Home / YA/TEEN / Jeepney Love Story / Fourth Trip: Pissed Off

Share

Fourth Trip: Pissed Off

Author: Krizzy Zowlala
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Hindi mawala-wala ang ngiti sa labi ko habang naglalakad pabalik sa aming silid-aralin. Hanggang ngayon, nagpapasalamat ako sa Panginoon dahil binayayaan niya ako ng mababait na mga kaibigan.

Napatingin ako sa hawak kong sandwich. Bago kami maghiwalay nina Giovanni at Christine kanina, binilhan pa muna ako ni Giovanni ng sandwich. Kung hindi ko lang siguro alam ang totoong pagkatao niya, baka pati ako ay nahulog na rin sa kaniya dahil sa pagiging maalaga niya.

Nawala ang ngiti sa labi ko nang maalala ang FoxyLuscious Group. Siguradong madagdagan ang galit nila sa akin nang dahil kanina sa Cafeteria. Ba't kasi ginawa 'yon ni Giovanni sa harap pa ng mga kaiskuwela namin? Napabuga ako ng hangin at tuluyan nang pumasok sa aming silid-aralan.

Agad kong kinain ang sandwich nang wala pa ang mga kaklase ko sa loob. Ilang minuto ang lumipas, sunod-sunod na silang nagsipasukan sa aming silid-aralan. Nakayuko lang ako sa aking upuan nang marinig ko ang mga bulungan nila. Tungkol na naman sa akin at sa ginawa ni Giovanni sa akin sa Cafeteria. Buong klase nakayuko ako at inabala na lang ang sarili sa pagsusulat ng kung ano-ano sa aking kuwaderno.

"ALMHERA ISABELLE DELA VEGA!"

Napaupo ako nang maayos nang malakas isinigaw ng aming guro ang buo kong pangalan.

"Kanina ko pa tinatawag ang pangalan mo ngunit masyado kang abala riyan," mataray na pagkakasabi ng aming guro.

Napapalunok ako nang umarko ang kaliwang kilay niyang itim ang pagkakaguhit. "Tumayo ka," pag-utos niya. Mabilis akong napatayo mula sa pagkakaupo. "Ano ang buong pangalan ni Jose Rizal?" mataray niyang tanong.

Dumagundong ang kaba sa dibdib ko dahil sa tanong niyang 'yon. Bahala na si Batman. "Ang buong pangalan ni Dr. Jose Rizal ay José Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda, Ma'am," kinakabahan kong sagot.

Buong silid ay tumahimik at naghihintay sa magiging tugon ng aming guro sa sagot ko.

"Mahusay! Tama ang iyong sagot Ms. Dela Vega. Mabuti at natandaan mo pa ang buong pangalan ni Jose Rizal." Lumuwag ang dibdib ko nang marinig ang tugon ng aming guro. "Puwede ka nang maupo," pag-utos nito sa 'kin.

Napabuga ako ng hangin pagkaupo. Mabuti na lang talaga at hindi nawala sa isip ko ang buong pangalan ni Jose Rizal.

"Bago ko tapusin ang ating klase, gusto kong sabihin sa inyo na kailangan niyong bumili ng libro tungkol kay Jose Rizal at sa mga gawa nito." Napatutok kaming lahat sa pakikinig sa anunsyong 'yon ng aming guro sa History. "Doon ako kukuha ng topiko sa ating klase at magbibigay ako ng pagsusulit sa susunod na linggo. Iyon lamang at tapos na ang ating klase."

Nang makalabas ang aming guro, maraming umangal at may iba ay sumang-ayon din. Napaisip bigla ako, mabubutas na naman ang bulsa ko nito dahil sa librong bibilhin namin.

***

(At saan ka na naman pupunta, Almhera?) mataray na pagkakasabi ni Giovanni sa kabilang linya.

Bigla itong napatawag sa akin pagkatapos kong magpadala ng mensahe sa kanila ni Christine na hindi ako makakasabay sa kanilang umuwi.

"Sabi ko Giovanni, pupunta ako ngayon sa mall dahil bibili ako ng libro tungkol kay Jose Rizal at sa mga gawa niya," tugon ko sa kaniya.

Kasalukuyan akong nakaabang ng Jeep sa labas ng MHU. Mas mabuti na lang bilhin ko agad ang librong 'yon nang maaga kong pag-aralan 'yon para sa pagsusulit namin sa susunod na linggo.

