Share

(3) I could not turn away,

Chapter 03

“FUENTES MAY problema ka ba? Hindi maganda ang mga nakuha mo sa exam.”

 

Tanong sa ‘kin ‘yan ni Sir Hernandez pero hindi ko naman inaasahan na ang hindi magandang ‘yon ang maghihila sa ‘kin papuntang pangalawa. Masyado akong nakampante.

 

Wala ako sa sariling lumabas ng classroom dahil sa hiya. Gusto kong mapag-isa at mag-isip kung paano nangyari lahat ito. Tangina! Wala pa ‘kong nadalang lollipop, mas lalong nakaka-bad trip. Pero… paano ako naging pangalawa? Masyado ko na bang napapabayaan ang pag aaral ko? Bakit ko ba napabayaan ang pag aaral ko? Bakit ko pinabayaan? Anong nangyayari sa ‘kin? Hindi ko maisip kung anong dahilan---

 

Bigla akong napaupo sa lupa habang malalim ang iniisip at nag lalakad papunta sa kung saan man ako dalhin ng aking mga paa. Doon lang ako natauhan ng may makitang itim na cellphone na nasa lupa. May nabangga pala ako. Inabot ko ang cellphone na malapit sa akin, pero biglang kamay ang nahawakan ko. Itinaas ko ang tingin sa may ari ng kamay na naunang umabot sa cellphone at parang nagulo ang buong sistema ko sa sobrang inis ng makilala kung sino ang nasa harap ko ngayon.

 

Agad na bumalik sa utak ko lahat ng mga katanungan na gumugulo sa aking isipan kanina. Tama, iisa lang naman ang sagot sa mga tanong kong iyon. Si Snow Benesisto ang may dahilan kung bakit ako nagkakaganito dahil sa sobra kong pagkainis sa buong presensya niya.

 

“Fuck!” bulong niya saka mabilis na binawi ang kamay niya. Bigla niya ako sinamaan ng tingin habang hinihimas himas ang kaliwang kamay niyang nahawakan ko kanina. Parang galit na galit siyang nahawakan ko ang kamay niya. Natawa ako ng mahina at napangisi. Hindi ako makapaniwala sa reaksyon niya ngayon at bago ko pa sabihin ang gusto kong sabihin sa kanya ay kumaripas na siya ng takbo papalayo sa akin.

 

Parang mas lalong lumaki ang bumabara sa lalamunan ko na sa sobrang sakit ay hindi na ako makahinga. Tangina naman kasi, sa lahat ng oras na makakabanggaan ko siya kung kelan pinaka bad trip ako.

 

Tumayo na ako sa aking pagkakaupo at pinagpagan ang lupa sa aking likudan. Muli akong naglakad ng walang patutunguhan. Hinayaan ko ang aking mga paang dalhin ako muli sa kung saan basta malayo sa malantod na mukhang titeng Snow na ‘yon. Hanggang sa napahinto ako sa tapat ng pinaka malaking puno dito sa garden. Itinaas ko ang aking kanang kamao at sinuntok suntok ang torso noon. Muli kong naalala ang itsura kanina ni Snow ng mahawakan ko ang kamay niya. Sinabi nga sa akin ni Mia na ayaw ni Snow na mahahawakan siya ng lalaki pero hindi ko naman akalain na ganoon katindi ang reaksyon niya. Parang may virus ako at mamamatay na siya kapag mas tumagal pa siyang malapit sa akin. Kinagat ko ng madiin ang aking ibabang labi habang patuloy na sinusuntok ng buong lakas ang walang labang matigas na puno.

 

It’s Snow’s fault.

 

Bigla akong natawa sa naisip. Kung hindi sana siya nag transfer dito... hindi sana mapupuno ng ‘siya’ ang isipan ko.

 

Mas lalo kong nilakasan ang aking pagtawa dahil sa kahibangan ko. Wala na akong madahilan sa nangyayari sa buhay ko ngayon kaya isinisisi ko kay Snow ang lahat ng ito.

 

Bigla ko muling naalala ang pandidiri ng mukha niya, ang mga kilay niyang nagsalubong at ang tingin niyang matalim sa akin. Tama... dapat ko siyang sisihin para gumaan ang loob ko. Dapat sinapak ko na rin siya kanina para mas gumaan ang loob ko. Naramdaman ko ang panginginig at sakit ng aking kanang kamay, ngayon ko lang nalaman kasi ngayon ko lang nakitang nagdudugo na pala ang kamao ko. Dinilaan ko ang aking labi at nalasahang nagdudugo na rin pala ang ibabang labing kinagat ko ng madiin kanina.

 

“Clinic,” bulong sa sarili saka muling naglakad papunta sa may Clinic. Basa pa rin ang lupa dahil sa pag-ulan, sunod-sunod ngayon ang mga pag-ulan na pumapasok sa Pilipinas at parang walang tigil. Nagpapahinga lang ang ulan ng isang oras tapos uulan na ulit. Mukhang hindi pa ulit sisikat ang araw bukas.

