Share

(2) Awake and roused,

Chapter 02

LUMIPAS ANG mga araw na naging linggo, noong una pasulyap-sulyap lang ako sa upuan ni Snow dahil naiirita ang tainga ko kapag naririnig na nakikipagtawanan siya sa mga babae. Hindi ko alam kung bakit pero kumukulo ang dugo ko kapag nahahagip siya ng mata ko, nahihirapan akong iiwas ang tingin ko sa kanya dahil sa inis. Ngayon ay naging hobby ko na ata na panoorin ang bawat kilos ni Snow, na para bang hinihintay kong may mangyaring masama sa kanya at tawanan siya ng malakas habang hawak-hawak ang aking t’yan.

 

Ilang linggo pa lang siya rito at marami ng lalaki ang naiinis sa kanya, isa na ‘ko ro’n. Napansin ko rin na marami ng sumubok lumapit sa kanyang mga lalaki na gustong makipag kaibigan pero parang may malaki siyang barrier at plaka sa noo na huwag siyang kausapin, wala siyang pake dahil babae lang ang gusto niyang kausap. Oo, palagi siyang napapaligiran ng mga babaeng nag gagandahan at halatang halata na inaakit si Benesisto. Pero kahit ano pang ganda ng babaeng katabi ni Benesisto, ay walang tatalo sa nakakainis at nakakairitang gandang lalaki niya.

 

Noong simula pa lang, naalibadbaran na talaga ‘ko sa pagmumukha ni Benesisto. Hindi ko naman akalain na malandi siya. Mukha siyang inosente pero pilit na pilit naman ang tawa niya. Ganyan ba niya kagustong mapaligiran ng mga babae? Pipilitin niya ang sarili para lang hindi siya mapag isa. Nakakaawang haliparot.

 

At isa pang nakakainis ay hindi ko magawang hindi siya tignan sa buong maghapon. Patayin ko na lang kaya siya para hindi na siya pumasok pa at ng hindi ko na siya makita pa para naman makapag focus ako sa pag-aaral ko. Saka dapat lang sigurong itumba ko na ‘tong si Benesisto. Inagaw niya ang puwesto ‘ko bilang pinaka guwapo.

 

Tch! Lamang lang naman siya ng ilang pisong halaga ng sabon. Safeguard lang naman kasi sabon ko, e siya mukhang may vicky belo pang nagpapaligo.

 

“Mahirap na hindi siya pansinin.”

 

“Yeah,” wala sa sarili kong sagot saka inilagay sa aking bibig ang bago kong binalatan na strawberry lollipop. Napaigtad ako sa kinauupuan ng makitang nakatingin pala sa akin si Mia na nakaupo sa harapan ko.

 

“A-Anong ibig mong sabihin?” Pilit ko siyang nginitian. What the heck, sana hindi niya nakitang nakatitig ako kanina kay Benesisto.

 

“Mr. President, it’s so obvious that you’re into him.” Ngumisi siya.

 

“Luh! Gusto mong mag uwi ng bunot?”

 

“Hoy! Huwag mong lalagyan ‘to!” Niyakap niya ang bag niya saka isinabit na lamang sa may upuan sa harap niya dahil sa takot. Alam niya kasing gagawin ko talaga kasi ilang beses na siyang nakapag uwi ng bunot.

 

“Sinasabi ko sa ‘yo, hindi ko siya gusto,” pangungumbinsi ko sa kanya pero mukhang ayaw niya talagang maniwala at mas lumawak pa ang ngisi sa mukha niya.

 

“Mr. Satsuto Fuentes, hindi ko naman sinabing gusto mo siya. Halata ka rin e ‘no?”

 

Pumilas ako ng papel sa notebook ko saka kinuyom at itinapon sa kanya.

 

“And I’m just telling you na I will never like him. He’s an eyesore.”

 

“Eyesore ba talaga o baka naman nagseselos ka lang.” Sinundot sundot niya ang balikat ko. Bumuntong hininga na lang ako at hindi na siya pinansin. Hindi ko na alam gagawin sa babaeng ‘to.