(Why don't you just wait for us, Almhera girl? Para masamahan ka namin ni Giovanni,) ani naman ni Christine sa kabilang linya.

"Naku, ayos lang. Kaya ko naman e. At may lakad pa kaya kayo ngayon. Ayokong makaabala sa inyong dalawa," tugon ko. "Oh sige na, message ko na lang kayo mga bestfriend. Nandito na ang Jeep. Bye! Ingat kayo!" Agad kong pinatay ang tawag nang huminto ang Jeep sa harap ko.

Pagkarating ko sa Mall dito sa bayan ng La Deś Stefano, agad akong pumasok at dumeretso sa National Book Store.

"Saan ko naman kaya 'yon mahahanap?" tanong ko sa sarili habang naglibot-libot sa iba't ibang estante ng mga libro. Napatigil ako bigla sa isang section. Puro nobela ito at natuon ang interest ko sa isang libro. Kinuha ko ito at binasa ang unang pahina. Hindi ko maiwasan mapangiti o matawa dahil comedy genre pala ang nakuha ko. Puro short story ito at iba't ibang manunulat sa bawat pahina ng libro. Napasandal ako sa bookshelf habang nagbabasa. Napatigil ako bigla nang may lalaki sa harapan ko na sobrang lapit ang katawan sa 'kin.

"Excuse me," wika no'ng lalaki sa akin.

Natakpan ko ang mukha ko gamit ang librong hawak nang mas lalo itong lumapit sa akin. Naramdaman ko na lang nang may kinuha itong libro sa likod ng sinasandalan ko. Napaatras ako nang mas lalong lumapit ang katawan niya sa 'kin. Ngayon, kaharap ko na ang dibdib no'ng lalaki at hindi ko maikakailang mabango ito.

Hala Almhera! Ano ba ang pinag-iisip mo?

Bahagya kong naihampas sa aking mukha ang hawak kong libro dahil sa mga naisip ko. Napayuko na lang ako't unti-unti sanang aalis sa harap ng lalaki. Ngunit hindi ako makaalis sa pwesto ko dahil katabi ko pa ang isa pang bookshelf. Sa maling paggalaw ko baka masagi ko ito't matumba. Tumingala ako sa lalaki, napaawang ang mga labi ko nang makita ng mga mata ko ang librong kanina ko pa hinahanap.

"NAKITA RIN KITA!" Hindi ko napigilang sabihin 'yon nang malakas at naitulak ko pa ang lalaki sa harap ko para kunin agad ang libro.

"Ba't kasi may mga taong bastos at hindi nilalagay sa lugar ang bunganga para tumahimik?"

Napalingon ako sa lalaking nagsalita mula sa likuran ko. Nahulog ang panga ko nang mamukhaan ko ito. Siya 'yong lalaking nakatabi ko sa Jeep noong isang araw. Siya 'yong lalaking kamukha ang Gwapong Anghel mula sa panaginip ko.

"Katulad na lang ng iba diyan, maitim at pangit na nga, wala pang good manners. Iba na nga talaga ang taong pabaya sa pag-aaral," wika ng lalaki at tiningnan ako ng nakakasuyang tingin.

Nalukot ang mukha ko dahil sa mga sinabi niya. Ako? Walang good manners? Antipatiko 'to a! "Anong sinabi mo?" 'di makapaniwalang tanong ko sa kaniya.

"At bingi pa talaga," napakunot-noo ako nang marinig ko ang bulong niyang sinadya niyang lakasan para marinig ko. "Tabi nga riyan, nakaharang ka sa daan," masungit niyang saad at bahagya akong tinulak nang dumaan ito sa harap ko.

"HOY! Mas ikaw 'tong bastos! Ang sama ng ugali mo!" sigaw ko sa kaniya ngunit parang siya itong bingi at hindi pinansin ang sinabi ko.

"Madapa ka sana! Kainis ka!" sigaw ko sa isipan nang tuluyan itong makalabas ng National Book Store. Agad akong pumunta sa cashier para bayaran ang libro. Hindi na ako nagtagal pa sa loob ng Mall at agad lumabas saka nagsakay ng Jeep pauwi.