 

Malapit na ako sa may Clinic ng makasalubong ko si Nurse Euna na kakalabas lang ng Clinic.

 

“Oh? Fuentes,” tawag niya sa ‘kin saka siya napatingin sa kanang kamay ko. “Napaaway ka?”

 

Napatingin din ako sa kamay ko saka tipid na ngumiti. “Parang... ganoon na nga po.”

 

Napaaway sa puno.

 

Junior high school pa lang ay dito na ako nag-aral sa unibersidad na ito at isa ako sa mga magagaling na athlete noong junior high. Madalas ako sa clinic kasi minsan nababalian ako o kaya nasusugatan. Ako rin nagdadala sa mga kaklase kong masama ang pakiramdam kaya magkakilalang magkakilala na kami ni Nurse Euna.

 

“Kaya mo na namang linisin ‘yan, may aasikasuhin lang ako saglit. Mag pirma at sumulat ka na lang doon sa log book, ayos?” Tumango ako saka niya tinapik ang aking balikat at umalis.

 

Pumasok ako ng clinic at ibinaliktad ang plaka na nakadikit sa pintuan. Ibinaliktad kong CLOSE ang sign upang walang pumasok sa loob. Wala rin naman si Nurse Euna. Naisipan kong magpalipas oras muna dito hanggang umuwi ang lahat ng kaklase ko. Ayaw kong lapitan ako ng mga ‘yon at ipamukha sa ‘king pangalawa lang ako. Alam ko syempre na pangalawa lang ako, oo, nakita ko rin ang ranking at nakakainis na marinig ng paulit-ulit ‘yon. Masyado akong nakampante sa mga nakukuha kong score at hindi ko namamalayang may nakakalamang na pala sa akin.

 

Pumunta ako sa pinaka dulong kama kung saan may kurtinang nakatakip upang hindi makita ang nakahiga roon. Inayos ko ang pagkakatakip ng kurtina saka ako nahiga sa puting kama. Shit, nakalimutan kong bumili ng lollipop sa canteen. Hindi ako komportable kapag walang lollipop sa bibig ko kaya hintuturo ko na lang ang aking sinupsop. Mamaya ko na lilinisin ang sugat ko. Parang namamanhid na ang kanang kamay ko at tinatamad akong igalaw ito. Bumuntong hininga ako saka pumikit.

 

“Dugo.”

 

Nangunot ang aking noo at kinagat ang hintuturong nasa bibig ko. Mabilis na nagtayuan ang lahat ng balahibo sa aking buong katawan. Ano itong lamig na nararamdaman ko? At s-saka kaninong malamig na boses ‘yon? Ang alam ko mag-isa lang ako rito.

 

Napalunok ako ng biglang maalala ang mga kuwento-kuwento ng mga kaklase ko tungkol sa mga multong namamasyal dito sa buong school. Teka ano? Multo? Kailan pa ako naniwala sa mga multo-multong ‘ya---

 

Biglang gumalaw ang kamang hinihigaan ko. T-Tangina? Mas lalo akong nakaramdam ng takot tapos bigla pang humangin ng malamig. Putang ina lang ah? Paano nakapasok ‘yung hangin na ‘yon sa loob ng Clinic? Walang bintana rito!

 

Huminga ako ng malalim at humugot ng lakas ng loob upang imulat ang aking mga mata. Hindi totoo ang mga multo. Hindi talaga totoo! Pero ano ‘yung narinig ko kanina? ‘Yung pag galaw ng kama? ‘Yu-Yung malamig na hangin...

 

Kailangan kong kumpirmahin kung ano ‘yon kaya dapat kong imulat ang aking mga mata. Kaya ko ‘to.

 

“Dugo.” Mabilis kong iminulat ang aking mga mata ng may maramdamang naupo sa t’yan ko. Nabigla ako kaya hindi ako nakapag handa sa aking pag mulat p-pero ano itong nasa harapan ko!? Parang saglit na ninakaw ang paghinga ko ng makitang sobrang lapit ng mukha ni Snow sa akin.

 

Snow? Mas lalo lang akong nanigas sa kinahihigaan ko, at pati ang pagkabog ng aking dibdib ay mas lumakas! Sobrang lapit niya at amoy na amoy ko ang shampoo niya dahil sa buhok niyang malapit sa ilong ko. Ngayon lang ako naadik sa amoy ng pantene--- Gago! May mali na talaga sa ‘kin. Mukhang may nawawalang turnilyo na sa utak ko.

 

“Dugo,” sabi niya saka lumayo sa akin pero nakaupo pa rin siya sa t’yan ko. Napalunok ako at napaiwas ng tingin. Tch, bakit ba siya nakaupo r’yan, alam ba niya kung saan siya nakaupo? Parang ibang Snow ngayon ang nasa harapan ko kumpara sa Snow na diring diri sa paghawak ko kanina sa kamay niya.

 

“B-B-B-Bakit ka narito?” tanong ko. Tangina bakit ako nauutal? Tumagilid naman ang ulo niya habang hindi inaalis ang tingin sa akin. Naalala kong nasa bibig ko pa nga pala ang aking hintuturo kaya mabilis ko itong tinanggal.