 

Bigla siyang tumawa ng malakas at hinahampas hampas naman niya ngayon ang balikat ko. Konti na lang talaga papatulan ko na ‘to.

 

“Ayos lang kung in-denial stage ka pa Mr. President pero itigil mo na ‘yan bago ka pa mas mahulog sa kanya. Hindi magandang ma-involve kay Snow.”

 

“And why?” Tinanggal ko ang lollipop na nasa aking bibig. Bigla na naman siyang ngumisi ng nakakaloko kaya muli ko siyang iniwasan ng tingin at kunwari ay hindi pinansin ang sinabi niya. Damn this girl.

 

“Kaklase ko si Snow noong Grade 7 sa Cavite...”

 

Wow, that’s new. Pero hindi ko pa rin siya tinitignan at pakunwaring hindi nakikinig sa sinasabi niya habang sinusupsop ang aking lollipop.

 

“Lagi siyang napapaligiran ng mga babae noong simula pa lang at ayaw niyang lumapit o makipag-usap sa mga lalaki, napaka misteryoso niya kaya hindi ko alam ang dahilan. Babae rin ako kaya minsan napapasama ako sa circle niya kapag hinihila ako ng mga kaklase ko dati. Hindi naman siya malambot, magaling siyang makisama at medyo maharot kaya maraming lalaki ang naaasar sa kanya dahil kay Snow lahat lumalapit ang mga babae. Siya kaya ang pinaka kahulugan ng panaginip ng lahat ng babae.

 

“Hanggang sa isang araw, kakabalik lang namin sa room galing court dahil doon kami nag practice for folk dance. Then nadatnan na lang namin si Snow at ‘yung isa naming kaklaseng lalaking matagal ng sinusubukan kausapin siya pero bigo lagi, nasa may likuran sila noon ng room. Nakasandal ‘yung kaklase naming lalaki sa bulletin board habang nasa harapan niya si Benesisto at kinakagat ang leeg niya. Naalala ko pa ang mga mata ng kaklase ko noon. Takot na takot siya. Mabuti na lang at nakabalik kami agad sa room dahil namumutla na ‘yung kaklase namin at mabilis na naawat ng teacher si Benesisto sa ginagawa niya. Pagkatapos noon hindi na pumasok muli si Benesisto kaya nagulat ako ngayon kasi nakita ko ulit siya. Mukhang ayos na naman siya at mas lalo lang siyang gumwapo. Parang Edward Collins!”

 

Parang nanigas ang aking buong katawan sa narinig kong kinuwento sa akin ni Mia. Tama ba ang lahat ng narinig ko?

 

Bigla kong naalala ang kuro-kuro ng mga kaklase ko noong junior high school ako. Narinig ko ngang may insidente raw na ganoon noon, pero hindi ko naman alam na totoo pala iyon. Muli kong ibinaling ang tingin sa puwesto ni Snow na bahagyang nakikitawa sa mga babaeng nakapaligid sa kanya. Akala ko gawa-gawa lang ‘yon ng mga papansing babae sa room namin. Pero ngayon, base sa ikinuwento sa akin ni Mia, nakikita ngayon ng dalawang mata ko ang katotohanan sa kuro kurong iyon.

 

“Sabi ng Adviser namin noon na may sakit si Snow kaso nakaalimutan ko ‘yung tawag. Ano nga ba ‘yon... ‘yung nainom ng dugo---”

 

“Clinical vampirism. Renfield’s syndrome,” pagputol ko sa kanya.

 

Bigla humataw ng isang malakas na palakpak si Mia. “Oo ‘yon! Haha! Tignan mo, nakinig ka rin sa kuwento ko!” Tuwang tuwa siya ng lumingon na ako sa puwesto niya.

 

A mental illness characterized by an obsession with drinking one’s own blood and the blood of other humans and animals.

 

Heh... look what we have here. Isinapo ko ang kanang kamay sa bibig dahil sa hindi ko mapigilan ang aking pag ngisi. Maybe it’s because there is a rare treasure in front of my eyes, and I... desire it.

 

Mabilis na nangunot ang noo ko. Wait--- what? Did I just think right now?