Hindi pa rin ako makapaniwala na makikita kong muli ang kamukha ng Gwapong Anghel sa panaginip ko. Ngunit mas lalong hindi ako makapaniwala dahil sa ugaling pinakita niya sa akin. Ano bang ginawa ko at gano'n na lang ang galit niya sa akin at pinagsalitaan niya pa ako ng masama? Ako raw, pabaya sa pag-aaral? Walang good manners? Grabe siya, hindi niya alam ang pinagdaanan ko bilang estudyante para pagsalitaan ako nang ganoon kanina. Nakakainis talaga siya! Ang layo ng ugali niya sa Gwapong Anghel na nasa panaginip ko! Siya sana sunduin ni Kamatayan dahil sa kasamaan ng ugali niya.

***

CLINTHON POV

"Magandang hapon, Mr. Clinthon Lance Montanari," pagbati ng kaibigan kong si Andrew nang makapasok ako sa Training Room namin.

Pabagsak kong inilagay ang dala kong bag sa mesa at saka pabagsak akong umupo sa kaharap nitong silya. Naramdaman ko ang paglapit ni Andrew, napasulyap ako sa kaniya at nakita kong basang-basa ito ng pawis at suot-suot pa nito ang Kimono.

"Ba't parang bad trip ka yata, Bro?" tanong nito nang makaupo sa kaharap kong silya.

"Hindi parang, talagang bad trip talaga ako," asar kong tugon sa kaniya.

"Oh, bakit naman? May nakaaway ka ba sa labas?" usisang tanong niya.

Pabuntong-hininga naman akong uminom ng tubig sa bottled water na nakapatong sa mesa. "Parang gano'n na nga... Kainis lang kasi 'yong babae sa National Book Store," kunot-noo kong wika.

Sumilay ang ngisi sa labi ni Andrew. "Naks! Chicks ba 'yan Bro? Sana sumunod na lang ako kanina nang makita ko siya," natutuwang wika niya.

"Ha! Magsisisi ka kung makikita mo siya. Ang itim-itim niya at sobrang pangit pa. Ang sama pa ng ugali niya. Itinulak ba naman ako kanina at bigla na lang sumigaw ng "NAKITA RIN KITA!" panggagaya ko sa boses ng babae kanina.

Itong kaibigan ko naman ay bigla na lang humagalpak ng tawa. Anong nakakatawa sa kuwento ko? Hindi ba siya naiinis sa babaeng 'yon? Lalo akong naiinis sa paraan ng pagtawa niya e.

"Ano naman ang nakakatawa, Andrew?" asar kong tanong nang makitang maluha-luha na ito sa kakatawa.

"E-E k-kasi naman, unang beses na may gumanon sa 'yong babae," natatawa pa rin niyang tugon.

Tama si Andrew, unang beses na may gumanon sa akin at babae pa talaga. Sa gwapo kong ito at maraming nagkakandarapang babae sa akin, itutulak lang ako ng pangit at maitim na babaeng 'yon? Kainis talaga siya! Hindi ko na sana siya makikita pa at baka ano ang magawa ko sa kaniya 'pag makita ko ang nakakainis niyang pangit na pagmumukha.

Related chapters

  • Jeepney Love Story   Fifth Trip: Unknown Memory

    "BAKIT napanaginipan muli kita!" Malakas kong sigaw habang nakatakip ang unan sa mukha ko. "Pagkatapos akong ipahiya ng lalaking kamukha mo kahapon. Susulpot ka na lang muli sa panaginip ko at may payakap-yakap ka pang nalalaman!" Gigil kong pinagsusuntok ang unan na yakap-yakap ko. Napatigil at napatihaya ako ng higa. "Pero ito naman ako, yumakap naman pabalik sa 'yo," mahinang sabi ko habang inaalala ang detalye ng napanaginipan ko. Napagulong-gulong ako sa aking higaan dahil sa sobrang inis. Kahit sa panaginip, marupok pala ako? Kaloka ka Almhera!"ALMHERA! GISING KA NA BA RIYAN?!" Napaupo ako bigla nang marinig ko ang sigaw ni Mama mula sa labas ng kuwarto ko. "Naku talagang bata ka! Tanghali na, hindi ka pa rin diyan bumabangon!" Napatakip ako ng tainga nang dumagundong ang lakas ng boses ni Mama sa buong bahay. "Gising na po ako Ma! Nag-aayos na nga po ako ngayon!" pasigaw kong sagot habang inaayos na ang aking higaan. "Bilisan mo! Mag-aagahan na tayo!" sigaw niyang muli.