 

“Kanina pa ako narito tapos bigla kang humiga sa tabi ko.”

 

“Ehhh?” Napatingin ako sa tabi ko at kita kong gulo nga ang kumot at higaan, pati ang unan ay nakayupi at mukhang may nahiga doon ng matagal.

 

Hindi ko siya napansin.

 

“Nagdudugo ang kamay mo.” Bigla niyang hinawakan ang kanang kamay ko at inilapit iyon sa may ilong niya. Pumikit siya habang inaamoy ang kamay kong may dugo. Hindi ako nakagalaw at pinapanood ko lang siya. Hindi ko napansin kanina dahil saglit ko lang naman nahawakan ang kamay niya pero para akong nanlalambot dahil sa malambot at malamig na kamay ni Snow.

 

“Lick it.”

 

Biglang nanlaki ang mata ko dahil pati ako ay nagulat sa sinabi ko.

 

“A-Ano--- ang ibig kong sabihin... ano...”

 

Si Snow naman ngayon ang napatigil at titig na titig sa akin. Damn, nag iilusyon lang ba ako o kumikinang ba talaga ngayon ang dalawang mata niya.

 

“B-Bakit?” tanong niya at umiwas ng tingin. Napaiwas din ako at binawi ang kamay ko. Bakit ko nga ba sinabi ‘yon? Kailangan ko na talagang hanapin ‘yung turnilyong nakalas sa utak ko. Hindi nag-fu-function ng ayos ang sarili ko. Bakit ko sasabihin ‘yon e kanina lang asar na asar ako sa kanya na gusto ko siyang ibalibag at itapon sa basurahan.

 

“Forget it. Mu-Mukha lang kasing... gusto mong...”

 

Holy crap! Bakit ako nauutal? May nakasanib talaga sa ‘king iba. At talagang nagdadahilan ka pa Satsuto Fuentes!? Ayusin mo sarili mo!

 

Pero paano ko aayusin sarili ko kung nakaupo siya sa t’yan ko! Tangina life ‘to.

 

Muling inabot ni Snow ang kamay kong sugatan at nagulat ako sa sunod niyang ginawa. Hindi na kumukurap ang aking mga mata ngayon dahil hindi pa rin ako makapaniwala sa nakikita, pinapanood ko siya ngayong parang tutang dinidilaan ang sugat sa kamay ko. Nakatingin pa siya sa ‘kin habang ipinapakita ang pag dila niya sa aking kamay. Napapalunok ako at hindi makapaniwalang nagugustuhan ko ang nakikita ngayon. Patuloy lang siya sa pagdila sa kamay kong may sugat at kung minsan ay sinusubo niya pa ang daliri ko. Kitang kita ko ang biglaang pamumula ng mukha niya habang bahagyang nakabukas ang mga mata niya.

 

Kinabahan naman ako sa biglaang pag init ng aking katawan dahil lang sa ginagawa ng dila niya sa kamay ko. ‘Cause fuck!? Bakit ang hot ng tingin ko sa ginagawa niya ngayon? Parang alam niya ang gusto kong makita at ang bawat kiliti sa kamay ko.

 

Nararamdaman kong may unti-unti ng tumitigas sa ibaba ko ng bigla siyang tumigil. Napansin kong wala na ang nagkalat na dugo sa kamay ko at namumula na lang ang mga natanggalan ng balat. Titig na titig ako ngayon sa kamay ko ng biglang hawakan ni Snow ang aking baba at dinilaan ang aking ibabang labi.

 

Oh shit. He caught me off guard.

 

Hindi niya lang basta dinilaan ang ibabang labi ko, sin*psip niya pa ito. Bigla kong naalala na nasugatan ko nga pala kanina ang ibaba kong labi. Hindi ako agad nakakilos at parang ipinoproseso pa ng utak ko ang sunod-sunod na mga nangyayari, hanggang tumigil na akong mag isip. Kahit anong gawin kong pag iisip ay hindi ko maintindihan ang mga nangyayari hanggang gumuhit sa aking labi ang misteryosong ngiti, niyakap ko ang bewang ni Snow at mas hinila siya papalapit sa akin. Iginalaw ko ang aking labi at inangkin ang kanya. Ngayon siya naman ang nagulat.

 

Hindi rin iyon nagtagal at bigla akong itinulak ni Snow papalayo ng marinig namin pareho ang pag bukas ng pinto ng clinic. Mabilis siyang bumaba sa ibabaw ko at tumakbo papaalis.

 

“Oh? Snow? Saan ka pupunta hoy!” rinig kong sigaw ni Nurse Euna.

 

Mabigat pa ang aking mga paghinga habang nakatingin sa puting kisame. What the heck was that? Parang sasabog ang puso ko ng maramdaman ko ang lambot ng kanyang labi.

 

Natawa ako ng mahina. Does... he seriously likes blood? Like a vampire. Napangisi ako at dinilaan ang aking labi. “Taste like apple.”

-

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status