 

***

“ANO? KAMUSTA grades ninyo mga ugok?” bati ni Nathaniel na kakarating lang dito sa may quadrangle at may hawak siyang malaking pic-a na kinakain niya habang naglalakad papalapit sa amin.

 

“Don’t know yet,” tipid na sagot ni Clyde.

 

“Ngayon nga pala ‘yon ‘no? Hindi ko pa rin alam,” sagot ko naman.

 

“Wow naman Mr. Scholar, hindi nangangamba sa grades. Well, kahit kami siguradong with high honors at rank 1 ka,” sabi ni Dexter na busy sa paglalaro ng ps4 niya. Napangiti naman ako kasi kahit busy siya nagawa niya kong i-compliment.

 

“Tapos ka na sa assignment mo sa General Physics ‘di ba? Patulad,” dagdag niya.

 

Mabilis akong napangiwi. Kakalimutan ko na lang na napangiti niya ako sa sinabi niya noong una.

 

“Managinip ka ng gising,” sarkastiko kong sabi.

 

Hindi naman sa hindi ako nangangamba at hindi naman sa sigurado ako, hindi ko lang talaga naalala na ngayon nga pala ang bigayan ng grades. Dumiretso kasi ako agad sa court pagkakain ko ng lunch dahil ayaw kong makita ang nakakaurat na pagmumukha ng Benesistong ‘yon. Pumunta ako rito para maglaro at alisin siya sa pag iisip ko.

 

“Kahit na ba, hindi mo ba titignan sa room niyo kung anong average mo?” tanong ni Nathaniel saka tumabi sa ‘kin paupo dito sa may bench sa quadrangle. Mag-a-ala-una na ng hapon, hindi ko nasabi kay Mama na ngayon ang bigayan ng card pero siguro ayos lang naman na ako na mismo ang kumuha.

 

“Oo nga babalik na ko,” sabi ko at saka tumayo. Malakas ko munang binatukan si Dexter para guluhin ang seryoso niyang paglalaro at mabilis na tumakbo papalayo sa kanya. Narinig ko pa ang malakas niyang pagmumura habang papalayo ako pero hindi na niya ko inabala pang habulin at nakita kong mas bumilis ang pagdutdot niya sa ps4. Mukhang muntik na siyang natalo, natawa ako ng mahina sa naging reaksyon niya.

 

Bumalik na nga ako sa room at nakitang ipinamamahagi na ni Sir Hernandez ang mga card sa may guardian na narito sa room. Ang mga kaklase ko naman ay nagkakagulo sa gilid ng black board kung nasaan panigurado ang listahan ng rank namin. Lumapit ako roon pero hindi pa man ako nakakalapit ng tuluyan ay nakita ko na ang pangalan ko sa pangalawang puwesto.

 

Kinabahan ako sa nakitang resulta.

 

“Pre pangalawa ka lang. Anong nangyari sa ‘yo?” puno ng pangangambang tanong ni Gelo na napahawak pa sa kaliwang balikat ko. Nginitian ko siya ng tipid at mahinang tumawa.

 

“Mas mataas pa rin naman rank ko sa ‘yo,” sabi ko.

 

“Hindi ka ba magrereklamo? Alam ko namang mas matalino ka kaysa kay Malabanan.”

 

Oo, si Mia Malabanan nga ngayon ang nangunguna sa amin. High Honors kaming dalawa pero pangalawa lang ako. Hindi ako makapaniwala. 0.01 lang ang lamang niya. Napalunok ako dahil parang may nakabarang ewan sa lalamunan ko.

 

“Magrereklamo ako kung tangang katulad mo ang nakaungas sa ‘kin.” Tinanggal ko ang kamay ni Gelo saka lumabas ng room. Napansin ko pang nakatingin sa akin ang iba naming mga kaklase na nagbubulungan din at mukhang nagulat sa isinagot ko kay Gelo. Parang nawala lang talaga ako sa mood bigla, nakalimutan kong puwede nga palang dumating ang araw na ganito. Na magiging pangalawa ako.

 

Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari. Hindi pa ko nagiging pangalawa dati kaya hindi ko alam ang dapat gawin. At saka... 0.01? Seryoso?

-

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status