    Last Updated : 2024-10-29
  • Jeepney Love Story   Sixth Trip: Notorious

    Marami na akong narinig at nakita sa telebisyon tungkol sa mga alaala ng isang tao. Ngunit hindi ko pa rin maintindihan kung ano 'yong lumabas sa isipan ko. Alaala ko ba iyon? Bakit hindi pamilyar sa akin? At sino ang mag-inang 'yon? Napahawak ako sa aking ulo nang makaramdam ako ng hilo at konting kirot doon. Isang linggo na ang lumipas nang mangyari ang muntikang aksidente namin ni Papa. Ngunit hanggang ngayon, bumabagabag pa rin sa isipan ko ang alaalang nakita ko. Hindi ko naman masabi-sabi ito kina Mama't Papa at baka mag-alala pa sila. Hindi ko napigilang mapatili nang biglaang huminto ang Jeep na sinasakyan ko. Muntikan akong mapasubsob subalit hindi 'yon natuloy nang may mga kamay ang humawak sa braso ko. Bumaling ako sa taong 'yon at sana'y magpapasalamat. Ngunit nanlaki na lamang ang mga mata ko nang makitang malapit sa mukha ko ang mukha ng gwapong anghel mula sa panaginip ko. Impit akong napaaray nang bigla niya akong bitawan pagkatapos niya akong makita. Masama ko itong

    Last Updated : 2024-10-29
  • Jeepney Love Story   Seventh Trip: Broken Heart

    CHRISTINE RITZ POV"What's wrong, Almera girl? Are you okay?" I step closer to her when she's still looking at me and Giovanni."S-Siya... Siya ang lalaking nasa panaginip ko," wala sa sariling wika niya. Giovanni and I looked at each other, both surprised by Almhera's act. What does she mean? Ang lalaking kasama ng crush ni Giovanni ay napanaginipan niya? Napasinghap ako at mabilis hinawakan sa magkabilang balikat si Almhera. "What do you mean, Almera girl? May hindi ka ba sinasabi sa amin ni Giovanni?" I asked.She looked at me. "Ang lalaking kamukha ng gwapong anghel sa panaginip ko. Ang lalaking nakaharap ko sa National Book Store. At ang lalaking nakatabi ko sa Jeep... iisang paaralan lang pala kami pinapasukan?" 'di makapaniwalang sabi niya."Hoy bruha, umayos ka nga. Anong pinagsasabi mo riyan? May something ba sa inyo ng Clinthon Lance Montanari na 'to ha?" Giovanni asked Almhera after he steps closer to us.Pakamot-kamot sa ulong bumuntong-hininga si Almhera. Naguguluhan ko

    Last Updated : 2024-10-29
  • Jeepney Love Story   Eight Trip: Painful Love

    ALMHERA'S POVNaalimpungatan ako sa tunog ng cellphone ko. Kusot-kusot ang mga mata kong kinuha ito mula sa ibabaw ng side table. Papikit-pikit kong sinagot ang tawag nang makitang si Christine ang tumatawag sa akin. "H-Hello?" humihikab kong sabi. ["Hello, Almhera girl!" ]Nailayo ko bigla ang cellphone sa tainga ko nang malakas na tugtog at lasing na boses ni Christine ang tumugon sa kabilang linya. "Christine?! Lasing ka ba? Nasaan ka?" Napatayo ako mula sa pagkakaupo sa aking kama dahil sa pag-alala sa kaniya. ["W-What? M-Me? L-Lasing? No way!" ]Napatampal ako sa aking noo nang marinig kong muli ang lasing niyang boses. "Nasaan ka ngayon, Christine? Pupuntahan kita," ani ko sabay kuha ng jacket mula sa cabinet ko. Alas onse ng gabi nang tingnan ko ang oras sa orasang nakasabit sa pader ng kuwarto ko. Mabilis kong sinuot ang kulay abo kong jacket. ["I-I'm in my condo... r-right now... A-Almhera girl. C-Can you join me?" ] sumisinghot niyang wika sa kabilang linya. "Sige, pu

