunod-sunod tumulo ang mga luha ko nang bumalik ang mga alaala naming tatlo nang magsumpaan kami noon.

"I-I'm s-sorry mga b-bestfriend ko... H-Hindi ko lang gusto na pati kayo madadamay sa problemang hinaharap ko."

Tumigil sa pagluha ang mga mata ko nang sabay-sabay nila akong binatukan. Napanguso ako at napasapo ako sa parteng binatukan nila. Kung kailan nagda-drama ako, doon pa nila ako sasaktan ng pisikal.

"Kahit kailan talaga, Almhera girl. Damay na rin kami sa problema mo no? Alam naming ang FoxyLuscious ang may pakana nitong lahat," wika ni Christine na nagpagulat sa akin.

"Huwag ka ng magtataka kung ba't alam namin. Ang FoxyLuscious Group lang naman ang may malaking galit sa 'yo rito sa MHU," natatawang sabi ni Christine nang mapansin ang naging reaksyon ko.

"Ito naman kasing bakla na 'to. Ba't kasi ang gwapo mo? Pati ang mga pangit at mukhang tempurang palaka ang nagkakandarapa sa 'yo?" pang-aasar ni Christine kay Giovanni.

Napairap naman ng mga mata si Giovanni at marahan pinunasan ang mga luha sa pisngi ko. Hindi ko mapigilang mapangiti nang yakapin nila akong dalawa ni Christine.

"Always remember, Almhera. We're always at your back," sabay nilang dalawa sinabi.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status