Share

(14) Want to take him

Chapter 14

SIMULA NANG ipinag-drive ni Snow si Satsuto pauwi sa kadahilanang hindi ito makapag-drive dahil sa kamay nitong may sugat, ginawang GO signal iyon ni Satsuto para umpisahang mapalapit sa binata. Nang mga sumunod na araw ay palagi nitong binabati si Snow ng magandang umaga, tanghali at ingat tuwing uwian kahit na sinusungitan lang naman siya nito.

Ilang beses na ring sinubukan ni Satsuto na kausapin si Snow pero sadyang suplado ang binata, itinuturing lang siya nitong parang hangin na hindi nakikita o naririnig man. Pero hindi sapat iyon para sumuko si Satsuto, lalo na at hindi niya pa nakukuha ang gusto niya.

"Ingat, Snow!" sigaw ni Satsuto mula sa 2nd floor sa may koridor, tapat ng room nila nang mahagip ng mata niya si Snow. Napangiti si Satsuto ng makita niya kung paano napaigtad ang binati.

Napahigpit naman ang hawak ni Snow sa bag niya. Palihim na nga siyang umalis, sinigurado niyang nasa blind spot siya ni Satsuto pero hindi siya makapaniwala na nakita pa rin siya
pyarirish

your feedbacks was highly appreciated and thank you for waiting to the updates of this story~

| Like
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status