    Last Updated : 2024-10-29
  • Jeepney Love Story   Ninth Trip: Mister Antipatiko

    ALMHERA'S POV"Almhera! Gising!"Bigla akong napaupo mula sa himbing kong pagtutulog nang biglang may humila ng kanang tainga ko. Sinamaan ko ng tingin si Giovanni nang makitang hawak-hawak ako sa tainga. Ang bakla, naka-topless pa sa harap ko at ibinalandara pa ang anim niyang pandesal sa mukha ko. "Ano ba naman, Giovanni! Alas nuebe pa kaya ang pasok natin ngayon! Ba't mo ko ginising? Tingnan mo ang oras, o? Alas singko y medya pa lang ng umaga," asar kong sabi pagkatapos kong makita ang oras. "Si Tita Amanda tumatawag at ikaw ang hinahanap," walang gana niyang sabi sabay bigay ang sarili niyang cellphone sa akin. Bumalik ito muli sa paghiga sa malaking sofa rito sa kuwarto ni Christine. Napatingin naman ako sa katabi kong si Christine na ang himbing pa rin ng tulog. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kama at dahan-dahang lumabas ng kuwarto. Nanginginig kong itinapat sa tainga ang cellphone ni Giovanni nang tuluyan na akong lumabas . Ba't kaya tumawag si Mama ng ganito ka aga? May p

    Last Updated : 2024-10-29
  • Jeepney Love Story   Tenth Trip: Is she sick?

    CLINTHON'S POVPasipol-sipol akong pumasok sa Training Room namin ng mga judo athletes. Sumilay ang ngisi sa aking labi nang maalala ang mukha no'ng pangit. Almhera pala ang pangalan no'n? Tsk. Sayang talaga ang magandang pangalan, napunta pa sa pangit na tao. "Ganda ng araw natin, Bro a. Siguro may ka-date kang chicks kagabi. Kaya ganyan na lang kaganda ang ngiti mo."Bigla akong sumeryoso nang bumungad ang pagmumukha ng baliw kong kaibigan na si Andrew. Ang loko, parang timang kong makangiti sa harap ko. "Alam mong hindi ko hilig ang makipag-date, 'di tulad mo Andrew," walang gana kong sabi at nilagpasan ito. Dumeretso ako sa aming locker at iniligay roon ang dala kong bag. Ang loko kong kaibigan nakasunod naman sa likod ko."Alam ko naman 'yon, Bro—" napatingin ako sa kaniya nang bigla itong natigilan sa pagsasalita. "Anong nangyari riyan sa kamay mo? Ba't may benda 'yan? Napaaway ka ba?" nag-alala niyang tanong sabay kuha ng kaliwang kamay ko. "Hindi ako nakipag-away, Andrew. K

    Last Updated : 2024-10-29
  • Jeepney Love Story   Eleventh Trip: Sedrick

    ALMHERA'S POVHumuhuni akong nag-aayos ng gamit, hanggang sa pagligo at pagbihis ng damit. Hindi ko mapigilang mapangiti sa harap ng salamin. Sinisipat ang sariling nakasuot ng kulay-abong T-shirt na may kaunting disenyo, denim jeans, at kulay itim na rubber shoes. Hindi pa rin ako makapaniwala sa isiping kolehiyo na ako sa susunod na pagbukas ng klase. Napatingin ako sa pintuan ng aking kuwarto nang may kumatok doon. "Almhera, tapos ka na ba riyan sa pag-aayos? Nandito na sina Christine at Giovanni sa sala, sinusundo ka," ani Mama mula sa labas ng kuwarto. "Opo ma, lalabas na rin po ako," tugon ko. Hindi na nagsalita pa si Mama at narinig ko na lang ang yabag niyang papalayo sa kuwarto ko. Kinuha ko ang bag kong nakapatong sa kama at agad nang lumabas. "Magandang umaga mga bestfriend ko!" nakangiti kong bati kina Giovanni at Christine sabay yakap sa kanilang dalawa. "Good morning, Almhera girl," sabi ni Christine."Good morning, Almhera," sabi naman ni Giovanni. Nakatingala kon

    Last Updated : 2024-10-29
  • Jeepney Love Story   Twelfth Trip: Human Cake

    Lumabas ang kulay asul niyang braces nang ito'y nahihiyang ngumiti habang patuloy pa ring nakalahad ang kamay niya sa harap ko. Nakangiti ko namang inabot ang kamay niya at nakipagkamayan."Ikinagagalak kong makilala ka, Sedrick. Ako naman si Almhera. Almhera Isabelle Dela Vega," pagpakilala ko sa sarili. Nahihiya itong napakamot ng ulo pagkatapos naming magkamayan. "I'm sorry if I didn't recognize you, Almhera. Many years had passed, mas lalong ka pang gumanda ngayon."Nawala ang ngiti sa labi ko at nakakunot-noo ko siyang tiningnan. "Ha? Anong ibig mong sabihin, Sedrick? Nagkita na ba tayo noon?" Tulad ko, nawala rin ang ngiti sa labi niya at napalitan ito ng gulat. "W-What? I-I'm sorry, may kilala kasi akong Almhera rin ang pangalan. I thought it was you. I'm sorry for my mistake," napapahiya niyang sabi at sabay iwas ito ng tingin sa akin. Natawa naman ako sabay birong hinampas ang braso niya. "Naku naman, kanina ka pa riyan humihingi ng paumanhin. Ayos lang 'yon, Sedrick. Nagul

    Last Updated : 2024-10-29

Latest chapter

  • Jeepney Love Story   One Hundred Eleventh Trip:

    ALMHERA'S POV"Ma, baka gagabihin po ako sa pag-uwi mamaya," wika ko kinabukasan kay Mama habang sinusuot ang sapatos ko.Napatigil naman si Mama sa pagwawalis ng sahig sa sala at napatingin sa akin. "Bakit naman, Almhera anak? Pupunta ka ba muli sa bahay nila Christine pagkatapos ng klase mo mamayang hapon?" tanong ni Mama at pinagpatuloy na ang pagwawalis. "Hindi po Mama, dadaan po sana ako sa Mall mamaya pagkatapos ng klase ko. Bibili lang po ako ng regalo para kay Christine," tugon ko. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa upuan at kinuha ang bag kong nakapatong sa ibabaw ng mesa. "Ganoon ba? Sandali lang, anak." Sinundan ko ng tingin si Mama nang umalis ito sa sala at pumasok ito sa kuwarto nila ni Papa. Pagkalabas niya, hawak-hawak niya ang sariling pitaka. Nanlaki ang mga mata ko nang kumuha si Mama nang pera sa kanyang pitaka at inabot sa akin. "Idagdag mo na rin ito sa pagbili ng regalo mo para kay Christine, anak. Kung hindi lang sana kami aalis ng Papa mo bukas papunta sa

  • Jeepney Love Story   One Hundred Ninth Trip:

    ALMHERA'S POV Maingay na paligid ang kumuha ng atensyon ko. Anong nangyayari? Bakit ang ingay nila? May masama bang nangyari? Bigla akong napamulat nang maalala ang nangyari sa akin mula sa mga kamay ng FoxyLuscious Group. Subalit napapikit ako muli nang nakakasilaw na ilaw ang bumungad sa aking mga mata. "OH MY GOSH! ALMHERA GIRL IS ALREADY AWAKE!" rinig kong sigaw ni Christine. Unting-unti kong minulat ang aking mga mata at napahinga na lang ako nang makitang wala na ang nakakasilaw na ilaw. Kulay puting kisame ang nakita ko. Nasaan ako? Ano na ang nangyari sa akin? Napangiwi ako nang pilit kong igalaw ang buong kong katawan. Masakit… salitang nasabi ko sa aking sarili dahil sa nararamdaman ko. "Almhera girl, how's your feeling? That freaking b!t*** FoxyLuscious Group! They all pay for this!" namumula ang mukha at salubong ang mga kilay na wika ni Christine. Narinig ko ang mga yabag papalapit sa hinihigaan ko. Sumalubong ang nag-alalang tingin nina Mama't Papa, Giovanni, a

  • Jeepney Love Story   One Hundred Eighth Trip:

    ALMHERA'S POVNaalimpungatan ako sa tunog ng cellphone ko. Kusot-kusot ang mga mata kong kinuha ito mula sa ibabaw ng side table. Papikit-pikit kong sinagot ang tawag nang makitang si Christine ang tumatawag sa akin. "H-Hello?" humihikab kong sabi. ["Hello, Almhera girl!" ]Nailayo ko bigla ang cellphone sa tainga ko nang malakas na tugtog at lasing na boses ni Christine ang tumugon sa kabilang linya. "Christine?! Lasing ka ba? Nasaan ka?" Napatayo ako mula sa pagkakaupo sa aking kama dahil sa pag-alala sa kanya. ["W-What? M-Me? L-Lasing? No way!" ]Napatampal ako sa aking noo nang marinig kong muli ang lasing niyang boses. "Nasaan ka ngayon, Christine? Pupuntahan kita," ani ko sabay kuha ng jacket mula sa cabinet ko. Alas onse ng gabi nang tingnan ko ang oras sa orasang nakasabit sa pader ng kuwarto ko. Mabilis kong sinuot ang kulay abo kong jacket. ["I-I'm in my condo... r-right now... A-Almhera girl. C-Can you join me?" ] sumisinghot niyang wika sa kabilang linya. "Sige, p

  • Jeepney Love Story   One Hundred Seventh Trip:

    CHRISTINE RITZ POV"What's wrong, Almhera girl? Are you okay?" I step closer to her when she's still looking at me and Giovanni."S-Siya... siya ang lalaking nasa panaginip ko," wala sa sariling wika niya. Giovanni and I looked at each other, both surprised by Almhera's act. What does she mean? Ang lalaking kasama ng crush ni Giovanni ay napanaginipan niya? Napasinghap ako at mabilis hinawakan sa magkabilang balikat si Almhera. "What do you mean, Almhera girl? May hindi ka ba sinasabi sa amin ni Giovanni?" I asked.She looked at me. "Ang lalaking kamukha ng gwapong anghel sa panaginip ko. Ang lalaking nakaharap ko sa National Book Store. At ang lalaking nakatabi ko sa Jeep... iisang paaralan lang pala kami pinapasukan?" 'di makapaniwalang sabi niya."Hoy bruha, umayos ka nga. Anong pinagsasabi mo riyan? May something ba sa inyo ng Clinthon Lance Montanari na 'to ha?" Giovanni asked Almhera after he steps closer to us.Pakamot-kamot sa ulong bumuntong-hininga si Almhera. Naguguluhan

  • Jeepney Love Story   One Hundred Six Trip:

    Hindi mawala-wala ang ngiti sa labi ko habang naglalakad pabalik sa aming silid-aralin. Hanggang ngayon, nagpapasalamat ako sa Panginoon dahil binayayaan niya ako ng mababait na mga kaibigan. Napatingin ako sa hawak kong sandwich. Bago kami maghiwalay nina Giovanni at Christine kanina, binilhan pa muna ako ni Giovanni ng sandwich. Kung hindi ko lang siguro alam ang totoong pagkatao niya, baka pati ako ay nahulog na rin sa kanya dahil sa pagiging maalaga niya. Nawala ang ngiti sa labi ko nang maalala ang FoxyLuscious Group. Siguradong madagdagan ang galit nila sa akin dahil kanina sa Cafeteria. Ba't kasi ginawa 'yon ni Giovanni sa harap pa ng mga kaiskuwela namin? Napabuga ako ng hangin at tuluyan nang pumasok sa aming silid-aralan. Agad kong kinain ang sandwich nang wala pa ang mga kaklase ko sa loob. Ilang minuto ang lumipas, sunod-sunod na silang nagsipasukan sa aming silid-aralan. Nakayuko lang ako sa aking upuan nang marinig ko ang mga bulungan nila. Tungkol na naman sa akin

  • Jeepney Love Story   One Hundred Five Trip:

    "Sino ang may gumawa no'n sa laptop ko?"Naninikip ang dibdib kong lumapit sa kinaroroonan nilang tatlo. Napatigil ako nang lumingon ang babaeng kausap nina Clinthon at Sedrick."A-Aynah?" 'di makapaniwalang sambit ko sa pangalan niya. .Isa 'to sa mga kaklase kong may galit sa akin at isa rin siya sa mga kaibigan ni Chloe. Anong alam niya sa nangyari sa laptop ko? May kinalaman din ba siya sa nangyari?"Almhera, I need to talk to you—" sandali itong napatigil at napatingin kina Sedrick at Clinthon bago tumingin ulit sa 'kin. "in private," dugtong niya."Hindi ba puwedeng dito na lang? Sabihin mo na rin kung sino ang sumira ng laptop ko."Hindi ko mapigilang maluha sa sobrang galit na aking naramdaman. Gusto kong humiganti sa taong sumira ng laptop ko. Kahit sinabi pa ni Mama sa akin noon pa man na mali ang gawaing paghihiganti. "Mag-usap na muna kayong dalawa, Almhera. Alis muna kami ni Sedrick," paalam ni Clinthon sab

  • Jeepney Love Story   One Hundred Four Trip:

    May takot sa sistemang sumulyap ako kay Mama. Ramdam ko ang pamamawis ng aking mga palad nang makitang walang reaksyon ang kanyang mukha habang deretso ito nakatingin sa daang tinatahak namin pauwi. Napatalon ako nang bigla itong tumigil sa paglalakad at agad itong tumingin sa akin. "Hindi pa rin talaga ako makapaniwalang may mga estudyante pa ring tulad ng Foxyluscious Group!" Napatingala sa kalangitan si Mama habang nakahawak ito sa kanyang baywang."Sana talaga, mapaalis sa Mantrell High University 'yong Chloe na 'yon. Sumusobra na ang kanyang ginawa. Porket mataas ang nakuha mong marka sa iba't ibang asignatura kaysa sa kanya, dapat ganoon agad ang gawin niya sa 'yo? Ang manira ng gamit at handa pang gumawa nang mas higit pa roon?" magkasalubong ang mga kilay na sabi ni Mama.Matunog akong napabuntong-hininga nang biglang magpatuloy ito sa paglalakad, hindi man lang hinintay ang tugon ko sa sinabi niya. Napayuko't napatingin ako sa aking mga paang hum

  • Jeepney Love Story   One Hundred three Trip:

    "Lumabas ka ba kagabi, Almhera?" Bungad ni Mama sa akin kinabukasan nang makaupo ako sa harap ng aming hapag-kainan. Kumalabog ang dibdib ko nang pumasok sa isip kong baka nakita niya kaming dalawa ni Clinthon kagabi. Napayuko ako sabay kagat ng sariling mga daliri. Huwag naman sana, siguradong pagagalitan nila ako ni Papa 'pag malaman nilang may kausap akong lalaki kagabi."Imposibleng ikaw nga 'yon, anak. Hating gabi na rin 'yon. Pero alam niyo ba?" Sabay kaming napatingin nina Papa at Brayson kay Mama nang pabagsak niyang binitawan ang hawak niyang kubyertos. "Kinilabutan ako sa nakita ko kagabi. Nagbanyo kasi ako, nang pabalik na ako sa kwarto, may anino ng tao akong nakita riyan sa kilid ng tarangkahan natin," ani Mama habang tinuturo ang labas ng bahay namin."Ano?! Baka may masamang tao sa labas kagabi, Amanda. Ba't hindi mo ako ginising?" Binitawan ni Papa ang hawak na kubyertos sabay nag-alalang tiningnan si Mama. Na

  • Jeepney Love Story   One hundred two Trip:

    "Almhera, I'm so sorry for everything. Hindi ako naging mabuting kaibigan sa 'yo," naluluhang wika ni Giovanni sa akin. "Imbes na ako ang humarap sa mga problemang ako ang rason. Ikaw pa itong nasaktan at nahirapan nang dahil do'n. I'm so sorry, Almhera." Sa unang pagkakataon, nakita kong umiyak si Giovanni sa harap ko at ako pa rason no'n. Hindi ko nakakalimutan ang mahigpit niyang yakap nang yakapin ko siya para tahanin sa pag-iyak. Malalim akong napabuntong-hininga. Naaawa sa sitwasyon ni Giovanni. Pinapanalingin ko na lamang na sana'y matanggap siya ng pamilya niya kung ano siya. Sana'y mahanap niya na ang kanyang kasiyahan at kapayapaan. "Almhera, tapos ka na ba sa paghuhugas ng pinggan— Jusko! Ano ka ba naman, Almhera! 'Yong tubig umaapaw na o." Natataranta akong napatingin sa lababo. Umaapaw na nga ang tubig. Hanggang sa sahig ng aming kusina ay basang-basa na. "Pasensya po, Mama. Hindi ko po napansin—""E kasi namam, KDrama na

DMCA.com Protection Status